grabe, wala na ako masabi, super daldal talaga ng 2012 brides. hahahaha.
blueflame – sige sis. pagusapan natin yun mga orders ko pag nagkita tayo ulit

i’m excited sa mga items for order sa ila-launch mo na business and i’m sure hahaba ang list ko for you. wahahahaha.

nakita ko ang ginawa mo for michiness and i so love it! lalo ako na-excite sa mga puedeng i-order.
faye-tea – sis, everytime mababasa ko ang posts mo, natatawa talaga ako. ang kulit kasi! tamang-tamang jolly kiddie toy as souvenir. tee hee!.

re your ffil’s guests, haist na lang ang masasabi ko. oh well, you and h2b have to keep up with it na lang since hindi naman puede i-decline ang request nya.
Marigie – nakakatuwa si h2b mo. correct, para wala na lang gulo, tayong brides na lang ang masusunod. hahahaha.

sis, i saw your post na you availed na of monogram hub’s promo package. ang affordable noh? may mga pinachange pa nga ako ng konti sa monogram namin pero okie lang sa kanya. sis, re imagine nation and back-up photog, sabi ko gusto ko may photo for the guests and set-up since my premise is that there is one photog for the bride and one for the groom. given that, okie naman si imagine nation with back-up photog na galing sa kanila. i do understand naman kung mejo awkward din na may ibang photog aside from their team na ka-share sa space sa equipments and time with the couple. i’m happy naman how it ended na we’re going to have a 3rd photog from them. sis, yun birdcage centerpiece, feeling ko meron sa divi.
tboupt – sis, akala ko all set ka na with bizu? re guest list, wala pa kami sa point na minamanage na namin. as of to date, lista pa lang kami ng lista. wow, july andito ka na! yes, mamimeet ka na namin.
akin_dc – re food ng suppliers, usually naka-indicate naman yun sa contract. like yun smen, so far, wala pa ako nababasa na nakalagay na bigyan sila ng food allowance. laging nakalagay is meal provision for this number of persons. re boudoir, sana talaga ma-convince mo si h2b. hahahaha.

nakaka-excite lang isipin na madami tayong up for boudoir. love it! ha? bakit wala pa rin design? na-stress naman ako kasi a little over 6 months na lang, tama ba? re personal vows, ang ganda nga kapag may ganun but i also need to confirm kung ok lang ba yun sa church namin. correct sis, kung ano magustuhan ng mga guys, fixed na. naisip ko lang, so tayo ang nagustuhan nila kaya fixed na sila sten. yes!

wow may ticket ka na! yey! hope to see you soon! re bridezilla shoes, go sis pero sana nga they can deliver kasi di ba, yun kay
blueflame and
michiness, hindi nagdeliver ang suppliers nila.
lanna_dyan – wahahaha. loka ka sis! ako lang ba madaldal? hahahaha!

nawawala ka minsan. busy b2b ka na ba ng bonggang-bongga? yupz, no prob about it sa flyers. excited na ako sa bridal fair. tee hee!.

yun kay
blueflame, yes babalitaan ka namin and surely malalaman mo rin about it dahil i-a-announce nya ang kanyang business launch soon. hahaha.

sorry
blueflame, nangunguna ako. super excited ako sa new biz mo! oo nga sis, thanks for sending the link! inculturated na siya sa tagal nya dun. may adjustments din talaga and i appreciate you for sharing the link with me. re monogram, yun din ang nagustuhan ng family ko and ni h2b kaya bonggang election ang naganap over skype. re back-up photog, so wala ka na nun since hindi bet nila gian? i think okie lang talaga. basta gusto ko lang super daming pix. oo sis, may hair accessories na and nagustuhan naman ni maid of honor. hindi ko pa napapakita sa bm ko yun sa kanila and i’m still waiting for the ss’ hair accessory. upload ko sa flicker then share ko sau. eto pala ang fb page ni h&h -
https://www.facebook.com/pages/Headbands-Headbands-HH-by-Mikee-Palmera/149247468431559?ref=ts re mayad, ang saya lang sumali and shempre, mas masaya manalo. tee hee!.

congrats sa accomplishments, sis! re one week before na uwi, as in one week before the wedding lang ba ito? sorry na-confuse ako. kumusta ang decision mo about the job offer?
katrinac – amisshooo sis! kaya naman pala wala ka sa ym. one week lang na mid-shift sis kasi may training. ay oo sis kung lazy susan and served na ang foodie sa table, hindi talaga magwo-work ang tall centerpieces kaya malamang mga bubwit lang yun so as not to eat space. ang cute naman ng may wedding rehearsal. kami rin kaya? ask ko nga yan sa church namin. sissy ang cute ng ceramic letters! love it!

goodluck sa mga diys, sis! alam ko na magaling ka jan so surely, those will be lovely! saan uniwide ka nagpunta?
babyhoney – in as much as i would like to help you, confuse confuse pa rin ako about those so makakasagot talaga jan are our sissies na tapos na sa phase na yan. okie lang walang wc. si
kiz_me nga, wala rin pero go go go pa rin.
cerenity – wahahaha. that comment conversation was really fun. baliw-baliwan ang mga LDR.

re your hmua, mura sis ha for 25 heads na 25K. kung quality naman ang gawa, go na. re your bouquet and entou’s, nakita ko nga ang post mo about it. since december pa naman ang wedding, kaya mo pang career-in yun, kung gusto mo talaga. re cake, wow, all edible na mala-bohemia cakes. i like sis. for me, okay na okay siya and for 15k or less, go na sis! re mayad, nakakatuwa lang magjoin sa mga contests, pero shempre mas nakakatuwa kapag nanalo just like your case with she+him, free na ang couple boudoir. yun smen discounted lang kasi consolation prize na lang. ang kulit ng hubby mo! pin up boudoir, kayo na! hahahahaha.
mawchan – agree with you, ang bilis bilis ng thread. ganito tayo kadaldal. hahahaha. congrats sa dami ng accomplishments, sis! 102 days to go na lang for you and mrs. ka na. yes!
michiness – magready ka na lang ng pretty flats sis para in case na hindi mo matagalan, meron kang puede ipalit sa heels kung heels na shoes. hahahaha. i love the “outfits”!!! malamang nga na super excited nyan si h2b. thanks sis sa pagvote sa monogram. super kaka-confuse kung ano pipiliin kasi lahat sila maganda pero dahil we counted din ang mga votes ng families namin, alam na namin kung ano monogram namin. share ko na lang sa updates. tee hee!.

ang cute nga nga guestbook, sis and when i opened your wedsite, nakalagay, 4 days to go. weeeeeeeee! ang lapit na! best wishes sis!
CaraLuisa – welcome sa thread, sis! done liking! hope you win!
dec212012 – welcome rin sa thread sis! december bride here too!
toodee – i think ok lang na walang OR for more savings. yes, agree with sis
mafiapenguins, acknowledgement receipt will do.
fds4eva – best wishes sis! may God bless you and your hubby a happy marriage.
wedding updates:gowns for entourage – check! nag-dp na ako kay Tito Boy. kasama ko si mommy caboodle when we met. ayun, todo-bonding sila. nakakatuwa kasi parang ang tagal na nilang friends. habang chika sila ng chika, kain naman ako ng kain. sabi kasi ni Tito Boy kumain daw ako. wahahahaha.

sabi ko nga, tapos ipe-pressure mo ako pumayat ng bonggang-bongga.
hmua – check! thank you sa lahat ng nag-like and nagcomment. na-overwhelm ako sa appreciation nyo as in. naniwala na talaga ako na napaganda ako ng bonggang-bongga ni Tin Conde. hahahaha.

pero as in nagdadalawang-isip pa ako kung i-go ko lahat ang tmu scheds ko this feb before finally deciding para talagang no regrets ako. ang kulit di ba? eh si h2b naman, approve lang ng approve. hahahaha.
monogram – so after ng voting sa mga forums and election scene sa skype, we chose mono 3. yun may grapes and dew drops. may mga minor changes na lang ako kay sis Joy and sesend na nya sken once all changes are done. excited na ako to see the final monogram. weeeeeee!

i’m reviewing our checklist and yes, we’re getting there. parang ang major na wala pang tick are the legal documents (which i’ll be working after ng visit namin ulit sa Liliw Church).

ciao pretties!
