watch now

Author Topic: 2012 Brides *Part 12*  (Read 103003 times)

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #400 on: March 03, 2012, 03:04:43 am »
^ ay ganun ba sis? hmm.. ibook ko na nga rin kaya sya? hahaha! naexcite naman ako.. si h2b naman logtu na! hahaha, gusto ko pa sana kulitin eh.. si lady_frost photog mo for boudoir? abah, nalimutan ko na yang tungkol sa boudoir shoot ah! :o

chubbycheeks17

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #401 on: March 03, 2012, 03:09:41 am »
^ oo sis. si lady_frost. nag-email na siya ng mga details kaya i wanna hit the mall tomorrow. magpa-boudoir shoot ka na rin ;) yun sa lil cupcake sis, of all kasi siya ang pinakamura tapos all customized pa ang design. for less than 12K, hindi ko naisip na i can have 220 pcs. pero with her, possible pala ;D ako naman dapat matutulog na para pag-uwi ni bambs, gising ako, pero hindi kasi ako mapakali sa veggie course namin. kaka-confuse. ayaw kasi talaga ni h2b ng buttered veggies kaya tinitigan ko ang menu ni passion cooks. hahahaha :D

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #402 on: March 03, 2012, 03:13:33 am »
^ hmm.. may affiliation ba si sis lady_frost? :D or solo raket yung boudoir photography nya? :) hmm.. isurprise ko nga rin kaya si h2b nyan? hahaha! hmm.. okay naman kay h2b si lil cupcake, okay lang ng okay eh.. hahaha.. hmm.. kami kaya pwede na magmeet with planner ng Hizon's?..

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #403 on: March 03, 2012, 04:26:43 am »
chubbycheeks17

- Yung first dance namin next week kami mag p practice para fresh pa sa utak ni Mike. hehe Mahirap na. Baka makalimutan niya. hehe Sabi ko sa kanya kapag nakalimutan niya e huwag siyang mag panic. Mag slow dance nalang kami. =) Re gowns, I decided na sa iba na ipa alter sis. Hindi ko alam bakit pero isang bridesmaid lang naman ang may alteration since 1st day of fitting. Una, masikip. Nung nagpa measure ulit and pina alter, maluwag na naman. Sayang pera and pagod sis. Bayaran ko nalang yung alterations sa ibang mananahi.

Re surprise dance, nasa Hongkong yung Powerdance. So wala ako choice kundi mag solo. =) Try ko siya gawan ng steps mamya. I still have 1 week. kaya ko to. Ajah! hehe

Magulo talaga kausap yung officemate ko sis. Tinext ko na nga siya na kunin nalang namin yung gown. Pabigat parin. Hindi nagrereply. =(

katrinac

- Sa Manila Botanical Garden sis meron nun malamang. Hindi ba madagta masyado yung puno ng malunggay? hehe

akin_dc

- Oo sis. Bitter nga siguro. Nakakatawa siya kamo kasi ang liit na bagay na stress na.

cerenity_18

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #404 on: March 03, 2012, 04:47:29 pm »
kizme - sis tama yan! wag mo nalang pansinin....malapit na ang wedding!masisisra nga ang beauty mo if patulan mo...re:wishing tree- parang ang ganda sis hehe....wait ko pic! :D talagang langka sis....:)
blueflame - thanks po uli sa napakagandang monogram....sa sobrang inlove ko sa monogram na ginawa mo pwede bang gamitin ko yung ganong design for some of my stationery suites??  :-[ launching-sis tom na ba yun! excited nako sa WC business nyo Caramoan pero bago ang lahat enjoy your honeymoon muna syempre dapat focus din sa baby making hehe....enjoy sis! :-*
katrinac - singit sa kwento nyo sa drama nyo ni h2b with mom as witness hehe naimagine ko lang parang isang part  lang ng MMK lol pero i  agree pagsubok lang yan sis....kasama yan sa pagtibay ng bond nyo...hehe guestbook- bongga! i love it...daming pics....na-excite ako finished product sis... ;D nagutom ako sa pigged out time nyo parang nagcrave ako sa pizza at baked ziti ng SBarro :( malunggay sis parang masyadong mahuna yun....gano ba kalaki?parang ok yung mangrove tree ba yun??yun nga lang san kukuha nun ? hehe
chubbycheeks waaaah namiss kita dito hehe...Thank you.sis pahinga ako sa DIY ko hehe sakit katawan ko sa gym lol boudoirexcited nako makita solo boudoir mo tee hee...sexyness ito!headdress bonggang bongga sis ang ganda...inggit inggitan ako....hmmmm...diko pa alam kung anong ok for my ento and for me....i hope i can DIY it too! karirin daw ba!lol tmu wait ko nalang mga pics for those hmua hehe addct!!!monogram oo nga sis thanks...galing galing ni sis blueflame cover glad you liked it!ATV ganito sis hehe.http://www.google.com.ph/imgres?q=ATV+two+seater&hl=tl&biw=1024&bih=537&tbm=isch&tbnid=Aw71uU-Tx8l_7M:&imgrefurl=http://www.diytrade.com/china/4/products/8169972/300cc_2x4_ATV_utility_ATV_Two_s..gusto lang namin pero ang problem bka magulo hair ko or keribels na yun? siguro pag ganyan dapat light lang talaga ang gown....mag inquire muna ako kay AE san pwede mag hire....i guess marami naman sa Laiya kase maraming beach resort ( i hope  so)
akin DC thanks sis ang ganda ganda mo! :D
 

kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #405 on: March 03, 2012, 08:42:34 pm »
cerenity_18

- Hay naku sis. Sa wakas e nakuha ko narin yung gown sa officemate ko. And buti nalang may nag replace agad. Dagdag gastos lang ng konti pero makakaraos din kami. hehe

UPDATES:

Grabe ang nangyari sakin today.

First, si hubby restday niya. So after his work, punta siya sa Glorietta para i meet si Bestman and kumuha ng coffee beans sa starbucks. Then, he went to Megamall kasi may sale ng shoes and bags. Then, he went to Market2x para ideliver yung ibang invites and kinuha niya yung wines na na purchase namin from Ensogo.ph. =) Ganda ng wines. May sobra pang isa kaya may wines kami sa hotel after the wedding. hahaha Then, kinuha niya yung gown sa officemate ko. Sa wakas nakuha din niya. Tapos na ang problem ko sa kanya. hehe

Ako naman, na cut ko na yung monograms for the doughnuts. Then yung sticker sa coffee bag namin. Bukas matatapos ko narin yung gifts for sponsors. Hopefully. hehe Pina restday ko muna bukas si Yaya for 1 day para makapagpahinga siya kahit konti.

Kanina, on my way to work, sa bus. May napansin ako sa katabi kong guy. Kasi ang laki ng bag niya. Then, mga after 3 mins ko na kasi napansin yun. Nung napansin ko, gilid ko agad yung bag ko. Tapos bumaba siya after 5 mins. Nung nasa office na ako, saka ko nalaman na may slash na yung bag ko. Buti nalang wala siyang nakuha. Nakakainis lang kasi sinira niya yung bag ko. =( Pero at least wala siya nakuha. Nakakainis yung mga taong ang laki ng katawan pero hindi magtrabho ng maayos no.

IloveMybabs

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #406 on: March 04, 2012, 12:24:17 am »
Sis kiz_me1109 Thanks :) pero feeling ko an dami ko pang kulang lalo na sa small details. huhu nakaka loka mag auz ng wedding mag isa. almost 3months na kong walang pahinga every weekend may kailangan ausin o may i meet na supplier. pero enjoy naman haha :)

Sis katrinac - Thanks :) kelan wedding mo sis?

Sis chubbycheeks17 - Sis you may want to consider Pong Niu okie sya mag make up and mabait pa sya kasi kinuha ko for my church wedding and nung civil wedding ko dun ko ginamit yong trial make up nia. my package sya na kasama na yong pre nup mo sya na bahala sa lahat ng susuotin mo :) sis how much kuha mo sa cake mo? Please PM me naman if okie lang :) grabe buti ka pa halos lahat meron na ako wala pa yong mga small details. haiz kailangan ko ng mas kumilos pa an dami na nating december brides :) buti na lang sobrang haba ng patience nila noh? haha


Bukas kailngan ko pumunta ng maaga para macheck sa church kung ano yung do's and dont's
ngayon ko lang kasi nalaman na yong iba palang church my restrictions sa dress. yong sa canonical interview pa pala kailngan kong icheck kung kelan yong pwede namin na schedule. sana naman umabot 1month before the wedding lang kasi pwedeng umuwi si hubby dito :(
whew! i can do this. haha

Gusto ko sana mag join sa EB nyo kaso feeling ko maiingit lang ako :( kasi kayo kasama nyo si h2b ako friend or friends lang kasama ko nun huhu nalungkot naman ako dun.

Mga Sis help naman naguguluhan kasi ako kung ano ba talaga yong boudoir haha kasi nung nag back read ako nabasa ko na gift sya kay hubby or h2b then ngayon naman my picture pa haha please enlighten me :)

TIA sis
Happy prep :)


IloveMybabs

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #407 on: March 04, 2012, 12:30:11 am »
cont. :)

naiyak at natuwa naman ako kay hubby, natapos na nia yung wedding site namin :)
haha naiyak ako sa His story nia :) i'll post the link pag 100% oks na sya haha may kailngan pa edit eh :)

grabe mga sis ganito pala pag ikakasal na sa church mahirap na masarap.
nakakapagod pero nakakatuwa. nagrereklamo ako pero gumagawa pa din ako.
haha happy preps sis :)

Alec_Feline

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #408 on: March 04, 2012, 02:22:33 am »
Hi BBB's.
Batiin ko muna si sis kizme and sis ez4gotten. ilang kembot nalang, at ten ten tenen..! kasalan na! :)
Medyo busy kami lately ni h2b, daming inaasikaso for the past few days.

kiz_me1109 - sis, okay na yung gown? nakuha na yesterday? dapat beauty preps na ikaw. todo pampering ang ginawa mo sissy. sarap nyan, swedish massage! waah. btw sis, pano mo ginawa ang wishing tree nyo? may picture na ikaw? at naloka ako sa nanay na FG! hahaha! OA maka pag rant! kinabog pa ang b2b.

blueflame - sis, talaga? nag papa free stud kayo kay muller? ang nice nyo naman sis! yung friend ko nag papastud ng dog nya, per stud nya is 3k or puppy sharing. malapit na, ilang araw nalang, official announcement na ng business! woot woot!

princeszheng - akk! naloka ako sa 500/yard. baka meron sa divi sis!!! buti ka pa sis! may something borrowed na. ako di pa makahanap! hehe. kasi yung friend ko, papahiram sakin sapatos, andito na eh. kaso sinukat ko, medyo malaki. i tried i adjust yung buckle, di naman magkasya sa paa ko at di ko maisara. haha!

cerenity_18 - oo nga sissy eh. si h2b, kinakabahan na palagi. hirap sya makatulog. sabi ko nga, wala ka na ngang iisipin! pupunta ka nalang sa church eh. hehe. tama sis, naka addict ang DIY. ako sa super dami ko naiisip na DIY, di ko alam kung paano ko sisimulan! ahaha!

andylhen - sissy, ganyan din si h2b ko. as in! naku everytime nag scout kami for things sa mall para sa wedding, wala syang ginagawa talaga. kaya minsan umiinit ulo ko. pag nasa bahay kami, tutulog lang sya. yung feeling na wala na nga syang hinehelp pero sana, kahit tignan nya lang ako kung pano ko ginagawa. though minsan supportive naman. siguro nature na talaga to, pag sa wedding girls talaga ang super hands on. pero you have to talk to your h2b regarding this. share ko nadin, one time, super away kami, kasi di nya talaga ako tinulungan. super iyak ako talaga as in. and nakapagbitaw ako ng salita, na alam ko nakahurt din sa kanya.naibagsak ko pa yung invitation. di ko sana intention yun, pero yung stress sama sama na. and parang sumabog ako bigla. AS IN. so dumiretso ako sa kwarto ng mom ko, para magpakalma. di ko dapat sasabihin sa mama ko, pero napansin nya na umiiyak ako. so ayun, nasabi ko kung ano nanyari. si mama ang ginawa nya, pinagbati nya kami. di pa nga daw kami kasal, nag aaway na kami. minsan test talaga yun. maraming pagdadaan na misunderstanding during wedding preps. so kinausap ko sya, and sinabi ko lahat. sabi ko, i'm not expecting him to help me sa wedding preps, even yung pera namin sa savings clueless sya, but what i need from him is his moral support. 2 kami ang ikakasal so dapat super tulungan kami. after that misunderstanding, and heart to heart talk (and yes, nag iyakan kami dalawa, nakita pa ni mama ko. nakakahiya!) ngayon, very supportive na sya. nagtatanong na sya kung ano daw ang dapat nya gawin. and sya pa ang nag suggest na diy namin guestbook namin para bonding time daw. :) sorry napahaba masyado. hehe

Marigie - oki doki sis! :) speaking of easel sis, may nabibili ba na malalaking easel? as in yung parang lalagyan ng malalaking pictures talaga?

Alec_Feline - hi sis! buti okay na yung sa gown mo. :) i'm happy for you! pero kung ako nga yan, baka ma praning din ako. i checked his website, mukhang reputable naman talaga. ;)

akin_dc - awww sis super super thank you. by the way, nakita ko yung bride alone photoshoot, super pretty sis! gusto ko rin magpaganon, okay lang ba gayahin ko nung magpakuha ako mag isa? surprise ko kay h2b. hihi. ang ganda ng monogram nyo sissy! and i love the colors, ang lamig sa mata. and dahil super love ko ang damask, gustong gusto ko yung picture 3. anong app gamit mo nung ginawa mo yun sis?

sdee - kasama sis lahat yung accessories. :) pero sa mga bearers, yung pillow, mas gusto ko yung may touch ng DIY. ginawa namin ni h2b, bumili kami ng plain boxes, then i decorate nalang namin. hhhm, depende sis kung ano ang effect sayo ng MU. kasi may ibang skin, ayaw sa trad. pero may ibang HMUA na kahit traditional, nagmumuhang AB. yung sa HMUA ko sis, ang tagal mawala ng MU nya sakin, kahit trad lang. nung prenup namin, pinawisan na ko lahat lahat, at nakapunta pa kami sa SM, pag uwi namin, walang nagbago. tsaka eto pala, kelan ko lang nalaman. pag AB pala, hindi lahat AB, kumbaga may ibang parts ng mukha na traditional make up ang gagawin. (ex: eyelid) - hehe.

babyhoney - oh no, naku sana maayos nyo na yung sa documents nyo sis. waaah! need daw ba na complete muna yung documents bago ma interview? balitaan mo kami sis ha?

IloveMybabs - hi sis! welcome sa thread! and happy preps.

Wedding updates:
*Nakuha na namin ni h2b yung marriage license. nakakaloka ang itsura pala neto. i was expecting parang laminated na card, but no! tinalo pa ang kalumaan ng papel ng original birth certificate ko. aha! tapos hand written pa yung names namin. baka sabihin ng church namin peke yun. lol. though binalik naman samin yung application forms, na may sign nila, kaya okay narin. :D

*H2b and i started na sa pag gawa ng DIY guestbook namin. wala pa nga lang design. nag layout palang kami ng pictures. share ko nadin: http://bloggingb2b.blogspot.com/2012/03/diy-our-wedding-guestbook-in-making.html

*Bumili narin kami ng boxes na gagamitin ng coin and ring bearer ni h2b. ayaw ko gamitin yung unan na bibigay ng rosy. para maiba naman :D

and sayang! dapat may something borrowed na ako, kaso di kasya sakin yung wedding shoes ng kinasal ko na friend. and dahil di ako sanay sa mataas na shoes, and di talaga ako pwede mag flats sa wedding day, and wala akong alam masyado sa shoes, may question ako mga sis. may type ba na wedge na sapatos na pwede gamiting for bridal shoes? halos nakikita ko kasi na wedge mga pang jeans eh. san ako makakabuy non? :)

Hi mga sis. Sandali lang ko hindi nakapag check, haba na agad =) Happy preps satin lahat!

Yung sa couturier ko, yup, very much ok na. Tama si sis natin, mukhang 100% sure naman na he could deliver, in terms of quality, yun lang, customer-service-wise, nagkaron lang ng miscommunication, although very much ok na.

Sis, yung sa wedge, naghahanap din nga ako ng wedge, para madali ipanglakad, baka madapa kasi ako sa stiletto. =)
I heard meron daw sa Cubao pagawaan ng shoes na pwede ka mag request ng gusto mo design, I'm not sure where exactly in Cubao, pero pag nahanap ko, i'll let you guys know.
Quality naman daw yung gawa, since gawang marikina. Sabi nasa around 1k to 1,500 daw, depende sa design. I'll check.


kiz_me1109

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #409 on: March 04, 2012, 02:59:02 am »
IloveMybabs

- Ako din sis. Halos lahat ng restday ko e nag aayos lang ako ng wedding. Hindi na nga nasunod yung goal namin na 1 week before e pahinga na kami. =( Pero ok lang kasi hindi naman ganun kabigat yung mga gagawin namin.


Alec_Feline

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #410 on: March 04, 2012, 03:15:27 am »
hello sis ReservoirDogs. amisshoo!

tboupt – congrats sa new church. everything has its purpose and reason talaga. happy for you na wala ng freedom to marry certificate requirement. yey!

cerenity – kumusta naman ang busy b2b with her diys? ang gaganda ng diys mo, as in! i love it! yun sa diet ko, oo sis, tuloy tuloy lang ako dun sa milkshake. this month na rin kasi ang boudoir shoot ko so hopefully somehow, thinner ako ng konti. wala pa rin ako napipili for my hmua. this march na rin ang tmu ko with edz and rae. naiinip ako. hahahaha. sis eto yun mga headdress - http://www.mywedding.com/rainierlovesjoycie/photo_603729_20573077.html ay nakita mo na pala ito. tee hee!. yun sa skype bond, sis, yes, i’ll document lahat ng mapaguusapan namin. thanks sis for appreciating the website feature. sis, ano yun ATV for your bridal car? ang ganda ng monogram nyo na gawa ni sis blueflame. i love the new cover. pretty pretty!

babyhoney – awww sis! ang sad nga nun! good thing nakuha mo na agad yun sau. patience lang with h2b's doc. it'll soon be OK sis. wag na ma-stress.

kiz_me – natawa ako sa nagmukhang lobo si SIL. hahahha. kumusta ang dance? meron pa ba? sis, saan ka magpapakeratin treatment? wala akong info re host, sis kasi yun smen kasama na sa wc package namin + a dj friend who offered her services as wedding gift. re your modista, nakakaloka naman ang stress mo sa kanya, sis! bakit hindi nacheck nung kinuha ang mga gowns? pano na yan if they’ll move houses? re the mother of your fg, siya na nga sis ang magulong kausap kaya mabuti na wag mo na ngang kunin yun kid nya for your fg and another good thing is nakahanap kayo agad ng replacement. carry na ang name sa invites ie magkaiba sa nagmarch, at least, wala ka naman stress on your big day!

chiclet – sis, nakakaloka naman ang future in-laws mo. mabuti na nga yun sis na you’ll live on your own ni h2b mo kesa mahirapan ka makisama sa kanila. imo, sila rin ang walang pakisama and pagintindi sa situation nyo. breathe in, breathe out, sis! soon enough, things will be ok.

Alec_Feline – will you go sa smx bridal fair this march. may EB ulit. hope to see you, sis!

akin_dc – so stick ka na sa designer mo. re Tito Boy, even if puno na calendar nya, nakakagawa yun ng adjustments for brides na super gusto siya kunin. yun sa gown ko, super gusto ko talaga ng long and textured train. ask ko na lang siya pano yun skirt ko sa reception. hahahaha. oo nga sis, kung rose quartz ang gagamitin baka super bigat nga ng cord unless yun maliliit na rose quartz siguro, maybe hindi na rin mabigat yun. nagfollow-up ka na ba kay lil cupcake? nagconfirm na kami sa kanya, sis! less than 12K for 170 cupcakes + 50 cake balls. re mobile bar, hindi na kami kumuha sis. we might serve sparkling wine sa guests but we’re still thinking since free-flowing ang beverages namin with passion cooks. thanks sis! hahahaha. natutuwa rin ako sa mga pictures sa used sa feature. re monograms, i love it sis! ang gaganda!

augbride – sis, super cute nung 6th! i love it!

laine – thank you sis! oo, so far, of the 6 tmus, super love ko yun kay sarah bacani. i considered din kasi all the other factors like make-up brand, rapport and price. tee hee!. thanks for appreciating our love story na super ikli. Hahahaha.

lanna_dyan – amishoo sis! ako din mejo nahihirapan to keep myself at pace dito sa thread. ang bilis kasi unlike sa mga topics sa engagement and weddings na paisa-isa lang. a little stressed din ako sa work ngayon. iba kasi ang shift namin so nag-a-adjust din pati body clock ko. re moodboard, surely, sis, modify mo na lang kung hindi feel ni h2b ang mga stars stars. hahahaha. oo sis, feeling artista na nga kami sa dami. kaya soon, aayusin ko na ang calendar namin for the prenup scheds. re your gown, mabuti naman and nakapagusap na kayo. yun sa family namin, yes, sis. okie na lahat. thank God! yun silver dragees sa cake, nakakain yun sis. para lang kasi yun na candy sprinkles in silver. i think okie na rin yun 4m veil pero check mo sa designer mo kung hanggang saan nga yun kasi baka alaganganin sa length ng train mo. re website feature, nakakatuwa lang ishare. tee hee!.

chelle_peachy – thanks sis! isip ko lang baka puede magamit sa prenup yun pool. ask ko na lang sila if ever. congrats sa gown!

wife2be – malolove mo talaga si Tito Boy in an instant. hahaha. naku, mejo sticky situation kasi magcohen diet ka pa and i’m pretty sure you’ll lose a lot of weight. dapat talaga sis you find a designer na puede kayo magmeet for fitting regularly given your weight developments. imo lang naman.

Marigie – thanks sis! inaantay ko nga ang feature nung sayo. tee hee!. congrats for booking your caterer na! yey! finally! it was a long journey! sis, add kita sa fb, what’s ur email address?

meandmyhoney – wala bang beige shoes or silver kaya? we also checked phoeben before pero team b na nya ang available sa date namin so we looked for another videographer na lang. congrats sis!

andylhen – so sis, un na ba ang reception venue nyo? super ganda! re your h2b na not so active sa preps, imo, normal lang yan sa mga guys. hindi nag-iisa si h2b mo. hahahaha. just enjoy the wedding preps, sis! share ka lang dito ng mga rants and raves mo. soon enough, ma-e-excite din si h2b mo lalo na pag nag-sink-in na sa kanya na malapit na ang wedding nyo. smile sis!

katrinac – amishoo sis! oo, dapat kayo lang ang may eksena ni h2b. harharhar! yun sa documents namin sa church, submit muna ako ng birth certificate and cenomar by april para officially booked na ang church then puedeng hindi one time big time ang pagsubmit ng remaining documents. i’m happy! okie na rin sis yun dito sa house. thanks for checking! i-di-diy nyo rin ang guestbook! grabe! labor of love talaga! and nakita ko na! ang ganda! as in! i love it! re shoes, not sure saan puede bumili ng wedge bridal shoes. usual kasi ang may heels.

blueflame – amishoo sis! super nag-a-adjust ako sa mid-shift! tapos pag time na ni bambs pauwi sa work, gigising naman ako para mag-skype. kalurkiss! hahahaha.. hindi na nga ako active masyado na parang every page meron. Every 3 or pages na lang. hahahahaha. thanks sis for really appreciating our love story made in 3 hours. tee hee!. excited na ako sa launching ng business! alam mo yan! so we’ll meet-up on march 10. *hugs*

princeszheng – congrats naman sa mga “something, something”! yey! yun sa headdress, di ko diy yun sis. i ordered those. btw, ready ka na sa boudoir shoot? i’ll buy props soon.

sdee – i think hindi naman mahirap ang process ng pagpapa-baptize, unlike pag weddings. re make-up, sis, nasa skill ng mua yun. i had several tmus na traditional but it looks like airbrush sa pix. re sa brands, depende rin kung ano ang hiyang ng skin mo. madami naman long-lasting pero in the end, what will matter is the reaction of your skin. nasend ko na ba sau ang hmua compilation ko? if not, pm me your email address, sissy, so i can forward some emails.

IloveMyBabs – welcome sa house, sis! dami natin common, december, KTG, passion cooks, rejectkrew. same pa ang name ng church natin and same tayo na nag-a-asikaso ng wedding mag-isa pero ever supportive naman ang mga h2bs. yey! happiness!

Wedding updates:

supplier checklist:

1.   Ceremony: St. John the Baptist, Liliw, Laguna
2.   Wedding Choir: c/o St. John the Baptist, Liliw, Laguna
3.   Reception Venue: Balay Celina, Liliw, Laguna
4.   Preps Venue: Balay Celina, Liliw, Laguna
5.   Caterer: Passion Cooks
6.   Full-time coordinator: Kiss the Girl Events
7.   Photographer: Imagine Nation (Main); She+Him (Back-up)
8.   Videographer: Photoimagicraft
9.   Prenup Photographer: MyPhotato; Eddie Boy Escudero; Aisle 1401; She+Him
10.   Lights and sounds: Rejectkrew
11.   Designer for bride and entourage: Boy Kastner Santos
12.   Flowers: Everlasting Flowers
13.   Event Stylist: c/o Passion Cooks
14.   Emcee: DJ Louie of Home Radio + KTG emcee
15.   LCD and projector: c/o Photoimagicraft
16.   Wedding Cake: Cakes by Alex Franco
17.   Cake topper: LuckyCharmz Accessories
18.   Photobooth: c/o Photoimagicraft
19.   Hair Accessories: Headbands and Headbands by Mikee Palmera
20.   Monogram: Monogram Hub
21.   Wedding Stationery: Monogram Hub; Little Miss Paintbrush
22.   Souvenir: Lil Cupcake Shop
23.   Cord, Candles, Flower Bed: sis Blueflame

Dami ko pang hindi officially booked:

HMUA
Attire for male entourage
Attire for flower girls and bearers
Printing supplier for invitation
Bridal Car
Transportation for Guests
Suppliers’ Meal
Accommodation for Family, Entourage and Suppliers
Bubbles Machine
Butterflies

Madami pa rin items sa side ni h2b:

Groom’s Suit
Thumbprint Tree
Wedding Rings
Engagement Ring
PS Gifts

sharing some details:
hair accessories – check!!! thanks to Headbands and Headbands by Mikee Palmera. i so love what she did. http://www.mywedding.com/rainierlovesjoycie/photo_603729_20573077.html

souvenir – check!!! close na ang deal namin ni lil cupcake shop. less than 12K for 170 cupcakes + 50 cake balls. all customized design.

canonical interview schedule – check!!! december 9 it is.

passion cooks package - nareceive na namin and when i shared it to h2b, ang reaction nya is, "ouch" then umacting na nahimatay. hahahaha :D wala pa sa package ang details ng styling kaya mapapa-ouch ulit si h2b. wahahahaha.

mga sis, i need your creative powers. ano ang magandang focus ng something playful na prenup? so far, yan pa lang ang pinagiisipan ko sa super dami namin need pag-isipan. may mga general concepts na so i’m starting to look into putting details na. thanks sissies!

ciao lovelies!  :-*


You're so aliw sis chubycheeks. Sa dami ng trial HMUA mo, talagang wala ka pang officially booked  ;D
HAHA, don't worry, I'm sure you're close to finding "the one"  ;D

I'm not sure about this upcoming bridal fair. Small details nalang kulang namin and OTD Wedding Coordinator. Although, wala na rin kasi kami budget for the WC, saka some friends are offerring to coordinate the wedding on the day for free. But we haven't decided yet on that, sabi kasi, it's better to have a professional WC, saka the fact that it's your day, you wouldn't want your closest friends to miss the highlights because they're busy running the event. Bahala na, i'll see. Ang hirap magdecide talaga on a limited budget..

Anyways, since nalaman ko ngayon na may EB pala, pilitin ko si h2b. Actually sya talaga ang tinatamad pumunta kasi ang layo ng SMX sa QC, ang mahal ng gas.  :P

augbride

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #411 on: March 04, 2012, 04:49:43 am »

Mga Sis help naman naguguluhan kasi ako kung ano ba talaga yong boudoir haha kasi nung nag back read ako nabasa ko na gift sya kay hubby or h2b then ngayon naman my picture pa haha please enlighten me :)

TIA sis
Happy prep :)



Hi sis! I think boudoir is some kind of sexy photoshoot.  ;) kaya parang gift na din sa h2b. hehee. im not sure though. 

sis chubbycheeks bongga ng accomplishments! my gawd!! :)

sis kiz_me1109 kakasad naman. pero buti walang nakuha.

sis katrinac ganda ng guestbook. kainggit. =(

Happy happy preps sissesss!

Judessec

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #412 on: March 04, 2012, 10:02:06 am »
Hi Girls!:)
Mushroom mode ako dito hindi rin makapag-backread.Still recovering na-confine kasi ako last week for acid peptic disease...haaaays ginto talaga magkasakit, nabawasan tuloy yung money na dapat savings na for wedding.I'm so stressed this past weeks hindi ko rin alam kung bakit...wala ngang progress yung wedding prep ko.:(

Wala pa din ako LS...naguguluhan na nga ako sa mga choices ko plus the fact na wala akong alam with this hehe.I'm planning to get the only supplier na accredited ng antel to save 3k na corkage pro parang nagdadalawang-isip ako with them naguguluhan kasi ako kausap sa kanila and feeling ko napaka-basic nung package nila....calling sis michiness ok ba ang friendzcode???

Another thing nag-away pa kame ng mommy ko...siya pa naman lagi kong kasama sa pag-aasikaso ng wedding...wala tuloy ako kasama sa bridal fair sa smx this march 10.:( anyway pupunta pa din for the EB and magbook ng photobooth supplier<---gift ni ate.:)

Misses you all.:)

babyhoney

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #413 on: March 04, 2012, 12:26:49 pm »
hi mga sis...kamusta kayong lahat!

ninja mode ako kasi ayoko makita mga updates nyo, nafrufrustrate lang ako hehe... pero luckily last friday sinadya na ng father ni h2b yung baptisma nya sa batangas... dahil nagpabalik balik na dun yung mga tiyahin niys sa simbahan ayaw talaga magbigay ulit ng bagong kopya... baka daw kasi magpapakasal ulit sa iba at kung [textspeak!] ano pa...pero good thing nabigay din sa father niya..inaway na daw lasi ng father niya...kasi nga naman yung akin nakuha agad ni madir although madami question bakit nawala pero that day nagbigay na din...

kaya happy to update you guys na were done with the canonical testerday and went to GEH para magpabook na and nagdown na din kami... feeling ko madami pa madadagdag sa package na pinili namin..festival package kami menu a and upgrade lang is the skirted chair, cake, backdrop, lights and sounds....ano pa ba kulang ko? and will meet with sis Marj of Alpha Events on Tuesday.. siya kukunin kong WC para mabawasan ako ng iisipin..so far yun pa lang naacomplish ko hehe ang precana seminar pala namin this 17 and 18 na..[textspeak!] pala meron sa seminar na yun mga sis...

sorry di na muna ko nagbackread sa sobrang excited kong magipdate hehe...

hope everything went well with us BBBs....
^_^

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #414 on: March 04, 2012, 08:00:31 pm »
akin_dc - sa sobrang tuwa ko nga imagine kasal ko pa December pero gawa na ang gift tag ko at wishing tree card at food label  ;). Nakaka-adik lang talaga gumawa :)

ms. ATM - I will try Froilan pag-uwe ko 2k lang naman pala dp niya to block the date kapag nagustuhan ko siya I will get him pero I will try Val Villarin and Pong Niu muna  ;)

kiz_me1109 - I understand sis syempre naman unexpected na gastos yun at stress para sa inyo :(. Good thing may nakuha na kayo  ;). At ang modista mo nakaka-stress ng sobra  :(. Talaga naman nakaka-stress sila sis kung kailan na malapit tsaka pa mag-iinarte ang nanay ng FG mo :(. Kung ako din diko na yan kukunin sa inis ko :(

cerenity_18 -  ang ganda ng monogram mo and ang galing ni sis blueflame pwede niya na yan i-business :D. Elegant ang cover ng planner mo and i like it ;)

blueflame - Hmmmm.... medyo napag-isip ako dun sa sinabi mo na madaming di nakapunta ng wedding mo na nag-confirm  :-\. Kasi kami target namin 200 guest  pero dahil xmas eve siya malamang maraming di makapunta talaga :(. Pwede ba i-final ang headcount ng guest sa Patio atleast 2 mos before the wedding :-\. Kesa naman magbayad kami tapos ang daming sobrang food dahil madaming di nakapunta :(

ILoveMyBabs - Dami mo na palang na-book sis  ;)

katrinac - sabi nila dun sa forum dito ng easel meron daw sa national bookstore 1k plus daw sis eh :). Ang suggestion nila sa akin manghiram sa photographer and caterer meron daw yan for sure ;). Abour wedge shoes plano ko din yan sis  ;D. Kasi ako naman garden reception kung naka-heels ako lulubog ako sa lupa kada lakad ko atleast kapag wedge diko problema yun :). Regarding sa tree idea ko din yan sis hahahaa!

chubbycheeks17 - Thank you sis. Finally may caterer na ako and happy naman ako sa kanila so far kinukulit ko masyado AE ko sa Patio si Bianca pero napaka-patient niya sa akin sa pagsagot ng mga queries ko ;). Sabi nga ni h2b regaluhan mo yan baby kasi pinasasakit mo ulo niya  ;D. Hmmm.... regarding wedsite  di na siya sumagot sa mga email ko mukhang busy siya :(. Nakita ko na nga yung ginawa niya sayo and i love it ;). PM mo sa akin ang name mo sis ako maghahanap sayo sa FB kasi baka dimo din ako mahanap :). Gusto ko yung hair accessories mo mag-iinquire din ako sa kanya  :). Congrats din sis ang dami mo ng na-book. Regarding Passion cooks ok lang yan sis ;D at tama magpa-styling ka para maganda at masaya ka ;D. Kunsitidora lang ;D. Pag-iisipan ko yang cupcakes na yan parang gusto ko din yan kasi si h2b umaalama na aanhin daw ang cupcakes 6 na dessert namin, sabi ko give-away sabi niya baby ilang give-away ba gusto mo ibigay sa guest hahaha! Sis, inaabangan ko next mong trial make-up kay Rae  :)

Updates:
Napadala na ni h2b sa akin yung save the date magnet namin so mapapamigay ko na sa mga guest ko dito ;). Yun lang busy sa mga DIY lay-out muna tinitignan ko ano ang maganda  ;)

Happy preps!




chelle_peachy0524

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #415 on: March 04, 2012, 11:24:47 pm »
hi sisses,

long time no post!


Alec_feline - abbylyns po yung gumagawa ng shoes sa cubao... the ever famous na gumawa ng kapalpakan sa mga shoes ng ilang sisses natin dito...


Judessec - get well... especially galing ka ng hospital bawal masyado ang stress
babyhoney - isipin mo na lang sis na ilan lang yan sa ups and downs ng wedding preps... cheer up!

babyhoney - eh naku...sa wedding preps pala talaga walang perfect... lahat me glitches... :D good thing maayos na yan... way to go!

chubbycheeks - hay sana matuloy kayo sa Pinto... :) kayo na lang ang magtuloy ng naunsyami kong pangarap na magprenup dun hahaha!

wave sa mga bago :)

Updates :

Went to divi last friday and in fairness hindi na gaano ang siksikan doon ha? pumunta ako ng hapon. si h2b and baby naiwan sa isetann recto. was able to get great deals for my DIY project a.k.a. souvenirs :) tapos dahil nga nanibago ako sa divi at kakaikot nakatisod ako ng ok na gift for ninangs... sa ninong naman bumili na lang ako sa japan home dahil ayaw na akong payagan ni h2b bumalik ng divi. kung bakit naman kasi hilong hilo ako paikot ikot sa loob ng 168. me nakita kasi ako doon, kaso sa kakasabi ng babalikan, hindi na ko nakabalik... ayan... napamahal pa ng konti...

need to check oracle hotel for wedding preps sa katipunan. hope mura lang...

at nadagdagan na naman kami ng guest! lolobo na gastos namin aja!





Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #416 on: March 05, 2012, 01:44:01 am »
sis marigie: go na go na yan sis. it's never too early to book a date. especially sa case mo na 1224 ang wedding. :-) may mga artist na baka hindi tumanggap ng event kasi Christmas Eve.
Nagpa-quote ako sis sa kanya Bride + 2 mom airbrush plus 5 na traditional + Groom Grooming ang free ko is trial / pre-nup  plus retouch/second look before the reception he quoted me 18k plus oot charge na. Ang mura diba? Kaya lang I have to provide accommodations for them 4 people daw ang nakakaloka sinabi niya aayusan niya ako ng 3 AM kasi 9 AM daw kasal ko :o. Then sabi ko magbibigay ako dp kasi kapag nagustuhan ko I will get him pero kung hindi bayad ko na lang sa trial kaso ang inaalok niya kagad sa akin contract na ang reservation fee ko daw at trial sa August na  :-\. Alam mo sis, honestly gusto ko siya mag-make-up medyo alanganin ako sa kanya sa hairstyle though ang simple naman ng design sa hair na gusto ko :). Nag-iisip pa ako ako kung papatulan ko na siya  ;)

akin_dc

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #417 on: March 05, 2012, 02:24:26 am »
sis Marigie haha, nakakawili noh? :D astig, buti ka pa tapos na.. ako wala pa.. wahh..

sis cerenity ahehe, thanks sis :)

sis kiz_me yaan mo na syang bitter, basta dapat ikaw masaya at pretty always ;) tawanan nalang talaga ang mga ganyan umeeksena ;D

meandmyhoney

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #418 on: March 05, 2012, 08:48:30 am »
hello sisters

share ko lang accomplishment namin h2b last sat & sunday

Sat = pre-cana seminar namin ni h2b, wahh late kami ng 30 mins since kilala ko naman secretary ng parish priest , eh pinagbigyan pa rin kami.

8:30 to 11:30 time / Pre-cana =) checked

after pre-cana seminar gora na kami rob ermita . pick up ng rings , happy kami h2b , pero iniwan namin ulit may mali lang konti. pero ok lang pick ulit this weekend na lang  ;D

groom shoes = checked. dami napunthan sa WADE lang siya nakapili, buti na lang sale nabili nya. happy naman kami  :D

wala ako napili sa charles & keith , meron naman silver wala naman size, gusto ko na makabili si h2b ang magbabayad.

meron kaya sale ngaun esp sa sm north or trinoma  ;D

Barong = hindi pa kumpleto barong namin nakuha namin since medyo matagal pa naman keri lang

hays  nakakapagod pero masaya naman.

after , nagpa massage naman kami ,  ;D

pick ng banns namin tom nahhh ;D

happy preps  ;D

sis chubbycheeks kopyahin ko na to ah  ;D
supplier checklist:

1.   Ceremony: SAC
finalize na namin PS namin, excess of 6 pairs additional 400 per pair. 12 pairs kami , shucks ang laki nun ah  :-\
2.   Wedding Choir: c/o h2b client daughter since magaling mag violin m siya tututog sa church & reception
3.   Reception Venue: SAC innercourtyard
4.   Preps Venue: Bayleaf hotel Intramuros
5.   Caterer: VS&F
6.   OTD coordinator: kat corneo loves wedding
7.   Photographer: OM
8.   Videographer: PTV
9.   Prenup Photographer: Mr. Guerra (Iloilo basesd)
10.   Lights and sounds: Rejectkrew
11.   Designer for bride and entourage:Lina Zabal & Ate Magda
12.   Flowers: Fullblooms
13.   Event Stylist: None
14.   Emcee: C/o VS&F
15.   LCD and projector: Sa office or rent ( ang mahal kasi )
16.   Wedding Cake: Hearts & bells / c/o VS&F
17.   Cake topper: Flowers c/o VS&F
18.   Photobooth: PartyBoosther
19.   Hair Accessories: Ento - DIY / Bride - wala pa eh
20.   Souvenir: Rachebeli Wines / Minicakes
21.   Cord, Candles, Pillows - DIY
22.  HMU- Khite Bautista
23.  male entourage - Barong Divi
24. Groom - Onesmumus
25. Bridal Car - Zandels Minicopper
26. Transportation for Guests - c/o H2b Officemate
27. Suppliers’ Meal - CCME  na lang . wala na ko idea dito eh
28.  Wedding Rings - My Diamond
 
March 8-9 - nasa Pangasinan ako , distribute ng Invites  ;)

Marigie

  • Guest
Re: 2012 Brides *Part 12*
« Reply #419 on: March 05, 2012, 11:44:06 am »
sis Marigie haha, nakakawili noh? :D astig, buti ka pa tapos na.. ako wala pa.. wahh..
Adik lang sis  ;D. Busy nanaman ako kasi si h2b pinadalhan kao ng madaming textured paper na iba-iba design medyo mahal kasi dito ang ganyan kaya di nanaman ako magkandatuto sa lay-out design hahahha! Adik lang talaga sis ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close