watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)  (Read 117062 times)

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #500 on: March 29, 2012, 03:25:47 pm »
^^^ just tell her na wala kasi magbabantay sayo after giving birth kaya napagkasunduan nyo ni hubby nyo na umuwi na lang sa Laguna kasi nandun parents nya na pwedeng mag-alaga sayo. I'm sure naman maiintindihan nya yun.  ;)

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #501 on: March 29, 2012, 03:42:35 pm »
sis geri kamusta wedding mo? nanganak kana din ba?

sis sweetsorrow, mas ok na yung na decide nyo ni hubby mo atleast mas alam nya na safe kayo dalawa ng baby mo and sa OB ka naman pala nya dadalhin..good for you..and your baby..kelan na ba ang due date mo? malapit na ang ibang mga sisses natin.. godbless to all..

san ba ok mag pa ultrasound na di masyadong mahal? not yung 4d ha..para makita narin ni hubby, kasi may mga clinic na ayaw mag papasok ng ibang tao.. unless sa Ultrasound clinic talaga kami magpunta. 33 weeks nako tomorrow, feeling ko mas maaga ako manganganak kasi panay parin ang walk and drive ko, yung first ko kasi mga 20 days before due date nanganak nako.. ;)

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #502 on: March 29, 2012, 09:16:18 pm »
iyak ako ng iyak. napag-awayan na naman namin ang pag-uwi sa calamba.

kasi kanina tumawag si hubby sa nanay niya sinabe ang plano na doon kami manganganak. ayun nacompare na naman ako sa asawa ng kapatid niya na nanganak ng March 25.

ganito narinig ko sa usapan nila:
dapat si "ako" tulad ni "bilas" manganak, saglit lang. painomin mo na ng salay si "ako" tignan mo si "bilas"...

maglalaba kayo dito ng gamit? bakit kailangan pa ng charlie's soap may mga tide naman. sabi ni hubby safe daw sa baby, sabi ni nanay niya, ang arte naman, sanayan lang 'yan. (siyempre super hurt ako. parang nakikita ko na papakelaman na ko sa mga decision ko. lalo na wala si hubby kapag iniwan ako doon.)

hay. naiiyak talaga ako. sana buhay pa mommy ko o may mag-aalaga sa akin para hindi na ko makisama. nagalit si hubby kasi ang kitid daw ng utak ko. masyado daw ako mataas.

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #503 on: March 29, 2012, 09:53:32 pm »
sis wag ka muna mastress na di mo pa nakakasama sila.. yaan mo na.. pag andun ka na.. you can still make your own decisions and baka by that time mas di ka na masyado emotional..give and take nalang kayo ni hubby, explain your feelings to him para maintindihan niya ano mga nararamdaman mo tungkol sa mga bagay bagay na di nyo napagkakasunduan, lalo na kung compare ka sa bilas mo, im sure sayo naman papanig yun dahil ikaw ang asawa niya, wag ka lang masyadong mastress baka dahil lang yan sa pagbubuntis mo din, shempre ikaw pa din ang center ng asawa mo. ;)

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #504 on: March 29, 2012, 10:38:33 pm »
kaya kami nag-away kasi ang kitid ko nga daw mag-isip. eh ano naman daw kung pakelaman ako. ituturo lang daw sa akin kung paano manganak, mag-alaga ng bata at kung paano ako pagkapanganak.

ayoko lang kasi probinsya diba, at may mga alam ang mga matatanda na scientifically not proven o hindi dapat sa baby. kaya naiinis ako.

halata naman tuwang tuwa sila sa bago at una nila apo. at kapag nandoon na ako, wala akong maririnig kundi, dapat ganto dapat ganyan kasi si bilas mo ganito ganiyan.

hay. nalulungkot talaga ako. iyak ako ng iyak kanina pa.

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #505 on: March 30, 2012, 01:02:55 am »
^i can relate. Kasi mil ko ganun din yung ibang paniniwala di mabago kahit pa based on facts ang reason ko. Kahit teacher sya sa province close minded sya on some things. May mga napupuna din. They visit us kasi pag summer or whenever may long vacation. And like you my mom is not physically present anymore. Although pag naglalabas ako ng sama ng loob kay hubby he says pasensya na and pag narinig nyang may comment nanay nya, he speaks up for me. Mabait naman mil ko sobrang concern nga lang. And iba iba kasi tayo ng way how to raise our children minsan di nila gets yun.

dada08

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #506 on: March 30, 2012, 01:42:05 am »
Ob gave me Sinupret for my colds... kaso nung i-google ko parang walang pang ganun kagandang feedbacks. meron n a bang nag take dito sa inyo ng Sinupret?

Not that I don't trust my OB kaso ugali ko na ata yung mag research muna about the medicine/s na prescribe ng OB.

Ito pa, need to file an early vacation leave. Sabi ni OB April 1 stop na ako mag work at baka matagtag sa biyahe. April 10 kasi sched ko for CS, hirit namin ni hubby April 14. Tignan daw if April 10 hindi pa ako mag labor..

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #507 on: March 30, 2012, 07:50:53 am »
^^ sis the best you can do is talk to your hubby, heart to heart. Pagkapanganak mo you'll need all the help you get; si hubby mo ang dapat ma secure mong kakampi pag nasa ILs ka na. Ganun talaga, nasa puder ka nila e :) wala kang choice kundi sumunod...

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #508 on: March 30, 2012, 09:40:23 am »
mabait naman ILs ko. pero dahil nga naunang manganak ang bilas ko, gusto nila ganun na ganun din ang gagawin ko. sabi ko naman kay hubby iba iba naman ang pagbubuntis. iba iba din ang panganganak.

feeling ko tuloy if i end up CS, failure na ko sa mata nila na hindi ko kasi sinunod mga pinapainom nila sa akin.

gusto ko nalang kasi dito sa Antipolo, at maghire nalang ng makakatulong ko, at least pagbabalik na ako sa work, hindi na ako mahihirapan na instruct pa ang yaya kung papano.

sabi ni hubby, concern lang daw. at dahil naunang manganak si bilas kaya nireremind lang daw ako kasi baka daw hindi ako prepared. hay naku naman.

minaliit na, kinompara pa. what more pagdalawang baby na nasa bahay ng ILs ko, edi lalo na. saka ang usapan dati, pagkapanganak ni bilas, doon sila sa kanila, na nasa kabilang kalye lang. at ako doon sa bahay ng ILs ko. eh dahil walang trabaho ang kapatid ni hubby, ayun nandun sa ILs ko nakasiksik, nanay daw ni bilas nandoon din.

sabi din ni hubby, minsan daw mahirap ang masyadong madaming alam, puro daw kasi ako basa at search ng kung ano ano.

sweetkitten

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #509 on: March 30, 2012, 12:31:29 pm »
hi sis, i think natural lang naman na madami kang gusto para sa baby mo, and kasama talga ang pag reresearch lalo na kung first baby mo. and tama ka, iba iba naman ng situation, hindi dahil CS e failure na. case to case basis naman yan.

kung ako nasa situation mo, i'd rather stay sa antipolo. kukuha ako ng yaya. iba parin yung may nanay na mag aalaga sayo pero kung wala mama ko or lola ko, ayaw ko sa inlaws kahit gaano kabait, mahirap parin makisama. mahirap tumanggi pag pinakelaman ka. mahirap dumiskarte.

pray for the best sis and wag ka mag iiyak, maffeel ng baby mo yan.

ganyan din ako dati, kasi nung una niyayaya ko yung mama ko or lola ko na tumira samin pansamantala, nasa probinsha kasi sila. nung una tumanggi kasi ndi maiwan ang bahay sa probinsha, iyak din ako ng iyak sa sama ng loob. willing na nga ako kumuha ng kahit mamahaling yaya or magresign e. kasi kaming 2 lang talga ni hubby ang nasa bahay. inlaws ko nandito pero hindi naging option samin na tumira sa kanila. i just prayed and prayed. and ngayon mama ko at lola ko na mismo nagsabi na pupunta sila dito, at 2 pa sila. so may mag aalaga na. tapos ang problema.

wag mo mashado isipin sis, pray lang. God will not allow na mahirapan si baby. no crying na ha?

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #510 on: March 30, 2012, 05:27:11 pm »
Hi mga sis.. 

Update ko lang kayo.. I already changed my OB.  Finally, got a new Ob which satisfied me...  while waiting, meron na syang kausap pero I feel na ok nga sya the way she speaks.  Pati secretary nya.. ok din.. even the secretary recognized my name, kasi I called before I go there.  Then my turn, oppss.. simple lang sya, and I really feel na ok nga sya, parang kwentuhahan lang kayo while check up.  She don't even ask me bakit ako nagpalit ng Ob, professional sya kausap talaga.  And sya yung Ob na nagpapalakas ng loob mo na kaya mo yan at nagsa suggest kung anong mas ok para sayo.  Galing!  tsaka di sya nananakot tulad ng una kong OB... na sasabihan akong mag insulin ako pag di pumasa sa OGTT, ehh compare sa OB ko ngayon, sabi nya as long as controlled naman.. it's ok.. tsaka brown rice ka lang and wheat bread sabi pa nya.. and 1 more thing na nagustuhan ko sa kanya, I asked her personal number, and I told her hindi naman po ako mangungulit.. Sabi nya, no its ok, mas gusto ko nga iniinform ako kahit anong simpleng bagay or maramdaman mo, kesa kung kelan malaki problema tsaka lang ako sasabihan.. ayoko ng ganon... sabi nya.. Oh nice diba mga sis.. pero same hospital pa din ako... magkaiba naman sila ng building ng dati kong OB.. :D  kasi gusto ko talaga sa hospital na yun kahit mahal.. First time mom kasi.. I want to feel safe pati si baby syempre..

opppsss.. uwian na.. out na sa office.. mahaba pa sana.. hehe

u

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #511 on: March 30, 2012, 07:21:47 pm »
^wow nice naman ng new OB mo sis :)

btw, ano ba pinagkaiba ng OGCT at OGTT? Nung early pregnancy ko OGCT yung sinulat sa request kaso di naman ako nagpa test. Ngayong nagrequest na ako OGTT na nakalagay  :-\

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #512 on: March 30, 2012, 07:29:51 pm »
OGTT sis 'yun ang madugo. mga 4x ka eextract with fasting

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #513 on: March 30, 2012, 07:35:47 pm »
This pagbubuntis ko hindi na OGCT ang hiningi ng OB. (magkaiba OB ko from past pregnancy kasi lumipat na kami makati). CBC na may kasamang fasting lang para macheck yung level ng blood sugar ko, ok naman ang result, 74-106 ang normal level. Tapos 76 ang result ko.

Mga sis, san pa ba may 3d or 4d ultrasound bukod sa may in my womb? Particularly makati area, yung hindi sa hospital sana.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #514 on: March 30, 2012, 07:47:05 pm »
OGTT sis 'yun ang madugo. mga 4x ka eextract with fasting

oh my. 75g OGTT nakalagay dun eh ang sabi sakin 8 hrs before the test wag na daw ako kumain

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #515 on: March 30, 2012, 08:18:46 pm »
OGCT kasi kahit walang fasting and one extraction lang at 50g na orange ang iinomin.

OGTT naman may fasting tapos every hour extraction. buti nalang hindi ako nag-ganto kasi pasado OGCT ko.

Mga sis, san pa ba may 3d or 4d ultrasound bukod sa may in my womb? Particularly makati area, yung hindi sa hospital sana.

ang alam ko aside from IMW, sa healthway clinic may 3d/4d, dito kasi sa antipolo OB ko may 3d/4d pero hindi niya alam kung paano gamitin. LOL. kaya may sonologist siyang iniinvite kapag weekend. mura lang sa kanya.

seTHer

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #516 on: March 30, 2012, 08:41:03 pm »
^sana makapasa sa first test palang  :-\

wengerts

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #517 on: March 30, 2012, 08:54:28 pm »
ang medical city na satellite clinics may 3d/4d ultrasound na din ah. di ko lang sure kung lahat meron na, sa SM Marikina kasi ang laki laki ng banner nila hehe

kakatapos lang ng 3d ko sa IMW today, naka 3 rescan ako at ayaw pakita ni baby ang buong face nya. kanina success na! :D tangos ilong at may dimple sa left cheek :D tapos hikab ng hikab :D

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #518 on: March 30, 2012, 09:43:12 pm »
check up ko kanina at 1cm pa lang daw ako. Buti naman at mukhang lalampas pa ko ng holy week manganak. wala kasi OB next week. Mukhang nanganak na nga yata si sis sarah, hindi na nakapagpost ulit eh.

sis sweetsorrow, wag ka lang papa stress sis, malalampasan mo rin yun. Be positive lang. Baka yung mga iniisip mo hindi naman mangyayari yun, sabi mo nga mabait naman in-laws mo. :)

sis sether, good luck sa OGTT. :)

theathoinkxzs

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #519 on: March 31, 2012, 10:06:31 am »
Hello Mommies! Suggest naman kayo ng brand ng diapers? Wala pa kaming nabibili na diaper ni baby. Nabasa ko sa ibang thread na maganda yung  drypers and mamy poko. Any other suggestions? 1st time mom kasi.hihi


 

Latest Stories

Load More Stories
Close