watch now

Author Topic: do you believe in "usog"  (Read 53763 times)

akiteklea

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #40 on: March 09, 2013, 05:35:52 pm »
Medyo 50-50 ako sa usog, although nangyari na kay baby once. Dumating ninang ko dito, sumilip sa room ni baby, after nun iyak ng iyak magdamag, no cause talaga! Ayaw kumain, no poops, ayaw magburp, as in iyak lang ng iyak! Mabuti tumahan na nung umaga...
Kaya ngayon ang ginagawa namin, pag may visitors, rest muna sa sala ng mga 20mins before they can touch the baby and we make sure na suot ni baby yun corales niya (chinese belief) and isa pang small red anting anting oinned on the back of her cloth (i dont know whats inside, sa lola ko pa yun) with small mama mary medallion. Pag lumalabas naman, we put red lipstick on her forehead, para taga salo daw ng usog, meaning, yun ang unang babatiin imbis na si baby...

Madelskie

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #41 on: March 09, 2013, 07:24:50 pm »
I am a Born Again Christian. We believe in usog, kasi para cyang form of evil. My son is only almost 2 weeks old. Since hindi nga kami Catholic, walang lipstick sa noo, the bracelet or the red thing na kinakabit sa damit ng bata. With all due respect, kanya-kanya naman tayo ng faith natin. Every morning, while bathing my baby, nag-utter ako ng prayers. Lord please keep my baby healthy, keep him away from sickness ad may he grew up to be a God fearing individual, in Jesus' mighty name. Cover him by Your most precious blood. I do the same thing at night, while he's sleeping. Hindi pa rin cya nade-dedicate (our binyag). Since usog pwedeng galing sa tao or some form of evil spirits, laging sinasabi sa akin na i-rebuke ko. Whenever, someone will see him and will hold his hands or feet, sasabihin ng matatanda usually, pwera usog and then I will say in Jesus' name. :)

evilwoman

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #42 on: March 10, 2013, 08:12:15 am »
^with all due respect din, di catholic practice ang lipstick,wearing bracelets and the likes. Pinoy pamahiin sya. ;)

akiteklea

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #43 on: March 10, 2013, 01:17:00 pm »
^and chinese too! Ü

carxs

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #44 on: March 10, 2013, 08:31:17 pm »
Before hindi ako naniniwala kasi ni hindi pa naman ako nakakita or naka-experience ng usog. I started to believe lang nung na-usog na yun baby ko. Actually nung una talaga nakikipag-debate pa ako sa mother in law ko kasi nga di talaga ko naniniwala. We came kasi from Tagaytay with my tita then super tired kami when we got home, yun tita ko pagod talaga sya so she left na rin after nya kaming ihatid sa house. After an hour biglang nilagnat si baby, first i thought dahil lang sa pagod so pina-inum ko sya ng paracetamol, and the usual pag-aalaga kapag nagkakalagnat sya. mag-3 days nya hindi pa rin sya gumagaling at pasulpot sulpot yun lagnat nya, sabi ng mother in law ko na ipahilot namin, so she called their manghihilot, the said na may pilay nga daw sya e I remember my son was playing the whole day with his cousins and syempre kung anung makita ginagaya :) So ayun in a while wala nanaman yun lagnat.. hindi nakampante si mother in law, so asked me to buy 2 candles kasi ipapatawas daw namin si baby. Ayun para wala ng debate pumayag na ako.. Nung nandun na kami ayun sabi nga na may naka-usog sa anak ko at matandang babae, then inistruct lang ako kung anung gagawin ko dun sa tinunaw na candle. After that naging ok na si baby.. inobserve ko yun for 3 days, ayun naging ok na sya. :)

iamwithname

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #45 on: March 12, 2013, 10:56:27 am »
I have tried so many times to post my son's story pero di ko ba alam laging nag si-sytem error!

@sis ava_garde soige I'll try to post this time!

Napansin kasi namin ang OA ng pagiging magugulatin ng baby ko kahit ihip lang ng hangin naugulat sya tapos iyak sya ng iyak, hindi makatulog ng maayos at ayaw magpalapag sa higaan. Last week of Jan. that was Friday, I noticed na may tumubo sa baba ng anak ko I thought na kagat lang ng lamok pero nagtaka ako kasi nagtutubig sya so alam ko na, may something but I ignored it. Natuyo sy kinabukasan pero may tumubo ulit hanggang sa nung Sunday na, nakakapagtaka kasi biglang tumahimik si baby tapos ang himbing ng tulog. Pero hindi sya nanghihingi ng milk sa akin for 5 hours, poker face din sya matulog kaya akala ni mama na-Usog so hinampas hampas ng malunggay pero walang nangyari. Sabi nung kapitbahay namin ipatawas daw sinamahan nya si mama. Pangalan lang binigay nila sa nagtawas kasi gabi na yun eh. Sabi nung matanda may nakayakap daw sa anak ko pero hindi nya exactly madetermine kung ano or sino. Binigyan nya ng pangontra and after an hour naging masigla na sya so akala namin ok na anak ko.

After a week, first week ng March FRIDAY ulot nangyari, akala ko bungang araw lang yung tumutubo sa face ng anak ko at may sinat sya after namin sya paliguan. inobserve ko lang si baby til night tumaas yung lagnat nya natakot kami kasi super red ng face nya pero sa body naman wala. Iyak talaga sya ng iyak simula ng araw na to di nanaman sya nagpatulog as in magdamag kami naghehele para lang maka idlep sya kahit pano. Akala namin ni mama allergy lang. Pero simula ng araw na to lagi ako dumudungaw sa bintana namin kasi feeling ko may nakatitig sa anak ko. Kapag umiiyak si baby parang iba yung mata nya. Saturday pnatingin ko sya sa Dr. may ininject sakanya so kumalama sabi nga allergy daw. Pero lumalala yung face nya parang nag ddry yung paligid ng bibig ni baby mukang bibig na ng matatanda na kulubot. Sabi ko nga parang matandang puno eh. Ayun kinabukasan lumala pa, gusto kong ipa admit sa hospital anak ko kasi nagmumuka syang maligno sabi nung kapitbahay ipatawas muna e nagalit ate ko sabi nya wag daw ako nagpapaniwala sa ganun kaya tinakbo namin sa world citi I was so surprised when the dr. said wala syang magagawa sa anak ko kundi resetahan [textspeak!] para sa balat. I was so hopeless kasi wala ng voice anak ko and it was like he was about to die! dumaan yung lunes parang nilapnos na katawan ng anak ko. til tuesday dinala ng kapitbahay namin yung tiya nya na manggagamot. She talked to me and said "balewala ang gagawin ko kung hindi buo ang paniniwala mo" I believe in those things but my sister didn't. para kasing inuupos na kandila nlng anak ko til  tinawas nya anak ko nabalot kami ng takot ng sinabi nya laging nkadungaw sa amin yung kapre sa puno at 3 kaluluwa nakakapit sa anak ko. I was shocked nung nagshape yung tawas na baby at may mga puno sabi kc ng healer kukunin nila anak ko kaya kailangan namion mag alay ng mga itim na manok. Dinasalan nya ang bahay namin at and anak ko after she left our house mahimbing ng nakatulog anak ko at masigla na kinabukasan. nakapag alay kami thursday na kc sa province p kmi nakakuha ng mga manok. I talked to my sister kung hindi sya naniniwala wag nya nlng kontrahin pero nakita ko natakot din talaga sya kasi kaya nagkaganun yung face ni baby yun pla itsura nung kapre. We tried to take a picture of him pero ayaaw macapture khit anong cam ang gamitin namin. nakuhana lang namin sya nung half healed na face nya... after a few days nagpabinyag agad ko kasi I almost lost him.

Heto pa, after a week, since hindi naniniwala sis ko, sa anak nya naman lumipat kaya super taranta sya.

m_lim

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #46 on: March 12, 2013, 11:03:05 am »
^nakakatakot naman yan!

iamwithname

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #47 on: March 12, 2013, 03:24:16 pm »
Scary talaga sis! I just remember nung naglilihi kasi ako sinusungkit ko yung duhat sa puno sakto lang kasi yung puno sa terrace namin eh. Pero dapat pala hindi nilalabas ang baby ng walang pangontra sa Bati at usog at walang krus sa noo at talampakan. Hindi ko kasi ginawa yung krus though may pangontra naman baby ko di pala sapat yung nabibili lang sa church. Kaya binigyan ng anting2 nung healer yung anak ko... Sabi sakin nung healer, wag daw iiwan si baby na mag-isa kasi nga dun maglalapitan mga evil spirits, tapos wag paiiyakin ng malakas at matagal kasi dun naba-bati ang mga bata. 

cerelina

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #48 on: March 12, 2013, 04:12:17 pm »
^how old was your baby when this happened?

iamwithname

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #49 on: March 12, 2013, 05:49:23 pm »
1month pa lang sis.

Shadow Angel

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #50 on: March 12, 2013, 06:17:47 pm »
I believe nasa bible pati ang bati or usog... Si mom ko ilang beses na alam nyo yun namimilit sa sakitng tyan minsan naman sobrang lagnat o kaya masobang nahihilo ag masakit ang ulo...tapos saliva lang pala katapat parang kasing kadiri hehe siempre ako kasi hesitant kasi naman laway ng ibang tao buti sana kung malinis eiww pero si mom walang paki basta gumaling after half hour parang nagdahilan lang...

ava_garde

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #51 on: March 14, 2013, 06:47:02 pm »
^^ aaww... so scary sis. Pero ang mas nakakatakot is yun parang wala ka magawa. When you run out of options sa mga scientific or logical solutions, mapapaniwala ka talaga sa mga ganito. Thank God your baby was healed.

micci

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #52 on: March 15, 2013, 11:07:45 pm »
sis iamwithname,scary nga yung nangyari sa baby mo,thankfully ok na sya ngayon..how old is he now?wala ng nagpaparamdam?may mga bagay talagang hindi kayang i-explain ng science..

iamwithname

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #53 on: March 16, 2013, 05:08:59 pm »
^mag 3mos. pa lang sya this 23rd sis. grabe nga eh, everytime na ilalabas ko c baby lagi ko sinasabi sa puno "pwera bati, pwera usog" kasi yung puno agad ang view dito sa amin. Saka kapag nilalabas namin si baby at pinapasyal lagi namin pinakukuluan yung damit na ginamit nya para siguradong walang usog. Siguro naman hindi na sya guguluhin ulit kasi anting anting na yung pangontra ng baby ko eh ewan q na lang kung makalapit pa sila!

iamwithname

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #54 on: March 16, 2013, 05:16:46 pm »
Share ko lang pala mga sis, every Tuesdays and Fridays malalakas ang mga evil spirits kaya para sa protection ni baby lagyan nyo ng red lipstick kahit mga talampakan nya lang para hindi sila makapitan ng evil spirits......

pinkpotato

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #55 on: March 28, 2013, 01:43:04 pm »
nope. my child is covered by the blood of Christ.

who and what can be more powerful than that?  8)

ava_garde

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #56 on: March 29, 2013, 03:08:37 pm »
^pinkpotato. How did you do that?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close