Author Topic: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)  (Read 158194 times)

Nhetskii

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #280 on: October 10, 2013, 03:06:57 pm »
may isa pa pala... kamag anak ni hubby. manila cathedral pa... ang bride sa sobrang bongga ng wedding gown... di na kinaya ng ulo at katawan nya ang wedding gown sa dami ng burloloy... as in literally kinakaladkad nya yung gown nya... partida tinutulungan na din sya nung maid of honor.. kakaloka talaga... di ko alam kung matatawa ako o maaawa.. kasi wa poise talaga.. then during ng reception, sabi nung mother ng groom, parang 2 days ago pa daw eh binawasan na din pala yung trail nya dahil nga daw sa sobrang bigat... hahaha! binawasan pa pala yun ng lagay na yun!

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #281 on: October 10, 2013, 03:14:12 pm »
^^ sis parang aattend lang ng party yung groom ng bestfriend mo... Grabe 3 hours! Kung ako yung walk out galore nako... Big day ang wedding so dapat special... parang ang dating mukhang napadaan lang yung groom

yssayjayla

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #282 on: October 10, 2013, 03:36:36 pm »
I was a former wedding coordinator. Memorable saken yung wedding namin nung time ng Ondoy.

iceheaven31

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #283 on: October 10, 2013, 06:19:41 pm »
may isa pa pala... kamag anak ni hubby. manila cathedral pa... ang bride sa sobrang bongga ng wedding gown... di na kinaya ng ulo at katawan nya ang wedding gown sa dami ng burloloy... as in literally kinakaladkad nya yung gown nya... partida tinutulungan na din sya nung maid of honor.. kakaloka talaga... di ko alam kung matatawa ako o maaawa.. kasi wa poise talaga.. then during ng reception, sabi nung mother ng groom, parang 2 days ago pa daw eh binawasan na din pala yung trail nya dahil nga daw sa sobrang bigat... hahaha! binawasan pa pala yun ng lagay na yun!

omg. and to think ang haba pa naman ng aisle ng manila cathedral.  :o

Nhetskii

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #284 on: October 11, 2013, 09:14:29 am »
^ korek sis! kaya nga sayang ... wa poise sobra!

babythug28

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #285 on: October 11, 2013, 11:02:12 am »
how stupid of the groom naman na magpalate dahil lang iniintay yung may sasakyan. >.< di ba nya naisip yung bride nya na nag aantay dun? hehe :D :D

mslcgrey

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #286 on: October 11, 2013, 11:18:40 am »
^ how stupid and how inconsiderate sa bride niya at sa mga guests nila! pati for sure kasama ni groom ang family niya, wala man lang ba nakapag-isip na wag ng hintayin sa uncle. if ako yung bride, nag-walk out na ako. buti sana if same venue yung wedding and reception, while waiting pinakain muna ang mga guests. para di nainip ng todo.

melmedrano

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #287 on: October 11, 2013, 11:58:58 am »
I think WORST talaga yung isa sa couple ang late... lalo na kung groom (sorry sa mga guys pero dapat lang naman kayo ang magintay sa bride).

Nung kasal namin (caleruega ang venue kaya expected namin na maraming malelate), ang bilin namin sa coordinator... basta andun na kaming tatlo sa takdang oras... bride, groom and priest... simulan na ang ceremony... wala ng kailangang intayin.

Yes, it may sound so radical... pero ayaw kasi naming pagintayin si Lord... Sacrament ang kasal (para sa mga Catholic kagaya namin), hindi lang social event. Kaya dapat pinaghahandaan ng tatanggap nito which is ang bride at groom... kaya walang reason para malate... at walang kailangang hintayin, dahil kayong dalawa lang ang kailangan dun... hindi si uncle, hindi si abay at lalo't higit hindi ang sasakyan.

Partly may fault din yung friend mo sis Nhetskii, dapat sinugarado nya na sa malapit lang din manggaling yung groom para maiwasan ang aberya. They should have considered that before they even choose the church na pagkakasalan nila. Pero mas malaki pa rin ang kasalanan at kapabayaan ng groom nya. Just my opinion. ;-)

Nhetskii

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #288 on: October 11, 2013, 01:25:55 pm »
korek mga sis! sobrang stupid...  sa sobrang panic nga nung bride, tinawag na nya ako sa loob ng bridal car pati yung isang friend namin. kaming 3 nandun sa loob tapos inis na inis na nga ako. sabi nung ate nung bride, sasapukin daw nya talaga yung groom pagdating.. eh di sabi ko naman, sige ate paki tadyakan na din para sakin. Sabi ko nga pasalamat sya di ako marunong mag drive at talagang itatakas ko ang bride para di na matuloy ang kasal. Tapos maya maya lumapit na nga itong staff ng church to tell her na kailangan nang umalis ni fr dahil may appointment pa. eh di ayan sobrang nagpanic mode na si bride at talagang ngalngal to death sya... eh di kabig naman kami bigla nung friend ko na dadarating nga si groom para kumalma lang sya. Ayun after more than 3 hours.. di nga lang yata 3 hours yun kasi talagang dumilim na... , dumating din ang t*ng*ng groom kasama ang nanay nya na ewan ko din kung nasaan ang utak...

Ayun sabi nung pari nung tinatanong na sila.. ikaw babae, tinatanggap mo ba si lalaki na maging kabiyak mo.. sabi ng bride.. opo father.. sabi ulit nung pari, sigurado ka kahit late sya?.. (hahaha!) tawanan ang tao... sabi na naman ni bride.. opo father... tapos tinanong ulit sya nung pari, sigurado ka talaga ha?! -- hahaha (totoo yun mga sis!) tapos nung homily, oh eh di talagang sermon ang inabot ni groom... pasalamat pa nga sya at medyo lite pa ang pasaring at sermon ni father!

ayun.. eh parang tama yata ako nun sis na sana tinakas ko na lang yung bride dahil after less than 3 years nawala si lalaki at iniwan ang friend ko... may isang anak sila.  Hayy!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #289 on: October 11, 2013, 01:36:18 pm »
^Migoodness. Bad omen nga ang pagka-late ni groom. In fairness ang bait ni Father at pumayag pa. Sa iba kase alam ko nga minutes lang na ma-late unti-unting nababawasan ang rites ng kasal tapos pag 45 minutes late cancelled na ang wedding.

theshopaholicprincess

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #290 on: October 14, 2013, 10:55:43 am »
^^ ang alam ko sa province pag late kayo kesohodang anong reason pa yan di na itutuloy ng pari yung kasal kasi nga sagrado sya at may oras na sinusunod. Buti nalang mabait yung pari. Eh kung yung ibang priests na kinukwento dito sa thread na to... naku baka simula mag umpisa at matapos yung kasal eh pinapagalitan lang yung groom ni father...

Nhetskii

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #291 on: October 14, 2013, 07:01:18 pm »
Sobrang bait talaga nung priest. Family friend kasi sa side ng bride.. Ang isa pang nakakahiya. Yung mga bisita kanya kanyang bili sa tindahan at makikita mo talagang kumakain ng biscuit or tinapay, w/ matching softdrinks na nakalagay sa plastic na may straw... Hayst!

Chara

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #292 on: October 15, 2013, 10:00:44 pm »
Hala..Grabe naman yung groom na yun...grabe 3hours!!! Agree ako sis buti nalang talaga mabait yung priest... Dahil kung sa iba yun..di na talaga pwede yun..

cmax

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #293 on: October 16, 2013, 09:11:52 pm »
Juicemio tatlong oras! WALKOUT!

mysterioza_me

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #294 on: October 19, 2013, 05:45:48 am »
sa akin ang pinaka-grabe [textspeak!] wedding ng uncle ko sa province...SS din ako nun
Ipinilit ng side ni Girl na dun i-held ang reception sa bahay nila since malaki din naman daw ang space sa bakuran nila. Pumayag na lang ang uncle ko para lang matuloy ang kasal (thunders na kasi sila) tutal medyo malapit lang naman ang house ni girl sa bahay ng uncle ko (he's living with my grandma nun). So wedding day na, no problem sa wedding rites and all pero gulay pagdating sa reception which is sa bahay nila bride, well oks naman ang decors, table setting and everything kaso di ka makakain kasi ang baho, yes ang baho talaga. Amoy poops kasi may poultry and babuyan pala sila sa likod ng bahay and kahit anong sarap ng food ng caterer nila pagmabaho hindi ka makakain...Sumimpleng walk out ako at  naglakad ako ng naka-gown pauwi sa bahay ng lola ko para dun kumain buti naghanda din ang lola ko sa bahay nila kasi yung visitors sa side namin e hindi din pala nakakain ng maayos sa reception dahil nga sa baho

runami

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #295 on: October 20, 2013, 11:28:15 pm »
OMG, may mga ganitong eksena pa pala sa totoong buhay! Funny and frustrating but true! Grabe, one big day pa naman yan, no imperfections allowed. Waaaa.  :o

Nhetskii

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #296 on: October 21, 2013, 01:48:17 pm »
naalala ko lang, kwento naman ng friend ko... kasal ng ex ko.
Nakalimutang dalhin yung veil para sa ceremony, candle at cord lang... sa sobrang taranta nila, ang ginawa daw nung friends nung bride eh ginupit yung lace na naka decor sa aisle ng church at yun ang ginamit... hala!  ewan ko lang kung nagalit yung mga taga simbahan nung nalaman ...  ;D

hyjac28

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #297 on: October 24, 2013, 10:40:29 am »
Hi mga sis! I'm new here but I've been reading posts since June 2012. Super helpful ng GT sa buhay ko. I'm a December 2013 bride (na super excited na).

Reading these unfortunate events made me realize na kahit hindi maging perfect ang wedding ko, basta everyone's safe and healthy, super magiging thankful na ako. I would not go overbored na thinking of every small detail na baka hindi ma-execute ng tama. Enjoy na lang!!! For sure, magiging masaya ang araw na yun  ;D

Worst wedding I've attended was my cousin's wedding last April 2013. Hindi ako mahilig manlait but I really feel bad for my cousin, who's already 2 months pregnant.

1. Walang sasakyan si groom, so pinagamit sa kanya ang bridal car papunta sa church. Hindi nila pinabalik ang bridal car to pick-up the bride. Kaya pala late na eh wala pa sila. So, the bride's family + some of the entourage ay nagsiksikan sa isang SUV (and take note walang AC) with the bride's father driving. Ginawa namin ni H2B pinababa na namin sila lahat except the bride, H2B drove the SUV at kinausap na lang namin yung driver ng bridal car to meet us sa likod ng church para masalba pa sana yung pangit nyang entrance. Lumapit na nga si groom kay bride at parang irita to the max na yung pinsan ko (parang di kasi nag-iisip si groom).  >:(

2. May campaign nung time na yun so na-traffic kami papunta reception.

3. Kulang ang seats for the guests (ganda pa naman ng venue setup). Importante talaga ang RSVP at Coordinator  :(

mysterioza_me

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #298 on: October 24, 2013, 03:07:00 pm »
naku sis alisin mo yung word na "parang" kasi di talaga nag-iisip si groom, sana naisip niya na ginamit niya yung bridal car kaya walang magagamit si bride papuntang church

May I share ko lan, naalala ko bigla yung pinsan ko nung kinasal, infairness dun sa groom naalala niya na baka walang masakyan ang mga SS and and bride so pinasundo niya ng 3 TRICYCLE (na walang bubong) yung mga SS at bride and may balloons pa talaga na nakatali sa paligid ng tricycle. Yung totoo kasalan ba talaga to o sasagala?!! Kaloka.

Sa ibang hotel paghindi nag-rsvp di talaga pinapapasok sa reception
« Last Edit: October 24, 2013, 03:12:29 pm by mysterioza_me »

babythug28

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #299 on: October 24, 2013, 03:28:05 pm »
^ ganyan din gagawin namin sa min. or kung may onting consideration si hubby, mag intay kayo until lahat ng nag RSVP eh nakapasok na. hehe

 

Latest Stories

Load More Stories
Close