watch now

Author Topic: i dont want him to go..but have to..  (Read 16907 times)

najine

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #20 on: March 05, 2012, 06:26:43 pm »
Girls,

Lets not be judgemental. para bang nadapa na lalo nyo pa dinadapa yung tao. yes, you may not think of any kind words to say but still its not appropriate to say things like that. not because you didnt felt the way she did means you're far better than her db?

kaya nga "fall" in love eh means hindi plinano it just happened db?
lets not take side instead lets help her stand up again. she needs someone to talk to, enlighten her not to discriminate not to judge her db? thats precisely why she chose to post here because she believes that we're matured to understand.

lets just be thankful na wala tayo sa situation nya ngayon. my SISTER tayo na nangangailangan ng tulong then lets lend her a helping hand. This is my opinion lang po pls do not take it against me. :)

Sis Mio,
I know you have a sound mind to understand the situation. please wag ka magpadala sa emotion mo coz in the end ikaw din talo. coz if he is really serious sayo he wont go back to his wife. but the fact that he DID means he just took the opportunity to take advantage of you.

minsan ka ng nadapa hahayaan mo bang lalo kang lumubog kung my pagkakataon ka naman umahon? alam ko mdali magsalita pero mahirap gawin but in the end wala naman ibang makakatulong sayo but yourself. we can only give advice but still ikaw pa rin ang magdedesisyon sa palagay mong tama at mali.

wag kang pabulag sa panandaliang kasiyahan kung kapalit naman habang buhay na lungkot. wag mong hayaan my madamay pa na inosenteng bata. kung ikaw nga hindi nya mapanindigan how sure are you he wont forsake the child?

Just Pray to God to lead you to the right path. Be strong!


sweet_cherry

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #21 on: March 05, 2012, 08:13:11 pm »
^ I agree with you sis. Try mo magdasal, join a prayer group, go out with your friends , magpaganda, keep yourself busy para maghiga mo sa kama masyado ka ng pagod to think of him

KaraVT

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #22 on: March 05, 2012, 10:44:31 pm »
^Oo nga, magdasal para maliwanagan. 

But really, the truth hurts; you just have to suck it in.

Filipinasadhart

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #23 on: March 06, 2012, 01:39:27 pm »
^Oo nga, magdasal para maliwanagan. 

But really, the truth hurts; you just have to suck it in.


Agree...  Prayers lang talaga. Forgive Pray and Forgive


bear_touch

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #24 on: March 06, 2012, 03:47:50 pm »
Nice story... ;D

najine

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #25 on: March 07, 2012, 12:48:55 pm »
Hindi na bumalik si Sis Mio but I wish she finally made the right choice.  :)

justin3

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #26 on: March 08, 2012, 04:01:18 am »
nandyan lang yan sa tabi-tabi monitoring her thread, naka log using her original handle. ;D

hi sis "S"! how are you? ;)

KaraVT

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #27 on: March 08, 2012, 11:42:14 am »
Laughable.  :D

I wonder - JUSTIN3, how many times a person needs to hear what she is doing is, to put it mildly, "inappropriate"  before she corrects her wayward path?  Sometimes, the capacity to knowingly continue suffering is well, laughable too.   I really can't label it as "worthy".   My apologies, no malice  intended. 

physicaldump

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #28 on: March 09, 2012, 08:28:28 am »
Wah! Inlove na ako sobra! Hirap naman mag move on kung kailangan talaga. Sana....

kaiz

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #29 on: March 18, 2012, 02:07:57 am »
nandyan lang yan sa tabi-tabi monitoring her thread, naka log using her original handle. ;D

hi sis "S"! how are you? ;)

OT but pano mo nalaman sis? curious lang ako pano nalalaman.. pansin ko kasi ang gagaling ng mga taga GT manghuli  ;D

babygirl25

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #30 on: March 19, 2012, 11:59:13 am »
sakit yan ah. ask yourself, do you deserve all the pain?

mahal na kung mahal, you know him better. ikaw ang makakapagsabi nyan. my question is, kaya nya bang panindigan?

sa lahat ng kwentong kabit at 3rd party, yung lalaki laging bumabalik dun sa pinakasalang babae. at ang sad dito laging tayong mga babae ( kabit or legal wife ) ang laging nasa losing end.

eto pang tanong ko sis, ano na plan mo ngayon? kahit kasi anong advice dito, at the end of the day, ikaw pa rin ang masusunod eh.

jasme1211

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #31 on: March 08, 2019, 10:34:43 am »
Sana sa akin din may pumukpok. I'm trying to get over a failed relationship. actually, di nga relationship yung tawag eh. I've been a mistress for 8 years. officemates kami. ngayon, may bago na siyang iba. super close friend ko pa. Pareho din sila may asawa. I know I deserve this, lahat ng nararamdaman ko, yung sakit kasi kasalanan ko lahat. Pinasok ko eto na alam kong mali.

pero sa totoo lang, nandun yung everyday nageexpect pa rin ako na magmemessage siya at sasabihin niyang ayusin na namin. ang t**** t**** ko lang diba. at ang sama sama ko, kasi pareho kaming may asawa. lahat kami may mga asawa, may mga anak. isama mo na yung bago niya ngayon na super close ko.

tanong ko rin yan sa sarili ko ngayon, may pagasa pa ba ako? alam ko na tigilan ko na dapat pero eto ako umaasa pa rin. I lost the battle, I can go home to where I really belong, my husband and my daughter. Pero umaasa pa rin ako na maayos kami. Pakiuntog nga ako, kahit masasakit sabihin niyo ok lang kasi deserve ko yun. baka yun nga ang kelangan ko para makaalis na ng tuluyan sa pagasang babalik pa siya.

dapat nga magpasalamat ako kasi di naman kami naeskandalo, hindi nalaman ng pareho naming asawa.i'm free from sin, sa mga pagtatago. silang dalawa naman nung friend ko angmagtatago. pero bitter lang ang peg ko.

three8one

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #32 on: March 26, 2019, 06:28:32 pm »
^ ready ka ba talaga? may alam kasi ko, last time na may nag open dito (hindi pa naman sya talagang kabit ah) at nanghingi ng advice parang na war shock eh. hanggang ngayon di pa nabalik dito. hehe!

anyway, ngayon nakawala ka na sa madilim na kinasadlakan mo, time for you na makabawi. unang una sa asawa mo, sa anak mo, sa pamilya mo. wag mong sayangin ang pagkakataon. in short wag kang t**** tangahan (sori  ;D) tingin ko naman nasa 1st stage ka na nag pag momove on, kung sincere ka sa pag accept na nagkamali ka sa mga nagawa mo, okay yan. alam mo naman totally ang dapat mo gawin eh, nasabi mo na sa post mo. isipin mo na lang kelan ka pa magbabago? pag nahuli na kayo/kana ng mga asa asawa nyo? respeto na lang doon sa mga biktima na walang ka alam alam. kaya ma'am, minsan ka na nagkamali wag mo naman hayaan pang malubog ka pa ng bongga na halos wala ng matira sayo kahit na kapiranggot ng pride at dignity.  ;)

--------------

PS,

makapag ready na nga uli ice candy at lumpia  ;D


plumpolka

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #33 on: March 26, 2019, 07:16:39 pm »
^^focus on what you will gain rather than on what you lost.


my line ko from the bible nung nagbreak kami ng ex ko
Romans 8:18 "The pain that you've been feeling, can't compare to the joy that's coming."


always remember that and enjoy your life now kasi you're finally free  :D

tomatostellar

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #34 on: March 27, 2019, 02:10:03 am »
^ ready ka ba talaga? may alam kasi ko, last time na may nag open dito (hindi pa naman sya talagang kabit ah) at nanghingi ng advice parang na war shock eh. hanggang ngayon di pa nabalik dito. hehe!


parang alam ko kung aling thread to bro! 

khaleesiCersei

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #35 on: March 27, 2019, 09:07:06 am »
Dito ko pala dapat pinost yung sa kabilang thread eh hehe..

Parang sobrang wala nang bearing yung may pamilya ka these days. Yung may asawa at anak ka. Parang hindi na nangingimi ang mga tao na i-betray ang family nila para sa sariling kaligayahan.

Parang boring na yung tahimik at masayang pamilya, maghahanap pa ng iba at gagawin pang komplikado ang mga bagay bagay para siguro maging mas exciting or for them to feel alive siguro.

Tulad na lang ng kwento ni sis, lahat ng involved sa story niya may pamilya. Silang lahat may asawa at anak pero parang mga palamuti lang yung family nila sa storya nila.

 Parang the family are not real people with real feelings kasi mas focused sila sa sarili nilang feelings. Hanggat hindi nahuhuli sige lang. What they dont know wont hurt them ika nga. Bahala na si batman.

I mean how do you do that? How do you live like that? Curious lang ako pano kayo nag spend time with your family na happy happy kayo etc tapos may jowa kang iba? And vice versa how can you be happy being with someone, spending stolen moments with them knowing na may mga sarili kayong pamilya na uuwian?

Yung mga single na kumakabit sa asawa i mean i get them, kasi wala naman silang obligasyon. Its easy for them. Pero yung may sarili ka nang  pamilya tapos para ka lang single kung umasta yun ang hindi ko gets hehe

tomatostellar

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #36 on: March 28, 2019, 12:31:54 am »
^ agree 100%

Sana pwede na kasi divorce, para ang mag stay na family lang eh yung mga committed talaga sa pamilya nila
yung mga gusto mag landi, mag pasapasahan sila, bahala kayo dyan! 

khaleesiCersei

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #37 on: March 28, 2019, 07:39:56 am »
Di ba?? Haha im sorry pero medyo natatawa din kasi ako sa mga pabebe emote na ganyan, akala mo single kung maka emote eh may pamilya na. Kasal pa. Agree, kung hindi ka kuntento sa asawa mo at gusto mo pa maglandi, leave. At kung hindi mo naman pala kayang panindigan ang sinumpaan sa dyos na maging faithful at loyal eh wag magpakasal.

three8one

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #38 on: March 28, 2019, 12:52:38 pm »
parang alam ko kung aling thread to bro!

 ;D (whisper) nananahimik na sya ma'am. baka ni push na nya???  ::)


Sana pwede na kasi divorce, para ang mag stay na family lang eh yung mga committed talaga sa pamilya nila
yung mga gusto mag landi, mag pasapasahan sila, bahala kayo dyan! 

wag naman ma'am (muna?.?!) hehe. meron pa rin naman na mga nagkamali lang talaga na hoping and willing na maayos at maitama yung pagkakamali na nagawa eh.

love the sinner hate the sin. madaling sabihin pero mahirap gawin, good thing lang is pwedeng gawin.

At kung hindi mo naman pala kayang panindigan ang sinumpaan sa dyos na maging faithful at loyal eh wag magpakasal.

yes! agree ako sayo dito ma'am khaleesi.. plus 1  :D

jasme1211

  • Guest
Re: i dont want him to go..but have to..
« Reply #39 on: April 03, 2019, 07:28:54 pm »
Salamat sa mga reply. Alam ko naman na sobrang mali. Kahit ako ayoko ng ginagawa ko. Pero hindi ko rin alam bat nagagawa ko.  Kung meron nga lang gamot na pwedeng inumin para bukas hindi mo na kilala yung tao eh binili ko na.

Tama rin na masyado ako mag emote to think na may pamilya na ako. Pero may emotions involved, mali or tama may feelings ka kaya nasasaktan ka.

Nung nabasa ko mga reply niyo, first time ko nakaramdam ng discomfort. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang mga comment. Wala  nakakaalam kasi kaya parang di pa naiisip mga consequence.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close