hello mommies!
pa-join ako, due ko june 2. Baby Girl

so far, ok naman pregnancy at 29 weeks. medyo problem lang yung OGTT result ko nung nag 20 weeks ako, medyo mataas yung 2hr result ko. so bawal sweets, pero ok na din kasi simula nun super gradual lang ang weight gain ko. (pero nakakamiss din kasi super hilig ko talaga sa chocolates!, bawi nalang paglabas ni baby) so far, walang stretch marks at manas at ndi naman ako constipated.
20 weeks palang noon nag start na kami mamili ng gamit ni baby. excited, kasi first e

inuna namin stroller, crib, avent bottles, breast pump & sterilizer, tapos konting tie-sides, receiving blankets and onesies, sa grand baby sale sa megamall kami bumili, kung iccompute may 10K din ang nadiscount namin sa lahat ng purchases. tapos nag register kmi sa baby company, kahit wala naman kaming balak mag pa baby shower. kami nalang bumuli sa wishlist namin (para 10% off

) every weekend since january namimili kami para maka kumpleto ng gamit, kasi may energy pa ko mag lakad lakad kahit buong araw noon. buti nalnag ginawa namin un kasi ngayon pag nag 2 hours na lakad e ang sakit na ng balakang ko gang paa hehe. so far ang kulang nalang namin ay toiletries nya. nakabili din pala ako ng discounted baby laundry soap and fabric conditioner online 50% off. sa tingin ko magandang magsimula ng maaga lalo na kung may sale, kasi malaki ang matitipid, at pag last stretch na ng pregnancy, relax mode nalang at wala na stress sa pag iisip kung ano pa kailangan

ang project namin ngayon ay house renovation, bumili kami ng memory mattress bed sa uratex 1 queen at 1 double size na pinag dugtong namin sakop buong kwarto (sa floor lang nakalapag) para dun kming 3 matutulog, maluwag para di madaganan si baby. nag re arrange na din kami ng furniture para sa space ng crib nya sa living room. sa weekend magpapa install kmi ng window screen and exhaust para sa maayos na ventilation. magpapalit din kmi ng curtains instead of blinds kasi mahirap linisin ang blinds namin ngayon, nag iipon ng alikabok.
sa holyweek kami mag lalaba ng gamit ni baby. at mag re ready ng hospital bag. after nun, antay nalang sa little angel at patuloy ang dasal na maging maayos ang lahat.

praying na maging maayos ang pag bbuntis at panganganak nating lahat mga mommies! God Bless!
