Ako din kakabalik lang, last week. XD lols! okay naman ang naging trip =D nung pauwi nalang medyo may something, hay! re sa durian na inuwi namin. Pagka Air Asia Zest pala ang plane nyo, di sila pumapayag na di naka styro box ang mga durian. So kami, nag hanap pa kami ng styro box sa airport, syempre nasa airport sila kaya mahal! XD pero di ko alam kung how much talaga yung ganung styro box na mandaue form fish box? P270 ang binayad namin. Ayun. Naiuwi din ang 6pcs durian. XD
Air Asia Zest kami, ewan ko kung dahil under Air Asia na sila kaya ang smooth ng travel namin, ahead ang flight, walang delayed. Ayos! haha!
Then si Kuya Lory ang tour guide namin, bale 4 kami sa taxi nya. pero dahil may biglaan syang lakad, pinasa niya kami kay Kuya Allan, pabor naman samin, kasi car talaga na feeling ko bnew yung sinakyan namin. =D madami dami din kami napuntahan, pero inalis ko na yung mga malalayo sa iti namin tulad ng Eden Park at Jack's Ridge. Nagsimula tour namin mga 8am ata, then natapos kami ng mga bandang 6Pm. Antok na din kasi mga kasama ko.
Super ayos sa Davao, sobra, literal nga na makakapag lakad ka sa gabi at nag seselfie. lols! Nung first night namin, after nagpahinga ng konti, nag dinner kami sa Chippen's. then from Chippen's nag lakad nalang kami pauwi ng Royale House. Okay din ang Royale House, kahit medyo may konting something sa room eh inaakyat naman nila kaagad kami, like nung napundi yung ilaw at yung shower eh sira. Naayos naman agad. Ang di lang nila pinag bigyan eh yung pag hiram ng knife. lols! para buksan yung pomelo. hahahaha! sila nalang daw ang magbubukas sa baba. XD
then nag water rafting din kami, sa Basecamp. okay din, super sulit na! sa umpisa nga lang kakabahan ka. Pero after ng isang rapid, go na! haha! nung umpisa ayaw ko na ma capsize kami, pero nung patapos na, parang gusto ko pa ng round 2! lols! with capsize moment! haha! After namin mag rafting, since malapit nalang din ang Bankerohan sa Basecamp shop, dumaan na kami doon, then bumili ng pomelo at durian. Kay Bobong Maloy Fruitstand kami bumili, masarap yung pomelo, siguro mga 4 lang ang mapakla at dry sa 20+ pcs na binili namin. May freebies pa kami. lols!
Then ano paba? haha! mahaba na! lols! pero definitely, gusto ko bumalik ng Davao! =D I feel safer doon. haha! chos! Gusto ko din itry ang Samal, di na kami nakapunta dun dahil la ng time. aga kasi ng flight namin pauwi eh. Ayun.
=D