watch now

Author Topic: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)  (Read 116921 times)

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #160 on: March 07, 2012, 11:39:35 pm »
yes sundin natin breathing tehniques from OB  ;)

ako forever NSD... sa twins ko nga na Normal ako eh. Ayoko ma CS talaga naku

Mga sis, naninigas naba tyan nyo?


mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #161 on: March 08, 2012, 12:51:08 am »
^akin oo naninigas na! I'm on my 33th week. A week or two na ata tong ganito.

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #162 on: March 08, 2012, 09:05:26 am »
^^ oo naninigas na din ang tummy ko. 'yun na ba ang brixton hicks?

discharge: paglakad ng lakad, lalo na kapag nasa mall. Madaming discharge talaga. Pero wala naman foul smell. Ganoon ba talaga kapag malapit na ang delivery date?

Breathing technique: may pinapanood ako video about panganganak, signs, techniques sa labor, pushing at kung ano ano pa. Very helpful. 'yun nga lang 4hours ang video at puro salita kaya minsan nakakatulugan ko. Hindi ko napanood pa ng buo, palaging putol putol.

Sana maging okey ang lahat ng mommies sa delivery. :) go for NSD! :)
« Last Edit: March 08, 2012, 09:08:21 am by sweetsorrow »

rhosan

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #163 on: March 08, 2012, 09:23:23 am »
hello mga sis..ngayon na lang ulit nakapagpost..dito kami kasi ni hubby sa hospital..pero hindi ako ang nakaconfine ha?hehe...yung father in law ko na admit simla pa nung march 2.. inoperahan kahapon thanks god kasi naging successful yung operation.. dalawang operation sabay na ginaw..buti hindi na na stress si baby..35 weeks na kami ni baby...

Faithfaith

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #164 on: March 08, 2012, 10:19:52 am »
@cassiopeia:  sis, anong preparation mo ginawa b4 the OGTT other than 8 hours fasting?  ako sa March 17 magpapa OGTT.  Well, goodluck sakin..  :D  sana pumasa din ako...  Unahin ko sa sat. urinalysis kasi ayokong magkasabay yung 2 na yun... :-)

Re:  CS.  May office mate ako na 2x na syang na CS then yung 3rd baby nya normal.. puede daw yun.. hinid pala pag CS ka na.. always CS na..

micci

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #165 on: March 08, 2012, 10:30:09 am »
hi mga sis,sana nga maging okay na tayong lahat..i want normal delivery din,sana kayanin namin ni baby :) di ba pag normal meron pa din epidural?

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #166 on: March 08, 2012, 10:46:13 am »
^^yes sis possible ang vbac or vaginal birth after caesarean. Depende din sa ob and syempre sa condition ng patient and ng pregnancy.

^yup pwedeng epidural. Sa first ko epidural ang pinili ko. I was awake the whole time numb lang yung waist down. Downside lang hindi ko na maramdaman yung contractions. Dito sa 2nd epid ulit.

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #167 on: March 08, 2012, 11:49:04 am »
Ako din epid pa rin. Go tayo for NSD mga sis  ;)

Ready na ba ang hospital bag nyo? shocks kami hindi pa pero si hubby memorize ang dadalhin so sya na raw bahala LOL

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #168 on: March 08, 2012, 12:05:19 pm »
wala pa kami hospital bag  :P

mommyniuja

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #169 on: March 08, 2012, 12:42:06 pm »
Im on my 24th week na. Grabe ang laki na ng tinaba ko. Hindi ko mapigil ang pagkain. From 48 kilos before 54 kilos na ko ngayon. Ano ba dapat kong gawin para hindi na lumobo pa. Naiinggit ako sa ibang mommy na pag nanganak parang hindi namaga or minanas. Help please.

justineo

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #170 on: March 08, 2012, 01:07:58 pm »
Hi sis! Ako pag sawa na sa water at nagke-crave ng matamis na drink, I drink pineapple juice in can (unsweetened), para di ako mag softdrink/powdered juice. Nakakatulong din sakin pineapple juice para hindi ma-constipate.

More on fishes, vegetables, chicken. Pero pag may gusto ako kainin kinakain ko naman kahit chocolate basta small serving lang, mapag-bigyan lang ang cravings. Fruits sa merienda, bawas din rice especially sa gabi at exercise! Sa panahon naman ngayon kahit nakaupo ka lang at nanunuod ng TV para ka nang nag work out!  ;D
« Last Edit: March 08, 2012, 01:13:59 pm by justineo »

slovy

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #171 on: March 08, 2012, 02:07:00 pm »
ako rin malaki ang itinaba, from 130lbs pre pregnancy weight, ngayon 175 lbs na me.

discharge: wala rin amoy sa akin, pero heavy.. kada wiwi ko meron sumasama.

paninigas ng tyan: madalas na rin.

epidural: avail din ako nito pag nanganak me. mahirap na baka magwala na naman ako sa LR sa sobrang sakit like nung first time ko.  ;D

35 weeks na ako. malapit na talaga. Go for NSD! kaya natin to! :)

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #172 on: March 08, 2012, 02:14:56 pm »
sobrang init mga sis!! pati yung water na lumalabas sa shower ang init  >:(

Ako bawal na mag juice as per OB, no milk na rin. More on protein na ang diet para hindi mahirapan manganak

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #173 on: March 08, 2012, 02:57:49 pm »
^^lapit mo na sis. :)

^sis ano pala ginawa mo sa bottles ng previous babies mo? Yung sa son ko all avent kasi kami nun. Nakatago pa din. 1.5 yrs old sya nung nag stop sya gamitin yun. Nung dec lang yun. Im thinking if safe pa ba yun ipagamit sa 2nd baby ko for expressed milk.

Init- super init talaga ng panahon lalo na tayo buntis pa. Kaya twice a day talaga shower ko.

Cold drinks- palagi akong nag crave ng milk teas ngayon pero once or twice a week lang ako uminom. Ang madalas eh fruit shake. Halos everyday ako gumawa. Mango, papaya, watermelon, avocado, strawberry and melon. Then nilalagyan ko din ng fresh milk.

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #174 on: March 08, 2012, 02:59:47 pm »
^ sobra talaga sis. gusto ko na matapos ang summer na to. hahaha. goodluck kapag nanganak tayo. bawal kaagad maligo diba? may iba nga one month walang liguan (GELAI?)

bawal ako sa malalamig. kasi ubo ako ng ubo. nagagalit si hubby kasi nagyaya pa ako magRazon's halo halo kami. HAHA

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #175 on: March 08, 2012, 03:09:27 pm »
^^ang twins ko kasi naka playtex dropins, yung girl ko ang naka avent. Bibili lang kami ng starter ng avent para dito sa next (wala na kasi yung mga 4oz ko na avent napamigay na) then bibili ng new teats para magamit pa ng next baby yung avent dito. Yan ang usapan namin ni hubby. We also want to try dr.browns sis. Pero least ito sa concerns ko kasi mag exclusive breastfeeding ako  ;)

^well sa lahat ng pregnancies ko after ko manganak, pinayagan naman ako agad ng OB ko maligo at maglakad. So ako maliligo ako agad after ko manganak. Kahit ang lola ko nagagalit at baka daw mabinat ako  ;D well kanya kanya naman yan

mikaela325

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #176 on: March 08, 2012, 03:11:52 pm »
^^may malapit din saming razons dito sa banawe. Sarap ng halo halo nila. :)

Yung iba nga ang tagal maligo. Before di ko alam kung isang linggo yata yun na di ako pinaligo. Then ang unang ligo ko is yung warm na may mga dahon. Kaya nung before ako magpa admit nun naligo muna ako. Lol. Kahit may contractions na. Pagdating ko hospital 7-8 cm na daw ako. Wala naman kasi akong bloody show nor di nag break amniotic fluid ko. Frequent contractions lang parang dysmenorrhea lang na mas masakit.

After pala manganak pinahilot din puson ko para daw ibalik sa pwesto yung bahay bata at lumiit ang puson. Mukhang effective kasi wala pang one month post delivery eh back to 25 inches na waistline ko nun.

Re weight gain pala, ok pa daw ako. From 95 lbs, 120 lbs na ko ngayon.

sarahsensible

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #177 on: March 08, 2012, 03:59:18 pm »
ako naman crave ng normal na halohalo hehe...nanawa na ata ako sa Razons ang lapit ko kasi dito sa SM mga 5 kembot lang

^ibig sabihin mataas ang pain tolerance mo sis? baliktad naman tayo. Pero this time ganyan gagawin ko, bibilangan ko ang contractions ko hanggat hindi madalas hindi ako papa admit at hindi masakit na parang dysmenorhea. Kasi napapagastos kapag hindi pa pala 7-8cm eh LOL

Plano ko na rin mag pa massage sa Mom Massage before and after giving birth :) kahit hindi ako nagpahilot dati, mabilis lumiit tyan at puson ko, I think dahil nag pa bfeed ako.

Napansin ko yung mga NSD mabilis talaga lumiit ang puson compared sa CS..or baka ako lang naka observe nun sa mga cousins and neighbors ko.

sweetsorrow

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #178 on: March 08, 2012, 04:55:04 pm »
sis sino sa inyo nakakaramdam ng parang ang sakit ng pempem. parang nabugbog. o parang maga ang feeling. LOL ;D

normal ba ito dahil papalapit na ang D-day?

cassiopeia

  • Guest
Re: Baby Due on April, May & June 2012 (Thread 2)
« Reply #179 on: March 08, 2012, 04:58:46 pm »
^^may malapit din saming razons dito sa banawe. Sarap ng halo halo nila. :)

Yung iba nga ang tagal maligo. Before di ko alam kung isang linggo yata yun na di ako pinaligo. Then ang unang ligo ko is yung warm na may mga dahon. Kaya nung before ako magpa admit nun naligo muna ako. Lol. Kahit may contractions na. Pagdating ko hospital 7-8 cm na daw ako. Wala naman kasi akong bloody show nor di nag break amniotic fluid ko. Frequent contractions lang parang dysmenorrhea lang na mas masakit.

After pala manganak pinahilot din puson ko para daw ibalik sa pwesto yung bahay bata at lumiit ang puson. Mukhang effective kasi wala pang one month post delivery eh back to 25 inches na waistline ko nun.

Re weight gain pala, ok pa daw ako. From 95 lbs, 120 lbs na ko ngayon.

nag crave naman ako sa halo halo ng razons, madalas din ako madaan jan sa  malapit banawe, hehe.. naisip ko lang pwede pala magkita kita din ang mga buntis. heheh

 

Latest Stories

Load More Stories
Close