watch now

Author Topic: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma  (Read 16893 times)

pakner

  • Guest
may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« on: February 24, 2012, 01:10:15 am »


mga sis help [textspeak!] po. mag 3 years n po kami dapat ng bf ko. when she says na friends n lang daw ang pagtingin nya sa akin. tinanong ko kung may nagwa b akong mali o kasalanan. sabi nya po eh wala [textspeak!],basta bigla n [textspeak!] nwala un pagmamahal nya s akin.

i know I may be selfish but i really love this guy. gagawin ko ang lahat mahalin nya [textspeak!] ako ulit kahit sandali.

baka po may kilala kaung marunong mangayuma. disperada na po [textspeak!] ako.. help [textspeak!] mga sis... :'( :'( :'( :'(

aquacharly

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #1 on: February 24, 2012, 01:34:03 am »

i know I may be selfish but i really love this guy. gagawin ko ang lahat mahalin nya [textspeak!] ako ulit kahit sandali.


KAHIT SANDALI, MAHALIN KA LANG NYA ULIT. 
Narinig mo ba sinabi mo?
Baket ba ok na sa yo kahit sandali?   
Susko, Sis, baket ka naman namimilit ng wala nang pagmamahal sa yo?
Kung wala ka nang pride, or awa sa sarili mo, eh matakot ka at baka ano gawin  mo kasi desperada ka
para sa sandaling pagmamahal. 
Gagawin mo ang lahat sabi mo...  Even sell your soul to the devil?  Hello. Paki sampal mo nga sarili mong face.

Na curious naman ako, gagawin mo lahat, desperada ka, gusto mo mahalin ka uli kahit na sandali. 
Ano nga ba ang "sandali".  The average 7 minutes it takes to complete an effing... Uy uy uy. Lol   

Pakner, is this thread an effing joke? Sinakyan ko naman, lol.  Pakisampal nga ako. Hahaha

Wala, with my deepest apologies, wala akong kilalang marunong mangayuma.   Susko. Akala ko cuento lang yon nung bata pa si Sabel.

P

jodainess

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #2 on: February 24, 2012, 01:44:31 am »
naku, sabi ni lola, pag gumamit ka daw ng witch craft, sinusunog na daw soul mo sa impyerno.. peace, pero according to some friends din eh..

sarahsensible

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #3 on: February 24, 2012, 01:49:25 am »
hahahaha natawa ako ng bongga sis aquacharly.. parang ghost rider lang ah sell your soul to the devil.

kidding aside pakner, ang panggagayuma is similarly selling talaga ur soul to the devil -- YAN ANG SABI NG RELIHOSONG mga tao dito sa amin. Tapos para lang sa SANDALI.. ano yan after 7 minutes na matauhan sya at ma realize nya hindi kapa rin nya mahal, paano kana kung nabenta mo na kaluluwa mo?


@play

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #4 on: February 24, 2012, 03:27:14 am »
sali ako dito :)
dumating din ako sa point na yan, pareho tayo, naghanap ako ng gayuma para bumalik ang first boyfriend na ayaw na sa kin.
teenager pa ako non, ikaw sis pakner, ilan taon na ka na?
Sa panahon ng wifi, di ko lang sure kung meron pa nyan, (malamang di na dahon at buhok ang sangkap, memory card na saka email adress ng gagayumahin ang kailangan- joke lang po hehe)
Nakakita naman ako noon, pero scam napuntahan ko, walang nangyari, di kami nagkabalikan.
Ang natutunan ko, mag-move on at strive hard to better myself. magpaganda ka, mag-aral, magsikap, etc. etc.
kung ayaw na sa yo. eh di wag. masakit talaga ang break-up, iyakan mo, pero tapos nun, ayusin mo na sarili mo. meron ka pang makikita na iba. napakalawak ng mundo, kaya i-enjoy mo. Goodluck sis!
« Last Edit: February 24, 2012, 03:51:01 am by @play »

Priceless

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #5 on: February 24, 2012, 07:06:00 am »
Um. Hindi kaya kaya nawalan ng gana sayo ang bf mo kasi nagpapaniwala ka sa mga ganito? Or dahil alam nyang mababa ang self confidence mo?

Kung pakita mo kaya na beeeeyooouuutiful ka without him. You don't need him to be happy, and that you can be a better person without him...baka yun ang best gayuma to make him interested again?

rianne_mallows

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #6 on: February 24, 2012, 07:21:48 am »
alam mo PAKNER..oh sige na given na nakakita ka ng gagayuma... after that ano na?

1. may time limit ang gayuma, alam mo yan girl... kaya mo nga nabanggit na kahit sandali eh
2. mas lalong iikli ang time limit na yun kapag pinagamot ang gayuma sa magaling na manggagamot.. yung kilala ko mga 1 o 2 session lang yan  bokya na yung effect ng gayuma mo

bottomline mawawala pa din sa iyo yung lalaki mo, pati kaluluwa mo mawawalakasi binenta mo na sa masama..

sino ba nakakakilala kay PAKNER personally?? pakihampas nga ng dos por dos sa ulo para matauhan


freelancer_babe

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #7 on: February 24, 2012, 07:37:02 am »
Buong-buo na ang araw ko ngayon sa title pa lang ng thread panalo na!

Sorry ka na lang. There's no such thing as gayuma. Kung meron mang taong magbibigay sa iyo nyan, ay siguradong pinagkakaperahan ka pa lang.

Yung "sandali" mo para mahalin siya ay natapos na. Hindi nga sandali ang pagmamahal na binigay sa iyo eh, 3 years din yan.

Hindi ka na nya mahal. Tanggapin mo yan, ganyan talaga - sobrang saya at sobrang lungkot rin yan. Huwag ka nang umasa. Huwag mo nang intayin na masaktan ka pa lalo kung may kayakap at minamahal na siyang iba.

Mas lalo ring masakit kung hindi nasusuklian ang pagmamahal mo kasi hahanap-hanapin mo rin sa kanya ang pagmamahal. Hindi na nya kayang ibigay sa iyo ang pagmamahal na iyon.

Huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang kasalanan sa sitwasyon. Talagang ayaw na nya.

jesrora

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #8 on: February 24, 2012, 08:00:07 am »
hahahaha mahirap tumawa ng walang sound dito sa office  :) :) :)

pero honestly, meron akong naencounter wayyyyy back college days na girl na ganyan sabi sa kabarkada ko nung nakikipagbreak sya sakanya "please lang kahit paabutin mo lang ng 3 months yung relationship natin" while mega cry..

hay nako girl baka naging clingy at isinampay mo na sa bf mo ang self-esteem mo kaya biglang ayaw na sayo.

harlet

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #9 on: February 24, 2012, 08:13:40 am »
he he, sige join din ako dito.... sis pakner,  sa mundong ginagalawan natin, it is always ACCEPTANCE - the name of the game......kung ayaw na sa yo, be it.....move on......

ella

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #10 on: February 24, 2012, 02:36:26 pm »
ayan, napasali na rin tuloy ako. you know sis, if ayaw na niya talaga sa iyo accept it na lang ang move on. dont resort to anything kasi wala ring mangyayari, pag ayaw na niya respect it na lang. I know its hard talaga kasi for 3 yrs sa kanya umikot ang mundo mo but that's life eh, people change.

what you need to do right now is to be with your friends, your support group. learn to accept it first, pray, pray and pray. it really helps. yan ang solusyon hindi ang gayuma.

Princess_Chill

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #11 on: February 25, 2012, 01:56:41 am »
mga sis sali ako dito...

pakner....i know how you feel..been there than that sis! naisip ko din yan dati when my x bf of 9yrs suddenly dumped me! haba story at mind you sis wala kaming formal closure ah! 9 years!

so desperate that time halos mabaliw ako...kaso when i come to my senses i told myself need to move on...hindi mapipilit ang ayaw...kahit mahirap kailangan mo gawin na mag move on...

MAHALIN MO MUNA SARILI MO....bago ka magmahal ng iba....how can you give something if wala ka nun sa sarili mo diba?

sis not worth it....there are situations that God wants to let you go of something kasi he has a BETTER gift to give you...

i know sis mahirap talaga pero kakayanin mo yan! and after that..matatawa ka nalang kasi at one point in time naisip mo mang gayuma...

justin3

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #12 on: February 25, 2012, 07:17:50 am »
TS, gurl ka nga ba o pa-gurl lang?
di asta ng tunay na girl ang drama mo eh.

wala ka ngang nagawang mali o kasalanan, eh, baka may kulang ka naman na hinahanap nya?

gayuma? may alam ako. igawa kita, hanapan mo lang ako ng balahibo ng puting uwak.

pero mas madali yung bagong-hasa na balisong. hawakan mo ng mahigpit at idantay sa zipper ng pantalon nya sabay bulong ng, "akin lang to dear ha?" ;D

faithful and loyal

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #13 on: February 25, 2012, 08:08:46 am »
@sis priceless, tingin m0 makakatulong ito? 'mababa ang self confidence
mo? Kung pakita mo kaya na
beeeeyooouuutiful ka without
him. You don't need him to be
happy, and that you can be a
better person without
him...' kasi pinapakita kong mahina ako at mahalnamahal ko siya,nakakalimutan ko ng mag ayos kasi sa kanya lagi atensyon ko which is ayaw niya. Kasi napapabayaan ko na sarili ko.

leihin

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #14 on: March 07, 2012, 11:03:34 pm »
^Sis, you heard it straight from your boyfriend, AYAW nya ng ganyan.

Fix yourself and don't be weak and clingy. Ipakita mo na mahal mo sya pero ipakita mo din na mahal mo ang sarili mo. You have to be confident and independent. Make him feel proud that you are his girl instead of making him stick around because you're weak and dependent on him. Para kasing "paawa" effect yung pinapakita mo na mahina ka. It's a big no-no. Nakakaturn off. Come to think of it, bakit kailangan mo ipakita na mahina ka? What's the purpose? Para maawa sya at huwag kang iwan?

Don't neglect yourself in the process of loving a person. Doesn't it occur to you na nakakaturn off to be with someone na hindi nag-aayos? Whether girl or boy pa man yan. The best way to make a relationship work is to be the best person you can be, meaning mag-ayos ka at wag mong pababayaan ang sarili mo.

Curious lang sis, paano mo ba pinapakita ang pagmamahal mo sa boyfriend mo para umabot sa point na hindi ka na nakakapag-ayos?

Believe it or not, it still matters how you present yourself kahit 1 month, 3 years or 20 years pa kayo na in a relationship.

twelvth_goddess

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #15 on: March 08, 2012, 05:07:43 am »
Wow, so it's ok lang with you na ang love nya syao eh dahil sa 'kababalaghan' and hinde dahil sa totoong love ka nya?

I don't know if gayuma really exists but seriously, to sell yourself to the devil para lang sa sandaling happiness na yan na fake naman. Divert your attention somewhere else and most importantly, PRAY. Pray for your soul.

beatrize zuri

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #16 on: March 09, 2012, 04:19:24 am »
TS, gurl ka nga ba o pa-gurl lang?
di asta ng tunay na girl ang drama mo eh.

wala ka ngang nagawang mali o kasalanan, eh, baka may kulang ka naman na hinahanap nya?

gayuma? may alam ako. igawa kita, hanapan mo lang ako ng balahibo ng puting uwak.

pero mas madali yung bagong-hasa na balisong. hawakan mo ng mahigpit at idantay sa zipper ng pantalon nya sabay bulong ng, "akin lang to dear ha?" ;D

lol!  ;D
 
alam mo sis, i let go mo na lang siya. again, everything happens for a reason malay mo kaya pala hindi siya ang para sayo eh kasi mas may hihigit pang darating,. love yourself first, iuplift mo yung self esteem mo. i know, mahirap yan pero mas mahirap kung ipipilit mo ang alam mong hindi na pwede, masakit yon. move on ka na lang girl.

rodcielle07

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #17 on: March 14, 2012, 09:40:24 am »
oooppss!! why o why naghahanap ng mangagayuma? masama yun.. we cannot force anyone to like or to love us.. if hindi sila para satin, let them go.. yeah it's hard lalo na kung mahal mo talaga yung tao, but it's the right thing to do.. In my opinion..

and napakasarap po ng pakiramdam na pagmahal ka ng isang tao with their will talaga hindi yung pinilit mo lang. tsaka may karma kasi, sabi nga "what goes around comes around... " and sa Bible "whatever man sows, he reaps" kaya wag na lang po magrely sa gayuma.

Happy GT evryone! :)

rodcielle07

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #18 on: March 14, 2012, 09:41:30 am »

lol!  ;D
 
alam mo sis, i let go mo na lang siya. again, everything happens for a reason malay mo kaya pala hindi siya ang para sayo eh kasi mas may hihigit pang darating,. love yourself first, iuplift mo yung self esteem mo. i know, mahirap yan pero mas mahirap kung ipipilit mo ang alam mong hindi na pwede, masakit yon. move on ka na lang girl.


oo sis tama ka dyan.. :)

pinkbubbles17

  • Guest
Re: may kilala po ba kayo na marunong mangayuma
« Reply #19 on: March 14, 2012, 10:15:54 am »

lol!  ;D
 
alam mo sis, i let go mo na lang siya. again, everything happens for a reason malay mo kaya pala hindi siya ang para sayo eh kasi mas may hihigit pang darating,. love yourself first, iuplift mo yung self esteem mo. i know, mahirap yan pero mas mahirap kung ipipilit mo ang alam mong hindi na pwede, masakit yon. move on ka na lang girl.

^tama ka sis,kung ayaw sa kanya then let him go,he doesn't deserve you,you deserve somenone better..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close