Author Topic: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)  (Read 158012 times)

carmichael18

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #160 on: August 03, 2012, 05:22:55 pm »
^ ganon ba yun sis? hehe

anyways, yeah just make sure na ma-note niyo lahat ng gagawin.. the problem with not getting a coordinator and assigning task to them, pag may mga aberya na dumating, at hindi nakalagay sa task nila,baka hindi magawan ng paraan..

sis twelvth_goddess - alam ko ang feeling na last minute ka sasabihan na mag-host.. hay buti nakaraos kayo ng safe at hindi tumaas ang tubog sa dam! oh no! pano na lang kung umulan ng bongga nun!

mistiqshannen

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #161 on: August 03, 2012, 08:27:21 pm »
So ang ending maraming nagtampo/nagalit na mga principal sponsors. Parang pineperahan lang daw sila. Nagpagawa pa daw sila ng damit na ayon sa motif ng kasal tapos, wala din naman silang ginawa. :p


Kailangan talaga pumirma para me gawin? Tsaka una sa lahat why on earth na dalawa lang ang need pumirma me ganun? anong klase kayang marriage contract yan e kadalasan naman nasa 5 pairs kasya pa e..

tsaka wala naman siguro sa pirmahan yan e ang importante sa puso at sa mata ng Dyos kinuha ka bilang ninong at ninang sa kasal kasehodang ginto pa yan gown mo gosh! Siguro hindi nila close yun mga kinuha nilang principal sponsors. yun lang yun.

mac0308

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #162 on: August 03, 2012, 08:38:58 pm »
i attended a wedding way back 2005. sa province, yung pari, matanda na talaga, sabi itaas ang kamay ng entourage para ibless ang ikakasal, hindi nagsitaasan ng kamay agad ang mga abay, at nagkatawanan ang mga lalaki, nakita ni father, ayun nasermunan sila. kaya gang matapos ang kasal badtrip si father umalis nga kaagad as in sira ang wedding rites kase minadali at high blood si father..

yung isang naattendan ko pa na wedding, ang reception parang sa isang bakanteng lote lang n may mga matataas na damo pa sa gilid. di masarap ang food at halos wala nang program.

hanson15

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #163 on: August 03, 2012, 09:33:10 pm »
yung naattendan ko na kasal. the night before the wedding may program sila with entourage may part doon na magsasabit ng pera habang sumasayaw at required lahat magbigay. tapos on wedding day ok naman pero may part ng reception na tinatawag isa isa mula sa sponsors, entourage bisita at pinaglalagay sa bowl for money at sinasabi yung amount. nainis yung mga tao kaya naguwian. napansin ko na kami nalang ang may tao  na table so tinawag yung kasam ko at sinabi niya wala siyang pera. hahaha. ayun umalis na rin kami. ewan ko kung ano nangyari sa program nila kung tinapos na sila lang. umalis na kami

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #164 on: August 03, 2012, 10:10:35 pm »
^Oh wow. Tackiness to the max. Ginawang fundraiser ang kasal :P

piatos

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #165 on: August 04, 2012, 12:09:08 am »
shocks sis hanson, ang lupit ng couple na yan wahahaha

yezzi

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #166 on: August 04, 2012, 12:42:28 am »
my husband's cousin first the theme it looks like sa debut party :P then her (wedding) gown she almost tip over coz of the weight then comes her mother who don't know how to entertain guest, Imagine na late ang service namin naipit sa traffic at siya bilang ina ng ikakasal sana tinanong anong problema or bakit kame nalang ang naiwan sa labas ng simbahan at least sana naman she asked her relatives to give us a lift ending nagsariling sikap kame magtanong ::) and my in-laws hinintay nalang yung service namin, since malayo from church at wala ng kasabay, they decided to umuwi nalang kasi naligaw narin sila. And at the reception 4 hrs kame nag hintay ng food, some of the guest went home na kasi hindi na natiis ang gutom, they served us an appetizer after 2 hrs which is very limited lang at naubusan na nga plus tubig lang daw pwede haha! Kaya pala inabot ng 5hrs kasi nag pictorial pa sila. And when they arrived aba! may production pa as is sing and dance sila ::) :P so again we are forced to watch since after nun tsaka palang kakain ::) and the rest of the wedding is puro yabang na like sa price ng couple contest the winner daw will win a 3 nights in Bellarocca with the newly weds, so we pursue our Tita and her Hubby to join, and when they lost dun namin nalaman na isang box or cup lang pala ang price, naglapasalamat pa tita namin dahil natalo sila ;D I just didn't get why they have to brag the misleading prize. ???

ending after the dinner nag-uwian na mga tao, napagod kakahintay ng food out of 250 guests "daw" na invited, I think ang nasa reception lang is 100 and nung nakakain is 40 nalang ::)
« Last Edit: August 04, 2012, 12:46:33 am by yezzi »

piatos

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #167 on: August 04, 2012, 08:06:06 am »
haay hindi ba sila nakapunta sa isang celebration buong buhay nila at ginanyan nila ang mga bisita. Hahaha ang lupit nakakatawa yung bellrocca price om  ::)
« Last Edit: August 04, 2012, 08:14:36 am by piatos »

khriseeee

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #168 on: August 09, 2012, 05:04:49 am »
hahaha!ganito din sa wedding ko sis...mas priority pa ni father na manghingi ng handa rather saying we could kiss now as a newly wed couple...ang nakakatuwa yung mga guset nalang sabay sabay nagsabi ng kiss hehe

The wedding I attended this past weekend was like this too, the father forgot to say "you may now kiss the bride" and he just walked away

MaitaOfMakeupOnDemand

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #169 on: August 09, 2012, 08:41:38 pm »

Gasp nakakahiya naman! Okay lang yung money-dance kasi in some cultures, tradition yun, although hindi ko parin gagawin. Pero yung one by one tatawagan para mag-"donate" hindi ko yata kaya...

missFB

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #170 on: August 10, 2012, 07:33:52 pm »
kami nga ni Hubby hindi namin mailagay yung monetary gift sa invitation yun pa kayang manghingi ng pera sa reception..  ;D

May na-attenan dati ang parents at relatives ko sa wedding sa Batangas.. may money dance din tapos ang style naman ina-announce nung emcee yung amount na sinabit..  ;D tapos tinatawag din kung sino ang magsasabit pero hindi by names tipong "Yung mga kaibigan naman ng couple" "Yung mga bisita galing sa Manila" "Yung mga magnininong at magnininang sa anak ng couple" ganun... hahaha!  ;D kaya ang family ko napauwi nalang ng maaga.. parang ang awkward daw kasi plus ang feling daw nila nakakahiya daw magsabit ng mas maliit na amount sa naunang nagsabit pagatapos ipangalandakan ng emcee yung amount  ;D

Nakakaloka lang yung mga ganyan traditions..  ;D wala eh.. ganun talaga.. hahhaa

honey-ecclaire

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #171 on: August 10, 2012, 07:46:57 pm »
in baguio,MT.Province,Benguet,Apayao it's a part of the tradition talaga na magbibigay ng money yung mga guest,kapit-bahay...but this time sa bride's and groom's side ang dapat magbigay parang payabangan hehe...

My cousin's wedding last 2010...my tita hosted the money thingy eh,natakot ako kase wala kaming dalang pera hehe,tinatawag isa-isa ang mga kamag-anak both side then magme-message kunwari tapos bigay ng money at ayun kapalit eh yung souvenir...naloka talaga ako!


FrenchAngel

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #172 on: August 10, 2012, 09:12:21 pm »
^ hehe natawa ako sis sa puro karneng ulan.. hehe yung tipong iba-iba lang ng cut yung karne pero iisa ang lasa ng sarsa.. :)

ako naman sa wedding ng friend ko.. nakakasad kasi one of my best friends ko siya.. kaso wala ako dito nun sa manila to help her sa preps.. nakakaloka lang ang number of guests nila.. ang reserved nila is 250, pagdating ng bisita since walang registration, hindi na-filter ang ibang hindi imbitado.. andamin bata, tapos ang daming service na van kasi naman pala parang pinasundo pa ng byenan niya yung mga kamag-anak sa batangas.. at nag instant set up ng 12 na 10 seaters.. ganon karami ang extra guests niya.. yung family ni bride, andun sa isang mesa sa sulok na hindi na natatamaan ng ilaw ng venue.. tapos nung dinner time na, since hindi hawak ni emcee yung mic, pumunta sa harap yung mga tita nung groom at nag-announce ng bentahan.. okay lang yun sige kung tradition nila, pero kasi nakakahiya na para silang nagroll call sa mga mesa, pilit na pinapabili yung mga tao.. na hanggat hindi raw ubos yun eh hindi sila aalis dun sa gitna.. kaya tuloy yung mga tao siguro sobrang asar para matapos na lang, bumili na rin.. 200 naman kasi ang 2 pirasong suman..

ganon din nung nagmoney dance, yung mga tita rin ni groom ang nag-ala emcee para magroll call sa mga guests na hindi pa tumatayo at nagsasabit ng pera.. yung friend ko nahihiya sa boss niya, kasi in-announce pa talaga sa mic "o yung boss ni "bride" hindi pa bumili ng bibinka" hay kalowka talaga.. at hindi ito sa probinsya nangyari.. maintindihan ko pa kung ganon.. pero dito sa manila ngyari, kaya parang na-culture shock yung mga taga manila na guests...niyakap ko na lang friend ko pagtapos.. ako yung tumulong sa kanya sa reception and program - 2 kami ng isa pa namin friend, imagine niyo na lang yung reaksyon namin nung may umagaw ng mic sa host.. kulang na lang tumambling kami.. hehe

hi sis, natawa ako sa post mo..  ;D im from pampanga pero taga Batangas si hubby and 8 years na akong nakatira dito.. so i already knew their traditions and everything.. yung sinasabi mong money dance etc, sabugan ang tawag nila dun.. and every wedding in my in law's family and relatives, hindi nawawala yun, the tradition is yun ang unang hanapbuhay ng couple bilang mag asawa, family and relatives ang unang tutulong sa knila, but then sa kwento mo grabe parang garapalan naman yan! my brother in law will get married on may 2013 sa tagaytay, it was supposed to be in manila, kasi taga Cebu yung bride.. i know dapat sa Cebu but practicality wise, mas marami ang magiging guests sa side ni groom kung dito sa Luzon gagawin and ayaw naman ni bride na magiging malungkot ang wedding nila dahil konti lang ang magiging bisita nila.. she became close na din naman samin and ilang beses na niya kami nakasama sa mga happenings so without second thoughts, oo agad sila.. im their official wedding planner, they first thought of having their wedding here in Batangas but i suggested na why not have an out of town wedding? like tagaytay kasi baka naman isipin ni Bride masyadong nagdodominate ang side ni groom to think na ang wedding e para talaga sa bride yan, this will be her spotlight diba , i also told them wag sa manila for some reasons, first- purong Batangueno ang relatives ni groom and they're expecting talaga na mangyayari ang traditions, i briefed the bride about those traditions by the way and i even told her to inform her family and relatives para naman hindi masyado maculture shock, kung sa manila ang wedding, sinabi ko sa in laws ko na 100% hindi namin pwedeng gawin ang tradition na yun and 100% hindi makikicooperate ang relatives. second reason is, to make the wedding special for the bride and it'll be a special vacation treat sa side ng bride since hindi pa daw sila nakaarating ng tagaytay.. and we'll be able to follow the traditions since sa caleruega ang kasal nila and caleruega is still a part of Batangas. whenever that sabugan tradition is on na, okay naman and lumalabas pa na masaya dahil nagkakabiruan na and yung ibang guests find it amusing in a good way naman kasi depende din yan sa kung paano ieescalate sa program. as the official wedding planner and organizer ng family and relatives ng in laws ko, i already took the liberty of informing other guests din about what they should expect to happen during the ceremony and reception. in fairness kahit matitigas ulo nila at minsan pasaway sumusunod parin sila kahit nakakarinig ako ng mga side comments na "[textspeak!] ba yan puro kaartehan lang ang ganyan" hahahaha... kakaloka talaga..

szaphira

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #173 on: August 12, 2012, 02:55:00 am »
ako din pa-share ng bad experience..

eto wedding ng close friend ko sa college. asar na asar yung friend ko (bride) sa wc nya kasi ba naman gusto silang paglakarin ng groom papuntang reception. sa manila kasi yung reception nila. dun sa floating restaurant tapos since medyo pagabi na yun and friday pa, sobrang traffic. imagine ha papaglarin mo yung couple ng nakagown and suit sa busy street para makarating sa venue? buti sana mga sis kung malapit lang eh kaso sobrang layo talaga. binondo church yata yung ceremony (hindi ko na to masyadong sure) tapos floating restaurant sa may roxas blvd yung venue.

ss pala ako sa wedding nato. ang nakakatawa pa, yung emcee nila sobrang sablay ng english. hindi naman ako perfect sa english pero grabe talaga yung pagka wrong grammar nya. since ss nga ako, bigla nya akong tinawag para magspeech for the couple. hate ko pa naman magspeech pero since friend ko, go lang. tapos bigla ba naman akong tinanong kung kung pano nagkakilala ang couple and i-kwento ko daw yung love story ng friend ko. nakakaloka kasi first time ko pa lang na-meet yung guy nun and wala akong alam sa love story nila kasi biglaan yung kasal. wala tuloy akong masagot. badtrip!

sorry long read :)

Jihan_Sr

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #174 on: August 12, 2012, 03:24:18 am »
yung highschool friend ko, iniisip niya baka mag over ang number of guest at makapagbayad sila ng malaki. so, instead na 200 guest, ginawa niyang 170 lang. ang ending, hindi niya na anticipate na maaring madaming guest na walang pumunta sa sobrang kakabawas niya. kaya ayun, halos 3 to 5 people lang per table. wala pang 100 ang pumunta. apat lang kami na friend niya ang umattend at puro kamaganak.

mas masakit pala ang konti ang bisita kesa sa sumobra ang bisita. iniyakan kasi ng friend ko yun.

szaphira

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #175 on: August 12, 2012, 03:26:58 am »
^ nakakasama naman ng loob yun.  :(

hay kaya ako gusto ko family and close friends lang talaga para sure na aattend kasi kung hindi lagot sila sakin! hehe


mamapeew

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #176 on: August 12, 2012, 08:43:53 am »
^^ nako, nakakalungkot talaga pag hindi well attended ang wedding. Dito ba sa metro manila kasal nya? Pinost ko na dito before. Lahat ata ng bride yun ang kinakatakot, ang sumobra ang guests sa bilang and kulangin ang tables. Yung wc ko kononvince ako na better kung sobrahan ang guests kasi based from experience, 20% ng ininvite mo hindi dadating (kahit nag confirm pa). True enough, we invited almos 230 guests, 180 dumating kahit nag confirm pa yung iba. yung iba sa wedding lang tapos di na sumama sa reception. Bago ako pumasok sa reception area (kasi grand entrance ang couple di ba?) tanong ako ng tanong sa wc. Sabi nya, don't worry, everybody's seated. Pag nagworry ka lalabas yan sa pictures. Always smile. Kaya ayun. Siguro mga 4 seats lang ang bakante. Hahaha.... Love it. Any other aberya di na nila pinaalam sa akin. In the end, i'm one happy bride. It really pays to have a good and "experienced" wc. :)

prettypepz

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #177 on: August 12, 2012, 02:17:38 pm »
sa wedding ng office mate ko, I was chosen as one of their secondary sponsors.. The wedding was held in Bulacan, so province wedding din to.. Yung bride sa house lang ang preps nya, don kami natulog sa kanila kasi ang aga ng kasal and we couldn't make it kung manggagaling pa kami sa amin tapos magaayos pa! so yun, kanya2 nalang kaming makeup, hairdos etc (good thing I was able to learn make-up thing!)

ang time nya sa church is 11:30am. sa sobrang tagal ng bride, pati kami nahuli kasi hindi naman namin alam kung saan kami sasakay.. sasabay daw kami sa relatives ng bride.. ayon 12:30 nasa house pa ang bride.. my friend was texting me na nagagalit na daw yung priest! haha

ang service namin is jeep, kasama relatives nya na mga abay din.. so sabay kami umalis sa bride.. ofcourse car ang sinakyan nya kami jeep! so nauna samin ang bride! at pagdating sa church ofcors galit na galit na ang priest... lakad agad si bride without us :(

ang ending!... hindi kami nakapag march! together with my office mate din na secondary sponsor also.. and her relatives na little bride, at iba pang abay... kaloka! sayang ang gown namin hehe.. lalo yung little bride nya ang cute2 pa naman!

at sa reception, open ang venue, kaloka talaga! after magkainan nagsialisan na yung ibang visitors! kami2 nalang ang natira eh may program pa dapat yon... naawa nga ako ayoko mangyari sakin un kaya prefer ko covered venue, like hotel, hall mga ganun...

at46

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #178 on: August 12, 2012, 05:31:44 pm »
thats sad... dapat talaga may nagaasikaso na coordinator kasi mahirap pag ganyan..kawawa naman couple...

muy003

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #179 on: August 12, 2012, 10:01:31 pm »
^ hehe... I figured it out later that's why i deleted my post. Nahuli pa rin pala hehe...  :D

^^ nalungkot ako sa wedding nila. It's supposed to be a happy day for the couple and for the guests as well. Once lang yan in a lifetime (unless magpakasal sila ulit...gastos!). I remember during my wedding day, I really felt like a princess, not because of my dress, but because my coordinator did not allow me to worry about anything, as in ANYTHING. When I asked about the flowers, she said don't worry. When I asked about the the candles, veil, rings, she said don't worry. When I asked about the guests kung nakaupo na lahat, she said don't worry. She even gave me one of her people to assist me from the hotel to the church to the reception (like a PA). So ayun, di na nga ako nag worry. Hehe... Kaya I was smiling all throughout. Sulit ang bayad sa kanila.

Kaya when I read wedding disasters, I feel bad for the couple. :( special day nila yan e. The coordinator should have been taking care of everything.

Dear, may I know who's your coordinator? Thanks!!

 

Latest Stories

Load More Stories
Close