watch now

Author Topic: Issues with my Mom...help pls!  (Read 16593 times)

lonelymiss28

  • Guest
Issues with my Mom...help pls!
« on: February 21, 2012, 11:37:23 pm »
Sobrang laki po ng problema ko ngayon. Kagabi nga po eh grabeh sobrang umiiyak ako sa shower namin because of my mom. Nasa ospital po sya ngayon due to heart problem (Heart Center).

Kaya po ako sobrang nalulungkot dahil di ko alam kung maiinis ako or maaawa sa kanya or sa sarili ko.

ganito po kasi iyon....(pasensya na po kayo kung mapahaba story ko).

I live here in Canada. I work part-time as in once a week. (i looked after my step son who is special). Di po ako makakakuha ng permanent work schedule dahil pag di pumasok anak ko sa school which often happens di rin ako makaka work. Last year we were in the hopsital for 1 month and missed school for 2 months because he had 2 operations.

I never fail to send money to my mom and help all my siblings (I helped all my brothers to apply here in Canada, unfortunately they all didnt submit their documents to the embassy).

Aside from money I would also send them balikbayan box or package 3 to 4 times a year. But still its not enough.

My parents have 11-12 apartments na pinaparentahan so every month kumikita sila ng 20-25k. plus yung padala ko every month na hindi bababa sa 12.5k at di tataas sa 18k sa mama ko. Papa ko po kasi humahawak ng pera sa bahay.

Eto na po kinakasama ng loob ko mga sis, last 2005 si mama ko nagkasakit sa puso at kelangan mag maintenance ng gamot so dinagdagan ko padala ko kasi di raw sapat yung padala ko at wala pa raw doon yung sa gamot . Ang siste, nalaman ko lang after 2 yrs na di naman pala binibili ng gamot so meaning di nakakainom ng gamot dahil ang dahilan walang pera. So sabi ko san napupunta pera ang sagot marami daw gastos sa pinas at KULANG padala ko.

Tapos yung naopsital mama ko umutang sila ng 50k na may tubo so bayaran ko daw, nagpadala ako that week ng 50K kaso di pala binayad at di ko alam kung saan napunta yung pera, nalaman ko na lang dahil nadulas mama ko na hinihintay nila yung padala ko monthly dahil pambayad sa inutang na 50k. Sinabi ko na di ba binayaran na yun eh wala na raw yung pera dahil alam ko naman daw na magastos sa pinas.

Ultimo tsinelas, pantulog, panty, daster di makabili mama ko dahil WALANG PERA at idadagdag ko pa sa padala ko iyon dahil iba pang gastos yun. kumbaga di pa kasama yung budget dun sa padala ko monthly.

3 lang sila sa bahay (23 na yung bunso). Di ko po pinag trabaho yung bunso dahil inaayos papel papunta dito. So di ko po alam bakit ganon at laging kulang. By the way di po alam ng papa ko na nagpapadala ako sa mama ko dahil dahil sabi nya kukunin lang ng papa ko yun at gagastusin kung saan-saan kaya hwag ko daw sabihin.

Ngayon eto po....sabi ng mom ko last week na naaawa na sa kanya sister nya at pinapapunta na sya ng doctor at pinapainom ng gamot dahil sa ubo nya dahil matagal na daw iyon, kaso wala siyang pera pambili ng gamot sa ubo at pampadoctor. Yesterday, sinugod mama ko sa ospital dahil sumakit puso yun pala may pneumonia at TB na mama ko at yun ay dahil sa ubo nya na matagal na....

Mga sis grabeh....ano ba gagawin ko, hindi ko po alam kung ano pa ba ang SAPAT, wala naman ako doon para ako pa bumili ng gamot at magpadoctor sa kanila...ang problema WALANG PERA kahit na gaano kalaki ipadala ko laging walang pera....nakakaiyak na po....di ko na po alam gagawin...











tamarind26

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #1 on: February 22, 2012, 12:12:30 am »
Hi sis, I feel for you. If you don't mind me asking, ilan kayong magkakapatid and are all your siblings married? If so, baka kasi nauubos rin ang padala mo kasi lahat sila and their families umaasa lang sayo. Maybe you can ask one of your most trusted brothers to save some of your padala and ensure that your mom has her meds and the extra money be spent on basic necessities.
« Last Edit: February 22, 2012, 12:14:58 am by tamarind26 »

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #2 on: February 22, 2012, 12:19:39 am »
Sis, 4 kapatid ko na puro lalaki. Pang 4 ako then yung bunso na binata. Sis, meron akong extra na binigay sa brother ko na bunso at yun ang ginastos kahapon.

Kahit may gamot sa bahay hindi iniinom dahil nanghihinayang. Like one time sabi ng brother ko na kung ininom na gamot sa puso, hindi na raw kelangan kasi di na sumasakit at sayang lang pambili. Yung bunso namin nursing grad yun at sure ako sinasabihan nya mama ko na uminom ng gamot kaso mama ko ang ayaw. Kahit dati na andoon ako ganon talaga mama ko, hanggat di naoospital hidni gagawa ng paraan.

Nagbibigay ako ng extra in case of emergency at sa papel ng brother ko.
« Last Edit: February 22, 2012, 12:27:25 am by lonelymiss28 »

tamarind26

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #3 on: February 22, 2012, 12:39:50 am »
Ask your brother for receipts of expenses so you can track. You have the right to know kasi ikaw nagpapadala and di pinupulot ang pera. If such is a sensitive issue, make them understand na nahihirapan ka na jan. Give them hints na baka di ka makapagpadala for a number of months because of your temporary employment. Wag ka papamanipulate sa mga brothers mo sis baka kasi kung san san lang ginagastos yung padala mong pera. If you have an aunt (na kapatid ng mom mo) na close sayo whom you can confide about your situation, baka she can help and take your mom to the doctor.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #4 on: February 22, 2012, 12:48:40 am »
Sis yung advice mo na humingi ng receipt ginawa ko na yan long time ago, my mom got upset with me and told me kung ganyan rin lang gagawin mo hwag ka na magpadala and never talk to me in 3 months.

After that she sent me a run down of their spending and here it goes:

gamot sa ubo: P2,500

gamot sa hika: P3,500

gamot sa sipon: P2,000

gamot sa sakit ng ulo: P3,000

bayad sa doctor: P 3,500

alam mo sis, di ko malilimutan ang figures na yan kasi nakakatawa....

About my brothers, iba naman issue ko sa kanila...i posted another thread for them nga eh....FRUSTRATIONS SA MGA KAPATID....kwento ko po iyon.

About sa tita ko naman kasi nasa cavite sya eh saka mas matanda yun sa mama kong hamak so di ko sya maaasahan.


tamarind26

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #5 on: February 22, 2012, 12:57:57 am »
I see so may gamot naman pala sis, ayaw lang inumin ng mom mo. Siguro it might help if you talk to your mom. Masasayang ang meds if abutan ng expiration. Being the only daughter, lambingin mo rin siya sis na she needs to take her meds religiously for the sake of the family. Constantly check on her health kahit na thru sms. If di pa rin tablan, you may try my technique with my mom. I tell my mom if she continues to get stubborn, she will never hear from me again, ayun nakikinig na. Di ako proud na ginagawa ko to pero effective siya. Baka other sissies here have a different technique.
« Last Edit: February 22, 2012, 01:24:31 am by tamarind26 »

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #6 on: February 22, 2012, 01:12:26 am »
I already talk to her too about it. My brother would ask my mom kung ininom na nya gamot nya tatango lang tapos hindi pala kasi nakikita nila na ganon pa rin yung number ng pills.

I alrady did that before na pag di ibibili ng gamot at iinumin ay di na ako magpapadala dahil sayang lang din ipapadala ko at di ko naman alam kung saan napupunta. sabi ni mom ko E DI HWAG!!! ,,, at hwag daw ako magtatanong kung san napupunta pera basta ang importante magpadala lang ako ng magpadala.

tamarind26

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #7 on: February 22, 2012, 01:24:41 am »
I can see you're a generous sister sis who loves her family unconditionally. You're as generous as your mom, she on her part sacrifices her health for the sake of your brothers needs and wants. Albeit being her daughter, you can't stop your mom from giving so much. Talk to her sis na what she's also doing is also hurting you. I don't know if that will help but at least she knows your pain.
« Last Edit: February 22, 2012, 01:35:20 am by tamarind26 »

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #8 on: February 22, 2012, 02:04:54 am »
Sis, i dunno if im generous kasi ang naitulong ko lang naman sa mga kapatid ko ay yung pag-apply ng abroad at saka papel nila.

About my mom naman, super generous sya sa isa ko lang na kapatid dahil favorite nya iyon.

When i graduated nga in highschool ayaw nya na akong pag-aralin ng college dahil wala raw pera kahit meron dahil nakalaan lang yun sa favorite nyang anak. I heard her convincing mg dad na hwag na akong pag-aralin dahil mag-aasawa lang ako ng addict sa kalye. That is why I ask my tita na kung pwede pag-aralin ako kahit isang sem lang then ako na hahanap ng paraan. One time I really need money to buy something and my mom told me na ako na maglabada sa amin then kung magkano binabayad sa labandera yun ibibigay sa akin and ginawa ko yun.

Noong I decided na mag-abroad sabi ni mom na hwag na hwag akong hihingi ng pera from them dahil wala akong maaasahan.

May favoritism kasi mom ko eh, at di ako yun....

« Last Edit: February 22, 2012, 02:07:35 am by lonelymiss28 »

azel

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #9 on: February 22, 2012, 02:28:10 am »
^omg sis. your mom did that to you? sobra naman. i'm sorry sis, pero nakakainis naman yun mom mo. ayaw kang pag-aralin? obligasyon ng magulang na pag-aralin & tulungan magkaron ng magandang kinabukasan ang kanyang anak. and ginawa ka pang labandera? naman! ano ba tingin nya sayo? sampid, ampon, katulong?? sorry sis pasensy ka na ha, naiinis talaga ko.  >:(  matapos ka nya tratuhin ng ganon, sya pa tong more more hingi ng pera sayo? so confirmed sis na sa fave na anak nya napupunta ang pera pinapadala mo? bakit wala ba trabaho yun kapatid mo?

the way i see it, di makatarungan ginagawa nila sayo. ano ka gatasan? hindi bale sana kung maayos ka nila kausapin & tratuhin & thankful sila sa support na binibigay mo sa kanila eh, kaso hindi. sila pa tong demanding & kung ano2 sinasabi sayo. hindi tama yun.

about favoritism,.. di naman nawawala yun sa parents. pero sobra naman yun mom mo sis. to the point na i-sacrifice ang future mo (by suggesting na wag ka pag-aralin kahit kaya naman ng finances nyo) para i-save lang yun pera para sa isang kapatid mo kung sakaling mangailangan sya?  OMG talaga  ???

sa ngayon na nasa ospital yun mom mo, syempre di mo naman sya matitikis ngayon. pero pag ok na sya, kung di nila kaya pahalagahan yun binibigay mo sis, hay naku, mag-isip isip ka.  hindi biro yun amount ng pinapadala mo sa kanila monthly kulang pa yun? to think na may constant income naman sila. grabe yun talaga.  & nakakatawa talaga yun breakdown sis na binigay sayo. 3000 gamot sa sakit ng ulo??  :o ???

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #10 on: February 22, 2012, 03:02:31 am »
Nakakatawa yung breakdown di ba??? Actually wala pa dyan yung pagpapabunot sa ngipin eh na P15,000. I sent the money di nagpabunot so after 2 yrs. hingi ulit I sent again then as usual di rin nagpabunot dahil kinulang daw yung pera so di na lang umalis.

Yung favorite nyang anak (2nd) ay nakatapos ng law pero hindi kumuha ng bar (hindi ko na tinanong why). May trabaho naman kaso hindi tumatagal sa work sayang kasi matataas na posisyon ang trabaho nya. Pinakamatagal na nya yung 8 months sa trabaho. Pati asawa nya wala rin work at ayaw magtrabaho na tapos din ng law.

Actually kaming ibang anak ay alam namin na may favoritism mom namin pero ano ba magagawa namin di ba???

Pag nagkakasakit nga ako noong bata ako hanggang umalis ako ng pinas di man lang ako kinakausap ng mom ko para tanungin kung ok na ba ako or ano pakiramdam ko. Di rin ako binibilhan ng gamot kaya kailangan ko pang pag-ipunan yun sa baon ko (binibigyan ako ng baon ng isa kong brother).

I remember one time sobra ubo ko then I told my mom kung pwede akong bilhan ng gamot, sabi ng mama ko ni wala nga tayong pagkain gamot pa. So nag-ipon ako ng pang gamot, noong nakabili ako parang ginto yung nasa kamay ko sobrang saya ko kasi makakainom na ako ng gamot. 2 beses din akong naoperahan sa cyst parang wala lang sa mom ko, kahit tanong wala kung kumusta operasyon. Sinamahan lang ako ng kapitbahay namin sa Jose Reyes kasi libre doon, mabuti pa kapitbahay namin tinatanong ako kung kumusta na operasyon ko.

Nag-graduate ako ng highschool at college wala man lang nag attend na family ko. Noong Elem kasi sabay ko nag graduate favorite nyang anak (highschool sila) kaya andun mama ko.

I already talk to my mom about it all pero deny nya lahat at super concerned daw sya sa future ko. (I always talk to her in a nice way, yung tipong chikahan lang). Like...Mama di ba noong college ayaw nyo akong pag-aralin???? bakit??? in a smilling way eka nga para walang pressure.
« Last Edit: February 22, 2012, 03:22:45 am by lonelymiss28 »

justin3

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #11 on: February 22, 2012, 03:47:42 am »
hay nakows! totoo ba ang age mo sa profile mo? so most likely, your mom is in her late 60s-mid 70s? tapos yung youngest is 23?... menopausal baby sya?

unica hija tapos ayaw paaralin? di mo pa na-gets sis?
ampon! ampon! ampoooooon ka! ;D ;D ;D

cheer-up! baka ikaw naman ang atakihin sa puso dyan.

ang laki naman ng kinikita ng 3 monthly. sa rent lang ng apts mabubuhay na sila kung tutuusin. ba't kailangan mo pa magpadala ng datung kung part time lang pala work mo dyan at may pamilya ka na ring inaasikaso dyan?
if i may ask... may bisyo ba father mo? ba't sya humahawak ng rent? maluho ba lifestyle ng parents & sibs mo?

yung breakdown ng expenses sa gamot at doktor, parang nadagdagan pa ata ng "0" ah.
anong mga brand ng meds ba yon at ganun ang price?... pang 1yr ba yon? baka sa Baguio pa binili? :o

kung totoo ngang nasa late 60s na si mommy, ay, nasa ulyanin stage na nga yan. mahirap na pagsabihan para sa ikabubuti nya.
pero kung gusto nya pang makita ang apo nya kay bunso, gayong may TB sya, aba, 6 MONTHS na walang humpay na maintenance na gamot yon. di pwede mag skip ng 1 day o tumigil after a month.
(alam ko libre ang gamot sa TB kasi may drive ang DOH noon pa na total eradication ng TB)

don't worry too much sis. unahin mo muna dyan ang family mo. nasa malayong lugar ka pa naman.
based on your posts (sa kabilang thread) you've been a very good daughter and sister. still you are.
(not unless binibida mo lang sarili mo sa kwento mo. ;))
wag mo nang pilitin magpadala pa ng pera. yayaman lang ng husto ang Western Union nyan dito. ;D

limit your calls. better if you let them contact you instead kung kailangan talaga nila ng datung.

so far, "tatlong miron" pa lang kami ang napadpad sa thread mong ito, and we are on your side.

na-cause! kung di mo lang nanay yon, makakatikim sa akin ang thunderz na yon.  ;D ;D ;D







lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #12 on: February 22, 2012, 04:33:43 am »
My mom is 66 and dad is 67. And oo menopause baby youngest namin, he is 14 years younger than me.

About being ampon, I dunno, tinanong ko na rin yan dahil yun ang feeling ko dati pero sabi nya di naman and nasabihan pa akong t*******. Saka consistent naman trato nya sa amin ng iba kong siblings na di nya favorite eh.

Bakit ako nagpapadala ng money??? sa akin kasi sis, gusto ko lang ma share kahit konti sa family ko kaya nga mama ko lang binibigyan ko ng money kasi maliit lang yun.

My dad is social alcoholic. Papa ko humahawak ng pera dahil pag mama ko laging ubos ubusan din saka di namin alam san napupunta pera.

Yung gamot nya for 1 month lang DAW yun. Nakakatawa di ba....actually yung binigay nila sa akin yun list di ako naka comment dahil sa email eh (hanggang ngayon nasa inbox ko).

Thanks sis sa info about sa TB na libre ang gamot. I will tell them about it.

Ewan ko ba sis, nakakaawa kasi pamilya ko eh...nagi-guilty kasi ako na alam kong meron ako tapos sila lahat wala or di man lang nila natikman ang buhay na meron ako, mga lugar na napuntahan ko, mga nakain ko, mga gamit ko. di nila naranasan yun.

Nagpapasalamat pa rin ako kay Lord na inspite sa dinanas kong buhay dati, di nya ako pinabayaan.

Saka binigyan nya ako ng napaka bait na asawa.

mom_G

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #13 on: February 22, 2012, 04:48:22 am »
^^sis, nakakatawa nga yung breakdown.  3000 for headache?  araw-araw yatang may sumasakit ang ulo sa inyo.  i don't mean to mock your mom pero, nakakainis kasi yung ginagawa niya sa iyo.  sobrang bait mo nga na daughter eh.  hindi ka naman nagta-trabaho para sa kanila lang.  may sarili kang pamilya and kailangan mo rin mag-ipon para sa sarili mo (emergency funds, for retirement, etc.). 

i understand, tumatanda na yung parents natin and mahirap na may samaan ng loob.  pero, you need to tell her na limited lang ang resources mo.  kung magkano lang ang kaya mo ipadala monthly, that's it.  she has to do her part... dapat niya inumin ang heart meds nya everyday kasi mas mura pa rin yon kesa kung ma-ospital sya.  same with TB meds, kailangan everyday at hindi kung may symptoms lang.  besides, meron naman silang other souce of income. 

unfortunately, pag nasanay na sila na aside from your regular padala, madali ka hingan ng "extra", mahirap mabago yon.  kung kaya mong maging firm, that will be better in the long run.  bahala na kung may mag-tampo.  hwag ka ma-guilty kasi based on what you have been doing, more than enough na ang ginagawa mo.  magbibigay ka pa rin naman, pero hwag ka na masyado padala sa emotional blackmail.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #14 on: February 22, 2012, 06:53:06 am »
Alam mo sis, iniisip ko nga today na sana pala mga 5-10k lang pinapadala ko then ipunin ko na lang yung iba para sa ganitong sitwasyon.

May ipon naman po ako kaya lang dito sa ibang bansa malaki rin ang gastos at di mo alam ang magiging bukas mo lalo na at di stable ang financials dito na ngayon may trabaho bukas wala na.

Saka wala po dito mauutangan kundi sa bangko at alam naman po natin na malaki tubo doon. So talagang unang apak ko dito yun na pinag tuunan ko ang pag-iipon. kahit sa pinas, pala ipon na po talaga akong tao dahil na rin sa experience na wala po akong matatakbuhan.





ldrwifey

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #15 on: February 22, 2012, 07:09:11 am »
my gosh sis pati b naman s mom m? eh last time i remember dun p lang tayo s kabilang thread nag-uusap.

STOP SENDING MONEY. that's the only thing that can help. send medications instead, kahit p mas mahal bili m dyan s canada. kasi habang may pumapasok n pera for sure bigay lang ng bigay ang nanay mo s mga kapatid mong batugan!!!!

and hilarious talaga yung amount ng medications ng nanay mo ah, magkano lang b ang neozep at biogesic sa pinas? saka ano yung maintenance n din ang gamot s ubo at sipon? yung bunso niyo ba mapagkakatiwalaan mo? if yes sa kanya k magpadala ng pera. suhulan mo kung kailangan mong suhulan basta ang importante mapunta sa pagpapagamot ng nanay m ang pera at hindi kung saan saan lang.

your intentions are good. but unfortunately inabuso ng pamilya mo. so its time for you to stay firm.

mom_G

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #16 on: February 22, 2012, 07:32:47 am »
sis lonelymiss28, i forgot to mention na bilib pala ako sa yo kasi despite how you were treated by your mom in the past, you remained a good daughter :)

going back to the topic, kahit magkano ang ibigay mo monthly, it will NEVER be enough.  human nature na yata natin na pag maraming funds, dadami rin ang needs.  magbigay ka lang kung magkano yung kaya mo.  huwag na huwag mo i-sacrifice ang pag-save ng money for yourself and your own family. 

freelancer_babe

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #17 on: February 22, 2012, 07:36:25 am »
Sa dating ng kwento mo, tingin ko nagsisinungaling ang mga kamag-anak mo sa Pinas. All the more na iisipin kong sinungaling sila the way na tinatrato ka nila bago ka pa mandin nag-abroad.

Hindi ako bilib na totoong maysakit sila. Gumagawa lang sila ng paraan para makahingi sila ng malaki sa iyo. Matinding dahilan kasi ang health - at mahal talaga ang magpagamot. Tignan mo ang nanay mo - siya na nga ang binibigyan, siya pa ang galit kung magdedemanda ka ng resibo.

Buti hindi ninyo pinag-aawayan yan ng husband mo?

Ito rin kasi ang maling ginagawa ng karamihan sa mga Pinoy. Pinoproblema pa rin ng mga nasa abroad ang mga financial problems ng mga kamag-anak sa Pinas. To the point pa na nasasacrifice ang priority ng mismong sariling pamilya nila. Ang dapat gawin - yung asawa at mga anak mo muna ang paglalaanan mo ng savings mo. Huli na dapat yang mga kamag-anak mo sa Pinas. Besides, nasabi mo na rin na may mga paupahan sila? Tapos hihingi pa sila sa iyo? Ang laki na nang kita ng paupahan no? 11 to 12 apartments - mayaman sila sis - hindi lang yan 20 to 25k kundi at least double pa dyan!!!

Yung breakdown ng expenses na yan kaya nilang bayaran ng paupahan. Kahit abutin ng P3k pa ang gamot sa sakit ng ulo.

Ang liliit na bagay, inaangal nilang walang pera. Saan nga ba napupunta? Baka may bisyo? Branded naman ata ang binibili nila? Pinang-ta-travel nila? Baka tig-isa na sila ng iPad, iPhone, iPod at ikaw naman, iPay nang iPay?

Nabago ba ang pagtingin nila sa iyo noong nagpunta ka diyan? Sa nakikita ko, hindi! May pera ka na ngang pinapadala pero hindi pa rin.

Di kaya tama ang sinabi ni @justin3? At may paborito pa silang anak? Ayaw kang pag-aralin? Awang-awa na ako sa iyo sis!

Kung ikaw ngayon kaya na nagigipit dyan, sa tingin mo ba makakahingi ka ng tulong sa pinas? Bibigyan ka kaya nila ng pera?

Kung malalaman nila ang sitwasyon mo dyan na naghihirap ka at kailangan mo ng tulong, willing ka kaya nilang tulungan? O sasabihin na nilang inatake na naman sila sa puso para maka-"withdraw" na naman sila sa iyo?

Kung lito ka pa rin sa kung ano ang SAPAT na tulong mo sa mga kamag-anak mo sa Pinas, ito ay dapat either EXTRA money mo o kaya galing sa TITHE fund mo sa budget mo. Kung wala kang "tithe" fund, then dapat galing sa EXTRA money. Since may problem ka rin financially dyan, wala ka dapat munang iaabot for now - ang lahat ng pera dapat mapupunta lang sa pamilya mo ngayon dyan. Ganun lang kasimple!

Kahit pa may na-ospital na naman. Walang-wala ka eh. Hanap na lang sila ng public hospital. Libre pa. Huwag na silang maging maarte kasi naghihirap sila.

Pero kung ako yan, huwag na. Kung yan rin lang naman na ayaw nilang patunayan na gumastos sila at wala rin lang naman silang pagtingin sa akin. At lalong lalo na may sarili pa akong pamilya na iniintindi!

Kawawa ang pamilya mo dyan - ang husband mo, ang anak mo. Sila ang nawalan. Kahit na ipinapakita mong mabait kang anak sa mga kamag-anak mo sa Pinas, huwag mo rin dapat kalimutan na maging karapat-dapat na ina at asawa. Iyang pagtulong mo nang husto sa mga kamag-anak mo ang siya namang sisira naman sa iyo at sa pamilya mo dyan, kasi ang dapat na sa kanila ay napupunta lamang sa iba.

Yun ba ang gusto mong mangyari?

Hindi nabibili ng pera ang pagmamahal.
« Last Edit: February 22, 2012, 07:52:00 am by freelancer_babe »

lonelymiss28

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #18 on: February 22, 2012, 07:54:26 am »
ldrwifey: pinag-iispan ko na nga sis na hwag na magpadala pero dahil sa incident ngayon di ako pwedeng hindi magpadala.

Hindi ko alam sis kung mapapagkatiwalaan ang bunso kong kapatid dahil 11 years old sya noong umalis ako ng pilipinas so di ko nakita character nya at noong nasa pinas ako busy naman ako sa work.

Problema kasi sis pag padala ako ng gamot pinapamigay ng papa ko, like nagpapadala ako ng 2 big bottle of centrum with 300-350 tabs, darating Sept then Dec ubos na ayun pala pinamigay sa barkada at relatives. eh halos for 1 year yun dapat. So ngayon pinadadala ko yung small na lang with 90 tabs. eh mas napapamahal pa ako dun.

Mom G: Alam mo sis as much as possible ayoko magtanim ng sama ng loob kasi hindi ko naman ikakayaman kung sasama pa loob ko di ba? saka kahit na baliktarin ang mundo mama ko pa rin sya. Saka sa lahat ba naman ng blessings ko  not bad na rin di ba....ang importante na lang sa akin is that I learned from this experience.

Although iba ang situation sa mga kapatid ko....kumbaga ibang chapter yun....I do not talk to my eldest brother at all.

Question: Magkano ba dapat ko ipadala??? (yung makatotohanang gastos) Pag sila kasi tatanungin ko sasabihin nila kung magkano makakaya ko. BUkas po ako magpapadala sa mama ko so iniisip ko magkano ipapadala ko.

jesrora

  • Guest
Re: Issues with my Mom...help pls!
« Reply #19 on: February 22, 2012, 07:59:21 am »
huwawwwww kung ate kita ang saya saya ko na!!! magpapakabait ako at magaaral mabuti! at kung anak naman kita eh sobrang swerte ko din dahil despite everythinggggggggggg na naranasan mo naasahan ka pa din nila. tapos kahit nahihirapan ka namomoblema pa nga now sa ipapadala. yun lang naloloka ako sa figures na mga kailangan nila! may paupahan sila tapos dami mo pang padala then exaggerate magbigay ng figures sa ginastos sa gamot na hindi naman iniinom!? hayayay! bakit ganun? parang ang dami nilang mapaghahatakan ng pera (naiisip ko kasi may paupahan) pero tinitipid ng mom mo sarili nya pagdating sa gamot? tapos sobrang biased naman sa kapatid! hay! ang labo ni mami! tapos sabihin magastos sa pinas? kung iisipin masmadaling magtipid dito kasi masmura nga dito kaysa sa abroad, pero anyway, agree ako sa sabi ng iba. STOP SENDING money! di ka ba makakadalaw uwi sa pinas para makita mo real situation? maybe dun mo mahuli whats really happening.... and hay basta ewan naiinis ako sa family mo and i dont like this feeling! wag mo na nga sila tulungan kasi baka di ka naman tulungan nyan kapag ikaw naman ang may sakit... pero nakakaguilty din wag tulungan eh? hay! take care sis!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close