Congratulations sis
Sarah!

Grabe 12 hrs of labor. Bilib ako sayo! Kung ako yun, malamang nagpa induce na lang ako hehe.
Congrats din sis
Justineo!

Si sis
GeriSpice na lang so far dipa naka update. Busy na siguro. hehe
Me, still waiting pa rin. 39th week ko bukas.
Napepressure ako dito sa bahay, dito kasi kami sa kabilang bahay nila hubby ngayon simula kagabi lang.. mas marunong pa kasi sakin ibang mga tao dito, eh kung tutuusin di naman dumadaan sa panganganak. para sabihin lang talaga na mas alam nila. kaasar! maglakad daw ako ng maglakad para manganak na daw ako. E ayoko pa nga magpakatagtag kasi ayoko muna manganak this week dahil nasa bakasyon si OB. Sasagutin ka ba namang e bakit wala bang ibang dr sa hospital na yan? -Hindi nakakaintindi kaya nabubwisit ako. ang bilis pa naman uminit ng ulo ko ngayon. Lahat ng kilos ko pinapakialam. Una, sa pagkain. Medyo wala kasi ako gana ngayon kumain, sabi kumain daw ako ng kumain ng marami, sabi ko naman, talagang pinagdadiet ako kasi tama na raw yung laki ng bata, baka mahirapan akong manganak kung kain pa rin ako ng kain. ay hindi daw, kelangang kumain daw ng kumain, hindi daw yun naman para sa sa sarili ko kundi para sa bata. marunong pa sa OB. tas pangalawa, wag daw ako laptop ng laptop kasi makakaapekto daw yung radiation sa bata. when I say ok lang yan wala naman radiation ang laptop sabi din ng OB ko, sasabihin naman, ito talaga, matigas ang ulo! even mga gamit ng baby, pinapakialaman din, bakit daw iba-iba mga toiletries, meron j&j, aveeno, etc etc. eh pwede namang iisa lang gamitin, baka daw sa kaartehan ko masisira balat ng bata. pati mga bote nakita kasi presyo, bakit daw ang mamahal, libo ang halaga para sa bote lang eh meron naman tag 3 for 200. mas marami pa daw sana akong nabili. at dumating na din kasi ang electric pump ko, may hirit din, talagang kailangan ko daw ba yun? eh pwede naman dritso ako papadede. kakaloka! paki nila, asawa ko nga hindi ako pinapakialaman eh siya yung gumagastos. sila pa kaya! Take note, kagabi lang kami narito, what more pa kaya kung tatagal pa kami dito. Need lang namin kasi stay dito, dumating kasi sil at bil ko. Gusto nila narito din kami habang narito sila. Pero hindi po sila ang nirarant ko ha? kundi ang mga katulong at katiwala nila na saksakan ng epal. Kaya sa inis ko I went to SM North and Trinoma kanina, walking marathon ang drama pero sa sobrang init di ko kinaya, umuwi din after 1 hr. Pagbalik ko, tanong naman sakin, saan ka ba galing? I said e di naglakad ng naglakad. Sabi ba naman, eh ang init eh tapos wala ka pang kasama'.. kaya napa hay naku ako! sala sa init, sala sa lamig, diko maintindihan.
kaya napa

na lang ako para wala gulo!
Sabi ko tuloy kay hubby, tara uwi tayo sa atin! at least dun walang nakikialam. Sabi naman nya, ako daw may deprencia dahil nagpapaapekto daw ako sa katulong nila. Naging pagtatalo pa tuloy namin. --I super hate kasi pag pinapakialaman ako.