watch now

Author Topic: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16  (Read 108040 times)

babybubot

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #200 on: March 06, 2012, 12:02:07 pm »
^hi sis jhandee inavail din namin yung bay cruise kay sis tiara. So after ng city tour namin sa 1st day mag bay cruise kami.

aNgelofThEMorning

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #201 on: March 06, 2012, 12:37:08 pm »
mga sis, kung dadating kami PP around 10am pwede kaya dumiretso na kami sa Honda Bay?

jhandee

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #202 on: March 06, 2012, 12:56:06 pm »
^hi sis jhandee inavail din namin yung bay cruise kay sis tiara. So after ng city tour namin sa 1st day mag bay cruise kami.


ay ok yun sis, hope you will enjoy it  :D

lakwatsa

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #203 on: March 07, 2012, 08:53:40 am »
ay meron pa pala ko naisip na tip.

=================
pearls - kung bibili kayo pampasalubong, punta muna kayo sa Cora's to check the prices. worth din naman bumili sa mga badjao na naglalako lang. pero make sure na alam mo yun presyo. kasi first day namin nakapunta agad kami ng Cora's at nakabili nun mahabang pearl necklace. 150 lang dun. tapos 140 nun nasa counter na. pero dun sa mga badjao na naglalako sa may UR, nakupo 500 daw with matching sabi pa ni manong na "mahal po ito e". hehe. yun isa sa labas ng Ka Lui nakapwesto e 300 naman ang presyo. natatawa lang kami ni mama. kaya sinasabi namin "nakabili na kami nyan 140 lang e" hehe

anyway, nakabili kami dun kay manong sa ka lui ng set na tig 100 lang (after super tawad yan hehe). wala kasi nito sa Cora's so sulit na rin. tapos yun sa UR, during lunch meron din mga badjao na nagtitinda dun. nakabili din si mama tig 80-100 pesos na set naman (from 250 yata). wala din nun mga yun sa Cora's so sulit na rin. maramihan din kasi bumili si mama kaya siguro binigay na rin nila.

so ayun, as long as aware kayo sa presyo, makaka haggle kayo ng bongga  ;)

pinkstar712000

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #204 on: March 07, 2012, 10:37:17 am »
^thanks sis lakwatsa for the helpful tips.
 Im booking for our 3n4d trip to pps and mejo confuse ako kung aling flight ang pipiliin ko going back to manila on our 4th day -yun kayang 9:10am or the 5:35pm? ang worry ko kung yung pm, baka masira na yung mga seafoods na bibilhin namin.... kung yung early flight naman, baka bitin kami sa pasyal...

need ur pov mga sis.. darating kami sa pp on march 25 at 05:05pm.. do u think we can still make it to the bay cruise and firefly watching? gusto ko sana may mapuntahan na kami sa day 1 pa lang. para sulit..

lakwatsa

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #205 on: March 07, 2012, 10:58:30 am »
^sis kami 5:35pm yun flight. tapos nadelay naging past 6pm na. umaga kami bumili ng seafood tapos pina styro ko para mas matagal yun buhay nya. ayun pag uwi namin sa bahay ng mga 8pm may yelo pa rin. ipastyro mo na lang kung 5:35pm pa yun kukunin mong flight.

============
isa pa pala regarding sa seafood:
kung mga isda yun bibilhin nyo, try nyo na rin ipalinis (paalis yun hasang, kaliskis, etc) para at least bawas din sa weight yun pag pinapack nyo na and most of all, bawas trabaho sa inyo pag uwi sa bahay hehe. yun sa min kasi naisip lang namin nun nasa bahay na kami at nag a unpack/linis nun mga fish. :D

pinkstar712000

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #206 on: March 07, 2012, 11:06:28 am »
^yun naman pala, pede pang gumala and pumunta sa Cora's on day 4. salamat sis! nice idea na ipalinis na yung mga fish upon buying kasi tyak uber pagod na pagdating sa bhay... sna may maisip ka pang tips :)

babytalk83

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #207 on: March 07, 2012, 11:42:14 am »
sis lakwatsa, san yung Cora's? how about cheap cashew and danggit? baka may recommendation ka din ;)

lakwatsa

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #208 on: March 07, 2012, 12:01:34 pm »
^yun Cora's dun sa lumang Tiangge Tiangge malapit sa palengke at Chowking. pero may bagong Cora's na, along national road sya tapos malaki yun parking.

yun cashew sa Aldana na yun nakita kong pinakamura. fried is 440/kilo. wala sila roasted next wk pa daw magkakaron. sa iba ako nakabili ng roasted sa palengke 580/kilo.

yun danggit na boneless naku nakalimutan ko kung 380/kilo nga ba sya o 280/kilo. dun din sya sa binilhan ko ng roasted cashew sa palengke. mag canvass ka na lang sis. ganun lang din ginawa ko hehe. :D

meron din sila lamayo (danggit) na nakababad parang daing. 50 per pack naman yun. dun sa binilhan namin ng isda binigay nya sa min ng 40/pack.

babytalk83

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #209 on: March 07, 2012, 12:17:37 pm »
^thanks sis! im taking note of your suggestions as part of my IT :D

how about sis yung chinese empanada? na-try mo ba? masarap din daw yun eh

and also sis lakwatsa, if you can post additional feedback sa resto experiences mo aside from bilao't palayok. im trying to trim down my choices based on reviews here :)
« Last Edit: March 07, 2012, 12:25:01 pm by babytalk83 »

aipaguio

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #210 on: March 07, 2012, 12:28:26 pm »
Sis lakwatsa, pag bumili ka sa palengke ng crabs and shrimp san nila nilalagay kung ibabyahe mo pa ng manila? Naka box ba yun? Additional ba yun sa checkin baggage mo?

lakwatsa

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #211 on: March 07, 2012, 01:07:31 pm »
^yun shrimps kasama ng mga fish sa packaging (with ice. either naka usual na carton lang o naka styro). yun crabs separate carton sya. dapat kasi buhay pa sila hanggang makarating ka sa maynila. check in yan lahat. :)

^^di ko natry yun chinese empanada sis e. regarding restos, eto mga nakainan namin:

1. badjao seafront - ok naman yun food nila. nagenjoy mga young once. wala nga lang lobster or maliit daw. ang gulo kasi nun waiter parang dinidiscourage nya kaming bumili haha. ang inorder namin seafood platter yata yun tapos asparagus w/ shrimps tapos tanigue steak. masarap naman lahat. comment lang ni mama, mabaho yun menu book nila. eeww sa amoy. sana linisin nila.

2. balinsasayaw - eto yun malapit sa lumang Tiangge/chowking. ang inorder namin e sinigang na maya maya, tapos meron sila parang good for 2 pax na meal. then kilawin na tanigue. masarap din lahat. panalo din yun buko juice nila. kasi isang buong buko sya tapos pwede mo ipabiyak para ma-scrape mo yun laman. 39 pesos nga lang.

3. ka lui - 6pm reservation namin. nun dumating kami dun meron nang isang couple na nauna. since konti pa lang tao, nakaraming picture picture kami. umorder kami nun sinigang ni kaka (sinigang sa sabaw ng buko), tapos yun kalui special yata ang tawag dun. basta yun set meal din na pwede for 2pax. then sizzling seafood sisig (yun nga yata) masarap yun. tapos guyabano shake. sila lang may guyabano shake sa lahat ng nakainan namin. sarap! ganda pa ng ambiance tapos may free dessert after the meal. wag nyo i-miss ito sis. call the landline for reservation.

4. kinabuch - order namin bulalo, kanin ni 04, el rancho mitra yata yun basta spareribs sya (matigas sya :(), gising gising (mas gusto ko pa yun sa recipes na gising gising), croc sisig. di na kami umorder ng tamilok kasi nakapag tamilok na sila sa Sabang habang nagllunch. eto pinakamahal inabot na bill pero di ako na-satisfy. siguro dahil di masarap yun spareribs at gising gising nila.

5. bilao't palayok - ayun. nasabi ko na review ko dito. masarap naman yun boodle nila kaso nga lang yun ibang mga order namin wala tapos ambagal ng service e kami pa lang naman ang unang customer dun. meron silang langka shake. sarap din.

6. bona's chaolong - for some reason di nagenjoy mga young once sa chaolong, sila mama ang inorder lang e beef noodles. same lasa (minus the orange color) lang sa chaolong hehe. matamis daw. pero nasarapan sila sa garlic bread.

7. Taraw (during UR tour) - dito kami dinala ng guide. di na ko nagcomplain kasi gutom na kaming lahat. same menu as in last time, grilled fish, grilled liempo, adobong manok, ensaladang pipino, adobong kangkong at saging. coke at tubig for drinks. as usual sa pipino lang ako nagenjoy. hehe.

yun mga resto pala dun hindi 20% discount ang binibigay for senior citizen. parang 10% lang.

babybubot

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #212 on: March 07, 2012, 02:45:15 pm »
^sis magkano yung bayad sa packaging ng mga seafoods? Nabasa ko kasi dito ata per kilo? Hindi ba pwede halimbawa bumili ka ng 5 kilo hipon sa isang box or styro na lang para isang bayad? 

lakwatsa

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #213 on: March 07, 2012, 03:45:58 pm »
^1-5kg = php ?
6-10kg
11-15
15 up

ganyan sis. tapos each range e may specific presyo ng packaging. di ko kasi napicture-an sayang. tapos kung gusto mo styro, syempre separate mo pa yun buy.

to give u an idea, yun sa kin, 20kilos yata yun total ng nabili namin. tapos since gusto namin styro. buy kami ng styro na good to carry 25kilos. 300+ yata yun. forgot ko na kung 380 or 350. tapos yun packing fee (yelo, asin, masking tape, karton). total ng binayaran ko is Php560. wala pa dyan yun tip para sa nagpack. talagang ireremind ka na meron haha. ;D oh well, 100 binigay ko kay kuya. tapos since mabigat, iba pa yun nagbitbit para maihatid kami sa trike (gosh!) 25 pesos para kay kuya tigabitbit. so sa packaging alone, i spent 560+100+25 = 685 toinks! ilang kilong isda na rin e no hehe. iniisip ko na lang na tulong ko na lang sa kanila yun. :D

nun dinala ni kuya tigabitbit sa kiluhan para timbangin yun total ng packed box ko, aba 30kilos sakto haha! ;D

naku may naalala pa nga pala ako. if vivisit kayo sa iwahig na souvenir shop nila. much better if you have something like pasalubong (sabon, etc) to give to the inmates. i think ha. kasi kawawa naman sila dun. but friendly naman sila and they will entertain you (may sumasayaw pa, at nagvvolunteer picture-an ka) pero nakakaawa lang yun kalagayan nila. i don't know lang if arte lang nila yun. pero para sa kin, next time kung magagawi ako dun e papasalubungan ko sila kuya ng sabon hehe. kasi yun isang kuya dun sabi nya bili na daw ako nun tinda nya para may pambili sya ng sabon e hehe.

babybubot

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #214 on: March 07, 2012, 04:18:50 pm »
^balak ko kasi talaga bibili ako ng styro tpos ako na bahala mag pack, siguro naman may nagtitinda ng yelo dun. Mga 5 kilo lang naman para pwede i hand carry bibilin ko kasi si hubby ayaw ng madaming bitbit. Kaloka naman ang tip natawa ko inunahan na ang costumer hahaha kaya nga TIP eh.

bubiboink

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #215 on: March 07, 2012, 06:08:01 pm »
sis.. hubby and i are planning to visit PP on October, should we book na agad kahit malayo pa? thanks! :)

lakwatsa

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #216 on: March 07, 2012, 06:13:24 pm »
^^labor/tip kasi sya haha.

ewan ko lang sis kung pwede mag hand carry ng seafood.
mas tipid nga yun kung ikaw na lang yun magpapack. namahalan nga rin ako sa 560 kasi 300+ lang dun yun styro. so the rest ay para sa yelo, asin, karton at masking tape na - which almost amounts to 200php. ang mahal di ba. wala pa yun labor/tip sa nagpack. ;D

sis bubiboink, book ka na ng accom sis. try mo gohotel baka may tig 388 silang rooms. sulit yun kasi for 2pax na yun e. yun UR pwede na rin pero parang too early naman kung ngayon. makibalita ka na lang kay sis tiara kung pwede na ibook yun Oct na target date mo. yun ibang mga tours saka na yun pag malapit na lang. :)

babybubot

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #217 on: March 07, 2012, 06:17:05 pm »
^^kung airline ticket sis mas makakamura ka kung makakakita ka ng promo, regarding naman sa mga tutuluyan madaming kang pagpipilian kahit di ka muna magpabook dahil matagal pa naman. Backread ka na din sis para madami kang makuhang tips.
« Last Edit: March 07, 2012, 08:07:32 pm by babybubot »

ms_ldr

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #218 on: March 07, 2012, 07:20:16 pm »
ang mahal ng cebupac ngayon, well be going there end of may for 10 days. im planning to stay sa beach resort for few days then sa city.

babybubot

  • Guest
Re: Puerto Prinsesa, Palawan thread 16
« Reply #219 on: March 07, 2012, 08:10:37 pm »
sis bubiboink tama si sis lakwatsa kung accomodation as early as now makakamura ka sa gohotel.

sis ms_ldr kami din napamahal sa airfare, naexcite kasi ako mag book kaya di naka avail ng promo :(

 

Latest Stories

Load More Stories
Close