HI BBB's!

Happy Monday!
Batiin ko na in advance sina sis,
kizme, shooting star & ez4gotten. Best wishes mga co -BBB's ♥
akin_dc - talaga sis? pinagpractisan pa yun?

super galing nila kumuha sissy. re: gown, ang ganda ng gown nya sis ano? at ang trail, tamang tama. parang ganyan din yung trail ng wedding gown ko. buti ka pa magaling ka sa photoshop

ako super clueless ako. i wanted to create sana madaming monograms dati, buti nalang si sis abbey, eh ginawan ako. kaya yun na naging official monogram namin. natatawa ako, share ko lang ha. kasi si h2b, nung pinakita ko nung monogram namin, sabi nya sakin, bakit monogram ang tawag mo dito? diba monogram yung mga makikintab na parang 3d? basta super serious ang face nya, yun pala, tinutukoy nya hologram. bwahaha! and re: photos sa guestbook, yes sis, super dami nga! ahaha! may naisip na akong gawin dun. ano yung kitten heels sis? sige macheck ko nga yan sa net. and yes sis, super mahal talag adyan sa evita peroni! may nakita ako na ganyan sa G4 ata, hahanap ako ng pantali ng buhok sana. pagpasok ko ng shot, labas ako kagad. nahilo ako sa presyo! haha! tinignan ko nung itsura, may nakita akong ganyan sa SM dept store last Sunday. hehe. 149.00 lang.
chubbycheeks17 - oo nga sis, ang dami nyo ngang PV! waaaahhh. ako may back up pv din, pero free yun. nagpost sya dati dito sa GT. pero di ko pa sya ulit nakakausap. hehe
kiz_me1109 - naisip ko lang na malungay sis, tapos pinturan ko nalang. haha! may malunggay kasi dun sa kapitbahay namin, eh abot ko sya pag nasa terrace ako, dudukot nalang ako. kaso parang malambot ata yun masyado. lol. pero okay na sis, naghanap ako dito sa mga agents ko at nagtanong tanong kung sino ang meron. yung isa, nakahanp daw. aayusin pa daw nya and dalin nya tomorrow. di kaya super aga?
by the way sis, question, diba may wishing tree na kayo, may guestbook pa ba kayo?
and re: masamang lalaki sa bus, dapat alert talaga tayo these days, and pag may katabi talaga na may malaking bag, dapat todo iwas. ilang beses narin ako na biktima ng ganyan sis! buti nalang walang nanyari na bad sayo sis, and wala ding nakuha.
cerenity_18 - yup sis, super drama talaga. ayaw ko na nga manyari yun ulit samin ni h2b, di kami sanay na may conflict. pa sweet lang palagi. haha! actually sis, yung story namin ni h2b, pang MMK talaga. lol! re: pictures sis, buti na nga lang, nakahanap ako ng option kung ano gagawin ko sa sobrang pictures. gagawa nadin kami ng wishing tree. actually parang picture tree. dun nalang sila magsulat ng message nila sa likod ng picture. about sa malunggay, haha. mga naiisip ko eh noh? mahina nga ata sis. at malambot. baka tumumba pag sinabitan ko ng picture. buti nalang nakahanap nung agent ko ng mga sanga na itatapon na daw dapat ng neighbor nila. dadalhin daw nya bukas, aayusin lang daw nya, kasi masyado pang matinik. di ko nga lang sure kung anong dahon yun.
IloveMybabs - May na po ang wedding ko sis.

and yes sis, madaming churches na maraming restrictions. ganyan sa church namin. super strict sila sa damit. and kailan ko lang din nalaman, na inform kami na di pwede ang WC ang mag ayos sa church. mga coordinators lang daw ng church ang pwede. waah!
Alec_Feline - that's nice to know sis, na okay na talaga ang gown. mas maganda talaga na pag may problem tayo, kausapin natin kagad si supplier, para may peace of mind diba? lalo na sa case nyo, naka pag shell out na kayo ng amount, di biro yun.
sis, abbylyns ata yung tinutukoy mo. ni consider ko sya dati, kaso may mga co -bbb's tayo na may di masyado maganda experience sa kanila. heheh. try ko hanap sa mall, gusto ko talaga wedge nalang. sana makahanap ako. huhu! takot ako mag lakad ng stilettos, baka magpagulong gulong ako sa aisle, at di pwede yun! ahaha!
augbride - thank you so much sis! excited na nga din ako matapos eh. parang tinatamaan ako ng katamaran ngayon. hahah!
Judessec - ay ganon ba sis? okay na ba ikaw sissy? hirap talaga kapag magkasakit ano? and congrats sa pledge ni ate sa photobooth.
babyhoney - hello sis! congratulations sa major accomplishment! yung corkage fees sis, ininform mo nadin ba sila kung ano ang icharge nila dapat sayo.
marigie - waah! ang mahal naman ng easel na yun sis. mas mahal pa ata kung sakali dun sa ilalagay ko din. haha! nitanong ko si photographer sis, sabi nya maghahanap daw sya for me. di daw nya sure kung pwede dalin yung sa studio nila. haha!
meandmyhoney - wow sis, ang daming accomplishments! and malapit narin ang wedding mo sissy. and sis, nakita ko, zandels minicooper din pala ikaw. na excite ako! hihi. sila din kasi nikuha ko for bridal car.
Wedding updates:
Tapos na ang invitations namin, for distribution nalang. Mga March 26 na natin ipamimigay para eksaktong 2 months before ng wedding.
Medyo matumal ang wedding updates ngayon, pero next week, lagari na kami ulit ni h2b. balik kami ng GEH and Don bosco, para mag pay na. ♥, tsaka mag food tasting. isasama ko si mother dear, para makilatis nya.
Happy preps sa lahat!