good morning sisses,
Konting kwento muna. We're back from PP tour last March22-24, stayed at Ysabelle Mansion. first impression parang ang layo niya kasi sa loob pa siya ng barrio nung papunta kami, pero in fairness na appreciate namin the following day kasi malapit pala siya sa centro, trike away lang sa kainan, palengke, at tiangge. Ang mga inn/hotel na malapit sa beach front pala ang malalayo. Like Sheridan hotel, and Microtel Inn. Pero walang problema kasi kung package naman ang kinuha mo may van naman na naka allocate sa group ninyo. Pansin ko lang yung mga inn is nasa medyo tagong lugar, wala sila sa mismong sentro.
Fist day city tour Immaculate Conception Church, Baywalk, Crocodile Farm, Mitra's Ranch, Cora's Tiangge, Bakers Hill, weaving area (forgot the name) Buy hopia at Baker's Hill & abubot at Cora's Tiangge-an, natatawa nga [textspeak!] mag-asawang Swisso na kasama namin sa van, kasi palagi kaming may bitbit na pinamili hehe)
Second day Undergroung River, super layo pala ito, it took us 2hours and 20 minutes from Ysabelle Mansion going to Sabang Port, medyo maalon na nung dumating kami, swerte namin kasi si Piolo Pasyal, ang naging boatman namin sa UGR, tama nga ang isang sis natin dito na kwela siya. Bad trip lang kasi yung guy na humahawak ng ilaw sa boat namin is pasaway kung [textspeak!]-ano ang iniilawan, kaya minsan nalalampasan namin yung mga idini discuss ni Piolo Pasyal. Kaya halos lahat kami ay nahilo sa kasusunod sa liwanag hehe, even si Piolo nawindang din sa kanya. Take note mga sisses, malalaki nga ang mga lamok kaya don't forget your insect repellant.
After ng UGR tour sa Roberts kami nag lunch, mga sisses yung food na lunch buffet pala ay isa lang ang nag cacater distributed lang sa mga resort kaya pare-pareho ang food offer (as per advised by our tour guide namin ng third day.
Third day Honda Bay tour, ito ang masayang experience our Tour Guide is Kuya Omar Silva, okey siya kasi magaling siyang mag explain about Palawan, very maasikaso, ang aga nga namin dumating sa Pandan Island halos kami pa lang ang tao. As per his advise mas maganda raw kung maaga kaming mag snorekling kasi yung mga isda ay lalapit pa sa iyo dahil gutom pa. Ang sarap ng buffet lunch namin. Inihaw na liempo, lato with tomato (sea weeds), roast chicken, rice, & mangga with bagoong. Bale we just add rock lobster in our menu price is 650/kilo, bale 12 kami in a group kaya yung price is equally divided. We also try abalone, ang sarap very fresh talaga. Inadobo ni Kuya Omar.
Ay ang haba na pala ng kwento ko, maglalaba pa pala ako hehehhe. Very tempting bumili ng mga pasalubong kaya kami excess baggage... Ang linis ng Palawan walang mga basurang nakakalat sa mga kalsada, disiplinado mga tao, at ang mga trike driver hindi nananaga ng pamasahe. next time ulit We're definitely going back to Palawan with my husband & kids sa El Nido naman. Kaya dapat simulan na ang pag-iimpok....thank you po for reading my tele novela.