Author Topic: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)  (Read 157658 times)

jazzlawyer

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #20 on: March 06, 2012, 04:57:21 pm »
di naman worse but I find it offensive in some sort because you prepared hard for your wedding but guests sometimes tend to be inconsiderate.

May nakita akong pics na yung bride and groom naka gown and suit pero may mga bisita na naka tshirt lang, rubber shoes and maong jeans. Anobahhh!

Di naman san nangmamata. I know there are a lot of people who cant afford to buy formal attires.. but tshirt rubber shoes and maong?! ganong level talaga?  >:(

andylhen

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #21 on: March 06, 2012, 07:33:58 pm »
sis chaze yup! ako yung taga pampanga.. apalit ang wedding ko.. kaw di ba taga bulacan?

sis jazzlawyer meron talagang tao na hindi afford bumili ng formal.. or kung meron man, ayaw nilang  bumili ng formal kasi hindi naman puro formal ang mga pinupuntahan nila.. sayang daw ang pera nila..

sis piatos pag ang reception sa bahay lang, yes nagpapalit sila ng damit kasi hindi sila sanay sa damit nila.. nagawa ko na yan dati, pero sapatos lang.. since mahaba ang damit ko, nagtsinelas lang ako.. hehe

piatos

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #22 on: March 06, 2012, 08:17:31 pm »
@piatos: during reception pa yun sis? buti na lang mga kapatid namin ni h2b yung mga abay namin so for sure na makiki-cooperate sila.

uo sis reception sa bahay..mapapansin mong abay kasi nakamakeup at updo.

@andylhen, yes sis pag mahaba damit ko nagdadala ako ng slippers hindi kasi ako sanay magheels nangangawit agad ko..

mistiqshannen

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #23 on: March 07, 2012, 12:31:41 am »
^ wow... naisip ko lang ang sound system naman sine-set up ng maaga... hindi pa ba sila nakaset up by the time na nagceremony? or hiwalay kasi yung venue for ceremony? sayang naman sana nag-extend na lang ng helping hand si caterer na nagset up ng kahit basic sound system for the ceremony... kung may extra fee, pwede naman nila pabayaran na lang pagtapos ng wedding...
Minsan kasi me mga caterer na sasagutin ka na kasi uuwi pa sila sa office to get equipments etc even tables nga e..

mistiqshannen

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #24 on: March 07, 2012, 12:39:00 am »
We have a wedding last Feb in Sofitel. Super bilin ng couple na pag wala sa guestlist pauuwiin even me makita naman kami extra seats eventually uuwi daw talaga.

What we suggest since its really difficult  na magpauwi ng guest. Lalo madalas me guests na hindi naman nagconfirm na aattend then sasabihin invited kami no! me invitation pa kami! sasagot nalang kami na baka po hindi kayo nag RSVP kasi wala sila sa list hehe sabay ay nag RSVP kami as if true haha.

Anyway yun nga so we suggested na meron silang escort card. since 100 guests lang sila. 108 ang invited nila. They confirm 100 ayos! so naging maayos naman yun guest registration dahil well informed ang mga bisita na no bitbit talaga pero me mga pa isa isa na nagbitbit lang naman ng 3? hehe.. as in meron talagang coordinator na dalawa humarang sa me pintuan to check the escort card they have. And sakto kasi whatever escort card na naiwan samin ay yun din yun number na 100 less guests arrive..

Me mga napaupo naman kami mga 4 ata na wala talaga sa listahan. pero as consulted naman that with the couple..

Amber424

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #25 on: March 15, 2012, 01:17:40 am »
Worst wedding i have ever seen was yung wedding ng pinsan ko kung saan isa ako sa mga ss.3 kami magpipinsan na girls na mga ss pagkatapos nmin mg make up at magbihis ng gown eh iniwan na pala kami ng sasakyan papuntang church at hindi na kmi binalikan.so in other words hindi rin kmi naka pag abay.galit na galit sa amin yung  bride (asawa ng pinsan ko) bakit daw hindi kmi pumunta sa church.sabi naman namin alanhan naman mglakad kami palabas ng subdivision at sumakay ng jeep ng naka gown?!?nakakaloka lahat pumalpak ng araw na yon pati marriage nila ngayon palpak din

chubbycheeks17

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #26 on: March 20, 2012, 12:47:19 pm »
^ awwww... may wc ba sila sis? if yes, that should not have been missed if properly managed ng wc nila.

Staying_me

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #27 on: March 20, 2012, 05:37:45 pm »
yung wedding ng sister ko was a bit disastrous
sobrang naaawa nga ako sa sister ko kasi big day nya dapat yun saka pinaghandaan namin yun, nagkanda paso paso pa nga ako glue gun sa paggawa ng souvenirs kaso nga lang medyo hindi sinuwerte eto yung mga nangyari
nalate sya ng dating sa lourdes church (tagaytay), yung pari pala dun masungit, nung wala pa yung bride pilit nyang pinapalakad na ang entourage, pede ba yun? wala pa nga ang bride e, ilang minuto lang naman nalate yun ha hindi naman oras
walang flowers sa simbahan, walang kaayos ayos, yung caterer kasi ang in-charge doon, hindi na nila naasikaso yung mga flowers pati yung flower na dapat nakalagay sa bridal car hindi naikabit.
since mainit na nga ang ulo ng pari kasi late ang bride, wala na sya sa mood during the whole ceremony, ang dami nyang ki-nut, wala yung mga readings, yung isang pinsan ko nga bumili pa ng bagong damit kasi nga magbabasa sya kaso hindi naman sya pinabasa ng pari, nilaktawan na ng pari yung mga part na yun
sa reception naman, nasa open ang venue, kaso biglang umulan, though mahina lang naman kaso
syempre nagkagulo na yung mga tao
yung back up na maliit na parang conference room, ang usapan with the caterer e gagawing reception area in case na umulan nga, kaso hindi naman nila naayos, as in mukang tambakan kasi ginawa nilang lalagyan ng mga gamit nila

hayss
wala silang wedding coordinator e di naman namin alam na magiging ganun yung kakalabasan
naaawa nga ako s sister ko pero blessed naman ngayon ang family nila

natatakot tuloy ako sa wedding ko, nanghihinayang kasi ako sa ibabayad sa wedding coordinator kaya bibigyan ko na lang ng task ang mga abay ko since mga sister and cousins ko rin naman sila

at isa pa big help itong GT ang dami ko natututunan, siguro kung  may GT na noong kinasal ang sister ko, siguro naging maayos pa yun

chaze

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #28 on: March 20, 2012, 06:12:51 pm »
^bakit naman ganun yung pari? nakakatakot tuloy ma-late sa wedding ko... baka mainitin din ulo ng paring makuha namin... :P

Pero atleast happy naman ang sister mo ngyon sa married life nya... :)

nageinna

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #29 on: March 20, 2012, 07:11:03 pm »
^^yeah may ganoon talagang priest na strict talaga sa time :( one wedding i attended ganon din nalate si bride so nagstart na si priest wala na ngang march nun even for the ento. after ceremony na nagmarch pag labas ng church. though maganda naman sermon ni father talagang para sa couple. yun nga lang he was very particular with time.

chegzylan

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #30 on: March 29, 2012, 11:18:21 am »
Hmmm... Ano ba ang disaster sa wedding ko? wala naman masyado. Super happy ng majority ng guests. Ang reklamo lang na natanggap ko ay yun food at photobooth. hehe. May mga kamag-anak ako na nagalit sa WC kasi ang tagal daw ng food. Pero on time naman kasi dinner time naman talaga ang reception. Ewan ko sa mga yun. Nabadtrip pa ako kasi may papers kasi ako nilagay per table para dun na lang isulat ang messages nila kasi ayoko pasulatan yun Guestbook. nanghihinayang ako. Kamusta naman na ang message ni kamag-anak ay ganito:

Congrats! Tagal ng food niyo.

Hay! binasa ko pa naman lahat ng messages pagkauwi namin ni hubby. Buti hindi ko talaga ginamit ang guestbook at baka maitapon ko ng wala sa oras. hehe. Panira lang ng mood.

Sa photobooth naman, ang tagal daw kasi. 15secs ang interval per shot. hindi tuloy nasulit at madami ang hindi nakapagpakuha. Sabi pa ni WC eh nagmamadali pa daw yun photobooth sa pag-uwi. kamusta naman ang 56sets lang for 3hours na rent namin di ba? Kinausap ko yun may-ari ng photobooth at sinabi ko nga na hindi satisfied ang mga guests. Sabi nila yun daw standard nila. Sa dami ng beses nagpaphotobooth ako, 1st time ko naexperience ang 15secs na interval at tagal pa nga daw ng printing. Mga kilala din sa industry yun natry ko before at super satisfied kami. Partida tatlo pa sila dun pero wala nag-aayos ng pila at mabagal ang service. Tinamad na tuloy yun iba kasi ang haba ng pila. Ok lang sana kung konti lang ang nagreklamo. Pero kalahati ng guests ay yun ang feedback sa amin.

Isang set lang din ang kuha namin ni hubby. As in kami ang huli. Masabi lang na may kuha kami. Kasi nagsabi ako dun sa may-ari kung pwede extend kahit 10mins lang kasi madami ang gusto pakuha kasama kami ni hubby. ang sabi eh, magpa-extend kayo ng time? meaning may bayad kung magextend. eh may mga stop time naman during event kasi nga pinapatigil ni emcee para may makikinig during program. Parang sa akin, a little consideration kasi hindi naman fully utilize ang 3hours na yun. Ewan ko. basta dun ako nabadtrip during our wedding.
« Last Edit: March 29, 2012, 01:44:41 pm by chegzylan »

augbride

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #31 on: March 29, 2012, 01:22:59 pm »
kamusta naman yung 'Congrats! ang tagal ng food nyo!' arghh! pag ako nakatanggap ng ganyan sa wedding ko, susugurin ko yang nag-message na yan at ipapaluwa ko lahat ng kinain nya! arrghhhh!

whitelady17

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #32 on: March 29, 2012, 01:28:10 pm »
shoot sis, kung ako naka basa niyan baka sinugod ko na iyan, thick face hah!

chubbycheeks17

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #33 on: March 29, 2012, 01:48:42 pm »
chegzylan - umattitude ng bongga naman yun, sis! badtrip! sana hindi na lang siya umattend. obviously, food lang ang habol! kainis!  >:(

chegzylan

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #34 on: March 29, 2012, 01:55:56 pm »
hay... kaya nga kinabukasan nun tumawag ako kay mommy at sinabi ko yun, sabi na lang na hayaan na lang. Ang sabi ko kay mom, ininvite ko sila hindi dahil sa kainan yun, dahil sa kasal ko yun. sabi baka daw hindi nakakain bago nag-punta ng venue. Eh obvious naman dinner time ang reception kasi 4PM ang start ng ceremony at same venue event kami. hindi na nga matagal yun kung tutuusin kasi mga 5:30PM start na ng program. Saka pwede naman sabihin in a nice way di ba?

Anyway, super happy naman ako sa outcome ng wedding namin. Lalo na at madaming ngtext sa akin para sabihin na maganda ang wedding at super fun. hehe. Sabi pa nun mga taga Bulacan na kamag-anak ni hubby, 1st time nila umattend ng pang-mayaman na kasal. hehe. Eh budgeted wedding lang naman kami. :)

At isang pasalamat ko pa ay hindi nag-ulan nun sunday. Thank God talaga at natapos ang kasal namin ng maayos.

piatos

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #35 on: March 29, 2012, 02:14:15 pm »
^oh my! ang bastos nyan obvious na pagkain lang ang habol..

ishopnowfeelguiltylater

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #36 on: March 29, 2012, 02:17:45 pm »
wow panira ng araw naman yun. anyway wag mo na isipin yun. di mo na problema ang pagiging rude niya. haha isipin mo na lang how happy you were that day tsaka some of your guests are actually happy for you. congrats sis!

chegzylan

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #37 on: March 29, 2012, 02:39:36 pm »
@sis augbride whitelady17 chubbycheeks17 piatos ishopnowfeelguiltylater kabadtrip di ba? Pwede naman niya sabihin sa WC na gutom na yun bata at kung pwede makahingi na ng food. At sana kinausap na lang nila ako. Hindi yun makakabasa ako ng ganun. Balak ko kasi icollage yun mga messages or gawin scrapbook, ayun nawalan na ako ng gana. hehe. 

whitelady17

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #38 on: March 29, 2012, 02:45:02 pm »
sis hayaan mo na, meron at meron talagang mga walang manners sa mga social gatherings na ganyan, baka feeling niya eh nasa eat all you can buffet siya na libre reklamador pa!  or next time sis, don't invite him/her na lang kiber sa connection mo sa kaniya. panira ng moment eh

AltaVida

  • Guest
Re: Worse wedding you experienced/seen (Part 2)
« Reply #39 on: March 29, 2012, 02:49:17 pm »
sis chegzylan - imbyerna to the max yang bisita mo ha!!! kung alam mo lang sana, hinuli mo silang bigyan ng food, pang-asar lang di ba? hehe

yung dad ko naman nag-ninong sa kasal ng kapitbahay namin.. pagdating sa bahay naghahanap ng food.. kasi hindi raw sila nakaka-kain dun... 100 lang ang pinareserve - mukhang 300 daw yung andun!!! sa resort yung reception.. yung mga iba daw bisita naka sandong pambasketball at slippers lang... parang nagkayayaan lang "uy kasal ng kapit bahay natin, sumugod tayo dun!" marami daw kasi yung partida ng babae.. yung groom yung kilala namin...

tapos yung isa daw ninang, yung food na hinahain sa table ng PS, kinukuha niya at nililipat sa kabilang table kung san andun ang mga kasama niya... kaloka lang! kaya ayun yung mga PS hindi nakakain ng maayos.. minumura pa daw ng iba yung mga waiters kasi walang food.. hindi naman kasalanan ng waiter na maubos ang pagkain dahil sumugod ang buong barangay sa kasalan di ba... naawa yung dad ko, binigyan na lang daw niya ng tip yung nagsserve sa table nila...

 

Latest Stories

Load More Stories
Close