hi ladies! ngayon lang ako nakapag backread! hehe! naging busy ako sa work, and todo ang pag asikaso sa mga documents,and pag ayos ng guest list namin. haha! walang katapusan na pag revise. 99 days nalang! ahah!
kiz_me - sis, congrats sa pag gawa ng AVP mo. gusto ko din masilip! at makita ang love story ninyo ni hubby! sa vimeo, mag gawa ka lang ng account mo dun, tapos pag nakagawa ka na ng login, from there, may makikita kang upload video. pwede mo na lagay yung video mo dun. pag malaki yung video mo, medyo matagal. yung samin kasi 256MB,but since dito ko inupload sa office, mabilis lang naman. mga less than 10minutes ata. kamusta naman yung wedding na inattendan mo sis sa Manila Pen? grabe, nakaka lula nga ang budget nila ha.
lanna_dyan - at dahil late ko na nabasa ang post mo, yup uploaded na yung STD namin. hehe. ang haba ng std, pero parang mga BTS lang yun during the prenuptial photoshoot. haha. kulit namin dalawa ano? pag tinitignan ko yung mga pics namin nung nag prenup, wala man lang pa sweet. hihi! talaga? sinunog ba? bakit kaya? pero naku, ang uniwide, kahit anong gawin nila, nalulugi parin sila. pero naku, ang gusto ko sa uniwide, laging SALE! lahat ng sale meron sila. year round sale, clearance sale, opening, closing, valentines, christmas sale, lahat na! thank you sis sa matches, pati si mama natuwa sya nung nakita. naaliw daw sya, at maarte daw ako masyado. haha. teka ano ang georgette? haha!
Marigie - thank you sis!

talaga, natuwa naman ako at dami nakaka appreciate nung DIY. hih. next diy ko in line would be the here comes the bride sign tsaka yung ring bearer box. malapit lang yung uniwide coastal sis. actually kasi daming uniwide dito samin. haha! kalat, meron sa las pinas, sucat and dun nga sa coastal.

naku sis, unfortunately, di na aircon ang uniwide ngayon. haha! kaya mainit talaga. and kaya nangitin is dahil sa alikabok sa mga display nila. bwahaha! congrats sa mga major accomplishments mo. at buti may missalette kana sis. start mo na ang pag layout nyan, medyo madugo eh. haha! teka sis, anong requirements pala yan sa quartet? mag dala kasi kami ng quartet sa reception eh. ask mo rin sa strings mo if may sound enhancer sila sis.
akin_dc - hi sis, talaga mahal dun sa bunny baker? nirerefer din sakin yan ng friend ko eh. haha. buti nalang may cake na nakasama dun sa hotel namin, kaya di ko na problemahin. pero ang dami kong requests dun sa gagawa ng cake. binilin ko na wag na wag lagyan ng ribbon na parang pang regalo. di ko ma explain, basta di ko talaga feel! hihi! at sis, sabi ko sayo, check mo parin yung wedding chicks, madami kang magagawa dun na invitation suite. haha! grabe sis, ano ba itsura nung design ng gown and bakit ganon kamahal. haha! tapos feeling mo pang 20k lang? na curious ako sis. ahaha! re: pre cana, yup sis, actually any time yun eh. nung nag marriage counseling kami ni h2b last month, nagulat ako, kasi yung iba na ikakasal na next month, di pa nakakapag pre cana. naunahan pa namin. haha!
dec212012 - sis, sensya sa late na pag welcome, pero welcome ulit sa thread!!!!

makikisingit lang ako sa monogram hub sis, dun pwede ka mag pagawa ng mga invitation suite, then ibibigay nila sayo yung soft copy na mismo. nakita ko yung mga gawa nya, and magaganda nga naman talaga. na tempt ako mag pagawa. kundi lang ako nakapag DIY ng layout ng invites namin, baka dun narin ako magpagawa. btw, si sis
blueflame, magaling din sa ganyan.

btw sis, ako Alpha Events na din. pero church and hotel coordination lang. bait si
simplyme, and bilis mag reply! re: sa pag print sis nga mga layout, pwede ka mag try sa fans digital. ako yung invitations namin, ako nag gawa ng layout, then pinaprint ko nalang kay sis
simplyme. wow sis, buti ka pa free printing na!

hihi
chelle_peachy0524 - thank you sis! di na ako bibili ng tela, papatahi nalang talaga. nag check ako dun sa patahian malapit samin, ang ang mahal ng quote sakin! kaloka.
blueflame - hello sis, gustong gusto ko na makijoin sa team. hihi. may name na ba ang mga soon to be WC? basta after ng wedding ha. sasama talaga ako dyan!!! happy monthsary sa inyo ni bebe karl sis!!! and yes, ako na ang excited sa suppliers rating. and may rant na ako, for the first time. grrr. yung photobooth namin na supplier DI MARUNONG MAG REPLY! grrr. pinapago ko kasi yung time eh. text wala din. sigh! pero baka busy lang sila, bigyan ko ng 3 days deadline. mabait pa ako. hehe. tutal maaga aga pa naman.
tboupt27 - wow sis! ang galing shala naman talaga, at Bizu bride ka na. hihi. i'm so happy for you sis! good luck sa mga next na steps na gagawin mo. sis, di ko maopen yung link ng DIY STD nyo?

gusto ko makita. hihi
betterpink - welcome sissy sa thread.
bluish_buff - hi sis, yup free mag pa pic sa photobooth dun. kaya pag kami ni h2b nag aattend ng fais, dami namin pictures haha. welcome pala sa thread sis.
princeszheng - hi sis, namiss kita dito sa thread! nakapag pa print ka na ng invitations?
meandmyhoney - hi sis! san kayo nakapag kuha na ng barong? kamusta pag submit and pag bigay ng invites? nabigay nyo na lahat sis?
sdee - sis, something old, something new, something borrowed and something blue. may entry ako na ganyan sa blog ko. haha. share ko nadin. lol:
http://bloggingb2b.blogspot.com/2011/09/that-something-something.htmlsomething old sis, is something memorable talaga sa iyo. kahit yung gamit mo nung bata ka, or panyo nga pwede eh. basta luma. wag lang yung punit punit ha. hehe.
babyhoney - hi sis, congrats sa confirmation! kamusta na yung baptismal cert ni h2b? okay na ba? re: cenomar, sa SM pwede ka kumuha dun. fill out ka lang ng form. punta ka lang sa SM business center. ang marriage license sa munisipyo kinukuha yun. pag mag apply ka ng marriage license sa munisipyo, need mo ng cenomar, and birth cert copy (sayo and your h2b) or much better sis, check mo nalang requirements ng munisipyo nyo. kasi every municipality, may kanya kanyang requirements. and btw, ang marriage license, valid lang sya for 120 days. so you have to really count kasi baka come wedding day, expired pala yung marriage license. mahirap na.
chubbycheeks17 - sis, i have a great feeling na mukhang di na ako maka order kay dreality. huhu! medyo tight budget na kami, and di ko na maisingit. pero i'm keeping my fingers crossed parin na kahit 10 lang makapag pagawa kami. dahil gusto ko talaga ng mints nya! huhuhu. pero nasa wants list ko palang sya ngayon. tears! and yes, pweede mo sya ibigay sa suppliers mo. ako nga pianono pa diba? hahaha! about sa document ni h2b sa baptismal nya sis, wala parin update, di pa nakakauwi si h2b sa bahay nila ulit eh. samin kasi sya nag stay last Rest day na, kasi inasikaso namin yung marriage license. re: church documents nyo sis, ilang weeks daw ba nyo isubmit? yung samin kasi, deadline would be 2 weeks before the wedding. so ibig sabihin pag nasubmit na namin, wala na kami gagawin. hintay nalang ng wedding. ay meron pa pala, wedding rehearsal namain. naka sched kami ng wedding rehearsal on May 24! at ayun nga, yung 1500 na rent, go na kami sis. nagpa quote ako dun sa sinasabi ko na pagawaan, and yung labor nila is 1700! wala pang tela! minahalan ako. grrr. sis. how much pagawa mo ng cake topper? gusto ko cake topper na hello kitty sana.

pwede kaya yun. si hello kitty and hello daniel naman eh!
cerenity_18 - hello sis, okay na ba ikaw ngayon? i hope di na ikaw depress. virtual hugs for you sis! mwah! namimiss na kita sa thread sissy! and naku sis, nagutom ako dito: margarita bar chocolate fountain nacho bar ahahah!!!
glitzyniwyam - hi sis, welcome po sa thread! wow, casa blanca, naalala ko yung first month na naghahanap kami ng venue ni h2b, malate and casa blanca dapat kami. how time flies! haha. and dapat quidos din kami pala! haha. kasi super love ko ang pckages nilla, tapos lahat tiffany chairs pa ang kasama diba?
andylhen - hi sis, welcome po sa thread!
update lang sa wedding preps:
* Success ang pag file namin ng marriage license ni h2b last Thursday. and makukuha na namin ito sa Feb 27. buti nalang tinanggap nila yung cenomar ko, kahit may typo sa name ni mama.
* Up to now inaayos parin namin ni h2b yung list ng mga bigyan namin ng invitations. kasi syempre, di naman lahat bibigyan namin ng invitation. kasi yung iba, pamilya pamilya na yun. hehe! super happy ako sa kinalabasan ng DIY na invitations
* Sa Sunday, paususkatan ko narin si mama sa Rosy's so with my MOH and BM's. di na kami magpapatahi dun sa malapit samin. ang mahal ng quote nila. naloka ako! syempre, dun parin kami sa mas tipid.
so ayun, complete na ang documents namin,and major requirements. problem nalang yung baptismal cert ni h2b. ahehe.
Happy preps sa lahat!!!