@ashleyhan:
sis check mo yung malagos if open sila nung day and time na pagpunta niyo. kami kasi pagdating namin, hindi pwede pumasok, may nagrent ng buong place.
kung 1 pm dating niyo, baka mag-alanganin kay punta eden park or malagos kasi 1.5-2 hrs papunta ron. wala na kayo masyado maabutan, baka mabitin lang kayo.
ang pwede niyo puntahan na malapit is crocodile farm, wala pa 1 hour papunta ron. then pabalik, sa jack ridge kayo mag dinner. ok siya sa gabi.
then before going home pwede kayo dumaan sa aldevinco for souvenirs.
with sa pearl farm, call their manila sales office or email them if may available slots pa for day tour, limited lang kasi. first boat leaves at 8am, next 1:30pm na yata. eh mas ok first trip para sa buffet lunch

malayo yung hagimit sa pearl farm, tapos habal-habal. yata hindi sila pumapayag na magpalabas ng guests don sa gate sa taas. kumbaga, naka-register kayo sa kanila for a day tour, responsibility nila kayo parang ganon. i read somewhere here na nirerenovate yata yung ibang parts ng pearl farm, check mo na lang with them baka tapos na.
pwedeng alternative to pearl farm is maxima. don malapit yung hagimit and pwede lumabas sa taas. 4pm yata yung pabalik nung city.
@abbey: kaka-amaze yung mga rapids noh? super highlight talaga yon ng davao trip namin
@swtykhm: sa samal island lang kami pumunta sis eh. pearl farm day tour: 1850 (monday), iba rates nila pag fridays and weekends, mas mahal.
sa maxima aqua fun: libre yung entrance namin kasi ng water rafting kami, yon yung pinili namin na freebies.
sa paradise resort, Php 200-250 entrance, no activities here, as in beach lang talaga.