Author Topic: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)  (Read 158241 times)

Soontobemrsmejia

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #200 on: October 12, 2012, 12:47:41 am »
hi mga sis ! nalulungkot naman ako sa mga stories dito....worst fear ko talaga yan na magkaron ng major disaster sa wedding namin ...even sa well planned wedding d yata maiiwasan yan...ako isa pa lang naman ang naexperience ko na d maganda (hopefully the last one) when I attended a wedding of close friend  (bride) in Tarlac...June kasi yun grabe super init and super humid ang weather at 3pm ang wedding...ako ang MOH nya
 
sa church parang gusto ko na hubarin gown ko kasi super init talaga  parang may katabi akong oven sa init....ang electric fan na malapit sa altar isa lang so nakatapat sa couple...tapos sa picture taking medyo imbyerna lang kasi ang dami din di man lang nageffort magbihis man lang puro nakajeans and slippers sila pa ang excited sa pictures ha.....then sa reception naging triple ata ang number ng tao pagdating namin (entourage) .  wala na kaming maupuan talga parang kaming mga friends ko na lang ang nakishare sa iba ibang table...ang food hay naku d masarap konti lang nakain namin kasi ubos na ..nauna na yata sila kumain...we found out later on na [textspeak!] mga kamag anak ni groom which sila din ang nagluto..binalot na agad at pinamigay sa kamag anak nila ....buti na lang may handa sa house ng mom ni friend kaya dun na lang kmi kumain ng bongga at mas masarap pa...her mom was also disappointed sa nangyari sa reception..ang dami pang d pa tapos kumain binalot na agad mga food anyways d naman kawalan kasi d masarap hehe.....then nung gabi since [textspeak!] isa pa naming close friend kasi ang HMUA sinisingil na nya ang parents ni groom kasi sila daw ang magbabayad.. ang nangyari ayaw bayaran! and to think ang dami pa nilang pinamakeupan na kamag aanak nila na wala naman talaga sa usapan our friend clearly said na add'l charge un in the first place...hay nawindang talaga kami...sabi ng parents ni groom ang couple na lang daw magpay from monetary gifts na natanggap. nalaman ng mom ni bride ang nangyari so she ended up paying our friend hay kaloka talaga! d n nga namin nakausap ang bride kasi dadalin pa daw nila sa pampanga ang couple that night (in wedding gown and suit pa din ha..i think bawal pa daw ata palitan ang suot nila) para pumunta sa mga house ng kamag anak ni groom na hindi nakapunta I think para humingi ng monetary gifts...tama ba?we are not familiar with this kasi e ... :)

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #201 on: October 12, 2012, 02:24:28 am »
may tanong ako..

natatakot kasi ako na mag show up yung stalker ni h2b sa kasal namin.. ano ang dapat kong gawin?

asar na asar kasi ako kasi tinatawag tawagan siya at tinetext ng kung ano ano tapos sabi pa "invited ba ko sa kasal mo?"

isip namin kumuha ng additional security...

or paranoid lang ako?

di na nga kami masyado nagffb para di na masyado lantad yung wedding preps...

:(

Oh my, how freaky. I hope she doesnt ruin your wedding sis.

astarte

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #202 on: November 01, 2012, 12:52:51 pm »
^ sis yung venue na napili nyo medyo mahigpit ba ang security by default? mas ok nga siguro if kukuha kayo ng added security or if mahal yun (wala din kase ako idea pano yun hehe) baka yung closest friends nyo pwede mag-help na pag hindi naka rsvp hindi talaga papapasukin.. basta yung nasa list lang talaga so sorry na lang dun sa mga wala sa list and yung tao na mostly na-meet na ang side mo at ni h2b para alam nya agad if meron man hindi familiar na taong dadating..

carmichael18

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #203 on: November 01, 2012, 08:44:35 pm »
may tanong ako..

natatakot kasi ako na mag show up yung stalker ni h2b sa kasal namin.. ano ang dapat kong gawin?

asar na asar kasi ako kasi tinatawag tawagan siya at tinetext ng kung ano ano tapos sabi pa "invited ba ko sa kasal mo?"

isip namin kumuha ng additional security...

or paranoid lang ako?

di na nga kami masyado nagffb para di na masyado lantad yung wedding preps...

:(

sis give your WCs a picture of the stalker.. so pag nakita nila sa registration or entrance pa lang hindi na papapasukin.. one of clients did that, pero not naman for a stalker, from "old friends" na sobrang di maganda ang ginawa sa kanila..

brandi

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #204 on: November 01, 2012, 09:10:44 pm »
Wedding ceremonies that are not solemn. for me, wedding is not just wedding. it should be sacred and heartfelt. i don't like seeing anybody from the entourage or even guests who are busy taking pictures. may time para dyan. Everyone inside the church should be focused and attentive with the ceremony.

minsan kahit gaano kagarbo yung wedding pero kung ang mga bisita busy sa mga sarili nila,nakakadisappoint. hindi man lang sila nahiya sa couple.

For me, weddings like that are a complete disaster.

Mas gusto ko na yung wedding na uber simple lang pero hindi mukhang naglalaro at nagkakasal kasalan lang.

I have a friend who got married last summer, i must say bongga talaga lahat from chruch to reception at tumataginting ang gastos. pero i feel sad for her and her hubby kasi parang silang 2 and yung mga ninong/ninang lang nagppay attention sa cerwmony dahil the rest are taking pictures omg...  ::)

iamcab

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #205 on: November 08, 2012, 12:41:09 pm »
Yung wedding ng friend ko wala silang on OTD coordinator tapos late na nagstart yung wedding kasi walang nagoorganize. Kinuha nilang musician ang SJT strings ensemble mga 30 minutes before the ceremony nalaman namin na namixup nila ang song playlist ng friend ko sa ibang bride. Hindi nila napractice ang nirequest ng friend ko for bridal march song. Nung nadinig nya na ibang song ang tinugtog ng SJT nagsimula na syang umiyak and halos ayaw nya mag march papunta sa aisle  :( and the entire reception kung ano anong song nalang ang tinugtog nila.

brandi

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #206 on: November 08, 2012, 12:49:31 pm »
^saklap naman sis. grabe after mo ma stress kakaayos for your wedding ganyan mangyayari.  :'(

iamcab

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #207 on: November 08, 2012, 02:07:56 pm »
^ kaya nga sis, siguro mga 3 minutes na nakatayo lang sya before sya nagsimula lumakad. Pinaghirapan nya daw gawin yung song playlist pero di naman nasunod yung gusto nya.

melmedrano

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #208 on: November 08, 2012, 03:21:01 pm »
nakaka-bad trip naman yun... so unprofessional, they should have made sure that they have the right repertoire... moment kaya ng bride yun. Sarap hindi bayaran eh!

iamcab

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #209 on: November 09, 2012, 09:29:16 am »
^korek sis! nung sa reception na talagang hagulgol na yung friend ko nung niyakap ko sya. yung tinugtog ng SJT na bridal march is "Ikaw" eh ayaw na ayaw nya yung song na yun kasi nga lagi na ginagamit para sa bridal march. Nung una gusto nung manager na full payment pa din pero talagang nakipag away si groom! in the end half yung binayaran nila.

hisana

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #210 on: November 09, 2012, 09:35:44 am »

Ang kapal naman ng mukha ng manager na yan. So unprofessional. I would not pay a cent, bahala na magkagulo. Tignan lang natin.

melmedrano

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #211 on: November 09, 2012, 10:23:27 am »
sya pa ang demanding... kung ginawa sana nila ng maayos ang trabaho nila eh di walang problema... kung sa ibang bansa nga yan baka nademanda pa sila eh...

soLaris

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #212 on: November 09, 2012, 11:50:56 am »
I attended a friend's wedding a month ago at SS ako.
May mga glitches lang akong nakita during the wedding.
The wedding itself kasi garden set-up. So doon na din ang venue then doon na din kakain. Ang panget lang sa kasal is masyadong paimportante iyung mga kins ng groom, 3PM ang wedding dumating mga 330pm na. So delayed na delayed iyung wedding mismo. Since Christian wedding ito, medyo humaba iyung sermon, may nagkantahan pa ganyan.
Tapos ang panget pa is may money dance, pilitan ang drama. Tapos iyung caterer na nakuha nila, ang lalamig na ng pagkain tapos walang kwenta iyung mga waiters, mga 150guests tapos ang waiters 5 lang? kakaloka. walang iintindi sa iyo kung  manghingi ka ng tubig, kailangan lapitan mo pa sa buffet table at doon manghingi ng service water. Iyung food panget ang lasa (lahat pare parehas ang lasa, matamis na malamig pa, kahit iyung kanin matigas). Anyway, kahit mga friends ko nagsabi sa bride at groom na sumakit ang tiyan kasi kahit sila din, sumakit ang tiyan after ng wedding. Tsk tsk.

wahmproject

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #213 on: November 09, 2012, 12:03:09 pm »
Nakakatawa naman ang ibang kwento dito. Grabe! :) Hindi naman ganung malala yung mga naexperience ko compared sa mga nabasa ko dito.

1) I attended a wedding in calaruega more than 5 years ago. Babaeng friend ni hubby ang kinasal and boyfriend ko pa lang si hubby nun. First time ko ma-meet yung couple. Ganda ng wedding rites sa church. (We still consider this wedding as one of the good ones we attended because of the solemn wedding rites). But on the way to the reception venue, natraffic ang mga guests tapos umulan pa. More than an hour bago nakarating sa venue.  Ang masama pa nito, nakaset-up pala sila for garden reception. Sayang ang mga decor sa garden, may mga tea lights pa sila sa garden, garden floral arc, the works talga! Since raining, no choice but to scrap the garden setup and move indoors.  While the guests were arriving, we can see the waiters were moving the tables inside, wala ng seating arrangement lalo na maliit ang indoor venue. We were one of the first people to arrive so pinaupo na kami sa harap, otherwise, vacant table/chairs ang tatambad sa couple. And ending din, konting guests na lang ang nandun. Siguro more than half of the principal and secondary sponsors, hindi na rin tumuloy sa venue kasi late na.  Because of this wedding, sinumpa ko na indoor venue ang reception ko. hehe.

2) A few months ago naman, wedding at one of the top manila notels. Meron ding money dance, kaso medyo nilangaw yung part na un. Mabibilang sa kamay ang lumapit sa couple to pin money. It was a small reception with 150 guests so obvious. Siguro kasi, hindi nakagawian dito sa manila. This will work kung ang mga guests eh magkakakilala at magbubuyuan. Awkward ang part na eto kasi kahit mga ka-table namin na friends ng couple, hindi rin tumayo.

3) Recently naman, during the singles game, walang tumatayo para sumali. Tinawag isaisa ang names ng mga single ladies pero wala talga. Nung una, nasa harap si bride, tinatawag at tinuturo sila. Next, nagmamakaawa na ang host. Ang ending, pumunta na ang bride sa mga tables hanggang sa photobooth para hilain ang mga single ladies.

4) Meron pa, yung host during the wine toasting, pinataas nya sa guests ang "wine" namin. He saw some glasses, water ang laman. Sabi nya, wala bang iced tea? Tapos ang mga guests nagtitinginan din kasi most of the wineglasses, kahit tubig wala pang laman. Nabanggit din ng male host at least twice when referring to the waiters,  mga gwapo or poging waiters.

5) We also attended weddings na ang daming vacant table/chairs and naguwian kagad ang mga tao, hindi tinatapos ang program. So when it was our turn, we considered all these factors when we planned the reception.


brandi

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #214 on: November 09, 2012, 12:14:34 pm »
^on no.5...tingin ko para maiwasan ito napapansin ko nga sa ibang wedding ganito nangyayari parang eat and run. Doon sa ibang naattendan kong wedding program muna.so mapipilitan sila umupo hanggang kumain at magpay attention kahit na bored na sila hehe.so huli ang kainan and by table ang paglapit sa buffet table after magpa picture sa couple. Kaya kung gusto na umuwi after kumain bahala na mga guests ang mahalaga nagawa yung desired program nung couple.  ;D

hanson15

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #215 on: November 09, 2012, 12:53:05 pm »
pagsabihan mo yung host mo sis. Kung meron siyang makitang maguwian. Tawagin niya yung mga bisita na yun at pabalikin isa isa hehe. Ihatid niya pa sa upuan nila nang mahiya naman ang lahat  ;D

brandi

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #216 on: November 09, 2012, 02:04:15 pm »
^pwede din hahaha  ;D

Hindi pa po tapos yung program baka pwede po muna tayo bumalik sa mga kinauupuan natin hehe ;p

pero kung ako talaga program muna i dont care if they get bored, sleepy or whatsoever. kung pakakainin ko naman sila after, sana gawin naman nila yung part nila as my guests di ba..  ::)

after program, kainan.then bahala na sila kung uwi na sila ang mahalaga hindi naman nagmukhang kainan lang talaga ang pinunta nila at may audience yung program ko hehe  ;D

Soontobemrsmejia

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #217 on: November 09, 2012, 09:54:09 pm »
agree ako jan sis...sana naman konting respeto sa couple at huwag naman mag eat and run...I attended a wedding recently around 400 guests nya after dinner umambon ng konti e open area ang reception  aba nawala lahat ng guests...  huminto naman agad yung ambon parang five minutes lang wala na hindi man lang nagawa ang cake cutting, toasts, etc ... karamihan hindi man lang nagpaalam sa couple sa pag alis para namang matutunaw sila pag nabasa....kaming mga college friends lang ang natira and immediate family ng couple...sayang talaga lahat..pati photobooth nasayang as in kami na lang nagpapicture ng paulit ulit para naman ma worth ang pag rent nila hehe

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #218 on: November 13, 2012, 08:57:03 am »
pero kung ako talaga program muna i dont care if they get bored, sleepy or whatsoever. kung pakakainin ko naman sila after, sana gawin naman nila yung part nila as my guests di ba..  ::)

after program, kainan.then bahala na sila kung uwi na sila ang mahalaga hindi naman nagmukhang kainan lang talaga ang pinunta nila at may audience yung program ko hehe  ;D

IMO, a guest's presence is the best gift a couple can receive. hindi baleng ano itsura nila, ano asta nila sa wedding day mo, ang mahalaga andun sila. kasi kung hindi, para san pa reception kung kayong dalawa lang ng hubby mo ang andun. as a host, we should treat them right. lahat ng tao nagugutom - ang couple lang ang hindi. considering na may pambili naman sila ng food pero talagang nageffort pa sila pumunta sa wedding mo means hindi lang pagkain ang pinunta nila. nung wedding namin, kainan kaagad after prayer. wala namang umalis, isa lang at nagpaalam siya samin dahil bday din daw ng anak niya, may handaan din daw sa bahay nila. i think the guests will also love you if you show them that you care for them. na you just don't want them there para may audience kayo.

try putting yourself in their shoes. kung may pambili ka ng pagkain at ginugutom ka ng host/s mo, hindi ka ba aalis? kung tutuusin magastos din mag-attend ng wedding - attire, paganda, pamasahe, gift, etc. the least a host can do for them is to let them eat at the right time - kahit hindi gaanong masarap, basta wag naman gutumin.

and last, kahit gaano mo kagusto, hindi mo mapipilit ang guest na magshow ng respeto or kontrolin kung pano umayos sa event mo. gagawin nila kung anong gusto nila. ang mahalaga, YOU showed them your gratitude by treating them right. 

andylhen

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #219 on: November 13, 2012, 09:09:15 am »
^well said sis.. same tayo, considering na ako lang ang may ganitong wedding, hindi ko ginagawang sosyal kasi alam ko effort talaga sa bisita ko.. walang formal dress akong nilagay.. basta no white lang kasi gusto ko na ako lang ang naka white.. hehe.. wish ko lang talaga na dumating lahat ang 200 invites ko.. otherwise, walang silbi ang wedding na matagal ko nang inaayos..

 

Latest Stories

Load More Stories
Close