watch now

Author Topic: how to tell your husband na he needs to work...  (Read 10355 times)

curlyhair

  • Guest
how to tell your husband na he needs to work...
« on: February 04, 2012, 10:29:56 am »
hello mga sis.
i'm 7 years working, ang hubby ko, business business lang, minsan meron pero madalas walang income. okay lang naman kasi nagbibigay paminsan minsan ang mother-in-law ko. pero here comes to the point na super tired na ako. kasi ako lahat gumagastos sa house, lahat ng bills, pangkain, pangschool tuition, etc. ayoko namang magrekalmo to the max sa kanya kasi baka mahurt siya. ever since kasi hindi siya nagtrabaho, sanay siya sa mga one time big time na deal. he is in dog breeding, plants and mga rare pets na buy and sell kaya siya kumikita. pero sobrang bihira na nga ang kita niya and wala siyang ibang ginagawa or iniisip na ibang pagkakitaan. and one thing, magastos pa siya. 1 pack a day ang cigarette, plus 1.5 coke a day din usually. plus marami siyang gustong pagkagatusan na ewan ko kung paano pa since wala naman siyang income.
help me how to tell him na kelangan niya kumilos because our kids are growing, so our expenses is growing na din :(

pinkberries

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #1 on: February 11, 2012, 03:41:33 pm »
sis, wala akong asawa, but as early as now, my bf and i talk a lot about our finances.  just how you post your sentiments here, talk to your hubby and tell him that the kids are growing and so are the expenses. 

kung mahurt siya, let him feel it, allow him to get hurt.  normal lang to feel insulted, pero he needs to realize that what he's giving/doing still isn't enough for you and kids.  minsan kasi sis, kailangan masaktan ang isang tao para matauhan.

joban99

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #2 on: February 13, 2012, 07:13:52 am »
hi curlyhair, I totally agree with pinkberries, you just need to talk to him about it plain and simple. Explain the situation and give him the facts that you both need to work. Pero syempre let him share his sentiments as well para you can understand where hes coming from as well. Pls tell us how it goes after you have both talked as were hoping it goes well. :)

joban99

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #3 on: February 13, 2012, 01:49:06 pm »
@curlyhair this happened to me with my ex. he doesn't want to get a regular job. online selling ang ginagawa niya. ok naman sana pwede siya mag abot para sa gastos ng bata but he chose to spend it on his bisyo. ang ending nagkaka utang pa siya.

whenever i would bring it up nag aaway kame. i would tell him na bayaran na ng tuition and baka pwede siya mag share kahit half, or sa grocery or baon ng bata sa school. but to no avail. pati pag hatid sa school sakin hinihingi pang gas. as in lahat na lang sakin. minsan pati pang load at pang yosi sakin humihingi.

umabot na sa point na wala nako respect sa kanya kahit katiting. i would call him walang silbi, walang kwenta, selfish etc. no matter what i say, magagalit lang siya pero hindi naman magbabago situation.

so i had a choice. it's either i put up with it and stay with him or leave and change the course of my destiny. i realized the only person i can control is me. so i packed my bags and left him kasi walang mangyayari sa buhay ko at pabigat lang siya. it's been two years and it was the best decision i'd ever made in my entire life. last i hears of him ganon pa rin siya, wala parati pera, may bisyo pa rin and walang direction ang buhay. 

as for me im doing great financially, i'll be bringin my son to Hk disneyland sa May for his 7th bday. may bf na rin ako and he is great, responsible, financially driven and malayong malayo sa ex ko ang ugali. we are getting married next yr.

Thats really great to hear sis. :) Congrats on your decision and your new (and much better) life. :)

virt_train

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #4 on: February 13, 2012, 05:03:25 pm »
good day to everyone. if I may share also, yung husband ko 3 years talaga na walang work but good thing naman sya yung nag alaga ng anak ko while I was at work. Nag apply naman sya ng work kaya lang may kulang talaga sa diskarte nya para makakuha ng job. During those things I ended up saying bad words talaga as in very bad...but then there was a a turning point in my life...so ang nangyari is I approached the problem in a better way na hindi sya ganung ma hurt..natutunan ko na kung gusto kong may change sa buhay namin, dapat ang change magsimula sa sarili ko muna...

When I talked to him, I did it sa gabi yung going to sleep na ...I initiated the talk, tinatanong ko heto sana yung gusto kong marating sa buhay...ikaw ano ba gusto mo sa buhay natin...so at the end, nagkaroon kami ng common goal...from that, we talked, ano ba ang next action natin... so ayun tuloy tuloy na...

From that on, mas better na ang naging buhay namin, at nagkaroon na rin sya ng job. :)

curlyhair

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #5 on: February 13, 2012, 05:25:34 pm »
thanks sa mga replies nyo.
medyo mahirap talaga. kasi mabilis siya magalit and we ended up na hindi na mag uusap kapag nag away kami. hindi natapos ang issue. ayaw kong manumbat kasi hindi ko din ugali iyon. and he knows kasi na nandiyan pa ang mom niya, ang mother-in-law ko na always there to help us.

coldsiren

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #6 on: February 13, 2012, 06:11:05 pm »
^^ i am not married but my father is like your husband. my parents have been married for more than 40 years. mother namin yung bread winner namin, sya nagpaaral, nagbayad ng bills, bumili ng cars at nagpagawa ng bahay namin. mother namin yung bumuhay sa amin ng mga kapatid ko.

my father lost his job in the early 90's and prior to that he had a difficult time keeping a job. my dad is a very intelligent man (madami syang post graduate degree and scholarships na natanggap noon). pero hirap sya humawak ng trabaho at financially di rin sya magaling. kumuha ba naman ng insurance nung 50 plus na sya, pag ganun kasi di na kasi worth it yun kasi masyado nang mahal. nag mamahal kasi ang insurance kung matanda ka na kukuha eh di naman ganun kalaki yung policy and yet ang mahal ng monthly fee.

ngayon kami ang nagbabayad nung mga insurance, meds, luho at kung ano ano pang hinihingi nya sa amin. nagrereklamo kami ng mga kapatid ko kasi wala na syang ginawa kung hindi humingi ng pera sa amin. wala sa vocabulary nya ang mag tipid. di rin sya pwede magcommute so kailangan naka car palagi. di rin sya pwede kumain sa fastfood kailangan fine dinning daw.

ngayon ko lang narealize na maluho yung dad namin. kasi noong bata pa kami nakakain kami palagi sa mga mahal na resto at nakaka nuod kami ng mga plays. member din dad namin ng rotary club at may mga weekly shooting practice pa sya with his friend. narealize ko ngayon na mahal pala ang membership sa rotary at mahal pala, bala ng baril, mahal pala ang pagkain sa mga resto na gusto ng dad namin. hindi ko alam paano nafinance ng dad ko yung mga luho nya noon. i guess, from my lola and from my mom (na hirap na hirap magtrabaho at mag budget sa sweldo nya sa gobyerno).
 
yung mom namin, away na umuwi sa pilipinas simula nung nag migrate sya. sabi nya pahinga daw muna sya sa dad namin. yung lola namin ilang beses na namin sinabihan na wag nang pautangin or bigyan pa ng pera dad namin. kasi may monthly allowance naman sya from my other sibling plus humihingi pa sya sa amin ng pera. kung sarili lang namin ng mga kapatid ko iisipin namin ok naman kami financially. pero may pinapalaki kaming tatay. wala pa kaming mga anak ang yet feeling namin may bata kaming inaalagaan. minsan kahit pa masaktan pa dad namin sinasabihan namin sya. kasi napapagod din kami kakabigay ng pera sa kanya na dinadala lang nya kung saan saan.

if you have children and you love them, you have to confront your husband now. you may need the help of your mother in law. tell her that you do not want your family to be a burden to her and that by helping her son financially she is not teaching her son on how to be a responsible father/husband. 7 years na kayong kasal, dapat kumilos na sya at alam na nya na ang  kailangan nya ay regular income. buti sana kung regular yung pasok ng pera sa business nya. tell him pwede na part time job nya yung mga business nya. pero kailangan nya talaga ng full time job to support his family.

you're tired and people around you will feel that. if you have children, they will feel that you're tired and latter on you could end up being unhappy because of your situation.

if you have children, do not allow them to experience whatever my siblings are experiencing right now. trust me, nahihirapan na kami. do not tolerate your husband. yan kasi ang ginawa ng mom at lola ko. they allowed him to be dependent on them.

kung di mo masabi sa kanya, baka pwedeng sulatan mo sya. dapat kasi nagtutulungan kayo kasi mag asawa kyo. pwede rin siguro suggest mo sa kanya na dapat monthly may certain amount kyong 2 na naicocontribute sa budget nyo. as in same amount kung pwede. at kung ano man yung monthly budget nyo, yun lang ang gagastusin nyo. kahit na kaya mong sagutin lahat yung expenses nyo, wag mong gawin. hayaan mo syang magcontribute thru his own income. hindi yung galing sa mom nya.


braycey

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #7 on: February 15, 2012, 11:51:34 am »
Ako naman married na with 2 kids pero my husband naman provides everything for us since he graduated 2 years ago nag hanap na agad siya ng work...  Ang problem naman yung sister in law ko super pabigat siya sa family ng husband ko as in  since nung bata palang sila nag dalaga siya ang blacksheep sa pamilya nila masyadong matigas ulo nabuntis ng 15years old tpos ngkaron ulit ng bagong bf inilalayo na siya dati dun sa bf niya na walang pangarap sa buhay hala [textspeak!] parin hangga't sa nabuntis ulit for the second time nag pakasal sila yung mother in law ko yung gumastos halos lahat ngayon 6 years na sila mg asawa and until now wala parin trabaho yung asawa niya yung mother in law ko may leukemia na and until now siya parin bumubuhay sa pamilya ng ate ng asawa ko hay grabe lang talaga binigyan sila ng bahay pero lahat ng expenses inlaws ko padin sumasagot.. Kahit grocery nila lahat hindi ko alam kung nahihiya pa yung asawa ng sis in law ko oh sadyang makapal lang talaga.. Hindi naman sa panlalait pero diba sana naman may pangarap siya sa pamilya niya what if mawala na yung ng susuport sakanila diba san na sila pupulutin ng ttry naman siya mg apply pero alam niyo yung taong kulang sa personality ayun siya sabi ko mag apply kahit sana gasoline boy at least na susuportahan niya needs nila kahit pano aba ayaw at chossy pa eh wala naman siya natapos gusto ata eh ceo siya nakakaawa na sana eh kaso ang pili niya sa trabaho kaya mas lalo akong naiinis... Tpos yung sis in law ko pa konsintidor din hindi daw kasi sanay mg hanap ng work hello kelan siya masasanay pag yung mga anak nila eh ng ttrabaho na din...

curlyhair

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #8 on: February 15, 2012, 05:24:01 pm »
hi coldsiren
natouch ako sa reply mo. napaisip tuloy ako. medyo nararamdaman ko na di malayong mangyari iyan. kasi now pa lang, he always tell to our kids na kapag nagtrabaho na sila, sila na maghelp sa akin for the house expenses. as in, natatawa ang eldest daughter ko na magka- college na by june. i'm praying na sana magkaroon ng bukas na isip ang husband ko at huawg naman habambuhay umasa sa amin. i will try my best din para maconfront siya....thank you sis for sharing.

coldsiren

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #9 on: February 16, 2012, 11:38:55 am »
^^ kung ikaw lang siguro kaya mong tiisin yan. pero matitiis mo ba na pang habang buhay syang aasa sa inyo ng mga anak nyo pag wala na yung mom nya?
ok lang naman magbigay ang anak sa magulang pero dapat di naman totally dependent yung magulang sa anak financially. sana kahit paano meron din syang sariling income or savings when he retires. kaso ngayon parag retired na husband mo, yun nga lang wala syang pension from the government or insurance.

sa case ko, walang savings at pension dad ko. so ang hirap din minsan. isipin mo pag lalabas kami, si bili mo ako sya. minsan pinagbibigyan na lang namin. kasi ayaw naman namin na magmuka syang kawawa.  sa food, meds, at clothing di namin sya tinitipid. yung sa mga luho lang kami nagagalit. sabi ng mom ko hayaan na lang namin. kasi kahit paano mabuting ama pa rin sya. di nya kami abused children kaya dapat thankful na kami sa dad namin.

sana nga maconfront mo husband mo. i will pray that everything would be ok with you and your husband. mas magiging masaya yung family life nyo kung tulungan kayong 2.

peninsula

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #10 on: February 17, 2012, 03:58:35 am »


i admire your courage. siguro ako din ganyan gagawin ko lalo at ako naman kumikita...
@curlyhair this happened to me with my ex. he doesn't want to get a regular job. online selling ang ginagawa niya. ok naman sana pwede siya mag abot para sa gastos ng bata but he chose to spend it on his bisyo. ang ending nagkaka utang pa siya.

whenever i would bring it up nag aaway kame. i would tell him na bayaran na ng tuition and baka pwede siya mag share kahit half, or sa grocery or baon ng bata sa school. but to no avail. pati pag hatid sa school sakin hinihingi pang gas. as in lahat na lang sakin. minsan pati pang load at pang yosi sakin humihingi.

umabot na sa point na wala nako respect sa kanya kahit katiting. i would call him walang silbi, walang kwenta, selfish etc. no matter what i say, magagalit lang siya pero hindi naman magbabago situation.

so i had a choice. it's either i put up with it and stay with him or leave and change the course of my destiny. i realized the only person i can control is me. so i packed my bags and left him kasi walang mangyayari sa buhay ko at pabigat lang siya. it's been two years and it was the best decision i'd ever made in my entire life. last i hears of him ganon pa rin siya, wala parati pera, may bisyo pa rin and walang direction ang buhay. 

as for me im doing great financially, i'll be bringin my son to Hk disneyland sa May for his 7th bday. may bf na rin ako and he is great, responsible, financially driven and malayong malayo sa ex ko ang ugali. we are getting married next yr.

pregnantgirl

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #11 on: March 23, 2012, 02:06:35 pm »
Si hubby mabait,walang bisyo..kaya lang nakaka inis kasi fixed ang utak,di na mababago..malaki ang income namin dito sa Pinas..ang kaso,may isang anak kami,umuupa pa ng bahay,pang gas ng kotse,sweldo ng katulong,pang budget pa namin sa gastusin..sa dami ng babayaran,hindi mo na ma-feel yung malaking income na yan..may matira man kulang pa rin,,sa mahal pa ng vaccine ng anak ko,di pa pala-kain ng gulay si hubby kaya puro karne..nag apply siya Singapore,walang nangyari..paano mahigpit na doon..saka gusto eh Singaporean or PR..kaka inis..so ngayon ayaw na niya mag apply..sa ibang country ayaw niya..pag sinabing Sg,sa Sg lang..kaya nainis ako..meron siyang pwedeng pakiusapan sa ibang bansa..may mga ka officemate siya na mas matanda sa kanya,nagtayo ng sariling company nila..pwedeng pwede nga daw siya doon..ayaw naman niya..kaya nainis ako.parang ano yon,pag wala sa Singapore,ganito na lang tao?laging sakto pera,may sobra naman parang kulang pa rin..hindi na maka ipon..

kesyo raw malayo..eh talagang malayo nga.pero kailangan tiisin.sino ba makikinabang,siya rin naman..50/50 na yung company nila dito sa Pinas,sabi ko wag na niya hintayin gulatin sla magsasara na.minsan kasi tamad siya makiusap or humingi ng favor..Pride kasi pinaiiral..buti sana kung mabubusog kami at yayaman sa mataas na pride niya..

kahit may sobrang pera magkano lang..3k? 5k? kulang pa yan pag may extra kang bibilin..ewan ko ba kaka asar

pinkbubbles17

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #12 on: March 24, 2012, 07:53:54 pm »
hello mga sis.
i'm 7 years working, ang hubby ko, business business lang, minsan meron pero madalas walang income. okay lang naman kasi nagbibigay paminsan minsan ang mother-in-law ko. pero here comes to the point na super tired na ako. kasi ako lahat gumagastos sa house, lahat ng bills, pangkain, pangschool tuition, etc. ayoko namang magrekalmo to the max sa kanya kasi baka mahurt siya. ever since kasi hindi siya nagtrabaho, sanay siya sa mga one time big time na deal. he is in dog breeding, plants and mga rare pets na buy and sell kaya siya kumikita. pero sobrang bihira na nga ang kita niya and wala siyang ibang ginagawa or iniisip na ibang pagkakitaan. and one thing, magastos pa siya. 1 pack a day ang cigarette, plus 1.5 coke a day din usually. plus marami siyang gustong pagkagatusan na ewan ko kung paano pa since wala naman siyang income.
help me how to tell him na kelangan niya kumilos because our kids are growing, so our expenses is growing na din :(
talk to him in a nice way..as we all know now a days women na talaga madalas na bumubuhay ng family..explain everything to him na hindi naman parang makakaoffend sa kanya..pero if you're afraid to talk to him,give hints na lang siguro hanggang mag open up siya sayo then sabihin mo yung side mo..na hindi enough  yung ikaw lang may work at ikaw lang bumubuhay sa family niyo..

zzhess29

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #13 on: April 06, 2012, 03:35:42 am »
hi sa inyo,
  I need an advice kc tatlo kami magkakapatid. At ako ang bunso. Ang nanay ko ay ang sumoporta sa min hngga sa ngayon. May mga pamilya na kapatid ko at mga anak. Ako ay single pa rin. May work ako at sumusuporta pra sa tuition ng mga pamangkin ko from highschool to college. Ang nanay ko ang nagbibigay ng pambayad sa bahay, bills at mga luho ng pamngkin ko. Pero ngyon ang nanay ko ay mahina na rin. Marami ng sakit at puro n [textspeak!] daing sa akin na nahihirapan n syang magwork pero iniisip nya ang mga kapatid ko kung pano daw pag wala n sya. Pano sila mabubuhay.
 Mga walang work ang kapatid ko. Pero at least [textspeak!] isang kapatid ko marunong humawak ng pera at patapos na ng college ang 2 anak nya. Kaso ang isang kapatid ko na panganay sa min. Nag aalaga lang ng mg tatlong nyang anak na 12, 11 at 1 yr old. Kinausap ko ang kuya ko na kaya kong tumulong pa rin sa tution ng anak nya pero kumilos namn sya at matuto magtrabho dahil hindi ko kaya na suportahan sila sa lahat. May bf na rin ako at plano na naming magkapamilya pero gusto ko sana na magising ang kuya sa kahibangan nya na inaapi daw sya ng mga kapitbhay namin dahil wala syang work. Kinausap ko ang kuya ko na tungkol sa nanay ko na matanda na sya at ayoko na sana syang magwork kya sana na mag isip [textspeak!] sila kabuhayan nila. Pero ang nangyari na sinagot pa ko ng kuya ko iniinsulto ko daw sya. at wala daw akong karapatan na pagsabihan sya dahil hindi daw sya nahingi ng tulong sa kin at ako mismo ang nagbibigay ng pera sa knila. Syempre matitiis ko ba ang mga pamangkin ko na hindi mag aral at lalo na ang nanay ko na wala ng sinabi kundi pano mabibigyan ng luho ang mga apo nya. GGGRRRRRrrrr nakakainis talaga.

Ann_2128

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #14 on: April 27, 2012, 03:36:52 pm »
Sana nga ganun kadaling kausapin ang lalaki na hindi masasaktan ang pride nila.. Paano mo sasabihin sa asawa mo ang ganun kung nagsisimula ka palang magsalita, dead ma na agad as if wala siyang naririnig? Or kung minsan idadaan sa init ng ulo....


Aesth

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #15 on: May 08, 2012, 02:56:50 am »
Sana nga ganun kadaling kausapin ang lalaki na hindi masasaktan ang pride nila.. Paano mo sasabihin sa asawa mo ang ganun kung nagsisimula ka palang magsalita, dead ma na agad as if wala siyang naririnig? Or kung minsan idadaan sa init ng ulo....



Amen to that! Pinagdaanan din namin to ng asawa ko. Hindi biglaan nagka solusyon, dahan dahan lang, walang pamukhaan kahit na kating kati ka na!

tinapa

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #16 on: June 09, 2012, 06:54:44 am »
grabe naman ang mga lalaking ganyan, buti di mo sinapok  :o

australis

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #17 on: June 17, 2012, 10:11:03 pm »
hi guyz! share ko lang yung story ko, actually kanina ko lang nasabi lahat lahat ng nararamdaman ko sa hubby ko regarding sa pagiging jobless nya (father's day na father's day eh noh mga sis, hehe).. wala naman talaga akong plan na iconfront sya na need nya ng magwork kasi sa work ko ngayon kaya ko namang suportahan ang family namin, btw may isa kaming baby which is 1month old, also, i still support my parents at natulong tulong din ako sa mga in-laws ko kasi minsan gipit din sila.. OKAY lang ang lahat ng to sa akin, happy ako kapag my naibibigay ako, ang ganap lang talaga ngayon is naka-maternity leave ako na no pay, CS pala ako kya malaki nagastos namin sa hospital (pera ko lang din ang pinambayad good thing my sss at philehealth), hindi ganon kalakihan ang savings ko kasi nga natulong pa din ako sa family ko.

Nangyari ang lahat kanina ng nabasa nya text ng sister ko na pati papa ko daw ngsalita na sa pagiging jobless ni hubby, ngaalala sila kung san ako kukuha ng pera pang-gatas ni baby at sa gastusin sa binyag ngayon katapusan na ako lang din ang gagastos, ayon after nyang mabasa yun lungkot lungkutan sya na naawa naman ako kasi alam kong nasaktan sya. Kinausap ko sya ng masisinsinan tungkol dito, sabi ko kung galit ba sya sa kapatid ko at sa papa ko, hindi naman daw kasi totoo naman na wala syang trabaho, ayon sinabi ko ng lahat ng nararamdaman ko sa kanya, nung kinasal kasi kami my work pa sya pero after ng wedding ngresign dahil hindi nya kaya ang GY, hanap na lang daw sya ng iba, this was december last year, pero no effort on his part na mag-apply, kung hindi ko pa sya iapply online walang kokontak sa kanyang mga companies, yun nga lang hindi sya napasa sa interview o di naman kaya hindi na nya sinisipot yung iba, pag tinatanong ko kung kelan sya mgaapply lagi nyang sinasabi sa monday na hindi din naman ngyari (paulit-ulit to), napagod na kong iapply sya at kulitin kaya sabi ko sa sarili ko hayaan ko na lang muna sya, mgaapply din naman siguro yung mokong kung kelan ready na sya, hanggang sa nakapanganak na ko wala pa din :(. lahat to sinabi ko kanina, sabi ko sknya hindi ko sya gustong mgkawork para suportahan kami ng anak nya, ngaalala lang ako na baka may marinig sya sa ibang tao dahil sa pgiging jobless nya kaya gat maaari mas maganda kung may work sya, kung sa akin lang okay lang na househusband sya kaya lang alam naman natin ang thinking ng ibang tao sa ganong situation db. Tahimik lang sya habang ngsasalita ako, hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya, ngsorry naman ako sa mga nasabi ko, alam kong nasaktan sya pero sana marealize nya din na kelangan nya ng mgtrabaho.

bulaangpropeta05

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #18 on: June 20, 2012, 01:07:52 am »
Hayzz.. Minsan talaga mahirap lalo na pag jobless un lalaki,.

I admit, I was about to give up na nuon sa hubby ko,.
Nag live in kami ni hubby nun na preggy ako, bumukod agad kami,
Nag study pa sya nun college ng criminology,. Kala ko ganun lang kadali un,
Na after graduate nya, may work agad sya kc pulis din nman daddy nya,
So hindi ako nagworry, after nun nakapanganak ako, i work na,.
May work din sya nun plus allowance from his dad na din,.
I have son from previous relationship so 4 na kmi sa family,.at first ok naman
madali lang lahat,.Nagkaron lang ng problem nun nag retire un dad nya,.
Kc nga nman un ibibigay samin pra sa family nlang nya, tapos graduate na din sya,.
2009 un,. Tapos after gumrduate ni hubby nag business sya which is hndi [textspeak!] kumita
kc nga un family nya eh dun na din umaasa, so ala nangyari,.ito na nagsimula na problem
nmin,Thankful [textspeak!] ako kc while working ako at si hubby wala pa work,
Sya lahat sa house, laba ng damit, hugas pinggan, alaga ng kids, linis ng bahay,help nya din
ako sa business ko etc.
Ayoko lang is pag mayaya sya ng tropa nya maginom, go sya after nya gawin lahat
ng gawain nya,.Kaya nainis ako ewan ko ba parang ang selfish ko,.
I even shout at him infront of his friends sa sobrang inis ko,. minsan kc paguwe ko work
saka sya aalis at magiinom,which is gusto ko naman is may makakwentuhan pag uwe ko,.

Tapos ilan beses na din ako naghamon ng hiwalay,
Kc wala na nga trabaho tapos magiinom pa til midnyt
ok lang sna kung minsan lang, kaso may time na every other day na,.
Pero nag aaply naman sya, He tried, kahit nga bagger sa mall ok lang sa kanya
to think na 4 years course grad pa as criminology pa,.

So i told him na pag this year wala pa sya trabaho,
Maghiwalay muna kami,. kc baka mas magiging ok kung hiwalay muna kami,.
Ayaw naman nya at na less na pag inom nya,.
At lalo sya nagpursige maghanap ng work,.
So last feb. nagka work naman sya, pero til march lang as security guard,.
Now may new job sya as checker ok naman,.
And apply sya sa august for police,. Sana lang tuloy tuloy na..

Before, I always afraid na iconfront sya kasi always nauuwi lang
sa sigawan, minsan nga murahan pa,. but i learn na mas madali un usap
kayo heart to heart before matulog, asking him hindi ka ba nahihirapan sa ganitong
sitwasyon ntn? mnsan ask ko sya grabe noh? 2013 na next year ito pa dn [textspeak!], wala pa
sarili house,. mas ok un ganun usapan,. minsan mga sis i even text him lahat ng hinanakit ko,
yun mga ayaw ko,. at infairness sa text lahat nasasabi ko,. lol hehe
at un nga napapagusapan nmin lalo na un mga ayaw namin sa isat isa sa text,.
tapos pag uwi nya from work, ioopen up nya tapos pagusapan nmin ganun,.

Masarap un feelings na nakakapag heart to heart kayo ni hubby,
Feeling ko close na close at nakakagaan ng feeling talaga,..

curlyhair

  • Guest
Re: how to tell your husband na he needs to work...
« Reply #19 on: June 23, 2012, 03:59:58 pm »
i love all your replies. good that you share your stories din. at least narelease nyo din mga sama ng loob :)

so far naman, nagwowork ang business ni hubby, marami siya buyer ng rare plants niya, mga tipong collectible items na plants kaya pricey din...i think malabo na magwork ang hubby ko, but sana magtuloy tuloy na lang business niya. dumadating talaga minsan na nakakainis isipin na ako lahat ang gumagastos sa house. pero when i told him naman na wala na akong pera, he do something...so kailangan i always tell him pa para mag effort. hahaha! buhay nga naman ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close