watch now

Author Topic: do you believe in "usog"  (Read 53760 times)

beatrize zuri

  • Guest
do you believe in "usog"
« on: February 03, 2012, 04:32:34 am »
yung pamangkin kong 1 yo last week lang super suka and poop niya, 3 days na siyang ganon and according to my sil sabi daw ng doctor is dahil daw yon sa panahon, walang binigay na gamot yung doctor pedialite lang for replacement ng fluid na nawala sa kanya, after check up ganon pa rin siya, hanggang sa kinonvince na ni mil si sil na dalhin sa doctor quack quack baka daw kasi nausog, ang ending nausog nga daw yung pamangkin ko nabati daw ng buntis after non may pinalagay lang sa unan nung pamangkin ko pag mamatulog siya, ito yung patak ng kandila, kinabukasan hindi na siya nagsusuka at nag popoop  ::)
 
as for my dau naman hindi pa naman to nangyayari pero, alam naman natin ang mga kasabihan ng matatanda meron talagang mga bagay na mahirap iexplain pero kapani paniwala...

momai

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #1 on: February 03, 2012, 09:34:25 am »
ako naniniwala din sa usog. wala naman mawawala eh. pero kami ang ginagawa namin pag sa tingin namin na nausog ang bata, pinapakuluan namin yugn hinubad niyang damit. kung nag mall kami tapos pag uwi namin ay di na mapakali, iyak ng iyak, papakuluan namin yung suot niyang damit nung nag mall kami. effective naman, nagiging okay siya. makakatulog na siya.

mahirap nga explain kung bakit ganun pero nagiging okay talaga yung bata after mapakuluan ang damit. tried and tested ko na sa 2 anak ko. :)

princessrio

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #2 on: February 03, 2012, 09:40:07 am »
yung tito ko ganyan. lakas mang-usog! sobrang nakyutan sa pamangkin ko, nausog nya. we have to go back all the way to quezon para lang malawayan at matanggal ang pagkakausog. after non, biglang naging ok yung pamangkin ko.

evilwoman

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #3 on: February 03, 2012, 09:45:36 am »
medyo lang dati pero nung nausog ang anak ko, naniwala na akong tunay. 2 days sya noon na lagi umiiyak at di halos makatulog sa gabi. nung pangalawang gabi, sobrang awa ng nanay at tatay ko (hating gabi na),naisipang dalhin sa family friend na hilot. tapos pinagrecite nya yung nanay ko ng names ng mga lalaki na malapit sa amin. sinabi nya kung sino dun yung naka usog.pagdating na pagdating namin sa bahay, kahit madaling araw na, kinatok namin yung kapitbahay (buti na lang nagmmovie marathon pa nung oras na yun). pinalawayan yung tyan ng anak ko then after nun, nagsmile sa kanya ang anak ko then biglang natulog. parang walang nangyari. mula nun, lagi nang may suot na "anting" ang anak ko esp pag lalabas. yung pula na square na may lamang buto yata ng halaman tapos icclip sa damit. kahit pupunta kami sa pedia (may mga doktor kasing kontrabida dyan), suot pa din nya. buti na lang yung pedia namin ngayon, di nakikialam sa ganyan. :)

ria_gelai

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #4 on: February 05, 2012, 10:13:23 pm »
sis ako naniniwala ako sa mga usog/bati, according sa manghihilot sa may amin, batiin daw anak ko, kaya pag nilagnat or parang balisa anak ko pinapatawas ko sa kanya pero tawas lang yung sa kandila hindi ko pinahihilot kasi baka mabigat ang kamay eh at the same time dinadala ko din sa pedia for proper medication...yung mga hilot wala naman mawawala kung maininiwala eh as long as hindi nasasaktan ang mga anak natin sa ginagawa nila oks sya sa ming mag asawa...nirecommend din nya na maglagay ng medallion of st.benedict (patron ng mga nasasaniban at kung ano-ano pang extraordinary beliefs) together with red cloth na may salt sa loob...and tama ibang sisses natin pag umalis pakuluan yung pinagdamitan...

sky_butterfly17

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #5 on: February 06, 2012, 08:38:07 pm »
ano ba pang kontra usog?

evilwoman

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #6 on: February 07, 2012, 08:48:06 am »
ito yung mga napulot ko sa mga oldies/kapitbahay/officemates:
1. if gutom or galing ka sa init/arawan, wag babatiin ang bata.
2. if nabati ang bata, lawayan sa tyan or paa.
3. kabit ng "anting" like yung pula na small pouch(?) na may seeds sa loob or yung bracelet na bilog-bilog na black at red yata color - nabibili sa palengke
4. sulatan ng cross ang noo ng bata using pulang lipstick (mas applicable daw sa batang di pa nabibinyagan)

wag mo na lang paexplain sa akin kung paano makakakontra mga yan.di ko din alam kasi. :)

ishko

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #7 on: February 07, 2012, 09:10:42 am »
^si baby ko, more than 1 month pa lang siya, binati ng sis ko.. e gutom pala siya... hindi na makatulog at sobrang iyak na buong magdamag, hangga 2 am na iyak pa din siya, hindi naman siya iyakin talaga at napakasarap nyang matulog, then nagising ang sis ko at kinarga nya si baby at hinimas sa ulo.. biglang tumigil si baby at natulog na...

hindi ako naniniwala dati jan sa usog, pero sa nangyari kay baby, parang totoo

yung hinubad na damit ni baby ay pwede rin daw papakuluan lalo na kung malayo ang tao na nakausog.. sabi yan ng mga matatanda sa amin

marose17

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #8 on: February 07, 2012, 09:22:34 am »
I never believed in usog and most superstitions. As far as I know, hindi pa nauusog ang mga anak ko.

ria_gelai

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #9 on: February 09, 2012, 01:02:01 am »
add ko din to kontra usog, pag daw parang mejo paranoid ka na nausog baby mo kasi balisa or di mapakali, kahit ikaw mommy pwede mo sya lawayan sa tyan then say a little prayer, kasi nga naman san mo naman hahanapin ang nakabati kay baby di ba...sabi yan ng nagtatawas sa baby ko...

evilwoman

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #10 on: February 09, 2012, 08:48:35 am »
pwede naman pala pakulo or iba lalaway..yung kapitbahay namin, nausog ang anak. kung saan-saang hospital nakarating. from probinsya, dumayo pa ng pgh then yung lola, nagpakasneaky (di kasi naniniwala ang nanay ng bata sa usog) nagpatawag ng hilot tapos yun. nausog daw. tinuro yung kamaganak nilang taga malayo. ang ginawa daw, pinuntahan si relative then nagpadala ng laway (eeewww i know). nung napahiran ang bata, bigla daw gumaling. umuwi na din kinabukasan to think na inabot din ng weeks na maysakit ang bata. believer na ngayon ang nanay nya.

sa youngest sister ko naman tanda ko, nausog ng friend ng tatay ko. nung pinuntahan nila, ayaw talaga lawayan ang sister ko. ang ginawa daw, kinuha yung baso na pinaginuman nung nakausog. gumaling din yung bunso namin tapos tampo to the max ang tatay ko sa friend nya.

marose17

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #11 on: February 09, 2012, 10:20:43 am »
I will never wipe saliva on my kids' forehead.  That is just gross and unhygienic.  The germs!!!

hazelbrown_eyes27

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #12 on: February 18, 2012, 12:50:53 am »
I dont believe in Usog usog thing. I dont see the connection of  putting saliva on a baby. Saliva is dirty and full of germs. Paano kung may sira ang ngipin ng lumaway sa anak niyo? Baka maimpeksion pa lalo. I just find it  weird.

m_lim

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #13 on: July 28, 2012, 05:54:56 pm »
Bakit sa ibang bansa wala naman atang usog??

iristacey

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #14 on: July 29, 2012, 02:11:27 pm »
On the lighter side, ano ba ang english translation ng usog? yung officemate ko kasi may bumati na foreigner sa anak niya. naisip niya daw sabihin is “don't move”. hahaha...

partly hondi/partly oo naniniwala ako but i dont put any anting kay baby. i just say 'pwera bati or pwera usog.'

caprice

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #15 on: July 30, 2012, 08:55:04 am »
neutral ako sa usog. hindi kasi kami lumaking superstitious kahit na sa province lumaki mama at papa namin. si husband hindi naniniwala. wag na wag ko daw palalawayan si baby kahit kanino. baka daw kung anong sakit pa ang makuha.

dati kasi may mineet kaming officemate sa greenbelt. may inabot lang ako tapos naghiwalay na rin kami agad. biglang nagtext si officemate kung nasa greenbelt pa rin daw ba kami kasi mukhang nausog ko daw sya. kasi sumakit lang daw tyan nya nung mineet namin sya. so pinuntahan nya kami sa resto at nagpalaway sa akin. e hindi ko alam pano gagawin. sabi nya lagyan ko lang daw ng laway yung finger ko tapos touch ko sa tummy nya. nung naghiwalay na ulit kami, text si officemate na nausog ko nga daw sya kasi wala na sakit ng tyan nya. ???  sabi ni hubby, ano ba naman yang friend mo. sabi ko bayaan mo na, hindi ko naman talaga nilagyan ng laway finger ko. ;D at ngayon ko lang naisip habang tinatype ko ito, pano nya nalaman na ako yung nakausog sa kanya? bakit hindi si husband? e binati din sya ni husband nung nag-meet kami. at saka araw-araw ko naman syang binabati sa ofc. ;D at 27yo na sya nun kaya ang weird akala namin sa bata lang ang usog.     

pumngold

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #16 on: July 30, 2012, 12:01:15 pm »
ako i dont believe in usog too! it is unhygeinic to put laway on your baby's forehead.

evilwoman

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #17 on: July 30, 2012, 04:11:53 pm »
pasintabi mga sis. i was looking for the post na nagsasabi na maglagay ng laway sa noo ng baby pero wala akong nakita. closest na yung post ko kasi may binanggit na noo. clarification lang, what i said is i-mark ng lipstick ang noo ng bata. hindi lalawnyan. :)

sa mga di naniniwala, good for you. sana walang mangyaring makapagpaniwala sa inyo para di na kami madagdagan at kami-kami na lang na mapapamahiin ang magpapasahan ng germs.  ;)

jhenpretty

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #18 on: July 30, 2012, 04:56:52 pm »
Hindi ako naniniwala sa usog. Parang wala kasi explanation about it kaya hindi ako naniniwala dun.. ^_^

bettyboop1322

  • Guest
Re: do you believe in "usog"
« Reply #19 on: July 30, 2012, 05:25:26 pm »
me too! di ako naniniwala sa usog, di ko pa yan naexperience sa 2 sons ko.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close