Abante, Nov. 24, 2013
Mark Anthony, natutulog mag-isa sa puntod ni Daboyni Jojo Gabinete
Taliwas sa akala ng ibang tao, madalas na dumadalaw si Mark Anthony Fernandez sa puntod ng kanyang ama na si Rudy Fernandez sa Heritage Park.
http://www.abante.com.ph/issue/nov2413/pictures/s-24-mark-anthony-fernandez.jpgIkinuwento ni Mark na maraming beses na natutulog siya na mag-isa sa musoleo ng namayapang ama.
Hindi raw siya natatakot dahil ligtas ang lugar.
“Oo naman, lagi ako doon. Minsan doon pa ako natutulog na mag-isa. Hindi ako natatakot.
Hindi ako natatakot sa horror. Ang horror sa akin, comedy.
Isang pelikula lang ang nakakatakot sa akin, Exorcist 1 and 2,” ang sabi ng panganay ni Rudy na muling mapapanood sa Rhodora X, ang bagong primetime suspense-drama series na ilalabas ng GMA 7 sa 2014.
Malaki ang pasasalamat ni Mark sa tatay niya dahil ito ang nagturo na dapat alagaan ang ating katawan, isang aral na itinuturo rin niya sa kanyang mga anak. Naiintindihan na rin niya ngayon ang mga paghihigpit noon sa kanya ni Rudy.
“Mahal na mahal ko si Daboy. Pati na ‘yung pagpasok ko noon sa rehab, naging bakasyon pa sa akin ‘yon. Malaki ang naitulong sa akin kaya malaki ang pasasalamat ko sa kanya.
“Marami akong natutunan sa kanya. Ah, eto matagal ko nang iniisip, natuto akong mag-jogging. Natuto ako na mag-work out, tumakbo dahil sa tatay ko.
Siya ang nagturo sa akin ng cardiovascular exercises na puwede kong ipasa sa anak ko.”
***
Mark, ala-Tessie Tomas sa mga anak!Babae at lalake ang anak ni Mark, ang 14-year old na si Chelsea at ang 12-year old na si Cameron na parehong nagpapakita ng interest sa showbiz. Kung si Mark ang tatanungin, papayagan niya ang mga anak na maging artista.
“Okey sa akin para ma-train sila. Sa tingin ko, nagmana nang konti si Cameron kay Alma sa pagka-showbiz. Si Chelsea, hindi pa papasok sa showbiz pero gusto niya na maging singer.
“Sa tingin ko naman, effective ang mga ginagawa ko (na pagpapalaki sa kanila). In a scale of ten, 7.5. Mas Tessie Tomas ako. Yung style ng pagpapalaki niya, English.
Maluwag siya sa mga anak dahil sa kanyang paniniwala na mas productive ‘yon. Noong mga bata pa sila, istrikto ako sa mga anak ko, ngayon hindi na dahil mga teenager na.”
***
Claudine, feel pa rin ni Mark AnthonyIlang buwan nang headline ng mga entertainment news si Claudine Barretto dahil sa personal problems na pinagdaraanan nito.
Itinanong kay Mark ng entertainment press ang reaksyon sa mga nangyayari ngayon sa kanyang ex-girlfriend at idinaan niya sa biro ang sagot.
“Sa tingin ko, iniisip ko lang, sobrang hit ngayon ng MMA (Mixed Martial Arts) kaya ‘yun ang reaksyon ng ibang tao, malakas din ang audience ng MMA, kaya napaaway siya. ‘Yun ang tingin ko.”
May plano noon na pagsamahin sa isang movie project sina Mark at Claudine, pero hindi natuloy.
Handa si Mark na makatrabaho si Claudine at tiniyak niya na walang ilangan na mangyayari dahil nagkasama na sila noon sa isang TV show.
“Nagkatrabaho na kami. Talagang casual kami at cool na cool lang. Siyempre naman, who wouldn’t want na makatrabaho siya?
“Isa siya sa mga iniidolo sa TV at drama. Basta makakadagdag sa points ko, okey sa akin. Whatever’s clever,” ang mga statement ni Mark tungkol kay Claudine.