Been lurking on this thread for so long, so share ko na rin yung akin..
I was a bridesmaid for my barkada's wedding November last year. It was one of the nicest weddings that I've attended, partly because super tinutukan ng bride ang lahat ng details, syempre with our help and the help of all her suppliers. But what made it 'worst' in my opinion is the fact na
hindi sumipot sa kasal ang nanay at mga kapatid nya. The day before the wedding pa lang nagsabi na si nanay kay friend (the bride) na hindi siya pupunta sa kasal, pati na mga kapatid nya. Super umiyak sya sa fact na yun, and up until before she walked down the aisle umaasa sya na sana nandun ang family nya. Tipong kahit hindi na sya ihatid sa altar ng nanay nya at kahit hindi na mag-abay ang mga kapatid nya, makita lang sila na nakikita siyang kinakasal, sapat na. Wala, eh. Sobrang good thing na yung in-laws nya nandoon to support her. We (the barkada) could tell right there na magiging maayos ang lagay ng friend namin sa H2B nya at sa in-laws nya.
Hindi namin alam to this day kung bakit nagawa ng nanay ng friend ko na wag sumipot sa kasal ng anak nya, at dinamay pa ang mga kapatid na for sure eh gusto ring makita ang ate nila. Pero bilang alam namin kahit papaano ang story ng friend ko, posibleng:
(a) hindi boto si nanay kay H2B ng anak nya samantalang the guy was one of the best na naging BF nya, at least in the entire barkada's opinion,
(b) ayaw makita ni nanay ang ex-husband nya (tatay ni bride), since they did not end their relationship in good terms. By the way, yung tatay ang naghatid sa kanya sa altar. Or
(c) binyagang Jehovah's Witnesses ang nanay at dalawang kapatid ni bride. Roman Catholic ang kasal. Actually malapit na rin na maging binyagang JW si bride pero dahil sa pagmamahal nya sa groom nya, she opted to stay with her "default" religion which is Roman Catholic. Most likely ito ang reason kung bakit wala ang mga kapatid nya (according to bride, bawal mag-abay sa kasal ng ibang religion ang mga binyagang JW), pero at least man lang nandoon ang mga kapatid as a family man lang, kahit wag nang mag-abay?
So after one year... ayun, going strong pa rin ang mag-asawa. May baby na rin, four month-old baby boy, ka-birthday ng nanay na hindi sumipot sa kasal. Pero naman, aliw na aliw sa bata, tipong gustong pagbakasyunin sa Taytay (residence ng bride, nasa Tondo na sya ngayon kasama ang bagong family nya).
Pasensya na sa haba ng post, pero this thing I really could not get out of my mind kahit isang taon na ang lumipas. I just wish na kung anuman ang misfortunes ang dinanas noon ni friend, learn from those lessons at i-apply nya sa bagong buhay nya bilang maybahay at nanay.
