Hi sisses!!!!
I'm back

kwento muna ko...
Day 1 - from airport diretso kami sa Lourdes Wharf for the Honda Bay. Sinundo kami ng tricycle na ina-arrange ni sis Tiara. Nagpa-stop kami kay kuya driver sa sari-sari store for the water and chips. Along the way nakita ko yung mga Inns, GoHotels, Coras Souvenir Shop, Skybox, Mitra's Ranch, madadaanan pa lang tong mga to papunta sa Lourdes Wharf. 10:00am andun na kami, madami ng tao. Unfortunately, wala ng boat so kailangan sumama kami sa ibang group para makapag-Honday Bay. While waiting nagpalit na kami ng panligo, we waited for 30 mins for the boat. 16 pax kami sa boat, 3 groups.
Pandan Island - we arrived 11am, that's the reason siguro wala ng mga fresh catch na inaalok. Dun na lang kami nag-lunch sa may bandang gitna, puro grill tinda nila, my bad I forgot the name. Set meal na sya, 150 for grilled liempo with rice, 180 for grilled samaral with rice. madami naman yung servings ng liempo and one whole medium size for the fish. the liempo is very tender, parang inadobo muna bago inihaw kase ang lasa nya. masarap sya, ako nakaubos sa order ni bf hehe. we bought fresh buko for our drinks naman, binalik ko yung buko ko kase ang asim na ng sabaw and matigas na yung laman, niyog na ata yun. pinalitan naman nila. after lunch, snorkel na kami. ang daming isda! lapit na nga nila sa pampang eh, though yung mga isda eh hinde makukulay ok na rin, nakakatakot sa dami. 2pm umalis na kami papuntang starfish island.
Starfish Island - nung nakita namin yung island nag decide na lang kaming 3 grupo na wag ng bumaba. wala kaming nakitang kakaiba para dayuhin pa, tsaka dami din naka-dock na boat.
Pambato Reef - sad, pagdating dun umulan ng malakas. pero kahit maginaw, go pa rin kami, sayang naman kasi. kala ko nga may turtle sanctuary dun kase may malaki silang design ng turtle. madami dami naman nag sno-snorkel kahit maulan at maalon. ganda ng corals and madaming fish na makulay. though mas marami pa kong nakitang maganda na corals like sa Balicasag, Coron and El Nido. nakakalungkot lang kase sira na yung ibang parts, may area dun na restricted na sa swimmers kase sabi nung nagbabantay kawawa na daw yung mga corals, nasira na talaga.
sayang close pa snake island, para tuloy hinde sulit Honda Bay namin.
4:00pm nasa Lourdes wharf na kami, kala ko madaming pila sa shower room hinde pala. yung iba kase mga naka-van sa hotel na siguro sila magpapalit. kase kami diresto Sabang kaya kailangan magpalit at magbanlaw. 4:30 sinundo na kami ni kuya trike. 5:00pm nasa city na kami, since 6pm pa bukas ng Ka Lui tambay muna kami sa Itoy's. Coffee is ok lang, for me mahal lang yung price considering nasa province sya, 105 small and 145 medium size frapp.
Ka Lui - after 5 yrs nakabalik din ako ng ka lui...and daming pinagbago, lumaki na place nila. nag-expand sila sa likod, wala na yung lumang cr na may malaking kabibe

dahil nagmamadali na kami at andyan na sundo namin, tinake-out namin yung free fruits sa ka lui...
7pm - travel to Sabang...9pm nasa sabang na kami...inulan kami sa daan buti na lang magaling yung driver namin, mabilis pero alam mong alam nya ginagawa nya

Tip: sabi ni kuya trike pwede daw magpa-reserve sa Honda Bay, may kakilala daw sya dun. muntik na kase kaming hinde makasakay.
to be continued...