Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)  (Read 144614 times)

mscharming

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #340 on: May 19, 2012, 09:29:35 am »
^ sis fourever naniniwala ako sa karma. at alam ko digital na siya ngayon  :)

lulllaby

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #341 on: May 19, 2012, 02:40:52 pm »

share ko lang din mga sissies yung experience ko. I was once naging kabit din pero in the first place  hindi ko naman din alam na may asawa sya kasi yung pakilala sa akin eh binata sya.  Tapos umaakyat ng ligaw sa house namin na kasama pa friend nya kaya i never had doubts na may asawa na pala sya. Eh yun naman pala 4 na anak nya! Tapos we talked about getting married pa. Nalaman ko nalang nung umuwi sya sa probinsya nila tapos bigla nalang may tumawag sa akin na girl minumura ako bigla at grabeng talak.  Siguro nabasa nya mga text messages ko sa guy.  Kaya sobrang sakit din on my part na hindi ko man lang alam na naging kabit pala ako.  Tapos nung nalaman ko yun never ko sila ginambala kasi ano naman mapapala ko. But so pathetic lang din yung girl kasi ako pa yung binibwesit (sorry for the term) eh sya nga yung asawa tapos i never bother them naman when i knew the guy was married dahil sobra din ako nasaktan.

Ang sa akin lang din hindi naman lahat ng naging kabit ginusto nila yun kasi just like me hindi ko nga alam na may asawa kasi nga binata pagpapakilala and umaakyat ng ligaw sa house eh sinong maghihinala?  Sana man lang din inaalam ng wife kung sino ba talaga nanloko at may kasalanan kasi ni hindi man lang ako binigyan chance magpaliwanag eh kasalanan nga ng manloloko nyang asawa.  So sad lang na grabeng pagmumura at pang-aaway yung inabot ko sa asawa nya eh ako nga ang naging biktima!  For me, hindi naman lahat ng naging kabit ganun na ka bad kasi minsan nagiging biktima din sila sa panloloko ng mga lalake! Though mostly talaga sa mga kabit palaban at ayun nga walang hiya.

h_mische

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #342 on: May 19, 2012, 02:58:54 pm »
sorry sis pero hindi ko rin masisisi si wife kung bakit ka nya inaway. syempre initial reaction nun e galit kasi nagloko yung mister nya. at kahit naman yung asawa nya ang kuyugin nya, never naman aamin yun kahit buking na. or worse, ang sasabihin e ikaw tong naghahabol para lang lumabas na wala silang kasalanan. pero i totally agree na you were the victim sa situation.. pati si misis. dapat ibitin ng patiwarik yung lalaki. kaya okay na rin na nalaman agad ni misis kasi kung hindi, baka lumalim pa ng lumalim relationship nyo nung damuho nyang mister at ang masaklap, baka umabot pa sa point na mabuntis ka nya without knowing na ikaw yung third party.

lulllaby

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #343 on: May 19, 2012, 03:12:36 pm »
Talagang ang daming babae ng guy na yun kasi nga everytime siguro may new girl sya eh ako lagi napagbubuntunan ng galit ng asawa nya at ako pa pagsasabihan na tantanan ko na sila. Haler! sila kaya yung nanggugulo. Siguro ibang kabit nanaman yun tapos ang akala ng wife eh ako na naman yun.  Yon lang din nakakainis eh ako na nga ang nabiktima ako pa nagmukhang masama.  Tapos sabihin ng wife sa akin na isa lang daw ako sa mga naging kabit ng asawa nya.  Eh yun naman pala eh, ang asawa nya ang may problema hindi ako or yung ibang naging kabit ng asawa nya. Dapat yung asawa nya ang gawan nya paraan para maging matino dahil malamang isa lang din ako sa mga nabiktima ng asawa nya.  Sana lang din hindi porket husband nya yun eh magpakabulag nalang sya sa katotohanan. 

h_mische

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #344 on: May 19, 2012, 04:13:29 pm »
yun lang ang pangit don. dahil tayo yung "kilala", kahit sobrang tapos na yung pangyayari, hindi makamove on.. iniisip pa rin na meron. sobrang paranoid na sila.. di mo na problema yun.. problema na nilang mag asawa yun.. deadma ka na lang kahit masarap patulan minsan kasi nananahimik ka na diba. quiet na lang. wag ka na magpa stress. as long as hindi nadadamay family mo, deadma lang. pero pag nandamay na, ibang usapan na yun.

rianne_mallows

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #345 on: May 19, 2012, 11:53:59 pm »
@lullaby - mas ok sana sinabi mo sa wife yung nangyari. na pakilala binata, kung paano nanligaw, tapos may kasama pa na kaibigan. tapos end it with saying wala na siyang dapat ipag-alala dahil ikaw na mismo lalayo kasi hindi mo naman talaga alam na may asawa.

maniwala siya or hindi, hindi mo na problema iyon. at least, nilinaw mo na hindi ka "willing kabit" kasi hindi mo naman talaga alam.

lulllaby

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #346 on: May 20, 2012, 08:55:40 am »
Sinubukan ko magpaliwanag kaso sarado lang talaga isip nya.  Kahit sya mismo alam nya kung ano klaseng asawa meron sya.  Tsaka sobrang layo ko na sa kanila nasa luzon sila nasa visayas naman ako.  Ang kapal lang din talaga mukha ng guy sobra. Nakapandidiri nga pagminsan naisip ko na unknowingly naging kabit pala ako.  But i'm happily married now. And hopefully my husband wont cheat on me kasi hindi ko rin alam kung ano pwede ko gawin pag nangyari yun.

achie0829

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #347 on: May 26, 2012, 03:03:56 pm »
Kakatuwa naman tong thread na to.. ang haba ng backread ko lol

Question lang po.. napansin ko kasi most of the posters here though may "other woman" yung hubby nila together pa din sila.. meron po ba dito nakaexperience na  the hubby left his family and the reason is "mas mahal nya yung other woman nya"?

Parang movie lang :) TIA!

smoothie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #348 on: May 26, 2012, 11:50:46 pm »
I think may nag post dito na isa natin sis na iniwan ng asawa.

Usually, rarely mangyari yung iwan ng asawa. In the end, the guy would still end up choosing the wife over the mistress. Masyadong marami mawawala sa guy and most probably mahal naman din kasi talaga ng guy yung mga asawa nila.

super bratinella

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #349 on: May 31, 2012, 09:52:30 am »
Hi sis, just read an article and I want to share just for info sharing purposes:

http://ph.she.yahoo.com/when-he-cheats.html

axlrocksmyworld

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #350 on: June 04, 2012, 01:45:14 pm »
hi sisses.. last May 20 bumalik na samen ang asawa ko dala lahat ng gamit nia, with many plans for us in his head, naikwento nia sa mga kapitbahay namen ang mga mgaganda niang plano na balak niang simulan sa bago naming bahay kasi that week eh palipat na kame sa bago naming titirhan pero kasama mga inlaws ko.. but come May 24 a tragic incident happened, he passed away at the age of 29 years old.  :'(

honey_iya

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #351 on: June 04, 2012, 01:52:31 pm »
^OMG, dunno what to say! my condolences sis, sayang kung kelan siya bumalik saka naman nangyari yung ganyan :(

h_mische

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #352 on: June 04, 2012, 03:29:58 pm »
hi sisses.. last May 20 bumalik na samen ang asawa ko dala lahat ng gamit nia, with many plans for us in his head, naikwento nia sa mga kapitbahay namen ang mga mgaganda niang plano na balak niang simulan sa bago naming bahay kasi that week eh palipat na kame sa bago naming titirhan pero kasama mga inlaws ko.. but come May 24 a tragic incident happened, he passed away at the age of 29 years old.  :'(

im sorry for your loss. :( i know how painful ang mawalan ng mahal sa buhay.. will pray for you. be strong. hugs.

Msfi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #353 on: June 04, 2012, 04:24:39 pm »
^^condolence sis axlrocksmyworld, ang bata pa nya.  Nakakahinayang nga na kung kelan you can start over again this happened.  Be strong sis para sa anak mo, at least you know na sa inyo sya ng mawala sya.
May magandang memory pa din ang naiwan sa yo kahit ilang araw lang.

jenybasti

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #354 on: June 04, 2012, 04:41:16 pm »
OMG!! kakasad naman :( condolences sis :(

joyfulmommy

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #355 on: June 05, 2012, 06:53:35 am »
oh my sis axl... so sad... kung kelan pa sya bumalik... condolence sis  :'(

itsmekmia

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #356 on: June 06, 2012, 11:09:59 pm »
@axl: condolence sis   :(

Mga sis, I need your advice.  sa tingin nyo ba dapat itext or call Ko yung kabit ng Asawa Ko? Ok Lang ba na ako ang mauna? Nakakainis na talaga, nahuli Ko na naman na magkatext at nagmiscall pa yung babae. Kahit na long distance sila, feeling ko pagtumagal pa communication nila may patutunguhan talaga. Haays ang hirap talaga, Hindi Ko Alam if dapat ba na deadma Lang ako. Kase dati kinausap Ko na din yung babae pero walang effect, tuloy pa din sila. Pero sigurado pag kinausap or tinext Ko yung girl, grabeng away na naman ang mangyayari sa Amin ng husband Ko..  :(

axlrocksmyworld

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #357 on: June 07, 2012, 11:58:52 am »
my advice sis, wag mong patulan, ganyan ang ginawa ko, kaya yung husband ko dumating sa point na narealize nia na mali ang ginawa niang pag iwan saken..

itsmekmia

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #358 on: June 07, 2012, 01:43:14 pm »
^axlrocksmyworld: thank you sis sa advice. pero bago ko pa nabasa yung reply mo, ewan ko ba kung ano pumasok sa isip ko at tinext ko pa din sya ng masasakit na salita pero may konting advice sa end part nung text ko. pero nakakapagtaka lang, mabait kase reply nung kabit. sabe ba naman: yehey hindi ka naapektuhan, you passed the test. wag kang mag alala hindi na kame magkikita ng asawa mo. sana maging masaya na din kayo, by the way i got my greencard na today, thank you ah. pakisabi din sa asawa mo thank you.

so medyo na confuse naman ako sa reply niya kase feeling ko kaya niya sinabi yun para ipakita na ginamit niya lang yung husband ko para sa greencard? or baka wala siyang masabi dahil tinext ko sa kanya na nilalait siya ng hubby ko pag magkausap kame, tapos sa last part sabe ko pa: kung masaya ka sa ginagawa mo na maging kabit ka na lang forever, e di so be it. 
tapos yun maayos naman reply nya, pero hindi na ako nag text back. baka kase mamaya hindi sincere yung sinasabi nya at binobola lang ako. pero sana nga talaga natauhan na talaga siya kaya hindi niya ko inaway sa text...
« Last Edit: June 07, 2012, 01:44:59 pm by itsmekmia »

smoothie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #359 on: June 08, 2012, 12:05:36 am »
sis. ignore her na lang.

question lang, anong ginagawa ng asawa in all of this? kasi nabasa ko hindi mo pwede pakialaman gamit niya. so sila pa nung girl?

 

Latest Stories

Load More Stories
Close