sis thebratinella, disappointed talaga ako sa driver ni kuya tatsky na si Michael, hinde nya iniisip yung guest nya.,dinala nya kami sa mga place kung san madali or may kikitain cia ( siguro) kasi lagi nya nilalapitan yung sa entrance eh, nakakainis talaga, paano gagawin namin wala naman kami alam sa bohol, hinde nya kami dinala sa loboc mini zoo instead dun nya kami dinala sa agape x zootic animal farm which is wala ka naman makikita gaano na animals may entrance fee of P15/pax hinde nya din kami dinala sa bridge, ang nagmamadali cia sa time, akala naman namin dapat talaga magmadali samantalang kay kuya tatsky and duns a ibang driver na naghatid sa amin from hotel to airport mga 8-9 pm na daw sila natatapos and nag start sila ng 7 am, hingi ng hingi sa akin ng sorry si kuya tatsky nung nag text ako sa kanya about sa bridge, sa butterfly, sa bohol bee farm na wala kami ginawa kundi kumain ng icecream and sabi ni michael ok na daw yun, sabi ko wait muna baba kami dun sa dulo pero sabi nya wala naman daw makikita dun

and last stop na daw namin yun @ 5pm tapos na kami. Sabi nya bumalik nanaman daw sa dating way si michael kaya aalisin na daw nya, sabi ko hinde ko naman request na alisin kasi nakakaawa naman pero nakakainis talaga, pwede din pala na walang tour guide dun sa cave, akala kasi namin malawak at may mga iba pang pupuntahan, yung pala cave lang na hinde naman kalakihan na mawawala kami sa loob, sabi nya bigyan ko daw ng tip, sabi ko sa kanya, kuya michael, then dun naman sa chocolate hills he insisted na magpakuha kami g picture with walis bigla nya stop dun sa ibaba bago umakyat ng chocolate hills pero sabi ni hubby no wag na kasi makikita naman namin dun sa taas, feeling ko naiinis cia kaya siguro hinde nya inayos yung tour namin, nawala naman sa loob ko yung bridge naalala ko lang nung andito na kami sa house, hinde nya talaga kami dinala dun. Meron cia sinabi na dun lang daw kami mamili ng pasalubong sa cousin nya, sabi namin sige ok lang recommended nya eh and para na rin ayusin nga nya tour sa amin pero wala parin, for me sarili lang nya inintindi nya.
After the tur hubby gave him parin ng tip total of P400, 100 for his food during loboc cruise namin sabi nya sa cari na lang daw cia eat which is carinderia, and P300 nung nahatid na kami sa hotel.
Sabi ni kuya tatsky, nangangako daw cia na pagbumalik kami cia na ang mag tour sa amin with free tour,lunch and entrance , I'm not blaming him naman kasi fault yun ng driver nya kaso kasiraan na din naman yun.
yes, it's true medyo mahal nga ang sea tour namin kasi nga 1600 hiningi sa amin ni kuya tatsky from alona kasi yung 1600 from dumaluan daw dapat yun.
Sis, I'm not telling you naman na wag na kay kuya tatsky, pero i suggest na wag si Michael ang driver.
Ito pa pala isa...magkatxt kami ni kuya tatsky night before flight namin to tagbilaran, sabi nya text ko sa kanya arrival namin and I texted him naman, sabi nya andun na nga yung sundo namin sa airport by that time, pero hanap ako ng hanap wala naman banner or signage so i call him, sabi nya ay sorry today pala dating nyo

OMG eh ka text ko lang cia night before, ayun medyo nag antay saglit kami with our kids na pawis na pawis na. Inisip ko na lang sa sobrang dami ng guest nya nalilito na cia, pero mabait naman talaga kausap at mabilis sumagot kahit nung nasa bohol na kami sagot cia agad sa text/call.
ang haba ng post ko pero dami ko pa like i-share.
I just want to share lang kasi baka matapat sa inyo si michael.
But super enjoy parin naman kami sa Bohol Trip namin.