ILOCOS TRIP REPORT
Date: April 27-30, 2012
Tour Operator: Explore Island Philippines
website: exploreislandph.multiply.com/
facebook:
https://www.facebook.com/exploreislandphilippinescost per person: Php 3,400
inclusions:
1) van (nissan urvan) manila-vigan-laoag-pagudpud-manila, toll fees, driver, gasoline
2) 1 night accommodation at Parklane Hotel in Laoag inclusive of breakfast (triple sharing kami but i think this is case to case basis)
3) 1 night accommodation at Jun & Carol Beach Resort in Pagudpud (6 kami in a room- again, this is case to case basis)
4) all ilocos tourist spot entrance fees except Marcos Museum (which was not communicated to us beforehand na Marcos "Mausoleum" lang pala ang included sa kanila. Nakalagay kasi sa site nila Marcos "Museum" so I assumed na there's no issue with that)
Depart Trinoma at 10 PM, reached Vigan by 6 AM (with several stopovers).
Left Vigan Heritage at 3:30 PM, reached Trinma by 1 AM the next day (with several stopovers). - ang daming ginagawang daan. halos bawat kanto cinecemento kaya natraffic kami ng maraming beses, plus may mga nagbanggaan pa.
Mabait yung driver namin, si Kuya Rey. Pinagbigyan niya kami kasi sabi namin gusto namin makapunta sa Sand Dunes kahit hindi naman kasama sa itinerary.Dinala din niya kami sa burol kung saan nagshoot yung Walang Hanggan kahit di rin kasama sa itinerary. You can see the view of Bantay Abot Cave from there. Magaling din siya magdrive, gamay na gamay ang mga zigzag, nakakakaba lang paminsan kasi umoovertake siya sa kurbada hahaha at may twice na kamuntikan na kami talaga. hahaha ewan namin, pero kita namang magaling talaga siyang magdrive. Mapagbiro din sila. Convoy kasi kami with 4 other vans na ilocos tour din. From trinoma pa lang, sabay-sabay na kami umalis. The downside is, hindi kami pwedeng mauna. If magsstop over yung group, magsstop over din kami. Nagmamadali pa naman yung isa kong friend makauwi at may lakad siya. Or baka pwede naman, hindi lang kami nagtanong. Sinabay din pala namin yung isa naming friend pauwi kahit hindi talaga siya kasama sa tour namin. Pinayagan kami ni Kuya Rey.
Ang hirap lang contactin ni Ms. Jen, tour coordinator. Ang tagal bago masagot ang phone call. Busy rin ata kasi with tours. Pero minsan ay nakakaubos ng pasensya.
Hotel:
Parklane Hotel: Since hindi ako maarteng babae, okay na siya para sa akin. Malamig naman ang aircon. Maliit ang cr pero malinis naman ang toilet bowl. Luma na kasi ang rooms kaya siguro baka yung ibang babae, mandiri. 15 hours lang naman ako nagstay sa room na ito so okay na rin siya. Sabi ng kasama ko mabagal daw yung tubig sa shower, pero para sa akin mapagtyatyagaan na din. Wala nga lang malapit na makakainan, nag trike pa kami to La Preciosa, 15/each nung papunta 10/each nung pabalik (mapagsamantala si manong driver na papunta).
Jun and Carol Beach Resort: Okay lang din siya, kaso lang yung heater namin hindi gumagana. 6 kami in a room pero hindi naman masikip. 3 double beds. Pwede mong papalitan yung towel mo pag feeling mo madumi na. Naka 3 towels kami doon since yun yung ginamit namin nung nagswim kami (pwede siya ilabas). Ang mahal ng kainan nila. One cup of rice costs Php25. Napabili na lang ako ng hotdog sa malapit lang (Php15) at vigan longganisa na grilled (Php40). Gusto sana namin magvideoke kaso until 10pm lang pwede.
Restaurants:
Breakfast @ Cafe Uno, Vigan: Ang mahal ng longsilog nila (3 pcs small longganisa), Php 95 tapos yung tapsilog PHP 110. Pero okay naman. It comes with a coffee or hot tea. Too bad I am not a drinker of both.
Lunch @ Sikat-Tuna Restaurant, Batac: Kung ayaw niyo masira ang masayang bakasyon niyo, HUWAG kayong kumain dito. Sobrang bagal ng service! Mali mali pa ng sequence kung aling order ang nauna at dapat unahing iserve. Ang daming nauna sa amin na pinagservan pero kakarating lang. Wala silang proper management. At take note, sila pa ang galit. Wala man lang apologetic sa kanila dahil sa inorder namin na puro prito lang naman pero umabot ng almost 2 hours waiting time! And to tell you, hindi worth ang paghihintay. Sana nakinig na lang kami sa driver namin na mag jollibee na lang, panigurado mas nabusog pa kami. I paid Php 50 for 6 pcs tuna shanghai with rice with free 2 hours waiting time.lol.
Dinner @ La Preciosa, Laoag: Okay naman. Masarap ang Poqui-Poqui nila (P130/order). Na-disappoint ako sa Sinangalao (P165) or baka ganun lang talaga yung dish na yun. Parang ang onti kasi ng laman tapos ang daming sabaw, karne-hunting ka talaga sa malaking serving bowl nila.
Lunch @ Papa Nards, Pagudpud: Carinderia Style. Mabilis magserve. Mura pa. Php 40 per ulam Php 15 ata yung rice nila.
Tourist Spots:
Least liked: Baluarte - siguro kasi naulan tapos sumisingaw yung amoy ng manure sa paligid. Inexpect ko na may white tiger but I never saw one.
Most liked: Blue Lagoon - Blue water, powdery sand & Kabigan Falls - refreshing cold water
Hindi na pwedeng umakyat sa Burgos Lighthouse pati sa Kapurpurawan (may naaksidente daw dito)
Pasalubong:
Vigan Empanada at Tina's Empanada, Vigan Plaza - Php 30/each
Okoy at Tina's Empanada, Vigan Plaza - Php 30/each
Royal Bibingka at Marsha's Delicacies, Bantay - Php 85/half order (8 pcs)
Vigan Longganisa at Vigan Plaza (nalimutan ko yung name basta parang name ng lalake or surname yung stall name)- Php 120 per 12 pcs
Bagnet at Vigan Plaza (same as above)- Php 360 per kilo
Chichacorn at side streets of Marcos Museum - 3 for Php 100
Lahat masarap!

Ref Magnet - Windmill at Bangui Windmills (3 for Php 100) Vigan Heritage Magnet - Php 80
Bumili ng shirt yung isa kong kasama, colored daw priced at Php 230
All in All I spent Php 5,090 for this Ilocos trip consisting of 6 pax (actually 10 kami sa van, nagbook ng 2 separate rooms yung other 4 so mas malaki yung binayaran nila, not only 3400, and they stayed not sa Parklane Hotel but sa Java Hotel and Hotel Tiffany)
Masaya ang Ilocos tour namin kahit sobrang init talaga. Enjoy naman! At last, natuloy din ako. hehe
