Ticket was bought last September 2011 – 1500/pax roundtrip via ceb pac 388 pesos sale.
Dalawa kame ng pinsan ko treat nya ko sa Puerto princessa pero ako na bahala mag arrange ng lahat
Kaka backread nakita ko ang Marianne inn with a package for 4d/3n including tour with daily breakfast. I look at the place thru net and mukhang maganda naman, ok din mga feedback here from gt kase bago nga ang Marianne inn.
When we arrived last march 16, we were picked up sa airport, may nagiintay sa labas ng airport and may hawak sya ng name ko. Pinick up kame with a van, may kasabay din kame 2 pax, I think hubby and wife sila. We were greeted at Marianne inn with welcome drinks, we arrived around 10 am. I asked kung what time mag start city tour , around 1 pm pa daw. So nag order muna kame ng lunch dahil gutom na pinsan ko. Masarap naman food nila. I ordered porkchop with rice, in fairness malabot and porkchop nila. Pinsan ko naman inorder dangit, akala namen dangit nila e katulad sa cebu, crispy na malutong, pero kakaiba pala dangit nila. Dangit nila parang bangus and masarap sya talaga! Ingit nga ko sana dangit na lang inorder ko . around 1130am tapos na kame mag lunch, we asked kung pede na kame mag check in sa room pwede naman daw, pinatutuyo na lang floor ng cr. Before 12 pina akyat na kame sa room, pero hindi yung bed na prefer ko. Queen size kase binigay samen pero ang hiningi ko 2 single bed. I called the front desk for change of room. Meron daw available pero around 3 pm, pinag stay muna nila kame sa room with queen size bed. Pahinga muna kame bago mag city tour
Mga 1-130 pm tinawagan kames a room, downstair na ang pick up van namen for city tour. Kwento kwento si tour guide namen tungkol sa road ng Puerto princessa, pati history ng Puerto princessa… our first stop is crocodile farm.. mainit kaya napabilili kame ng hat ng cuzin ko. Bago pumasok sa farm picture taking muna sa baby crocodile ang pinsan ko, ako natatakot kaya sa gilid lang nya ko, picture taking will cost you 30 pesos, pag pinadevelop mo picture 200 at or 250 bucks for souvenir. Then we tour the farm daming mga “lacoste” hehe may baby, may matanda na… with the tour guide madamin ka din ma pick up na info. Dala kayo bottled water kase mauuhaw talaga kayo dahil sa init. Picture taking din si cuzin sa parang pusa na sasakay sa likuran nya, ayoko itry kase takot ako sa animal talaga hehe. Another 30 bucks for picture taking. Gusto ko sana itry crocodile sisig kase si cuzin ayaw kaya di ko na lang inorder. After crocodile farm, mitra’s ranch, wento wento na naman si tour guide. Mitra’s ranch picture taking lang kame dito, masarap dito magpahinga after crocodile farm, mahangin kase and picture picture ganda kase ng view. May zipline din dito pero di namen nitry. Hina loob ng pinsan ko. May kasama kame sa tour na mga kids kaya nag zipline sila pero since mahaba ang pila kameng mga di mag zipline dinala na kame sa baker’s hill. Ang saya din mag picture dito. Para syang themed park, may mga cartoon character (looney tunes) may mga 50’s na character, may mini zoo din. And nag bili din kame dito ng konting pasalubong. Bumili kame ng hopia, cashew and chocolate crinckle. May mga nagtitinda din ng mga accessories sa labas ng baker’s hill. Next stop namen sa iwahig, di ko na matandaan name ng place. Store ng mga souvenir na gawa ng mga inmates. Sandal lang kame dito mga 10 min lang… wala pa may plano bumili ng souvenir. After iwahig, punta kame na cora’s dito madame pasalubong and souvenirs. Aircon sa cora’s kaya kahit madami tao dito kame namili ng konting souvenirs. May mga tiange sa labas pero ang init talaga. Medyo natagalan kame dito sa cora’s pati iba namen kasama sa tour. Nag text na saken si sis tiara na pipick up na kame for our firefly tour pero nasa cora’s pa lang kame. Nag pa resched na lang kame on our third day. After cora’s punta kame cathedral , sandal lang, viewing lang talaga and light ng candles. Sa harap nga cathedral is cuartel konting picture lang din dito kase pagabi na nga mga 530 na. after cuartel nag baywalk kame, running tour lang. meaning inside the van lang habang tinitingnan ang baywalk ng Puerto princessa… finally hinatid na kame pabalik sa Marianne. Pag dating namen, may snack pala kasama ang tour, fudgee bar and mineral water. Pahinga muna kame hangang mga 7pm. Then nag tricycle kame papunta kinabuchs, 10/pax lang ang fare Ang ganda ng place maluwag and open air, halo halo customers nila may foreign and locals. Pag tingin namen sa menu nagulat kame sa mga prices nila! Ang mumura. We ordered lapu lapu and shrimp, may rice and softdrinks pa! 550 lang! sabi namen sa manila wala ka Makita na ganito kamurang lapulapu. Pag uwi may mga trike na sa labas ng kinabuchks, nagpahatid kame sa Marianne and dapat 20 bucks lang bayad namen pero ang siningil samen 40 bucks. Di na pinalaki ng pinsan ko binigyan na lang ng 40. Hay sobrang pagod and busog we sleep around 11 pm… call time for our underground tour 630am! Advice lang sa pag city tour mas maganda na mag package kayo para naka van kayo, ma alikabok kase ang city tour. Hindi talaga pang city ang kalsada, rough road pa ang dadaanan nyo. Kaya mas maganda naka van kayo. Ok din saken packaged city tour kase wala ka na intindihin na mga entrance fees.
Sensya at medyo mahaba pero sana makatulong ang post ko
Next post naman sa ibang tours namen.
Pasensya na