watch now

Author Topic: Mark Anthony Fernandez  (Read 112914 times)

CAROLINA

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #20 on: March 08, 2012, 12:58:54 pm »
Please watch GMA-7's SpookyNight's presents IMBITASYON featuring Mark Anthony Fernandez, Steff Prescot and Maria Isabel Lopez on March 10 Saturday right after Manny Many Prizes.

http://sphotos.xx.fbcdn.net/hphotos-snc7/422009_307962235926954_102756586447521_792169_2057356366_n.jpg
Mark Anthony with Ma. Isabel Lopez



CAROLINA

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #21 on: March 08, 2012, 01:00:23 pm »
Kasama si Mark sa teleseryeng Rancho Paradiso. Magsisimula  ngayong May sa Gma Telebabad.

Published : Thursday, March 08, 2012 00:00
Written by : Nitz Miralles


Natuloy kahapon ang storycon ng bagong primetime show ni Richard Gutierrez sa GMA-7 na may working title na Rancho Paradiso sa direction ni Ricky Davao.

Ang laki ng cast dahil makakasama ni Richard sina Phillip Salvador, Rio Locsin, Mark Gil, Mark Anthony Fernandez at Gloria Romero.

Kasama rin sina John Lapus, Paolo Paraiso at leading ladies sina Carla Abellana at Sarah Lahbati.



CAROLINA

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #22 on: March 08, 2012, 01:02:12 pm »
Gagawa si Mark ng movie sa Viva Films kasama sila Claudine Barretto at Heart Evangelista.

Jose Mardineo Erece ‏ @DinnoErece
First Read: Claudine Barretto, Mark Anthony Fernandez and Heart Evangelista to star in the horror movie Pagpag directed by Topel Lee 


« Last Edit: March 08, 2012, 01:04:12 pm by CAROLINA »

transcend

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #23 on: March 12, 2012, 01:47:03 pm »
Mark's screenshots from Spooky Nights.

http://i41.tinypic.com/oavgn5.jpg

http://i43.tinypic.com/35iayyr.jpg

credits to Chasty10 - Pex

transcend

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #24 on: March 12, 2012, 01:56:04 pm »

marssie

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #25 on: March 15, 2012, 04:17:44 pm »
^^^ come back movie ni mark at claudine together, horror! ;D ;D

rockaby11

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #26 on: March 27, 2012, 10:27:59 pm »
wow. may movie pala sila? sana love story. but naman horror ;D

CAROLINA

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #27 on: March 31, 2012, 09:25:25 pm »
Makapiling Kang Muli: Behind the Scenes at the Pictorial

Mark Anthony Fernandez during the pictorial of Makapiling Kang Muli held last March 29, 2012.


http://aphrodite.gmanetwork.com/entertainment/photos/large/on_the_set_of__makapiling_kang_muli__on_the_set_of__makapiling_kang_muli__1333013452.jpg


Mark Anthony Fernandez preparing for the photoshoot of #MakapilingKangMuli

https://p.twimg.com/ApH1dqFCQAEUDOc.jpg

« Last Edit: March 31, 2012, 09:27:00 pm by CAROLINA »

CAROLINA

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #28 on: May 22, 2012, 06:11:50 pm »
(http://fbcdn-sphotos-a.akamaihd.net/hphotos-ak-ash3/562117_412275942127216_369586733062804_1340406_1767129164_n.jpg)




Makapiling Kang Muli
 
Release Date: June 4, 2012
 
Genre: Romance Drama
 
Network: GMA Network, Inc.
 
Plot Outline: Kahangalan ang ika'y pakawalan, kasalanan ang hindi ipaglabang... MAKAPILING KANG MULI.
 
Schedule: Weeknights on GMA Telebabad
 
Starring: Richard Gutierrez and Carla Abellana. Mark Anthony Fernandez, Sarah Lahbati, TJ Trinidad, John Lapus, Janine Gutierrez, Bodie Cruz, Rocky Gutierrez. Phillip Salvador, Rio Locsin, Robert Arevalo, Mark Gil, and Ms. Gloria Romero.
 
Directed by Ricky Davao
 
Written by Des Garbes-Severino
 
Magkaiba man ng estado sa buhay, lumaking malapit na magkabigan at naging magkasintahan sina Martin, isang trabahador sa rancho, at Leilani, ang anak ng abugado ng pamilyang may-ari sa rancho. Subalit sa pagkamatay ng ama ni Leilani, aakalain niyang trinaydor siya ni Martin – kaya’t magpapakalayu-layo ang dalaga, kahit mahal pa niya ang kababata. Si Martin naman ay mahuhulog ang loob kay Graciela, ang kasintahan ni Louie, anak ng may-ari ng rancho. Dahil sa pagtitinginang iyon, palalabasin ni Louie na nakapatay si Martin. Makukulong ito, at muli silang magkakatagpo ni Leilani na isa nang abugado at tutulong sa kanyang makalaya.

Titibok bang muli ang puso ni Martin para sa kababata o babalikan ba niya si Graciela na asawa na ni Louie? Paano babaguhin ng lihim ng kanyang pagkatao ang kanyang laban para sa katarungan at pag-ibig?



qmoonlight

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #29 on: May 22, 2012, 11:49:54 pm »
Saw the teaser of this soap. I didn't know kasama si MAF. I like him talaga pag action-drama.


footstep

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #31 on: May 24, 2012, 06:00:23 pm »
Nakita ko lang itong picture sa twitter.  :)

http://instagr.am/p/K7TPT4hsUi/

CAROLINA

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #32 on: June 04, 2012, 07:09:57 pm »
The cast of Makapiling Kang Muli

by Joyce Jimenez



Mas matimbang nga ba ang pera at kapangyarihan kaysa sa pag-ibig?

Sasagutin ito sa pinakabagong primetime drama series ng GMA-7, Makapiling Kang Muli, na ang kuwento'y iikot sa pag-ibig, kapangyarihan, pamilya at paghihiganti.


http://contents.pep.ph/images2/gallery/30-May-2012-07aad5a95f/16d603f4a.jpg

Ang bagong drama series ng Kapuso network ay pagbibidahan nina (L-R) Sarah Lahbati, Mark Anthony Fernandez, Carla Abellana at Richard Gutierrez.



Ang binatang nagtatrabaho sa Rancho Paradiso na si Martin ay gagampanan ni Richard Gutierrez.
Anak siya ni Mara (Rio Locsin/Jennylyn Mercado) at Emilio (James Blanco), at kapatid niya si Louie (Mark Anthony Fernandez). Gayunman, ito'y mananatiling isang lihim, at lalaki si Martin sa piling ni Florentino, na kinilala niyang lolo at siyang tanging nakakaalam sa lihim ni Mara.
Matalik na kaibigan ni Martin si Leilani (Carla Abellana) simula pa noong pagkabata. Kaibigan din ni Martin si Louie (Mark Anthony Fernandez), ngunit dahil sa kanilang alitan ay masisira ang pagkakaibigan nila.
Muling magbabalik sa Rancho Paradiso si Louie (Mark Anthony Fernandez) at upang magkaayos sila'y papayag si Martin na ilakad ang kanyang kaibigan kay Leilani (Carla Abellana), na may lihim na pagtingin pala sa kanya.
Matapos pumanaw ng ama ni Leilani ay aalis ang pamilya ng dalaga, at doon makikilala ni Martin si Graciela (Sarah Lahbati). Mahuhulog ang loob nila sa isa't isa, ngunit madidiskubre ni Louie ang pagtataksil ni Graciela at kanyang paglalayuin ang dalawa.
Makakatakas sa bilanguan si Martin, at babalik siya sa Rancho Paradiso, kasama si Leilani, upang maghiganti sa pamilya Valencia.



Si Leilani ang panganay na anak nina Atty. Delfin (Jestoni Alarcon) at Laila (Lani Mercado), at nakakatandang kapatid ni Keiffer (Benedict Campos) ang gagampanan ni Carla Abellana.
Matalik na kaibigan ni Leilani si Martin (Richard Gutierrez), at may lihim din siyang pagtingin dito. Ngunit dahil sa trahedyang sasapitin ng kanyang ama'y magkakalayo silang dalawa. Lilisanin nila ang Rancho Paradiso, at mag-aaral siya sa Maynila ng abugasya.
Magkakagusto kay Leilani si Louie (Mark Anthony Fernandez), ngunit hindi niya ito bibigyang pansin. Habang nag-aaral sa Maynila'y makikilala niya si Javier (TJ Trinidad), na kanya rin magiging kasintahan.
Matapos ihanda ang sarili'y babalik si Leilani sa Rancho Paradiso. kasama si Martin (Richard Gutierrez), upang maghiganti sa pamilya Valencia. Ngunit habang sila'y naghihiganti, mapagtatanto niyang iniibig pa rin niya si Martin.



Si Mark Anthony Fernandez naman ay si Louie, ang anak ni Mara (Rio Locsin/ Jennylyn Mercado) at Emilio (James Blanco). Gayunman, hindi alam ito ni Louie, at ang kanyang kinikilalang ama ay si Roman (Gabby Eigenmann/ Mark Gil).
Minsan silang naging magkaibigan ni Martin (Richard Gutierrez), ngunit dahil sa nangyaring alitan sa pagitan nila'y nasira ang pagkakaibigan na ito. Nang bumalik siya sa Rancho Paradiso at nakilala si Leilani (Carla Abellana), makikipag-ayos siya kay Martin upang tulungan siya nitong mapalapit kay Leilani.
Mayroon naiwan na kasintahan si Louie sa Maynila, si Graciela (Sarah Lahbati).
Ang pagmamalupit ni Louie kay Graciela ang dahilan upang mapalapit ang huli kay Martin (Richard Gutierrez). Ngunit madidiskubre ni Louie na nagkakamabutihan na ang dalawa, kaya naman gagawa siya ng paraan para makulong si Martin at mapaghiwalay sila.
Mapapangasawa niya si Graciela, kahit pa hindi na siya ang tintibok ng puso nito.



"Challenging" daw ang karakter ni Sarah Lahbati sa teleserye na ito, kung saan gaganap siya bilang si Graciela.
Siya'y isang dalaga na bagamat kasintahan na ni Louie (Mark Anthony Fernandez) ay nangungulila pa rin sa tunay na pagmamahal, na kanyang mahahanap kay Martin (Richard Gutierrez).
Gayunman, bago pa man nila maamin sa isa't isa ang kanilang nararamdaman ay paghihiwalayin na sila ni Louie.
Walang magagawa si Graciela kundi pakasalan ni Louie (Mark Anthony Fernandez), matapos makulong si Martin (Richard Gutierrez).
Gayunman, aminado si Graciela at maging si Louie, na si Martin pa rin ang kanyang iniibig.



Si Señora Soledad Silvestre, may-ari ng Rancho Paradiso, ang gagampanan ni Gloria Romero.
Kanyang tinalikuran ang tunay na pag-ibig para sa pera at kapangyarihan. Ang ginawa niyang ito'y kanya rin ipinilit sa kanyang anak na si Mara (Rio Locsin/ Jennylyn Mercado) nang ipakasal niya ito kay Roman (Gabby Eigenmann/ Mark Gil).



Si Mark Gil ang hambog at malupit na asawa ni Mara (Rio Locsin/ Jennylyn Mercado) na si Roman.
Tunay niyang anak si Lynley, at siya naman ang kikilalaning ama ni Louie (Mark Anthony Fernandez), na hindi niya alam ay anak pala ni Mara kay Emilio (James Blanco).



Ang mahinhin at masayahing anak nina Mara (Rio Locsin/ Jennylyn Mercado) at Roman (Mark Gil/ Gabby Eigenmann) na si Lynley ay gagampanan ni Janine Gutierrez.
Magiging mas malapit siya kay Martin (Richard Gutierrez) dahil hindi niya gusto ang maling pagtrato ng kanyang kapatid na si Louie (Mark Anthony Fernandez) sa mga trabahador sa Rancho Paradiso.



Si Robert Arevalo ang gaganap bilang Florentino, ang dating kasintahan ni Señora Soledad Silvestre. Iniwan siya ni Señora Soledad upang mas mapalaki ang rancho na pang-aari ng kanilang pamilya.
Siya ang kikilalaning lolo ni Martin (Richard Gutierrez), at ang tanging nakakaalam ng lihim ni Mara (Rio Locsin/ Jennylyn Mercado) — na kambal sina Martin (Richard Gutierrez) at Louie (Mark Anthony Fernandez), na anak nito sa dating kasintahan na si Emilio (James Blanco).



Ang anak na walang nagawa kundi sundin ang gusto ng kanyang ina, Señora Soledad Silvestre, ay si Mara (Rio Locsin). Bago sila pinaglayo ng kanyang kasintahan na si Emilio (James Blanco) ay nagkaroon sila ng kambal na anak, na sina Martin (Richard Gutierrez) at Louie (Mark Anthony Fernandez).
Pilit siyang ipinakasal kay Roman (Gabby Eigenmann/Mark Gil), na hindi niya iniibig.



Si Philip Salvador ay si Amadeo, ang ama ng naging kaibigan ni Martin (Richard Gutierrez) sa kulungan na si Wesley (Dominic Roco).
Siya ay pinuno ng isang sindikato na tutulong kay Martin sa kanyang paghihiganti sa pamilya Valencia.
Bilang tulong kay Martin (Richard Gutierrez), magtatayo si Amadeo ng isang rancho na kakalaban sa rancho ng mga Valencia. Gayunman, magugulat na lamang siya nang matuklasan na ang anak niyang si Wesley (Dominic Roco) ay kakampi sa kinakalaban niyang pamilya.



Ang tahimik at mahina ang loob na anak ni Amadeo (Philip Salvador) ay si Wesley (Dominic Roco).
Magiging kaibigan niya si Martin (Richard Gutierrez) sa loob ng kulungan, at makakatulong nito sa kanyang pagtakas.



Si TJ Trinidad ay si Javier, ang magiging kasintahan ni Leilani (Carla Abellana) sa Maynila. Pilit niyang ipaglalaban ang kasintahan, kahit alam niyang may kahati na siya sa puso nito.



Si Paolo Paraiso ay si Bodjie, ang matalik na kaibigan ni Martin (Richard Gutierrez). Ngunit, sa panahong gusto nang maghiganti ni Martin sa pamilya Valencia ay magdadalawang isip itong tulungan ang kaibigan.



Si John Lapus ang gaganap bilang kaibigan ni Martin (Richard Gutierrez) na si George. Nasaksihan niya ang pag-iibigan nina Martin at Leilani (Carla Abellana), at gayundin ang pagmamahalan na mabuo sa pagitan nina Martin at Graciela (Sarah Lahbati).



Ang nakababatang kapatid ni Leilani (Carla Abellana) ay si Keiffer (Benedict Campos).
Ang pagnanais niyang matulungan ang kanilang pamilya ang magiging dahilan upang mapasok siya sa sindekatong pinamumunuan ni Amadeo.



Saksikan ang tunggalian sa pagitan ng pag-ibig, pera, paghihiganti at pagkakaibigan sa bagong primetime drama series ng GMA-7 na Makapiling Kang Muli. Ito'y magsisimula na sa June 6, Lunes, pagkatapos ng Luna Blanca.

CAROLINA

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #33 on: June 04, 2012, 07:12:32 pm »

CAROLINA

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #34 on: June 04, 2012, 07:23:05 pm »
http://aphrodite.gmanetwork.com/entertainment/photos/large/scenes_at_the_press_conference_of__makapiling_kang_muli__scenes_at_the_press_conference_of__makapiling_kang_muli__1338373598.jpg


Makapiling Kang Muli tonight starts with Richard Gutierrez as Martin in prison. From there, the story is told in flashbacks.

Jennylyn Mercado is the daughter of Gloria Romero, rich owner of Rancho Paradiso. She falls in love with a farmhand, James Blanco, but her mom is against it and forces her to marry Gabby Eigenmann. They have a son, who’ll grow up to be Mark Anthony Fernandez. But, she’s still in love with James so they elope. Magkakaanak din sila, pero ipapatapon ni Gloria Romero. He’d grow up to be Richard. Jennylyn will later be played by Rio Locsin and Gabby, by Mark Gil. Richard is raised by Robert Arevalo and becomes a farmhand.

Kababata niya si Carla Abellana, anak nina Jestoni Alarcon and Lani Mercado. When Mark Anthony falls in love with Carla, Richard gives way, but Mark had Jestoni killed so Carla goes to the city and becomes a lawyer. Dumating naman sa ranch si Sarah Lahbati who falls for Richard but ends up marrying Mark Anthony. Carla naman marries a doctor, TJ Trinidad. Mark frames up Richard and he’s jailed. That’s where he meets Dominic Roco, the son of crime lord Phillip Salvador, who’ll help them escape and help Richard take revenge on Mark’s family.


Gambit_loves_Rogue

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #35 on: June 06, 2012, 11:55:42 am »
Parang sa lahat yata ng "gwapings" noon eh siya lang yung gwapo pa rin hanggang ngayon.  ;D Jomari and Eric Fructuous(sp?) didn't age well.

transcend

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #36 on: June 08, 2012, 02:37:09 pm »
guwapu pa rin talaga si Mark Anthony and i think mas pa ngayon kasi matured na siya.


transcend

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #38 on: June 15, 2012, 02:09:50 am »
galing galing ng acting ni Mark Anthony sa Makapiling Kang Muli.

sorcerer

  • Guest
Re: Mark Anthony Fernandez
« Reply #39 on: June 16, 2012, 04:09:14 pm »
napanood ko si mark sa makapiling kang muli ang gwapo niya at ang husay umarte

 

Latest Stories

Load More Stories
Close