watch now

Author Topic: Seamen Wives need your reply!  (Read 18510 times)

girl24

  • Guest
Seamen Wives need your reply!
« on: February 20, 2012, 10:17:08 am »
We are having troubles because of my sis in law's problems... it started because her husband is a seaman for about 9 years already, they have been married 10 years. my [textspeak!] and MIL are staying with them to help take care of the kids especially when BIL is away. ito na, malalaki na ang kids at hindi na sanay sila na andiyan ang BIL ko. the most he stay is 2~3 weeks during his vacations. eh ngayon, me problem ata 2 months and counting na andito pa rin. maiinit na ang ulo nila kasi wala pang work, wala nang money and my MIL and [textspeak!] are getting on my BIL's nerves. to be fair naman sa kanya, hindi rin nakikibagay ang in laws ko. siguro nga kasi hindi sila sanay na pakisamahan siya. dito na kami nadadamay, pinapaalis na ng BIL ko ang in laws ko. pano hindi maayos sa bahay, magulo, maiingay... hay, lagot naman ako ngayon! malamang na malamang sa amin mapupunta in laws ko --- ngeeekkk!!!

ito na ang tanong ko sa mga asawa ng seaman, ganon ba talaga na you get used to the life without the husband and pag tumatagal sila nang stay eh nagkakainitan na ng ulo? or talagang me ibang internal family dynamics / problem kaya nagkakaganon mga in laws ko?

rianne_mallows

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #1 on: February 22, 2012, 09:11:09 am »
hi sis... makisagot na lang... not a wife but a sister of a seafarer... saka ldr din with my hubby..

sa nakikita ko, ang root ng problema nila is not really the presence ng BIL mo... but the fact na  WALA NG PERA..ganyan naman madalas sa mga nasanay na may pera... kapag meron masaya.. kapag wala, away away na

girl24

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #2 on: February 22, 2012, 10:46:13 am »
thanks sis! oo nga, malamang pera talaga root cause, maiinit na ang ulo nila... so sad lang kasi my BIL made my SIL choose between him and her parents. she choose her husband kasi nga naman sino ang bubuhay daw sa kanila eh wala naman na work parents niya not to mention mga senior citizen na.

tamarind26

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #3 on: February 22, 2012, 11:15:32 am »
I hope this thread does not single out seafarer families. Halos lahat naman yata di maiwasang uminit ang ulo if you are the sole breadwinner and madaming umaasa sayo. Di pinupulot ang pera. Kahit milyonaryo pa sa lotto, mauubusan rin if di nagtitipid. Maiiwasan siguro ang ganitong scenario if lahat ng concerned marunong lumugar and umintindi. The wife should take the rein in budgeting the money. Dapat may backup savings kasi di naman guaranteed kung kelan makakasakay ulit hubby niya. Daming pwede mangyari. Pwedeng he needs further training para mapromote sya or makapag-exam. As the seafarer grows old, his health becomes a factor din. All married couples should know how to plan their finances. If not, laging mag-aaway sa bahay kasi naghahanapan na ng pera.

Hope di mo masamain my question. It seems you're bothered having your in-laws stay with you in the meantime. Is it because mahirap silang pakisamahan or you're scared of the strain it might cause you and your family?
« Last Edit: February 22, 2012, 11:49:23 pm by tamarind26 »

girl24

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #4 on: February 22, 2012, 03:43:28 pm »
^I so totally agree with you re: being financially smart. super tama and i have expressed that sentiment to my husband kasi kapatid naman niya yun that he can talk to regarding handling money.

as to your question, both ang answer. i have experienced that they stayed with us for sometime kasi nagaway away din sila before (pero the trouble was between the SIL and in laws). parang nabura lahat ng tulong namin sa kanila especially ke MIL. ang character niya kasi, she can't help yata saying things that hurt either intentionally or unintentionally. comments like "hanggang sa huling asin na ginamit namin, babayaran namin". sis, baka you'll think i did something or say something for her to blurt out things like that though you don't know me, i hope you'll believe that i did not. ang pinaka malaking pagkakamali ko siguro is staying quiet. yung hindi ako machicka yun lang. alam ko naman pano lumugar with regards to in laws besides my mother always reminds me to be nice  :) and the comment just came out of nowhere. yung nanonood lang kme ng tv, biglang ganon. hindi ko naman pinapatulan. tahimik na lang ako. and i never ever asked a single centavo from her / them kahit kelan. understatement na siguro yung mahirap pakisamahan based on my experience (one example lang yun from the many comments).

and totoo rin that it would mean additional expenses to our already super stretched budget.

jaded1025

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #5 on: February 22, 2012, 11:48:31 pm »
Seaman ang dad ko and tama nga nasanay na kami na wala sya lagi. Pag napatagal kasi ang bakasyon nya, ayaw nya kami palabasin ng bahay kasi magbonding na lang daw kami sa bahay. Kaya minsan naiinis mga kapatid pati mama ko. Haha!

girl24

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #6 on: February 23, 2012, 10:13:50 am »
^that's what i observed sa kanila. pag uwi ni BIL, excited kasi me mga pasalubong tapos me mga shopping galore sila. kain sa labas, mga bonding moments. then real life will set in na... me mga birthday parties invitations, mga patay or whatever na gustong puntahan ni SIL pero ayaw siya payagan ni BIL or kung payagan man eh limited lang time. me curfew. pero pag wala si BIL, she can do whatever, whenever kasi andun nga before in laws ko to take care of the kids.

parang nasisira ng diskarte ni SIL pag andyan si BIL kasi she has learned to be independent of him lalo na pag wala si BIL.

serendipity02

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #7 on: February 23, 2012, 10:20:07 am »
Ive been married to a seaman for 2 months now, been bf/gf for 8yrs..
ok lang naman kung magstay sya dito ng matagal, pinakamatagal na bakasyon nya 6months..
may time lang na mainit ulo nya kasi wala syang pera kasi matagal na sya hehe..
yun ang hinde magandang "notion" nila pag may abroad sa family, "one day millionaire" kaya kami ni hubby, hinde ganon, as much as possible we have a budget para magtagal sya dito o hinde we will live within our means..
ayoko rin masanay na wala sya sa tabi ko, mahirap din magpalaki ng baby ng wala sya..

dadislove

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #8 on: July 10, 2012, 11:48:09 am »
my hubby too is a seaman, we've been married for 5years... so far ok naman kami kahit minsan na short din sa budget kasi ugali ko talagang pigilan alis ng hubby ko. minsan aabot bakasyon nya ng 6-8mos.. pero dapat sana 2 months lang ang allowed sa company nila. panay alibay nalang sya everytime tawagan sya ng agency nila... makikita lang kc ang pera pero ang time with the family parang hirap talaga ng buhay pg wala ang daddy.. pag wala ng pera, hanap nlang kami ng mapag-utangan at bayad ulit by the time on board na sya..   ;)

xenos54

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #9 on: July 12, 2012, 04:54:18 pm »
daughter of seaman here..
i think may mas malalim pang reason yun..
kasi before.. super tagal ding naka tengga sa house ang dad ko..
hindi naman mainit ulo namin sa kanya.. happy nga kami kasi we are one big happy family ulit..
but somewhere in between may nangyaring problem sa family namin..
ngayon ayaw ko na siyang umuwi.. ever.. ahahah..


mishyewarians

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #10 on: August 12, 2012, 02:32:18 am »
Hi..seaman's wife here :).. Sorry dun sa isang sis, i beg to disagree na kahit sino mainit ang ulo kapag walang pera :( .. Ako, sa family ko, the way na pinalaki kami ng parents ko hindi kami ganon na kapag walang money, mainit ang ulo..yes, mas happy ka pag may money of course, pero kapag wala dapat sad na? For me lang, hindi ako/kami ganon talaga..kaya nagulat ako, nung ganon ang upbringing ng hubby ko, family nya mainit ang ulo lalo na mommy nya..siguro nga, nasanay kasi sila na palaging may pera..pero hindi naman siguro tama na ibe- base lang nila yung happiness nila sa pera, db..jan kami lagi nagtatalo ni hubby..nalulungkot lang ako bakit ganon sila.. :(

k_heart

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #11 on: August 12, 2012, 02:47:52 am »
My father is a former seaman (marine engineer), pero kahit nung early part pa lang ng marriage nila ng mother ko, alam nila both na magiging temporary lang ito kasi talagamg mahirap na malayo ang 1 miembro ng family. What my parents did, nag save sila ng enougj money to open a business para makababa na ng tuluyan ang father ko. Ok naman at nakagraduate lahat kami sa maayos na colleges pa ng mga kapatid ko.
Paramg ang panget din pakinggan na masaya lang pag may pera. hindi naman lahat maiequate sa pera ang saya.

girl24

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #12 on: September 11, 2012, 09:29:25 am »
hi sisters! hindi naman siguro equated ang saya o lungkot sa pera. what is meant is that during the time na hindi makasakay sa barko, walang income na pumapasok and there are bills to be paid tapos makikita ng SIL ko BIL ko andun lang sa bahay walang ginagawa mapipikon na siguro siya. eh ang BIL naman wala rin magawa kung hindi pa siya tinatawagan ng agency, mapipikon din sa asawa niya pag nagrereklamo na walang pera.

moral lesson: money is the root of all evils... ngek! mali... lesson talaga save and save para during rainy days meron mahuhugot... kung hindi magaaway lang kayo...

cosmochick

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #13 on: September 18, 2012, 09:29:55 pm »
Problema nga kung walang income or money na pumapasok then ang expenses anjan. pero mas pangit naman kung nagaaway kayong pamilya because of money lang. iinit din siguro ulo ko pero hindi ko aawayin asawa ko.. but ill make a way na ma solve namin ang problem. Mag aaway lang siguro kami kung wala na ngang money is gastos pa sya ng gastos. Magtulungan na lang kaysa magsisihan.

havanaisland82

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #14 on: October 08, 2012, 06:32:22 pm »
Hello everyone, actually totoo yun umiinit talaga ulo ng tao kapag walang pera. Kase parang nalilito paano gagawa ng paraan lalo nat hindi sanay ng walang kita or pumapasok na money. As a seafarer's wife wala hindi ako nagkukulang sa pagpapaalala sa asawa ko na magtipid hindi porket dumating eh kalingan kain ng kain sa labas shopping or what. Ang important sa akin magksama kaming dalawa is more than enough for me. Lagi akong sabik na sabik sa kanya hindi ako naghahanap ng kung ano pa man masaya na ako na kapiling ko sya sa bakasyon nya. Wala pa kaming anak kaya pagbalik nya yun ang plans namin.

mary carleen

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #15 on: December 10, 2012, 10:23:17 pm »
We do have the same problem. How are you by the way? since you last posted was still on feb. I hope okay lang kayo. Kami naman nag start na problem namin 2011 when my dad who was a seaman for 25 years stop working for 2 years. and promise mauubos at mauubos talaga ang pera mo sa bangko. kahit na ilang taon pa ng seaman sila kung walang proper plano at insurance kawawa talaga ang buhay.
nung nag problema na pamilya ko sa pera umalis dad ko sa march at umuwi sa kanila sa mindanao kasi yung mom ko ay taga visayas. so since march till now they are living separately and my dad till now has nothing to offer. ako na nagttrabaho dito sa manila para sa bunso namin who is still 4th year high school at naghirap pa kami pang college nya at mga gastusin sa bahay. muntik na nga kami maputulan ng koryente. I mean ilang months na kami na delayed ng bayad. na hospitalized pa mama ko dahil sa taas ng bp. at wala na pang gamot nanay ko.
biruin mo 9 magkapatid ng dad ko lahat na lalaki ay seaman at mga babae na kapatid ay nag-asawa din ng seaman so exposed na exposed ako sa buhay seaman. at ngayon ko nalang ssabihin sa inyo.. maganda nga buhay kung may pera pa kayo pero 20 years from now or in the future mahihina na ang katawan ng mga seaferers at (wag naman sana) baka hindi na maka sakay ulit. at kung hindi maka sakay walang income. hndi ito nangyayari sa tatay ko lang.. pati mga kapatid nya hirap talaga kung hndi maka balik skay sila.

fionnah325

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #16 on: May 08, 2015, 04:07:23 pm »
my partner also is a SEAMAN ...ang ginagawa niya pagnagbabakasyon siya para magkaroon ng income ay nagtuturo siya para daw kung hindi na siya magtrabaho magmit niya yan....sana din naman magamit niya pag di na siya sumasakay

Obachan

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #17 on: May 20, 2015, 10:04:49 am »
my youngest brother is seaman.
don't know if he have savings.
motorbike lang nakikita ko  na property nya.
Noong bago pa lang sya sumasakay, galante! 1 day millionaire.
Pag oras na ng medical, passport and visa application wala na sya pambayad.
Manghihiram sakin.
Everytime na baba nya ng barko, ganito lagi nangyayare.
So, nun nanghiram uli sya ng panglakad nya ng papers and training nya.
Hindi ko na binigyan. He needs to learned a lesson. Kahit singkong duling hindi ko pinahiram.
There, natutoto na sya na magtabi ng pang gastos nya.

Ex-husband also seaman.
2 months vacation sya lagi before.
After a month wala na pera.
Uutang uli, sasakay para me pambyad ng utang, pagbaba me pera after a month wala na, uutang uli.
Minsan ako pa nagpapamedical sa kanya.
Ganun ang naging cycle. Naisip ko for life ba ganito ang cycle ng life.
And dahil wala sya pera , andyan mainit ang ulo, nanakit, nagseselos ng walang dahilan and most of all
abot hanggang baclaran ang insecurity sa katawan.
This is one of the reason kaya hiniwalayan ko sya. Hindi nag iisip ng future aside from nanakit.

I am just praying na brother ko eh ma-improved ang sarili nya, skills and knowledge.

fionnah325

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #18 on: May 20, 2015, 10:26:58 am »
^mahirap kasi talaga pag aganyan eh...hindi marunong magsave

hypergalactix13

  • Guest
Re: Seamen Wives need your reply!
« Reply #19 on: May 21, 2015, 11:05:58 pm »
my father is also a seaman for as long as i can remember. after nya maggraduate ng college sumasakay na sya. nonstop yun. pinakamatagal lang nyang vacation i think is 5-6 months. kakauwi lang nya actually nung monday hehe and that's his last board na dahil magreretiro na sya since he will be turning 60 this year. tama, parang fiesta lagi pag bagong dating, shopping, outing, etc. pero pag wala na pera, ayun lagi nang may away. hehe. last year nga gustong gusto na humiwalay ng nanay ko dahil nga lagi sila nag aaway dahil sa money. yun nga ang worry namin ngayon ng kapatid ko because my father will be here for good na. pension na lang malamang ang aasahan nila, wala nang as in super laking amount ng money na ieexpect..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close