just got back last saturday from our cebu-bohol trip . i miss bohol already

super ganda ng place lalo na sa virgin island. sayang lang kasi high tide kaya nakalubog yung sand strip. weather was perfect, makulimlim pero hindi umulan. downside lang during our sea tour was walang dolphins

, maalon daw kasi. sobrang looking forward pa naman ako don. i'm glad hindi nagbago isip ko kay kuya RJ, he is super nice, kalog and smart. nasulit namin city tour kasi maaga kami dumating ng bohol. we've been to chocolate hills, shiphaus, butterfly center, tarsier conservatory, hanging bridge, zipline, loboc river, baclayon, man-made mahogany forest, prony the python, approniana souvenir shop, hinagdanan cave and blood compact shrine. sabi ni RJ para sa kanya latest time magandang mag-start the city tour is 10am, pag 11am may mga masa-sacrifice na. yung pinadala nyang driver to take us to the port is nice and funny rin, si mang bert. try nyo rin mga sis yung siopao sa may tindahan (forgot the name) papuntang hinagdanan cave, not sure if all guides alam yon pero sabi ni RJ don daw nila usually dinadaan mga bisita pag gusto nila magmeryenda. masarap yung siopao and its cheap, 15php lang. mga sis 1pm ata ang last trip ng Riverwatch Floating resto sa Loboc river so take note kung gusto nyo dito mag-lunch. maraming ibang resto pero sabi ni RJ, sa Riverwatch mas sulit ang 300 mo and masarap ang food (i agree!)
nga pala mga sis, sa Balicasag if ever sa may bandang malayo nag-park and boat nyo and walang free snorkel gears na included sa tour, try nyo lang lakad-lakad konti going to your right (facing the island). kanya-kanya kasi ng kakilala mga boatmen sa nagpapa-arkila ng snorkel gears kaso 150/head pag mejo malayo plus another 150/head for the guide/boatride going to the snorkeling area. pero pag malapit na sa area kayo nagtanong, 100/head na lang ang gears and 100/head na lang din sa guide. dala rin kayo marami tinapay (skyflakes or any bread na matigas) to feed the fish, sobrang magpupuntahan talaga sila sa inyo pag pinakain nyo sila, ang ganda!
okay naman for us ang dumaluan beach resort 2. the room was nice and homey (deluxe). the place is so peaceful and relaxing, low tide nung bandang hapon ng day 2 namin kaya super lawak ng shoreline. they just have to improve on their breakfast menu talaga. sabi ni hubby, masarap naman mga luto nila dagdagan lang sana menu. like may nakasabay kaming guest na hindi kumakain ng pork, eh tocino, egg and chopsuey lang nakahain so nagrequest sya ng danggit. we also ate at DBR grill (just beside DBR2) as reco na rin ng mga sis kasi mahal nga sa resto ng DBR2. nag-day tour din kami ni hubby sa Bohol Beach Club plus lunch buffet, pricey pero for me its worth it. super sarap ng blueberry cheesecake nila.
planning on going back to Bohol, this time with my whole family. super ganda talaga! I LOVE BOHOL!!!

sorry sa mahabang post mods, na-excite lang talaga ko i-share experiences ko
