Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)  (Read 144510 times)

babykat

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #400 on: June 17, 2012, 08:47:58 pm »
^kung di sya kabit, ano tawag nya sa sarili nya?

jhandee

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #401 on: June 18, 2012, 06:48:47 am »
^kung di sya kabit, ano tawag nya sa sarili nya?


baka feeling nya sis lesser evil yung ginagawa nya kasi yun na yung mindset nya na di sya kabit kasi ang alam nya di na ok yung mag asawa...ewan ko ba sis, mahirap paliwanagan ang taong sarado na ang utak :-\

babykat

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #402 on: June 18, 2012, 08:11:58 am »
^ oo nga sis, pinakamahirap yung mga taong ayaw makinig at ayaw makita ang totoo.  Yung iba, kabit na nga, sila pa yung nagagalit kapag sinasabihan na kabit sila.  Sana man lang, mahiya naman at wag na gamitin pa yung wife sa pagpunta nya abroad. At yung husband at pamilya nya, tubuan din ng hiya.  At yung wife, sana magising na sa katotohanan.  Para kasing sobrang nagpapakatanga naman sya.

i_v_y

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #403 on: June 19, 2012, 11:41:50 pm »
It's been years since nahuli ko hubby ko, we are still together but every now and then I secretly do my "rounds" (a.k.a fishing, spying, etc) kasi parang di ko pa naleletgo ang nangyari. Di ko na sya nahuli ulit, so it's either tumino na sya or gumaling lang stealth abilities nya  :P

As usual it happened sa BPO..grrr..I work with BPO din pero never ako nagkaroon ng extra curricular. Kusa nagresign hubby ko after I caught both of them, nagvolunteer maging househusband at nagpa-alipin mode sya for nearly 4 years - kinalimutan na nya pride nya and all.

Ang tanong ko lang, is this enough for me to trust this person given na sincere yung apology nya at nagbago naman sya? I'm so scared to get hurt again, parang di ko ata kakayanin if ever magkaroon ulit sya ng kabit.

ikaw makakapagsabi nyan kung talagan nagremorse and nagreform si hubb sis. kung nakikita mo naman, pray that the Lord will restore what is lost. That is my prayer too. Super paranoid din ako but we need to give our husband a chance. Naririndi din yang mga yan sa mga distrust naten.

jenybasti

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #404 on: June 20, 2012, 12:28:49 am »
^ yan nga talaga mahirap once na nahuli mo nagkaron ng kabit tapos manghihingi ng tawad.kagabi lang din nag sorry at nag promise nanaman si partner na makikipaghiwalay na sya sa kabit nya.siguro mga pangatlong beses na to.pero that time nakaharap na yung 2 anak namin.lalo yung son namin na 10 yrs old na.sya mismo nagtatanong sa papa nya.ang pinag pepray ko na lang eh sana this time totoo na.ang hirap lang kasi nasa abroad sila parehas.tapos ako nandito.baka mamaya galingan nya lang pagtago.sumasakit na nga ulo ko kakaisip.saka sabi nya kung ano man daw yung mga nabasa at narinig ko na usapan nila ng kabit nya eh wala lang daw yun.hay sana talaga tumigil na sila..

kikaygimikera

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #405 on: June 21, 2012, 03:16:33 am »
Hi girls, nakita ko lang sa Page 20 na someone is requesting a sis kung meron bang husband na pinili ang other woman: well, thats me! :)

My ex-husband and I were BF-GF since 2nd year in highschool. After 4 years, I was still in college when I got pregnant. Tapos nagpakasal kami after 2 years na din when I turned 21 years old. I was with my highschool BF for so long, maraming hanga pa samin dahil kami talaga ang nag end up together. We have a house of our own pa nga.

Things changed nung nag start na siya magwork sa barko. Things change, people change. We changed. Yung ex husband ko, may nakatrabahong girl sa bar (bartender kasi si ex) tapos I felt na lang na somehow, he's not the same as he used to be. Tapos yung last alis nya na 9 months contract, nakilala niya yung girl, he rarely calls (w/c I didnt mind) tapos nung paguwi niya, there's no more s3x, so nakahalata na ako. Gustong gusto niyang umaalis ako with my sister. Nahuli ko na lang sa Globe bill niya may number siyang tinatawagan. Eh sa akin kase nakapangalan yung number na yun eh. Tapos nung nabangga ng friend niya yung car ng mom ko, imbis na siya ang mag asikaso, he didnt help at all. Yun pala dumerecho sa kabit niya. Nawala na rin ang love ko somehow sa kanya. Siguro dahil hindi ganun ka stable yung marriage namin. So, I called the kabit and told her kanya na ang ex husband ko. At wag na wag na nyang ibabalik sa akin. Isama na din niya sa package ang inlaws ko.

The other woman still contacts me and keeps on sending me prank text messages. ^_^ I always reply naman sinasabi ko, I dont know my ex husband's number anymore but the last time he texted me, he used this number... :D Para malaman niya na we still talk. :P Inaasar ko lang naman!

Siguro di siya makapaniwala na walang lumaban sa kanya. Ganyan kasi ang mga kabit, they get satisfied pag may naagawan silang babae. Sorry, binigay ko sa kanya si ex hubby. :D

Ayun, ngayon, they live in our house na daw. I dont care. I am in a happier place now. ;)

zee87

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #406 on: June 21, 2012, 05:38:30 am »
^like your post sis! :D

In my case... naglolokohan kame ng mga "In-laws" kong hilaw. They were saying na mukhang ipinagpapasalamat pa daw ng ex-wife ni partner na nagkahiwalay sila and malamang she's celebrating the day that he left his family.

I can see na the ex-wife is having fun with her life right now... though ang problem kasi napapabayaan ang anak nila. Every weekend  kasi nasa bahay yung bata. Todo ang effort ko to show her na kahit ganun yung nangyari sa family niya, pwede pa rin siyang maging masaya.

It turns out, di pala siya masaya kahit todo effort ako na ipakita sa kanya na tinuturing ko na rin siyang anak. Di naman niya sinabi straight to my face. nakakalungkot lang talaga the fact na kahit na anong effort gawin ko, dun pa rin yung fact na di kame mag-ina and hiwalay ang parents niya at kame ng daddy niya ang magkasama. 

zieaja

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #407 on: July 10, 2012, 02:27:55 am »
i just want to share sa story nang parents ni hubby sobrang t**** talaga ang nanay niya at ang kapal2x nang face ang kabit! sobrang nakakainit nang ulo, sad ako kasi until now kahit mag-asawa na kami ni hubby same scenario pa din ang nangyayari dito sa bahay. eto naman kasing si g**o na [textspeak!] ang kinabit kabilang kanto lang as in ilang bahay lang pagitan bahay na nila hubby at ang kinabit pa pokpok kaya super nakakainis talaga, eto story nila nang kabit ni [textspeak!] 2nd year HS palang si hubby may tumawag daw dito sa house nila at nagsumbong sa mama niya na may kabit papa niya at binahay ang kabit at ang tumawag pa ang katulong mismo nang dalawang hayop, grabe dito sa bahay nila mama niya nahihirapan sa house chores dahil same time may work pa tapos ang kabit may katulong pa? at one day nag LQ si kabit at si g**o ang ginawa ni kabit nagwala sa labas nang bahay nila hubby at binalik lahat nang gamit nila sa apartment ang kapal talaga nang kabit, at mula noon nagka sira sira na pamumuhay nila magulo as in magulo. at eto pa ang kapal din ni g**o dahil retired na ang ginagawa nag lo-loan siya umaabot almost 200k tapos magbibigay lang nang 5k kay MIL pambigas daw at the rest nang pera niya nasa kabit niya at dahil nga niloan niya pension niya wala na siyang pera na natataanggap monthly at ang nagpapakain sa kanya ang MIL ko super ga** kasi nang MIL ko super marter teh kahit harapharapan nang sinasaksak mabait pa din sa asawa niya, mas pipiliin pa niya si [textspeak!] kesa mga anak niya na kadugo niya. ang dami sa evidence di niya naman makasuhan dahil mahal niya. GRABE talaga sa TV ko lang ata nakikita tong ganitong palabas pero ngaun nakikita ko na siya personal. at ngayon mas lumala kasi inaangkin na ni [textspeak!] ang bahay nila kasi solsol talaga ang kabit na kesyo paalisin na daw kami lahat dito at sila ang titira? at si MIL wala lang parang wala lang no reaction at all. kaya ikaw nalang maiinis kasi sobrang baba at t**** ni MIL para bang pangit sa lahat nang pangit at di kaya ipaglaban karapatan niya at sa mga anak niya. kaya hubby ko ngayon mabigat iniisip ang kapal talaga nang mukha ayaw namin namin patulan ang kabit kasi kahit papano ayaw namin nang scandalo at di namin talaga sila ka-level. maswerte talaga ang kabit kayang bilhan nang wheels ni [textspeak!] samantalang mga anak niya di niya kayang bilhan. kainis talaga. habang ngttype ako mga sis ang sarap magmura talaga.  >:( >:( si MIL kasi hanggang ngayon pinagtatanggol ang magaling niyang asawa sarap talaga lagyan nang lason ang pagkain niya. ang kapal! eto pa pahabol ngretire na si MIL last month tapos syempre malaki makukuha na retirement si [textspeak!] bait baitan at nanghihingi nang share sa makukuha ni MIl san kayo nakakita nang taong ganito teh? at si MIL naman parang nag iisip na kung magkano iibigay niya sa g**o at we are all pretty sure na pag nabigyan si [textspeak!] sa kabit lang lahat mapupunta ok lang din naman kay MIl kasi mahal niya si g**o talagang sarap isumpa para kahit papano makaganti man lang si hubby ko. pasensya ang haba nang post ko teh summary na nga lang to e.hehe

dona626

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #408 on: July 10, 2012, 03:40:06 pm »
mga kabit talaga, lahat makakapal ang mukha... feelingera. Money suckers  >:( >:( yun lang naman ang kelangan nila pera. walang pinagka iba sa pokpok. Gagawin ang lahat para makapanira ng happy family. Sa mga may pinag dadaanang ganitong situation, just be strong and have faith in God, always pray.

happyfemme

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #409 on: July 10, 2012, 05:05:00 pm »
Ang masaklap pa, eh ang ibang kabit nagpapabuntis pa.

Pero kapag inagawan din sila ng lalake, eh nagagalit din!

Ang mga lalake naman, mukhang nageenjoy kapag pinag-aagawan sila ng kabit at ng asawa nila. Kagwapuhan talaga ni kuya.




mercibeaucoup

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #410 on: July 10, 2012, 07:42:52 pm »
^true, ang kapal ng mukha magpabuntis para lang sa pera. imagine paghihirapan nyo ipundar ng asawa mo makikihati pa anak nila sa mana! bumukaka lang naman pinuhunan nila.  >:(

sana may kulungan ng mga kabit. i'm sure mapupuno agad ang kulungan.


ullala

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #411 on: July 12, 2012, 12:04:02 am »
mga kabit talaga, lahat makakapal ang mukha... feelingera. Money suckers  >:( >:( yun lang naman ang kelangan nila pera. walang pinagka iba sa pokpok. Gagawin ang lahat para makapanira ng happy family. Sa mga may pinag dadaanang ganitong situation, just be strong and have faith in God, always pray.

Sis, I guess you went through some very difficult things in your life, but be careful with your generalizations.

mercibeaucoup

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #412 on: July 12, 2012, 01:35:12 pm »
mga sis, gusto ko lang mahuli si hubby. pwede bang humingi ng text history sa globe? ano mga kailangan nila at gaano katagl yun history na ma retrieve? TIA

mamapeew

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #413 on: July 12, 2012, 05:17:02 pm »
It took me a while to finish reading all the posts in both threads (kabit thread 1 & thread 2). Ang dami ko kasing natutunan dito. Dumating nga sa point na nagdududa din ako sa husband ko kasi nakakahawa mga stories na nabasa ko dito. Masyado kasing malihim asawa ko (dahil na rin sa trabaho nya). Pati nga phone nya may passcode. Pag tinatanong ko hubby ko, sumasama loob nya pag nag dududa ako. Sabi ko sa kanya, wag syang magalit pag nagtatanong ako. I don't need explanations. I only need assurance lalo na hindi kami masyado nagkikita. I felt insecure noon. Hindi na kasi kami madalas magkita, pag nagkita pa kami parang lagi syang may ibang iniisip. Kinausap ko sya mg masinsinan. Okay naman na ngayon (sana), pero minsan i can't help checking his fb.

mrs.S.

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #414 on: July 13, 2012, 12:33:13 pm »
I dont know if this the right place to ask, would you be wary of a new friend or new kakilala kung may history siya na nagiging kabit siya?

happyfemme

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #415 on: July 13, 2012, 03:04:27 pm »
mga sis, gusto ko lang mahuli si hubby. pwede bang humingi ng text history sa globe? ano mga kailangan nila at gaano katagl yun history na ma retrieve? TIA

Na try na ng friend ko yan sis, Globe wont divulge information kung hindi ikaw ang subscriber mismo. Kahit pa sabihin mong misis ka hindi sila magbibigya ng info.

Yung isa ding friend ko, nakuha naman ang number ng kabit. Tumawag sa globe para malaman kung saang area ang nasabing number. Pero wala ding nangyari.

Pero mabait si Lord, she was able to gather information through common friends, mutual friends and such.

Alam mo ba ang cell number sis? Or name niya?

It took me a while to finish reading all the posts in both threads (kabit thread 1 & thread 2). Ang dami ko kasing natutunan dito. Dumating nga sa point na nagdududa din ako sa husband ko kasi nakakahawa mga stories na nabasa ko dito. Masyado kasing malihim asawa ko (dahil na rin sa trabaho nya). Pati nga phone nya may passcode. Pag tinatanong ko hubby ko, sumasama loob nya pag nag dududa ako. Sabi ko sa kanya, wag syang magalit pag nagtatanong ako. I don't need explanations. I only need assurance lalo na hindi kami masyado nagkikita. I felt insecure noon. Hindi na kasi kami madalas magkita, pag nagkita pa kami parang lagi syang may ibang iniisip. Kinausap ko sya mg masinsinan. Okay naman na ngayon (sana), pero minsan i can't help checking his fb.

Same story with a friend of mine, may password pa ang cell ni mister. Kapag nag duda ka, tatawagin kang "praning" ni mister, with matching drama na you are having doubts on him. Hurt kuno si mister na hindi mo siya pinagkakatiwalaan. Siyempre ang wife na-guilty at pinagdududahan si mister, shrugging the "gut feeling". Ayun, dahil ayaw niyang tawagin siyang "praning" ni mister, hindi na niya pinagdudahan, kahit may kutob eh dead-ma nalang. So after a year, nagulantang si friend. Ang mister may anak sa ibang babae.

I dont know if this the right place to ask, would you be wary of a new friend or new kakilala kung may history siya na nagiging kabit siya?

Kung pinagsisishan naman niya sis ang past niya at pinilit niyang itama ang mali, i think you can offer her your friendship. Pero kung dedemonyohin ka lang at iimpluwensyahin ka lang ng pangangabit niya eh iwas ka nalang sis. Or perhap pagsabihan mo, malay mo ikaw ang angel na makakapag pabago sa kanya.  :)

^true, ang kapal ng mukha magpabuntis para lang sa pera. imagine paghihirapan nyo ipundar ng asawa mo makikihati pa anak nila sa mana! bumukaka lang naman pinuhunan nila. 

sana may kulungan ng mga kabit. i'm sure mapupuno agad ang kulungan.


Hindi ako familiar sa family code ngayon sis, but the "anak" of the kabit will be having the same share with the guy's "anak" sa legal wife ba? Iba pa rin ang tinatawag na sustento? Paano kung pinaghirapan ng dalawang mag-asawa yun? Natawa ako sis sa "kulungan ng mga kabit", hehe.




mamichula

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #416 on: July 13, 2012, 06:20:35 pm »
^true, ang kapal ng mukha magpabuntis para lang sa pera. imagine paghihirapan nyo ipundar ng asawa mo makikihati pa anak nila sa mana! bumukaka lang naman pinuhunan nila.  >:(

sana may kulungan ng mga kabit. i'm sure mapupuno agad ang kulungan.

This is what a friend told me. Ang anak sa labas daw kahit hindi legal na wife ang mommy nya ang hati sa mana kaparehas ng kids ng legal wife. Ang unfair diba? What if the legal wife helped save for the house and the properties? What id she worked her butt off para may maipundar so her kids would inherit some properties? Tapos mapupunta sa anak ng kabit ng asawa nya? Ang sad naman.

Msfi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #417 on: July 13, 2012, 07:07:10 pm »
^sa share lang naman nung husband may mana yung illegit na anak, while yung legit na anak ng mag-asawa may share sa parehas.

mamapeew

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #418 on: July 13, 2012, 09:09:26 pm »
^^ this is what i've learned before my dad passed away. Since may kapatid kami sa labas, lahat ng properties daw na nakapangalan sa daddy ko, kahati yung mga anak sa labas. Since anim kaming magkakapatid (legal), hati hati kaming anim sa kalahati ng property nya at yung dalawang anak sa labas hati dun sa kalahati. Di ba lugi??? So kaming mga legal na anak mas maliit pa share namin kasi anim kaming maghahati hati sa half ng properties ng daddy ko.

So ginawa ng mom ko when our house was renovated, pinangalan na sa kanya. Before my mom died, she made sure that everything was already transferred to our names para wala nang habol. Busog sila sa sustento when my dad was alive kaya masama talaga loob ng mom ko. Kaya ayaw din nya na hindi sa amin mapunta ang bahay kasi malaki ang share nya (and hindi rin naman ganun kalaki property namin). Buti nga pinalaki kaming may pinag aralan. Sabi ko kahit wala silang ipamana, basta lahat kami nakatapos at maayos buhay, we'd be fine.

Kaya mga husband na mambabae masakit na, pero pag nagkaanak pa, sobra na yun. Lumipat na lang sila ng pugad kesa nangingitlog sila kung saan saan.

happyfemme

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #419 on: July 14, 2012, 08:30:26 am »
Oo nga medyo lugi, kahit pang sabihin na sa father share lang ang hahatiin, kasi bihira na ngayon sa family setting na iba ang pera ng nanay at iba ang pera ng tatay. Ang madalas joint na, pinagsasama ang pera.

What is sad eh may mga wives na nagsasacrifice to be a housewife tapos ang hubby lang ang nagtratrabaho. So ang breadwinner ay ang lalalake.

Pag may negosyo naman ang mag-asawa eh joint lagi ang pera. Sad kasi pag dating sa hirap eh ang legal wife ang nandyan, tapos pag dating sa ligaya ayan na ang other woman. Haaayst.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close