watch now

Author Topic: Mark Anthony Fernandez  (Read 112922 times)

CAROLINA

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #100 on: February 03, 2013, 02:14:03 pm »


Abangan ang press conference ng 'Bukod Kang Pinagpala' via livestreaming sa February 5!

Ang bawat anak ay inaalalayan ng kanyang ina sa kanyang pagtuklas sa mundo. Siya ay dinadamayan sa tuwing siya’y nangangamba, at lubos na nagmamahal sa anumang panahon. Mapalad ang mga kapiling ang kanilang nag-iisang ina. Mas mapalad ba ang isang anak na may tatlong ina sa kanyang buhay?
 
Tuklasin kung ano ang kayang gawin ng bawat ina para sa pagmamahal sa isang anak sa panibagong Afternoon Prime series ng GMA na Bukod Kang Pinagpala starring Mark Anthony Fernandez, Camille Prats, Jennica Garcia, Jackie Rice and Mona Louise Rey.
 
Sa Afternoon Prime series na ito, gaganap sina Mark Anthony Fernandez at Camille Prats bilang ang mag-asawang Alfonso at Bessie. Sila ay may kaya na nagmamay-ari ng isang organic farm at restaurant at kahit na matagal na silang nagsasama ay hindi parin sila binibiyayaan ng anak.
 
Si Jennica Garcia naman ay gaganap bilang si Ofelia, ang pinsan ni Bessie na may mabuting kalooban. Siya ay mapagkalinga at maalaga. Lahat ng katangian ng isang mabuting ina ay nasa kanya.
 
Gagampanan naman ni Jackie Rice ang papel ni Janet, na siyang magkakaroon ng lihim na relasyon kay Alfonso. Magbubunga ang kanilang pagsasama, ngunit kanyang iiwanan ang anak nila ni Alfonso.
 
Para sa anak na ito na nangungulila, sino kaya ang pinakakarapat-dapat na ituring niyang ina? Si Bessie ba, na kayang magbigay ng maginhawang buhay; si Ofelia ba, na handang manindigan, huwag lamang silang mahiwalay; o ang palaban na si Janet?
 
Lalo pang kilalanin ang cast ng Bukod Kang Pinagpala by watching its press conference via livestreaming on Tuesday, February 5, 2013 at 7:00 p.m. Log on to gmanetwork.com/livestreaming to witness this exclusive event.




Bukod Kang Pinagpala Pictorial with Mark Anthony, Camille and Mona Louise

http://sphotos-f.ak.fbcdn.net/hphotos-ak-ash3/582440_323128937788345_521255839_n.png

etxetera

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #101 on: February 07, 2013, 11:13:57 am »
Jomari played father to Joyce Ching sa Magpakilanman sabi ko what if si Mark Anthony ang gumanap na tatay sabi sis ko di pwede magmumukha silang loveteam ni Joyce :D considering dikit ang edad ni Mark at Jom lamang ang baby face  ;)

footstep

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #102 on: February 07, 2013, 10:18:28 pm »
 Leandro Alcuar ang character name ni Mark Anthony sa Bukod Kang Pinagpala.

http://www.facebook.com/photo.php?fbid=145211818971263&set=a.145211705637941.32962.144340999058345&type=3&theater



transcend

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #105 on: February 17, 2013, 02:57:58 am »
Phil. Entertainment Portal, Feb. 16, 2013

http://contents.pep.ph/images2/news/d4e6f7b51.jpg

photo by Noel Orsal

Mark Anthony Fernandez on Claudine Barretto’s return to showbiz: “Superstar 'yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!”

by Rey Pumaloy

Humina ang pangangatawan at nagkasakit si Mark Anthony Fernandez kaya hindi siya nakadalo sa launching ng umi-ere na ngayong serye niya sa GMA-7, ang Bukod Kang Pinagpala.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Enterainment Portal) kay Mark Anthony sa Kapuso network studio kamakailan, inilahad ni Mark na, sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkaroon siya ng kaunting karamdaman.

Kuwento niya, “Medyo bumigay lang konti yung resistensya ko.

“Medyo nakadagdag rin yung sunud-sunod naming taping kasi minsan inaabot kami ng madaling araw.

“Tapos, sa Tagaytay kami nagta-trabaho, change of climate, kaya hindi nakayanan ng resistensya ko.

“Hindi madaling mag-maintain ng good physique. Kailangan mo talagang balansehin.

“Sa edad natin ngayon, masyado tayong vulnerable sa kahit na anong bagay, lalo’t yung trabaho natin, puyatan.

“Pero okay naman na ako. Nakakapag-adjust na uli sa ginagawa natin ngayon,” na tukoy ang taping niya sa serye.

BODY REST. Bago ng Bukod Kang Pinagpala, ang huling serye ni Mark Anthony ay ang drama series na pinagbidahan nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez na Makapiling Kang Muli.

May tatlo, hanggang apat na buwan rin namang napahinga si Mark Anthony sa tapings.

Paano niya ginugol ang mga panahong wala siyang ginagawang drama soap?

Tugon niya, “Nag-aaral, gumagawa ng homework.

“Catching up with some things na hindi ko nagawa. Saka siyempre, ensa-ensayo. Okey naman ako ngayon.”

DAD’S INFLUENCE. Marami ang bumibilib kay Mark Anthony dahil, sa grupo nilang “Gwapings,” siya ang nakapanatili ng magandang physique.

Sa tatlo, sinasabing nawala na ang pagiging hunk nina Jomari Yllana at Eric Fructouso.

Ano ang comment niya sa magandang feedback sa pagkakaroon pa niya ng leading-man appeal?

Sinabi nitong ang yumaong ama niyang si Rudy Fernandez, dating action star, ay naging malaking influence sa kanya.


“Well, with regards to that, I think na-impluwensyahan talaga ako ni Rudy Fernandez.

“Noong fifteen years old or sixteen years old ako, hindi pa ako mahilig mag-jogging, mag-work out.

“Pero si Daboy [ang tawag sa ama] yung laging nagsasabi sa akin na…

“In fact, kaya ako natutong mag-jogging dahil kay Daboy… walang halong biro.

“Mula noon hanggang ngayon, yung work ethics ni Daboy at saka sina Ipe [Phillip Salvador], siguro medyo napasa sa akin nang konti… sa tingin.

“Saka, medyo nag-suffer ako… When I was a kid, I suffered from bulimia because I’m very particular with my body,” banggit niya sa naging karamdaman.

BULIMIC. Para maintindihan pa namin ang pinagdaanan niya dahil sa nasabing sakit, nagpaliwanag si Mark Anthony.

“Yung bulimic, gusto mong pumayat pero hindi ka nagpapayat. Tapos, kain pa rin nang kain.

“Hindi ka nagwo-work out, pero isinusuka mo na lang yung pagkain.

"Or starvation. Hindi ka kakain. Pag hindi ka kumain, once na nagutom ka, sobra ka namang kumain.

“Ang mangyayari ngayon d'yan, either isuka mo or madi-depress ka.”

Noong mga panahon bang iyon, nagsa-suffer na rin ba siya ng depression sa ibang dahilan?

“Hindi naman. Medyo kinalakihan ko na lang,” paglilinaw niya.

“Ten years old pa lang, meron na ako noon. Noong ma-in love ako sa isang…

“Well, nagka-crush ako sa isang babae. Pagtingin ko sa salamin… siguro nasa grade two ako noon sa Baguio…

“Sabi ko, ‘Ang taba ko naman!  Paano kaya magugustuhan ako ng babae?’

“So, doon na nag-start yung bulimia.”

Kailan natapos ang pagiging bulimic niya?  Paano ito natanggal sa sistema?  Dumaan ba siya sa isang professional medical procedure?

“Hindi. Iyon nga yung influence sa akin ni Daboy at saka nina Richard Gomez, ni Jomari din!  Na mahilig silang mag-work out.

“So, noong na-instill ko na sa katawan ko at nineteen [years old], kasi, kumbaga, bawal mag-work out… after eating ka lang puwedeng mag-work out, e.

“Below that, no - no, kasi hindi ka tatangkad.

“Ahm, nineteen ako, na-cure doon sa sakit na 'yun.”

JUST LUCKY. Pag tinititigan niya ang itsura sa salamin at nakikita ang pagbabago sa itsura, sinasabi ba niyang ang guwapo naman ni Mark Anthony Fernandez!

“Ahm… feeling ko tsambalero ako!” nakangiti niyang bulalas.

“Ang suwerte ko naman — malakas sa tsamba! Ayun!” nakangiti niyang dugtong.

Hindi ba siya nahirapang mag-maintain ng katawan o magdisiplina sa pagkain?

“Ngayon, very ano na ako… na-instill na talaga sa akin.

“I think, I’m a master of… feeling ko nga puwede na akong maging gym instructor or doctor of sports — quote, unquote. Parang ganoon.”

Dahil sa kanyang “expertise,” plano ba niyang magtayo ng sariling gym?

“Ah, well… kung saan ako umuwi, dinivelop ko yung gym doon.

“So, hindi lang ako ang gumagamit kundi pati na rin yung mga kapitbahay ko.

“So, parang ganoon na rin, though hindi nga lang literal.”

EX-GIRLFRIEND CLAUDINE. Hindi lang naging ka-loveteam, kundi naging real-life sweetheart ni Mark Anthony si Claudine Barretto.

Ayon sa showbiz observers, dahil na rin sa mga sunud-sunod na pinagdaanang issues ni Claudine — partikular na ang engkuwentro nila ng mister niyang si Raymart Santiago sa mga Tulfo brothers — lumamlam ang career ng aktres.

Ano ang opinyon niya sa sinasabi ng iba na mahihirapan nang makabalik sa showbiz mainstream si Claudine?

“Well, bilang fan niya — quote, unquote — well, tagahanga rin niya ako, I see the complete misunderstanding.

“Tapos, kumbaga sa car accident, act of God lang, parang ganoon. Aksidente lang talaga—nature’s fault.

“Yung sa career niya… I believe na lahat naman ng pangit na nangyari or image…puwede namang maayos in due time.

“Saka kailangan, magaling kang mag-adjust, in some sense.

“Kasi right now, alam naman natin na talagang GMA ang namamayagpag sa entertainment business.

“Alam mo naman dito [sa showbiz], wala tayong tulog… Baka dahil doon, basically baka dahil sa puyat lang, kaya nagkaganoon."

Si Claudine ay naging contract star ng GMA-7, ngunit hindi na ni-renew ng network ang kontrata nito noong 2013.

“Kumbaga, ang ibig kong sabihin, kailangan mas cool, mas malawak ang pag-iisip, adjustable sa… alam mo yun?  Adjustment lang.”

OPTIMUM STAR. Naniniwala ba si Mark Anthony na makakabalik pa si Claudine?

“I believe. You cannot put a good man down, kumbaga.

“So, I think she’s a good person — misunderstanding lang.

“Para makaaway mo ang mga Tulfo, e, good men rin 'yang mga ‘yan. Ibig sabihin, pareho kayong good.

“Ano bang record ng Tulfo? Puro good! Ano bang record ni Claudine beforehand, puro good!

“E, nag-away sila samantalang pareho silang good.

“Ibig sabihin, hindi sila big deal para… hindi siya [Claudine] dapat kasuklaman. Parehong mababait yung mga ‘yan. e.

“Naniniwala akong makakabalik pa si Claudine. Superstar ‘yan, e. In fact, she’s an Optimum Star!

“So, I think ganoon ang sikreto ng mga stars — Diamond Star, Superstar, Star for all Seasons.

“Baka ‘yan yung sikreto niya,” na ang tinutukoy ni Mark Anthony ay ang pamamahinga muna ni Claudine mula sa showbiz.

k_heart

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #106 on: February 21, 2013, 10:28:43 pm »
ang gwapo pa din ni mark anthony!

strawberry

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #107 on: February 23, 2013, 12:42:32 pm »
^onga. ang gwapo pa din nya. gwapings pa din. like ko sana yung latest afternoon series nya with Camille Prats, kaso di ko type yung gumaganap na "anak" nila dun. since Munting Heredera days palang, di ko na type yung "Michelle" na yun

transcend

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #108 on: March 27, 2013, 12:09:12 am »

http://www.pep.ph/news/37863/mark-anthony-fernandez-open-to-working-with-stepmom-lorna-tolentino-in-a-soap

Mark Anthony Fernandez open to working with stepmom Lorna Tolentino in a soap


http://64.19.142.11/contents.pep.ph/images2/news/b0f6281b4.jpg


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark Anthony Fernandez sa taping ng Bukod Kang Pinagpala sa Tagaytay noong March 13.

Na-miss ng ilang entertainment press si Mark dahil hindi ito nakarating noong press conference ng kanilang afternoon soap noong January.

Si Mark ang pinag-aagawan ng tatlong babae sa kuwento—sina Camille Prats, Jackie Rice, at Jennica  Garcia.

Pero natatawang sabi ni Mark, “Noong umpisa lang na ako ang pinag-aagawan ng tatlong babae.

"Ngayon kasi, si Mona [Louise Rey], yung bata na ang pinag-aagawan nila.

“Itong papasok ng Week 7, ang pinag-aawayan na namin ang bata.

“Natutuwa naman ako na nagdaan doon. Baka naman pag-awayan din nila ako in the future.

“Pero at least, dumaan muna do’n, di ba? So, natutuwa naman ako ron.”

Masaya ba siya sa karakter na ginagampanan niya sa Bukod Kang Pinagpala?

“Okay, masaya ako,” sagot ni Mark.

“Although mahilig ako sa ibang bagay, pero napapasama ako sa mga proyektong maraming babae at yung title, babae.

“So, yun, natutuwa ako sa mga proyekto na nagagawa ko along the way.

“Na, ‘Uy, maganda pala ang proyekto!’ At pati ako, nagiging fan ng proyekto.”



CAMILLE PRATS. Itong Bukod Kang Pinagpala ang ikalawang beses na gumanap sila ni Camille Prats bilang mag-asawa sa teleserye. Ang una ay sa Munting Heredera.

Kumusta naman ang pagtatrabaho nilang muli?

“I’m flattered na nakatrabaho ko ulit si Camille, dahil si Camille, magaling na artista, masarap na ka-partner.”

Sa hiwalay na panayam naman ay sinabi ni Camille na mas masarap kaeksena ngayon si Mark. Bakit kaya nasabi ni Camille iyon?

“Bago kasi magsimula itong Bukod Kang Pinagpala, sinabi ko sa sarili ko na kailangan double effort ako.

“Dahil sa Munting Heredera, noong nagsimula kami, hindi talaga ako effort na effort noon, e.

“Dahil sa ano ako noon, marami akong ginagawang bagay noon.

“Pero ngayon, alam ko na makaka-focus ako kaya sinabi ko na double effort ang ipakita ko.

“Salamat naman at nakikita ni Camille,” saad ng aktor.

Biniro tuloy si Mark na hindi pa pala siya nag-effort nang lagay na yun sa Munting Heredera.

Natawa naman ito sabay sabing, “Hindi, noong umpisa talaga, parang diesel bago maka-take off.”



JACKIE RICE. Sa tatlong female lead stars ng Bukod Kang Pinagpala, si Jackie Rice ang hindi pa niya nakatrabaho noon.

Banggit ni Mark, “Si Jennica, nakasama ko sa Impostora at ito ang pangalawang beses namin.”

Naging vocal naman si Mark sa kanyang paghanga kay Jackie.

Aniya, “Si Jackie kasi, first time kong nakatrabaho rito, first time kong nakita.

“Kumbaga, ang ganda pala niya sa personal. At saka, magaling na artista rin.

“Sa totoo lang, maganda siya.”

Dahil sa sinabi niya, tinukso tuloy si Mark na mukhang nagkaroon siya ng atraksiyon kay Jackie.



TEN YEARS. Sampung taon nang kasal si Mark sa kanyang misis na si Melissa Fernandez. Kaya naitanong namin sa kanya kung sa sampung taon ay wala siyang naging “sideline”?

“Depende sa kung saan natin ilalabas!” natatawang sagot naman ni Mark.


Sa sampung taon na iyon, masasabi niyang naging faithful husband siya?

“Private matters siya, ayoko nang pag-usapan,” nakangiti niyang pag-iwas.

Tatlong babae kasi ang nag-aagawan sa kanya sa Bukod Kang Pinagpala, kaya naitanong namin sa kanya ang tungkol dito.

Pero sabi ni Mark, nang natatawa, “No comment, no comment! Baka mali ang maging pagkakasulat!”

Nag-away na ba sila ng misis niya tungkol sa third party?

“Hindi naman, hindi naman. At saka, wala namang nagtatanong na,” sabi ni Mark.

Pero happily married pa rin siya?

“Yes, siyempre naman, ganoon pa rin, wala namang nagbabago.”



MARK’S STEPMOM. Nasa Kapuso network muli ang stepmom ni Mark na si Lorna Tolentino. May plano ba ang network na pagsamahin sila sa isang proyekto?

“Sa ngayon, wala pa akong nababalitaan.

“Ito pa lang talaga ang proyektong napag-uusapan… itong Bukod Kang Pinagpala.”

Kung sakaling may project na ibigay sa kanila ni LT, okay sa kanya?

“Kung yun ang talagang napupusuan ng GMA at sa tingin nila, yun ang magandang proyektong gagawin, bakit naman hindi kung talagang maganda, di ba?” sagot ni Mark.

transcend

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #109 on: April 11, 2013, 08:46:10 am »
Phil. Entertainment Portal, April 6, 2013

http://contents.pep.ph/images2/news/6dbb9664d.jpg

photo by Noel Orsal

Mark Anthony Fernandez on campaigning for mom Alma Moreno: “Alam naman ni Mama na todo suporta ako sa kanya anytime.”
by Ruel J. Mendoza

Nangako si Mark Anthony Fernandez sa kanyang inang si Alma Moreno na tutulong ito sa kampanya nito bilang konsehal sa Parañaque City.

Nagbigay na raw ang Kapuso leading man ng schedules sa mga tauhan ng kanyang ina kung kailan siya libre para makasama siya sa pag-ikot sa ilang mga barangay sa distrito ng kanyang ina sa Parañaque City.

“Alam naman ni Mama na todo suporta ako sa kanya anytime.

“Basta wala akong work, she can be assured na nandoon ako for her.

“Nagsu-sorry naman ako sa kanya na hindi ako makapunta sa ilang mga paikut-ikot niya sa Parañaque because of my work schedule.

“Three times a week kami sa Tagaytay nagte-taping for Bukod Kang Pinagpala.

“Ngayon kasi, puro mabibigat na mga eksena ang ginagawa namin. Kaya at the end of the day, pagod na kaming lahat.

“But I promised naman kay Mama na hindi matatapos ang pagkakampanya niya, darating ako para tulungan siya,” paninigurado pa ni Mark nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping set ng Bukod Kang Pinagpala sa Greenville Subdivision sa Amadeo, Cavite.

CAMPAIGNING FOR MOM ALMA. Naikuwento ni Mark na tuwing nakakapagsimba siya sa Baclaran Church tuwing Miyerkules, kinakampanya niya ang kanyang ina sa mga taong lumalapit sa kanya.

“Oo, ginagawa ko ‘yon.

“I sometimes buy a few things doon sa tabi-tabi at sinasabi ko na iboto nila si Mama.

“Lahat naman ng lumapit sa akin, yun ang sinasabi ko. Kaya in a way, nakakatulong ako kay Mama.”

Worried nga lang daw si Mark dahil alam niyang madaling ma-stress ang kanyang ina dahil sa sakit nito.

“Dahil nga sa campaign, ang worry ko lang kay Mama ay ang ma-stress siya.

“Lalo na ngayon na ang init-init talaga. Pero kailangan tuloy ang kampanya nila.

“Lagi ko naman pinapaalala sa kanya na mag-ingat siya para hindi siya atakihin ng sakit niya.

“But knowing Mama, kaya niya ang kahit na anong stress na dumating sa buhay niya.

“Pinagdarasal ko naman parati ang health ni Mama.

“Sinasabihan ko na lang ang ibang mga kapatid ko na sila Yeoj, Winwyn and MM na alagaan nila si Mama.

“Mas nandoon kasi sila kesa sa akin kaya pakiusap ko sa kanila to take care of her,” kuwento pa niya.

Happy naman si Mark sa kanyang trabaho, lalo na sa series na Bukod Kang Pinagpala dahil sa mataas na ratings nito araw-araw.

Kaya ganado silang lahat na magtrabaho at pagandahin pa ang bawat episode.

“Lahat ng gawin naming mga episodes ay malalaki. Para na nga kaming primetime, e,” saad niya.

“Maraming mababago sa characters namin, lalo na sa roles nila Camille [Prats] and Mona Louise [Rey]. May maiiba sa kanila — nabigyan ng bagong twist ang story namin.

“Kaya mas exciting pa siyang abangan and enjoy kaming lahat working kahit inaabot kami ng umaga.

“Inspired kaming lahat sa mga sumusubaybay ng show namin.”

CHEMISTRY WITH CAMILLE. Maganda nga ang chemistry nila ni Camille kaya maayos nilang nagagawa ang mga mabibigat nilang mga eksena sa naturang afternoon series.

Sinabi nga ni Mark na simula noong magkasama sila ni Camille sa Munting Heredera, naging magaan na sa kanilang dalawa ang mga ginagawa nilang mga dramatic scenes.

“Parang alam na naming dalawa ang gagawin ng isa’t isa. Especially sa mga heavy scenes namin.

“Before kasi, makikiramdam pa ako sa iaarte ng kaeksena ko. But with Camille, alam ko na ang gagawin ko.

“Kumbaga basang-basa ko na siya. Alam ko na ang magiging reaction niya sa mga scenes namin.

“Kaya magaan siyang katrabaho. Wala akong nagiging problema kapag si Camille ang kasama ko,” ngiti pa ni Mark.

CONTRACT RENEWAL. Kelan nga lang ay pumirma ulit si Mark ng exclusive station contract with GMA-7. Another three years daw ang kanyang pinirmahan.

Wala nga raw naging problema si Mark with GMA-7 dahil tumatanaw siya ng malaking utang na loob dito.

Kaya kahit na may ibang TV network daw ang gustong kunin siya, mananatili raw siyang Kapuso.

“Yes, there have been offers from other stations. Noon pa naman. But, I’m happy working for GMA-7. Kaya nga pumirma ulit tayo dahil masaya ako with them.

“It was GMA-7 who really gave me the best roles I’ve portrayed on television. Sila rin ang nagbigay sa akin ng pagkakataon ulit na makabangon.

“Ever since I did Impostora in 2007 with GMA-7, nagtuluy-tuloy na ulit ang career ko. Non-stop na ang work natin.

“Tayo naman, we don’t make any demands. Nagtitiwala tayo sa mga binibigay na trabaho sa atin.

“'Yun ang pinapasalamat natin parati kaya maayos tayong nakakapagtrabaho parati.

“It has been six years now and I am still getting good roles.

“Kaya dapat lang naman na sa Kapuso pa rin tayo,” diin niya.


transcend

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #110 on: April 11, 2013, 08:49:06 am »
Pang-Masa, April 11, 2013

Ayaw tularan ang ina, Mark Anthony walang interes sa pulitika!
ni Nora Calderon

Wala pala sa vocabulary ni Mark Anthony Fernandez na umalis sa GMA Network, kahit pa maraming lumilipat sa ibang network. Ang GMA raw ang nagbalik sa kanya sa limelight and changed him for the better. Kari-renew lamang niya ulit ng isa pang three-year exclusive contract at pansin namin kay Mark Anthony na hindi siya nagsisinungaling sa pagsasabing masaya siya bilang isang Kapuso dahil masaya siyang nakipagtsikahan sa ilang members ng press na dumalaw sa taping nila ng Bukod Kang Pinagpala (BKP) sa Amadeo, Cavite. Isa na naman itong family drama sa afternoon prime at welcome iyon kay Mark Anthony.

Muli nga niyang katrabaho sina Camille Prats at ang child actress na si Mona Louise Rey na una silang nagkasama-sama sa Munting Heredera.

Kuwento rin ni Mark Anthony, laging maganda ang project na ibinibigay sa kanya, bida man siya o kontrabida tulad ng huli niyang drama series na Makapiling Kang Muli. Kaya dapat na raw abangan sa mga susunod na linggo ng BKP ang twist ng story nila na first time niyang nakasama sa serye ang kapatid na si Raf Fernandez, eldest son ng kanyang Tita Lorna (Tolentino).

Kung ang kapwa Gwapings niyang si Jomari Yllana ay pinayagang mag-artista ang anak nila ni Aiko Melendez na si Andrei, payag din si Mark Anthony kung gusto ng anak na si Cameron (with wife) Melissa, who is now eleven years old, na pasukin din ang showbiz. Maganda raw ang boses ni Cameron kaya nagbo-voice lesson ito ngayon.

Ang isa pang anak ni Mark Anthony, si Chelsea, sa non-showbiz girlfriend niya noon, is now thirteen years old na rin pero nasa pangangalaga siya ng kanyang lolo at lola. May communications siya sa anak through cell phone.

Kung ang papa niyang si Rudy Fernandez ay nag-try pumasok sa politics, ayaw naman ni Mark at biro niya, tatakbo raw siya sa track and field pero nag-promise na raw siya sa mama niya, si Alma Moreno, na nasa last term na as a Parañaque City Councilor na tutulong siya sa kampanya kapag malapit na ang eleksiyon. Ganoon din sa Tito Joey (Marquez) niya na kandidato namang Congressman ng Parañaque.


transcend

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #112 on: April 30, 2013, 10:01:28 pm »
http://www.pep.ph/news/38479/mark-anthony-fernandez-fears-losing-assignments-ldquokung-hindi-ka-competent-hindi-ka-nila-papaboranhellip-baka-iba-ang-kunin-nilardquo

by Glenn Regondola posted on April 30, 2013 

http://64.19.142.12/contents.pep.ph/images2/news/d6a4f9419.jpg

Isa si Mark Anthony Fernandez sa dumalo sa nakaraang 50thanniversary celebration ni German “Kuya Germs” Moreno na ginanap sa Resorts World Manila noong April 24.

Ayon kay Mark, abala siya ngayon sa pagte-taping ng GMA-7 afternoon drama series na Bukod Kang Pinagpala. Kasama niya rito sina Camille Prats, Jennica Garcia, Jackie Rice, at Mona Louise.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “I’m good. I feel blessed and honored na nabibigyan ako ng good projects ng GMA—well-thought, well-heartfelt projects and with good directors.

“Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanila na pinagkakatiwalaan nila ako sa mga ganoong projects.

“With new actors coming in sa GMA, happy ako na nako-consider nila ako.

“Kaya what I’m doing is pinaghuhusayan ko ang trabaho.

"Kasi, honestly, mataas ang competition ngayon.

“Kung hindi ka competent, hindi ka nila papaboran… baka iba ang kunin nila.”

INSPIRATION
. Ayaw na raw balikan ni Mark ang hibernation days niya sa showbiz dahil baka paggising niya raw isang araw ay wala nang dumating na offers sa kanya.

“I’ve learned my lessons well,” nangingiting pag-amin ng anak ni Alma Moreno at ng yumaong si Rudy Fernandez.

“That was the time na I needed someone to push me up—it was really bad.

“That time, I was pabandying-bandying lang… jeproks lang those times.

“But now, I’m more mature and working.

“The good thing is the GMA people put me back. Binigyan nila ako ng mga importanteng projects… so thankful for that.”

This time ay no turning back na para sa kanya lalo na’t inspirado siya dahil sa kanyang pamilya.

Sabi ni Mark, “I intend to spend my life sa showbiz industry… this is where my heart is.


“My family is good, my son is okay, he’s in grade six now.

“Makatapos lang siya ng high school, sige na… puwede na siya mag-showbiz.

“But then, sana ay tapusin niya ang college. It is something na hindi ko nagawa sa buhay ko.”


SHOWBIZ CHILD
. Pakiramdam ni Mark Anthony ay susunod sa yapak niya ang panganay na anak na lalaki.

“Parang nararamdaman ko na gusto niya ring mag-artista. He’s training sa club ng school nila.

“Kung anuman ang gusto niya sa buhay later on, bilang ama, nakahanda lang ako na suportahan siya.”

Dugtong pa niya, “Even my wife is very supportive of us.

“Wala sa kanya kung sakaling vey busy ako sa tapings, yung anak ko is showing signs na gustong mag-artista.

"Wala, she’s just happy for us.”

Si Mark ay may dalawang anak na lalaki sa asawa niyang si Melissa Garcia at isang anak na babae mula sa dati niyang girlfriend na sumakabilang-buhay na.

HALF-BROTHERS. Tinanong naman ng PEP sa kanya kung close ba siya sa stepbrothers niyang sina Ralph at Renz Fernandez, mga anak ni Rudy sa asawa nitong si Lorna Tolentino.

Sabi ni Mark, “Renz and Ralph are very, very close to me—as in super close."

Ano ang reaksiyon niya sa naging breakup nina Renz at Maxene Magalona?

“Yung sa kanila ni Maxene, I thought it was just a petty thing. And I hope na magkabalikan pa sila.

“Gustung-gusto ko si Maxene for him.


“And in fact, Francis [Magalona, ama ni Maxene] ay very close din sa ama ko.

"At para sa akin, e, bagay na bagay sila.”

Ngayon ay nali-link naman si Renz sa 18-year-old actress/host na si Coleen Garcia.

“Ganoon talaga, ganoon talaga!” natatawang reaksiyon ni Mark.

“Sana ay masanay siya sa intriga dahil ang intriga ay part talaga ng showbiz... may malicious na mga tao.

"Pero hopefully ay silang dalawa pa rin ni Maxene ang magkatuluyan.

“I really like Maxene for Renz kasi parang part na sila ng family namin at sa tingin ko ay bagay na bagay sila.”

After ng breakup ng dalawa, sa tingin ba niya ay naging malungkot din ang kanyang kapatid?

“Sa text niya sa akin, mukhang malungkot siya,” pagsisiwalat ng 34-year-old actor.

“Although hindi pa kami nagkikita, sa text niya ay mararamdaman mong malungkot siya.

“I don’t need to tell kung ano yung text niya, pero it’s something na nagpapakita ng totoong emotions niya sa paghihiwalay nila.”


“BE STRONG.”
Tulad ni Renz ay dumaan din noon si Mark sa matinding problema sa buhay pag-ibig, partikular na sa kanila noon ni Claudine Barretto.

Ano naman ang advice niya sa kapatid?

Ani Mark, “Pagdating kasi sa ganyan, wala naman kaming gaanong sinasabi.

“Pero ang sinabi ko lang, ‘Magpakalalaki ka.’

“Hindi ko masasagot ang mga problema niya, pero ang masasabi ko lang ay magpakalalaki siya.

“Hindi puwedeng daan-daanin sa lungkot, dapat harapin niya ito.”

Ayon pa kay Mark, “Ako, ang dami ko ring problema, the good thing is I’m on top of the problem.

“Sabi ko nga, ‘Anything that you think would kill you will make you stronger.’

“Ang importante ay i-acknowledge mo yung problem and harapin mo nang tama at matibay.”

MISSING DAD. Sa puntong ito ay tinanong namin si Mark kung nami-miss niya ang kanyang yumaong ama, at anong lessons ang nakuha niya noong nabubuhay pa ito.

“Lagi, lagi. Lahat ng mga sinabi niya noon sa akin, isinasabuhay ko ngayon,” sabi ni Mark.

“Gusto ko nga, I want to double it sa mga anak ko ngayon sa tamang paraan.

“Kaya nga sa mga anak ko, I handle them with a lot of caution and guidance… at 100 percent ako sa kanila as a father.

“Nandoon ako sa kanila—naka-focus ako sa kanila.”

Tulad ng lagi niyang sinasabi, nag-iisa ang kanyang ama pati na ang kanyang ina.

“As parents, they did their best naman.

“Kahit si Mama may ibang family na, hindi naman nawawala yung communication namin sa isa’t isa.

“Kahit may sarili na rin akong family, lagi siyang concerned sa amin.

“Si Papa naman, hindi ko nakakalimutan ang good examples na ipinakita niya sa aming mga anak niya.

“Alam ko before na naging problemado din siya because of me, pero hindi niya ipinakita iyon sa akin—he was supportive, sobra!

“Kaya kung ano yung ipinunla niya sa aking goodness, yun din ang ginagawa ko sa mga anak ko ngayon.”





footstep

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #113 on: May 18, 2013, 09:30:46 am »
Phil. Entertainment Portal, May 16, 2013

Mark Anthony Fernandez happy for mom Alma Moreno; feels bad for stepdad Joey Marquez
by Ruel J. Mendoza

footstep

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #114 on: May 22, 2013, 12:10:00 pm »
http://ph.omg.yahoo.com/news/mark-anthony-feels-for-ex-girlfriend-claudine-065015850.html


Mark Anthony feels for ex-girlfriend Claudine


By Maridol Rañoa-Bismark | Yahoo! Southeast Asia Newsroom – Mon, May 20, 2013 2:50 PM PHT


Councilor-elect Alma Moreno’s eldest son Mark Anrthony Fernandez won’t join politics the way she did years back.  The late Rudy Fernandez’s son believes he’s better off helping people in his own way.

“Mahilig ako  maging Samaritano (Good Samaritan). Tutulong na lang ako bilang Samaritano,” he said at the press visit for his  GMA teleserye “Bukod Kang Pinagpala”  in Antipolo.

But he’s happy for his mother, who is in her last term as Paranaque councilor.

 “Pinagpala siya,” Mark borrowed a word from his teleserye, which takes a final bow on Friday, June 7.

Mother and son seldom see each other anymore, but they keep communication lines open.

That’s why Mark knows there’s no truth to rumors that Alma and her husband,   Marawi City Mayor Sultan Fahad  Salic are separated.

“Hiwalay lang sila physically dahil sa politics,” Mark explains.



Sad for Joey, Aga and Richard

He feels sad that his Tito Joey Marquez failed in his bid to return to politics and laments Richard Gomez’s loss in the mayoralty race in Ormoc.

“Sila ang dapat binoto kasi mababait at matatalino,” explains Mark.

The actor also feels for Aga Muhlach, who at the time of the interview was facing problems in his bid to represent Camarines Sur in Congress.

“Naiipit si Tito Aga,” a worried Mark revealed.

The scenario was totally different in Batangas.  Mark reports that he passed by Governor Vilma Santos’ province at 7 a.m. of election day and noticed that everything was peaceful.

“Walang away-away don,” Mark reports.

The peaceful atmosphere reflects the 34-year-old Mark’s life.  After he married Melissa Garcia, mother of his two sons, Mark’s life has been a picture of calm.

“I just keep quiet and meditate when I have  family problems,” he states.



On Claudine

Mark feels for ex-girlfriend Claudine Barretto, whose own family problems have brought her in the center of controversy for many days now.

“She’s  a  victim of prejudice,” observes Mark.  “Intindihin na lang natin siya.”

Mark is a far cry from the problematic guy of many years back.  Marriage and family have done wonders for him.


footstep

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #115 on: July 06, 2013, 05:40:52 pm »
https://fbcdn-sphotos-c-a.akamaihd.net/hphotos-ak-ash4/1045199_204588469698428_1446073689_n.jpg


MAGPAKAILANMAN

 presents


 “LUBOG SA PUTIK: A Quezon Flash Flood Story”


Ngayong Sabado, tampok ang magkapatid na sina Mark Anthony Fernandez at Renz Fernandez sa kambal na kuwento ng pagdurusa at pag-asa!

Taong 2004, ilang linggo bago dumating ang Pasko, isang kagimbal-gimbal na trahedya ang dumapo sa mga taga-Infanta, Quezon; kabilang sa mga biktima nito ay ang magkumpareng sina Emmanuel at Manuel.

Bago dumating ang mga bagyong nagdala ng flash flood sa kanilang lugar, nagkaroon na rin ng unos ang pagsasama ng dating magkaibigan. Hindi maatim ni Emmanuel na makita ang pagkasira ng pamilya ng kumpareng si Manuel, kaya ipinaalam nito sa kumareng si Doring ang tungkol sa pambababae ng kaibigan.

Hindi matanggap ni Manuel ang pangingialam ng kaibigan sa pamilya, gayong ang sarili nitong pamilya ay problemado sa pagkalulong ni Emmanuel sa paghahanap ng ginto sa kabundukan.

Pero nagbunga ang paghahanap ni Emmanuel. Kasabay ng tuluyang pagwatak ng samahan nina Manuel at Doring, tumibay naman ang pagsasama ni Emmanuel at ng asawa nitong si Linda. Hanggang sa dumating ang unos. Hanggang sa dumaloy ang baha.

Sa isang iglap ay bumaliktad ang estado ng mga buhay ng dating magkaibigan.

Habang inililikas ang pamilya, nahiwalay si Emmanuel kay Linda at sa kaniyang mga anak. Habang sa paghabol naman ni Manuel kay Doring ay nagkasama-sama sila sa iisang lugar nang naganap ang trahedya! Sa pagkawala ng lahat sa buhay ni Emmanuel, ay siya namang mabubuong muli ang pamilya ni Manuel!

Matapos bigyan ng pangalawang pagkakataon sa buhay at sa pamilya, aayusin na ni Manuel ang kaniyang pamumuhay. Pero paano naman si Emmanuel? Gugustuhin pa ba niyang ayusin ang kaniyang buhay kung gayong wala na ang kaniyang mag-iina?

Ito ang kuwentong handog ng Magpakailanman ngayong Sabado, sa natatanging direksyon ni Adolf Alix, Jr, mula sa panulat at pananaliksik ni Vienuel Ello. Itinatampok sina Mark Anthony Fernandez, Renz Fernandez, Chynna Ortaleza, Rich Asuncion, Rose Ann Magan, Nicole Dulalia, Kenji Anonuevo, Rain Quite at Colleen Reyes.

Magpakailanman airs Saturday nights, pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko.

footstep

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #116 on: July 06, 2013, 05:56:23 pm »
Magpakailanman: "Lubog sa Putik: A Quezon Flash Flood Story"

Tampok ngayong Sabado ang magkapatid na sina Mark Anthony at Renz Fernandez sa isang kwento ng pagdurusa at pag-asa, sa ilalim ng direksyon ng Urian Best Director na si Adolf Alix, Jr..


Trailer video:
http://www.youtube.com/watch?v=O_Kc8VcIE_c

crossroad

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #117 on: July 09, 2013, 02:45:34 pm »
Napanood ko si Mark Anthony sa Magpakailanman last Saturday napakahusay talaga umarte.

crossroad

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #118 on: July 27, 2013, 12:25:25 pm »
What's the latest on Mark Anthony?

Bvrly08

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #119 on: August 19, 2013, 04:13:16 am »
Ang gwapo nya! Ngayon ko lang naappreciate. Napadpad lang ako sa thread na to while browsing for something to read. Kuminang yung mata ko when I saw his photos on FB :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close