Author Topic: Hinanakit o sama ng loob kay hubby/partner, meron ka ba? Post it here!  (Read 3236 times)

Blue Topaz

  • Guest
Ito sa akin:

We're not yet married but we've been living together for 5 years already. Maging dalawa na anak namin, isang 3 years old at ang isa ipapanganak pa lang next month. I'm now 25 and he is 44. yes you read it right, he's 19 years older than me. I met him when I was 18 yrs old and he's 37 that time. He doesn't look like his age, mukha syang bata. Gwapo, magaling pumorma at talagang attractive kaya ganun na lang ang paghanga ko sa kanya hanggang na-inlove na at humantong nga sa pagsasama.

At the age of 20, lumayas ako sa bahay namin. (sa kadahilanang hindi kami nagkakasundo ng mga kapatid ko. lagi kaming nag-aaway. hindi kasi ako lumaki sa mga tunay kong magulang, hindi kami sabay lumaki, kaya malayo loob nila sa akin.. that's another story na po) ang tanging kakampi ko lang nun ay sya. bf pa that time now turned partner. Sa sobrang depress ko noon I've made up my mind na sumama na lang sa kanya. In all honesty, lucky nga naman ako sa kanya, he don't have any vices at mabait naman talaga sya. I could say mahal nya talaga ako. Never sya nambabae.

Pero as time goes by, meron din pala syang mga tinatagong mga negative traits. Mapride sya at laging pinapairal maling prinsipyo, at nitong huli nga lagi na lang kaming nag-aaway. He's smart pero ewan ko bakit ganun pananaw nya. Hindi nya ako maiintindihan. Na kung tutuusin ay kinabukasan ng mga bata lang naman talaga ang iniisip ko. I'm not earning. I don't have any source of income. Sya naman he's not working din pero may paupahan sya. He earned almost 26k a month. Bills, panggastos, dun na lahat kinukuha. Kaya it's not enough anymore for our growing family. Lagi na lang kaming gipit. Magiging dalawa na anak namin. Sa isa nga hirap na kami what more pa kung dalawa na?

Kaya one time, I tried to convince him na kung pwede, baka naman may tatanggap pa sa kanya o kung ayaw nyang may boss, mag self-employed na lang sya.. He's very good in drawing and painting. Sabi ko nga maswerte ka ngat binigyan ka ng ganyang talent kaya sana gamitin nya. and aside from that he is an architect graduate too, pwede syang mag plan ng mga bahay. BUT ang ending nag-aaway lang kami. Ayaw na raw nyang magtrabaho. Bakit ko daw sya pinapakialaman? His excuse, nanggaling na daw sya dun sawa na sya sa buhay na ganun, most of his life daw ginugol nya sa pagtatrabaho sa Australia, (he lives there for 16 years I think after he graduated college) dumaan na sya sa pagtatrabaho. ayaw na nyang balikan, dumaan na sya sa maraming pera, hindi raw sya masaya. hindi nya kailangan ang maraming pera. Bakit daw ako naging mukhang pera? nakakain naman daw kami, nakatira sa maayos na bahay, kumpleto sa kasangkapan. Tas lagi nya ko kino-compare sa mga mahihirap and to those who are living in squatter. Sana marealized ko daw how lucky I am. Ang ending parang ako pa ang mali, ambisyosa, materialistic daw sabi nya. Kaya nga daw sya nagretire ng maaga para hindi na mastress sa work, ako naman daw nagpapa stress sa kanya. Beat that! >:( Palagi kaming nag-aargue tungkol jan. He's just 44 ha hindi pa sya pasok sa senior citizen. Pag nagpapaliwanag ako, hindi sya nakikinig.

Kaya hinayaan ko na lang sya I told him, kung ayaw mong magtrabaho, di bahala ka. Pero sabi ko sigi pagnenegosyo na lang. Since his sister and brother offered him a business. But to my surprise, tinaggihan nya pala. 4 na business offer dinecline nya. His reasons naman, ayaw nga daw nya ma-stress. sisihin daw sya if in case hindi maging successful ang business. I said bakit ka ba nagko-conclude agad eh hindi pa nga nangyari, bakit di mo muna subukan? basta ayaw nya lang daw talaga. Kaya nagtalo na naman kami, nasabi ko talaga sa kanya hindi ako naniniwalang takot kang hindi maging successful kundi dahil TAMAD ka. At dahil dun nagalit sya ng sobra. hindi raw sya tamad. e ano pang tawag dun? kasi daw gusto lang nya magkaroon ng quality time sa anak namin, he's not getting any younger daw. gustuhin ko ba daw mapapaaga ang buhay nya dahil sa stress daw baka atakihin sya sa puso (history nila kasi, pati yun dinadahilan nya) yung pag-aasikaso daw ng business na yun ituon na lang daw nya sa anak namin. So tounged-tied na naman ako. maiiyak na lang sa inis. Laging ganun pag pag-usapan namin ang future, laging ganun ang scenario. Nagiging matinding pagtatalo.

At dahil suko na ako sa kaka convince sa kanya, ako na lang gawang paraan. Last November lang, nagtext sa akin friend ko abroad, naghahanap daw company nila ng trabahador baka gusto ko, qualified naman daw ako kahit di pa ako tapos sa pag-aaral, sya na raw bahala sa akin. At yung tutuluyan walang problema, pwede sa kanya. Sabi ko buntis pa ako sa March pa manganganak at baka after 6 months pa ako pwede. Sumagot naman sya agad na basta sabihin ko lang daw kung kelan na ako ready at ilakad nya ako. Kaya nagpaalam agad ako sa asawa ko, pumayag sya. Ako daw bahala kung gusto ko raw. Pero later on, sabi nya interesado ba daw talaga ako? sabi ko, Actually ayoko sanang maging malayo sa mga bata pero kelangan, naging praktikal lang ako. Kasi wala tayog ipon eh. In case of emergency wala tayong madudukot, magiging dalawa na anak natin, mag-aaral na si eldest. Hindi sya umimik for a while, then suddenly sabi nya, sigurado ka bang dahil talaga sa mga bata yan? hindi kaya naging materialistic ka lang, gusto mo maraming pera kasi. O sige, payag ako pero ikaw bahala ha? lahat ng gagastusin mo sa paglalakad ng papeles mo lahat lahat ng expenses, wag kang hihingi ng tulong sa akin. wala kang maaasahan sa akin! isipin mo rin ang kalagayan ko tinutulungan kita tapos pagdating mo dun hindi man natin gustong mangyari pero ang tukso kasi minsan out of control tas malalaman ko na lang ganun, masakit din yun para sa akin, sana maintindihan mo. I was very shocked sa sinabi nya, at sa pagkabigla ko, nahampas ko sya ng unan. Diba sa halip na magpasalamat dapat sya sa akin, responsibility nya dapat yun pero dahil nga ayaw nyang gumawa ng paraan para sa future namin at sa mga anak namin ako na lang magsasacrifice kahit na mawalay sa mga anak ko tapos pag-iisipan kang ganun tas huhusgahan ka pa't pangungunahan ka, at sabihing mukhang pera, walang contentment. Saan ka nakakakita ng ganyan. Sino ba namang nanay ang gustong iwan ang mga anak kung di lang talaga kailangan?

Nitong huli, sabi nya sa akin, ayaw nyang mag-abroad ako, tatanggapin na lang daw nya ang alok ng mga kapatid nya na business. Uuwi daw brother nya nitong April sasabihin nya, mahirap daw kasi sa telepono, mas maganda personal. Kaya sabi ko, ilang beses mo ng sinabi yan, sawa na ako.. Wag ka ng mangako, gawin mo.

Then last week, nagtalo na naman kami, dahil nagpaalam ako sa kanya magpatuloy ng pag-aaral. High school graduate lang ako, at sabi ko sa kanya, alam mo naman kung gaano ka hirap humanap ng trabaho kung hindi ka tapos. At dahil din ayaw mo akong mangibang bansa. Ok na sa akin dito na lang ako pero yun nga gusto kong makatapos. I asked him ok lang ba mag-aaral ako..pero bago ko yun sabihin, nasabi ko na rin sa nag-iisa kong ka close na kapatid na nasa abroad na rin na kung pwede suportahan nya yung studies ko muna at pumayag naman sya. Pero sinabi ko rin sa kanya na wag syang mag-alala dahil hahanap ako ng part time na trabaho para matustusan ko rin sarili ko at hindi rin masyadong aasa sa kanya. It means hindi isho-shoulder ni hubby yung expenses ng pag-aaral ko. Ang hinihingi ko lang from him is the pang admission test lang kasi wala talaga akong kapera pera, he doesn't give me money unless manghingi ako.. at hindi rin naman masyadong malaki, mumurahing skwela lang ito. As in 500 lang. Sabi ko baka abutan ako ng deadline. Dun naman sa gusto kong pasukan na skwela, pumayag naman sila magtake ako kahit preggy kasi if ever pumasa, sa pasukan nakanganak na rin naman kaya ok lang. Gusto ko na talagang makatapos din. I explained everything to him. Pero ayaw nyang maniwala, ang iniisip nya, hihingi at hihingi daw ako ng tulong sa kanya later on. Tas sabi nya para saan pa at mag-aaral ka? In short, ayaw nya rin. I even cried to him, iniinsist ko, my sister promised me na susuportahan nga nya ako, at maghahanap nga rin ako ng part time job if in case makapasa sa exam at makapag-aral. pag admission lang hinihingi ko. Pero sadly, hindi nya talaga ako pinagbigyan.. kasi daw baka mapressure daw ako, dahil may mga tukso pa rin daw sa skwela, baka hindi ko raw maiwasan. kawawa naman daw sya parang ginamit ko lang. blah blah..

Ang ipangtataka ko lang.. In the first place, sa aming pagsasama, hindi naman ako nangaliwa or nagloko. Never. Naging mabait din naman ako sa kanya, binigay ko buong buhay ko sa kanya bakit ganun ang tingin nya sa akin? all of these naman sana is for our future, bakit lagi nyang sinasabi dahil naging maluho, walang contentment blah blah. hindi nya maapreciate yung mga plans ko na para lang naman sana sa amin yun pero sa halip jina-judge nya agad ako. wala akong ibang hinangad talaga kundi kinabukasan lang ng mga anak namin. :'( Mali po ba iyon mga sis? Mali ba ako?

He's so unfair. he is so inconsiderate. Mabait sya sa mabait, no doubt for that pero pagdating sa ganitong usapin, nagiging selfish sya. Which I really don't understand bakit sya ganun? Puro sarili lang nya iniisip nya.  :'( :'(

Hayy! he's causing me lot of stress, buntis pa naman ako..Until now, hindi ko pa rin sya kinikibo. Hindi kami nag-uusap. Buti na yun at ng alam nyang masama ang loob ko.

Cncya na po mga sis, ang haba haba ng post ko. just very disappointed lang and just need to vent out lang. Saktan lang kasi talaga ako, wala akong pwedeng pagsabihan kasi, dito lang. While typing nga, tears are falling, I can't stop crying.  :'( :'(

Thanks for your time.  ;)

**************************************************************
EDITED TO ADD:
Hindi kasi ako makakareply sa thread. hindi ko lam kung bakit kaya dito ko na lang ilalagay mga sagot ko. cncya na ulit kung masyado na mahaba..

Hi sis jhayell, I understand your point of view.. Maybe nga he loves me so much kaya ayaw nya akong payagan. Pero kaya lang, kung hindi sya kikilos at ako hindi rin kikilos walang mangyayari sa amin. Paano na kami, ako kayang kaya ko naman magtiis eh.. pero paano na mga anak namin? lagi ko ngang pinapaalala sa kanya, iba na kami ngayon, may mga anak na kami. Kung ayaw nyang magtrabaho then fine, pero hayaan na lang sana nya ako. Eh ang ginagawa pinangungunahan nya agad ako. Buti ba kung may history na nagloko ako, wala naman. Yung insecurities nya, makakain ba namin yun? Actually sis, yung pag-aabroad, tanggap ko na yan, niwaglit ko na sa isipan ko yan. Yung tungkol sa business naman, lagi naman nya yun sinasabi e everytime we argue na sasabihin nya, umuwi yung brother nya last September wala naman syang ginawa. Kaya di na ako umaasa. Alam kong nahihiya sya, maging ako nahihiya rin ako e. Pero ang akin lang, wag na sana nyang sabihin kung di naman nya pala kayang gawin. Kaya nga sabi ko sa kanya, wag syang mangako, wag puro salita, gawin nya. Now kung gusto nya talaga, patunayan na lang nya. Ang pinaka sobrang ikinakasama ng loob ko talaga, is yung pakiusap ko sa kanya tungkol sa studies ko. Importante kasi naman yun, ang hirap humanap ng trabaho dito sa atin kung hindi ka tapos. Nakiusap lang ako pang admission test. Hindi ko naman ipapashoulder ang expenses sa pag-aaral ko but still he refuse pa rin to give me. napakahelpless ko wala akong magawa.. ayoko naman pati yun pang admission test eh ihingi ko pa sa kapatid ko o sa magulang ko, ano na lang isipin nila? ayoko rin kasi mahusgahan sya, pinangangalagaan ko image nya.. ganun ko sya kamahal kaya nalulungkot talaga ako. dagdag pa naabutan na ako ng deadline ng pag take ng admission dun sa school na gusto ko pasukan kaya hindi na pwede. Alam mo sis, gusto ko rin magfocus sa pag-aalaga ng baby pero naging praktikal lang din ako. Sayang din kasi yung time eh. Lumalaki na mga anak namin.

Sis whitelady, don't say sorry.. we have the same sentiments. Hindi ko rin masakyan ang logic nya. Sa sobrang talino nga sis naging baluktot na pananaw. Naging bobo, narrow minded ano pa bang pwedeng itawag dun. ewan ko! Hindi naman din ako niyayang magpakasal, ewan ko ba.
Yah wala nga kaming ipon. Yun nga ang problema kung magsialisan ang mga tenants nya, saan kaya sya pupulutin? Dios ko suko ako talaga. Alam mo ba sis dito sa hauz namin wala na kami privacy kasi pati isang kwarto, pinauupahan rin nya. Sa halip na gawing play area ng panganay, wala na. Sayang naman daw kasi ang 6k kung papaalisin. At oo nga isa pa yang problem, pag may emergency. actually nangyari na yan, naospital ang panganay namin. Alam mong ginawa, nagpatawag sa brother nya. dun nangdidilensya. Kaya siguro malakas loob dahil alam nyang may malalapitan pa naman sya in case of emergency. Pero ako naman itong kinakain na masyado ng hiya. Sobrang hiyang hiya ako sa family nya, ako nahihiya para sa kanya. Kaya panay hingi ko ng pasensya sa kanila. Hay naku suko na ko talaga. Naisip ko ng makipaghiwalay na nga lang kaya ako. Pero naiisip ko naman mga bata. Ayokong lumaking walang ama. Ay naku hirap.

Sis ishopnowfeelguiltylater: I respect your opinion. Pero meron lang ako nais na iklaro, ang problema kasi, even if ako magwork, di rin nya ako pinayagan dati kasi walang mag-aalaga ng first baby namin, di namin afford magyaya. Kaya no choice pa rin ako. At nito ngang November, inalok ako ng kaibigan ko pero sa abroad nga lang, ayaw rin nya. After I give birth nga, hahanap na nga ulit ako kasi mahirap maging dependent masyado sa kanya, kung kailangang kailangan ng pera walang makukuha. Naawa nga ako sa sarili ko. Pero as much as possible nga sana gusto ko makatapos sa pag-aaral dahil mahirap humanap ng trabaho kung hindi tapos., Hindi naman sis sa hindi satisfied, sabi ko nga, handa ako magtiis kung ako lang. Pero kasi iba na ngayon, may mga anak na kami magiging dalawa na, yung 26k nya a month, sa tingin mo sasapat yun? at nakalimutan ko palang sabihin na yung 26k na yun hindi naman nya sabay sabay na natatanggap yun kasi yung mga tenants nya iba ibang dates naman ang payment. Ang point ko lang is not all the time, may tenant, we experienced na tatlong space, nawalan. Sobrang hirap.

Yun ang gustong kong maisip nya, hindi ito para sa sarili ko, kundi para sa future ng mga anak namin. Sana maintindihan nya. :(

Anyway Q lang, bakit po kaya hindi ako allowed mag post ulit dito? Everytime I click reply ito lagi lumalabas:

An Error Has Occured!
You are not allowed to post replies even to your own topics in this board.

Mods: pahelp naman po. Thanks!
« Last Edit: February 14, 2012, 01:03:42 pm by Blue Topaz »

jhayell

  • Guest
Re: Hinanakit o sama ng loob kay hubby/partner, meron ka ba? Post it here!
« Reply #1 on: February 13, 2012, 02:59:57 pm »
maybe your husband loves you so much kaya ganyan siya magreact, bata ka pa [textspeak!] siguro kaya ganun baka iniisip niya na pwede ka pa makahanap ng iba kaya ayaw ka niya payagan, medyo may edad na kasi yung husband mo kaya ganyan na siya magisip siguro, kahit pa [textspeak!] mo nga mei itsura siya and talented, siguro nasasaktan din siya coz of the fact na mei edad na sya, baka may trauma din siya sa pag-aapply nya or sa last job nya kya mas pinili niya na wag na mag-apply ng work, i understand din naman na dalawa na anak nyo and dapat na sya kumayod pero alam mo sis IM SURE mas masakit yun sa part nya believe me, sobrand mahal niya kayo ng mga anak mo sis kaya intindihin mo na [textspeak!] muna siya, give him more time and believe in him and sa love nyo, malay mo pag natuloy yung business na sinasabi nya mag- work yun, and mawala lahat ng problema nyo, siguro naman iniisip din niya yung future nyo at ng mga anak nyo kasi kung wala siyang pakialam sana hinayaan ka na [textspeak!] nya mag-abroad mas maganda yun sa part niya kasi may sustento na sya hindi niya pa niya kailangan kumilos, pero hindi ka niya pinayagan diba? meaning kasi sa part nya siguro gusto nya sya pa din ang dapat gumastos.. ayun,, tungkol naman sa pg-aaral mo, siguro gusto niya lang mag-focus ka sa coming baby nyo or ayaw ka [textspeak!] nya ma-stress.. BUT thats just my opinion....

regarding naman sa topic kung may hinanakit ako sa hubby ko siguro dun lang sa part na sobrang busy sya sa mga bagay na gusto nya gawin pero actually sa 8 years [textspeak!] together wala [textspeak!] masyado lang siguro akong madrama kya gnun, minsan nag-aaway kami pero sa pagaalaga nya sa akin and my son sobrang contented ako eh, simple minded siya, bago siya mag-decide sa isang bagay dapat may approval ko muna, sa money naman wala me problema sa kanya, wala siyang bisyo.. and binigay niya sa akin full control sa pera eh, nasa akin yung atm niya kaya pag sweldo nya ako yung nagwiwithdraw nun so wala talaga,, sobrang understanding and sweet sya at this point ng pagsasama namin para pdin kaming newly weds... ayun... :-* :-* :-* ;D

whitelady17

  • Guest
Re: Hinanakit o sama ng loob kay hubby/partner, meron ka ba? Post it here!
« Reply #2 on: February 13, 2012, 03:33:34 pm »
sis, wala pa ba kayong planong magpa kasal na dalawa? Kaya puro ganyan ang linya niya sa iyo, puro tukso.  I just don't get it eh, malakas pa naman pala siya bakit ayaw na niyang mag work? Tapos ano iyan insecure na agad ang lolo? Kaya ayaw ka niya i support sa gusto mong mangyari? Malaki rin ang age gap ng mother at father ko, nasa twenty's pa pang si mom before ng nagsama sila ni Dad, from there on, nagpatuloy ng pag aaral ang mom ko, 2nd courser pa nga siya eh. Well supported naman before. So hindi ko masakyan ang logic niya.
Ano iyan, paano na lang kung lahat ng nag rerent sa kaniya /inyo eh magsi alisan lahat, and according to you wala kayong ipon, saan na kayo kukuha ng pang gastos? paano na pag nag aral ang panganay mo? hello ano bang pag-iisip meron iyan? Sorry sis hah mukhang ayaw niya na may expectation sa kaniya eh, or baka takot siya sa mga negative feedback na makukuha niya. Hindi masama ang maging kontento sa buhay, pero kung walang ipon, at paano kung may mangyaring masama sa family ninyo? saan na kayo kukuha ng pang gastos? Dapat this early pinag hahandaan na iyan eh.

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Hinanakit o sama ng loob kay hubby/partner, meron ka ba? Post it here!
« Reply #3 on: February 13, 2012, 04:05:17 pm »
IMO, ang ugat ng problema ninyo ay hindi ka satisfied sa kung ano meron kayo ngayon.

gusto mo magtrabaho siya. pero mukhang tinatamad. so, correct me if i am wrong, para hindi niya ibalik sayo ang issue ng pagtatrabaho, now papakitaan mo siya na hindi ka tamad, hoping you'll lead by example.

or maybe kasi bata ka pa, may gusto ka ring patunayan besides your role as a mother and as a partner - which is maaaring hindi niya naiintindihan dahil sa concept niya na ng work ngayon: work=stress.

inapakan mo rin ang pride niya, makailang ulit. lalake yan. iba ang wiring ng mga lalake kesa sa babae. ang lalake, incapable of change, especially if a woman has to nag about it pa. dahil sa naapakan mo na ang pride niya and you're trying to get back to school, find a job, natural ang isip niyan, baka you will find him undeserving of you when the time comes.

if i were in your case, i'd probably be thankful na may income siya at all. at sa pagpapaupa pa! that is a very good investment. di na lang siguro kami magaanak ng marami (although he doesnt have to know about this) para mapagkasya. di nadadaan sa sindak ang lalake, pero sa lambing oo.

if you have the time sis, i suggest you read secrets of fascinating womanhood. it will help you understand your partner better.

wish you all the best. count your blessings.

yaskulet

  • Guest
Re: Hinanakit o sama ng loob kay hubby/partner, meron ka ba? Post it here!
« Reply #4 on: February 13, 2012, 05:39:54 pm »
Isa pang nakikita kong problem sis ay yung age gap nyo. Sinabi nya na nag early retirement siya sis. Kahit sino yan din ang gusto gawin ng karamihan, ang mag early retire para ma enjoy ang time sa pamilya etc (feeling ko kaya yan may paupahan kasi nga passive income yan eh, you can enjoy all your time and money even without working). Dumating na siya sa point na ayaw nya na ma stress and content na siya sa simple na buhay. Pero ikaw bata ka pa, madami ka pa gusto gawin and yun nga nag woworry ka sa future ng mga anak mo. Yang age mong yan ang peak na madami ka gusto gawin etc. Pero siya yung nasa age na gusto na lang nya magrelax and all. Siguro sis, ibahin mo ang ways mo sa kanya. Wag mo i-nag. Kausapin mo ng mahinahon regarding sa future ng kids nyo, etc.

Naiintindihan ko situation mo, and yet naiintindihan ko din si hubby mo. Ako nga, 27 pa lang ako and hubby is 29 and yet gusto na namen mag retire (if pede lang) to enjoy our time together and to spend it on other things (like studying, travelling etc) pero di namen keri pa. So in a way lucky ka (sa ngayon kasi kasya pa yung passive income nyo) kasi na eenjoy mo yan ngayon. If ayaw nya work and magmanage ng business, kausapin mo siya na i increase nyo passive income nyo para kahit nasa bahay lang kayo dumami pa din ang income nyo (additional apartments for example).

And yun nga sis, dami attestions regarding fascinating womanhood dito, try reading that as well.

goodluck! :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close