Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)  (Read 144820 times)

FayeP

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #220 on: April 22, 2012, 03:25:39 pm »
sis ivy, ang galing mo sis!!! tama yan focus on yourself, your kid and your relationship with the Lord...may mga mas magagandang plano ang Panginoon para sa atin, mas maganda at bonggang bongga kesa sa mga plano at gusto natin para sa sarili natin...

kun dumating man sa point na mas piliin nya ang kabit nya kesa sa inyo, eh remember, cya ang nawalan, hindi kayo, hindi ikaw...

darating ang panahon, maghihiwalay din yan, di din sila magiging masaya....

sana kun darating un ganito na pagsubok sakin, maging matatag din ako at umasa sa Lord...

God bless sis Ivy

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #221 on: April 22, 2012, 06:36:19 pm »
sis i_v_y, idoool! :) i wish you find the kind of happiness that you deserve. *hugs*

poetrytoprose

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #222 on: April 22, 2012, 07:27:42 pm »
sis i_v_y I am so proud of you! I'm not a wife, nor a mother but I salute the fact that you know when is enough.  *hugs* good luck with life.

FayeP

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #223 on: April 22, 2012, 07:28:06 pm »
super binasa ko ulit dun sa Kabit Kabit #1...sumakit na naman bangs ko...

meron dito samin (present company), isang agent na girl at TM na guy din, si girl may asawa at on the process un annulment.  ang kwento they got together pero un girl di pa finalize un annulment, the girl got pregnant, tapos cyempre since married pa un girl, un email add nya un pa din married name nya pero un last name ng anak nya syempre dun na sa TM dito...

tapos after two years ata we noticed na nag-iba na ng last name si girl, naging un maiden name na nya ulit so un pala na-annul na un marriage ni girl. so ngayon sila na talaga ang nagsasama...

ayun lang baka GTalker din si girl lagot ako hehe

i_v_y

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #224 on: April 23, 2012, 02:30:13 am »
thank you mga sisters.

by the way
sana kaya ko din gawin yan :(
ang hirap kasi ng sitwasyon namin,magkalayo kami :(

sis just pray to God. Hindi mo talaga kayang gawin yan, hayaan mo si Lord ang gumawa para sayo. All you need to do is surrender. If you are tired sa ginagawa ng husband mo, then take a rest. Sabi di ba ni Lord, Come to Me and I will give you rest. Sobrang totoo yan at yan ang ginawa ko.

sis i_v_y I am so proud of you! I'm not a wife, nor a mother but I salute the fact that you know when is enough.  *hugs* good luck with life.


thank you sis. if ever na mag asawa ka, pray for God's Best.

sis ivy, ang galing mo sis!!! tama yan focus on yourself, your kid and your relationship with the Lord...may mga mas magagandang plano ang Panginoon para sa atin, mas maganda at bonggang bongga kesa sa mga plano at gusto natin para sa sarili natin...

kun dumating man sa point na mas piliin nya ang kabit nya kesa sa inyo, eh remember, cya ang nawalan, hindi kayo, hindi ikaw...

darating ang panahon, maghihiwalay din yan, di din sila magiging masaya....

sana kun darating un ganito na pagsubok sakin, maging matatag din ako at umasa sa Lord...

God bless sis Ivy

sis wala pa kaming jonakis, 6 yrs ttc na kami. Pag dumating ang pagsubok na yan sis, PM mo lang ako :)

itsmekmia

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #225 on: April 23, 2012, 03:23:18 pm »
mga sis, talaga bang matatapang ang mga kabit? grabe nakatext ko yung kerida ng asawa ko at talagang proud pa siya maging kabit ah. aminado at talagang inaamin nya na kabit siya, eh long distance naman sila ng asawa ko if ever. hay naku grabe talaga siya, ayoko sana maging affected pero di maiwasan eh.

heavensent

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #226 on: April 23, 2012, 03:31:57 pm »
^naku sis, ganun na yata talaga ngaun mas matapang pa ang kabit kesa sa legal wife, and hindi na din sila nahihiya, super proud pa sila

jenybasti

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #227 on: April 23, 2012, 05:02:38 pm »
ay yung kabit ng asawa ko in fairness maayos kausap.may konsensya pa din kahit papano.napaamin ko na nga sya ng mga dapat aminin.nangako din sya na hihiwalay na sya.nag sorry na din.chatmate na nga kami :)

runaway_bridesmaid

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #228 on: April 23, 2012, 06:00:52 pm »
yun kasamahan ko sa trabaho, umamin siya sa amin na may kabit siya, well hindi naman talaga kabit kasi di niya naman binabahay, pero may relasyon sila at usually na nagiging babae niya ay mga married din, ang reason niya ay wala na gana sa sex ang asawa  niya..yun lang daw mahal daw niya asawa niya at mga anak at syempre priority niya ang mga eto, pero ang reason niya ay lalaki daw siya at may "pangangailangan"

di ko alam kung paano niya yon nagagawa dahil ang atm niya ay nasa asawa niya, siguro nakakadiskarte talaga siya ng money para pang motel nila ng babae niya.

one time nanghiram ako sa kanya ng charger ng celphone, sabi niya kunin ko na lang sa drawer niya, tapos pagbukas ko ng drawer niya nakita ko condoms at discount card sa Sogo, kaloka!!!!!!!!!

pero lagi ko siya sinasabihan na maawa sa asawa at mga anak niya, at kausapin ng masinsinan ang asawa niya tungkol sa pangangailangan niya at iba pang pagkukulang nito sa kanya dahil sigurado ako na maiintidihan iyon ng asawa niya.

at ang excuse naman niya sa amin palagi mabuti naman daw siyang ama at asawa sa pamilya niya kaya ano ba naman daw yung koting kalokohan, eto yung nakakabuwisit na narinig namin sa kanya, very open kasi siya sa amin kaya nag sha share siya, since kami naman mga misis na rin kampi kami sa misis niya at pinagtutulungan namin siya at kapag naiinis na siya sa amin ang wa walk out sya


axlrocksmyworld

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #229 on: April 23, 2012, 06:52:14 pm »
mga sis, talaga bang matatapang ang mga kabit? grabe nakatext ko yung kerida ng asawa ko at talagang proud pa siya maging kabit ah. aminado at talagang inaamin nya na kabit siya, eh long distance naman sila ng asawa ko if ever. hay naku grabe talaga siya, ayoko sana maging affected pero di maiwasan eh.

oo sis ganyan ang mga kabit.. as super proud na homewrecker sila.. yan ang pinagdadaanan ko ngayon ang kaibahan lang hindi ko siya nirereplayan hindi ko siya pinapatulan..

sakura_bloom

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #230 on: April 24, 2012, 06:11:03 am »
It's so sad na laganap ang cheaters.. umabot na tayo sa thread 2.. :( Hope we can change the world for the better.

LLLA

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #231 on: April 24, 2012, 06:36:10 am »
Yup mas matapang pa ang mga kabit at super proud pa sila sa ginagawa nila (sad truth) tsk!  >:(

FayeP

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #232 on: April 24, 2012, 03:26:44 pm »
sis jenybasti, ingat ka sa bago mong "chatmate" hehe kasi baka mamaya nilalaro ka lang nya na porke't nagsabi sya sayo na hihiwalay na cya ke hubby mo ay tototohanin na nya...baka mamaya ang reason nya kaya close-closan cya sayo is para magtiwala ka sa kanya...

parang kinukuha ang loob mo kumbaga...


sis itsmekmia, super matatapang ang breed ng mga kabit ngayon as in, sila pa ang galit, sila pa ang nagbabanta pag kinumpronta mo

jenybasti

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #233 on: April 24, 2012, 03:41:26 pm »
sis jenybasti, ingat ka sa bago mong "chatmate" hehe kasi baka mamaya nilalaro ka lang nya na porke't nagsabi sya sayo na hihiwalay na cya ke hubby mo ay tototohanin na nya...baka mamaya ang reason nya kaya close-closan cya sayo is para magtiwala ka sa kanya...

parang kinukuha ang loob mo kumbaga...

 
ay oo sis.thanks.pero di naman talaga ko naniniwala sa mga pinagsasabi ng malanding yun.sinasakyan ko lang din sya at kinokonsensya

FayeP

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #234 on: April 24, 2012, 03:48:12 pm »
^ah hahah oo sis, sakyan mo lang hehe pero sana makonsensya cya ng tunay or makarma na cya ng bongga!!!!


sassy_taurus8

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #235 on: April 24, 2012, 04:49:12 pm »
mga sis, talaga bang matatapang ang mga kabit? grabe nakatext ko yung kerida ng asawa ko at talagang proud pa siya maging kabit ah. aminado at talagang inaamin nya na kabit siya, eh long distance naman sila ng asawa ko if ever. hay naku grabe talaga siya, ayoko sana maging affected pero di maiwasan eh.

Maraming ganyang klaseng kabit, yung kabit nung asawa ng cousin ko ganyan. Pano ko nalaman? Yung cousin ko mismo nagkukwento everytime na hinahatid nya yung boundary sa house namin. Kapag mugto ang mata nun, yun na, alam na namin may problema na naman sya sa asawa nya. According to my cousin, ang hindi nya matanggap eh ang kapal talaga ng fez ni kabit, yung kabit pa mismo ang nagtetext sa kanya ng ganito "Ano? Kelan ka ba mamatay? Bilisan mo ha ang tagal naman!", "Ako pito ang anak ko dun sa asawa ko, kayo ni Ed*** 4, pero wag ka tignan mo naman at baliw na baliw sakin ang asawa mo"... Madami pa yan nakalimutan ko lang yung iba. Hindi binubura ng cousin ko yung mga messages, gagawin daw nyang evidence. Gusto pa ngang ipabasa sakin eh, sabi ko wag na baka ma HB ako.  >:(

Sabi pa nga ng cousin ko, mas matatanggap pa daw sana nya kung discreet man lang yung asawa nya and yung kabit and hindi gaya nyan na lantaran and alam lahat dun sa barangay nila. Tahimik lang na tao yung pinsan ko, hindi sya masalita. Minsan nga ayaw na harapin ni papa si cousin pag nagpupunta samin kase naaawa daw sya and at the same time naiinis kase nga martir! Iniwan na sila noon nung magaling nyang asawa, nakaka move on na sana sya, after almost a year ayun bumalik sa kanila, tinanggap naman nya.  ::)

to be continued.... hehe..

hot_chili

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #236 on: April 24, 2012, 04:54:35 pm »
Ang haba ng backread ko sa topic na to pero nkakaaliw

Im joining kasi pareho kami ni sis nursingsexymom, nagkaron din ng 3rd party nung magbf pa kami ni hubby. Pero kahit mag bf pa lang kami Kabit pa rin yun basta nakisawsaw ka sa isang relationship. In fairness lang medyo maayos din kausap yung kabit ni hubby noon nung kinonfront ko sya, sabi daw kasi ni bf break na kami (kahit hindi naman) pero I doubt this. kasi alam na alam ng lahat ng tao na kami pa at visible kami dito sa town namin. Hindi lang kasi ako marunong mang-away and magtaas ng boses pero siguro if ngayon to gagawin ni hubby makikipagyerahan na talaga ako. Pero so far good boy na si hubby, never nga sya sumasama sa lakad ng barkada nya na mahilig pumunta sa "spa"

And isa pang issue, yung mga guy friends ni hubby nilason na din yung utak nya about working sa call centers na kesyo uso nga daw kabitan doon. Dati akong call center agent before we got married kaya ngayon kahit anong pilit ko ayaw na nya akong magtrabaho ulit  :(. Nakakaperwisyo na yang mga kab1tch na yan talaga

itsmekmia

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #237 on: April 25, 2012, 01:38:50 am »
@ heavensent, LLLA, Faye P, sassy_taurus8, axlrocksmyworld:

i agree mga sis kapal ng mukha talaga, actually ako din siguro ang mali medyo mahirap kase ang situation ko ngayon dito sa hawaii.
i-share ko lang yung history namen ng asawa ko. before we got married at kinuha ako dito sa hawaii ng asawa ko, 9 years din kami mag boyfriend girlfriend since college days and 6 years din long distance, mga once a year lang siya bumibisita nung nasa pinas pa ako. nakayanan naman namen ang long distance kase constant ang communication pero nung year 2010 dun na nag iba, binisita nya ako sa pinas pero napansin ko na parang may nag iba talaga hanggang sa bumalik siya sa california dun ko nahuli sa YM niya na may girlfriend pala siya dun sa cali(co-worker niya din sa hospital and yun pa din ang kabit nya ngayon  :(). nag usap kame sa chat na huling huli na siya, pero ayaw niya umamin sabe niya babalik na lang daw siya sa family niya sa HAWAII para magkalayo na sila nung girl na yun. akala ko nung bumalik na siya ng hawaii wala na silang communication nung babae pero hanggang sa naka chat ko na yung girl nung(nasa pinas pa ako) at sabi nung girl, 2 beses na daw siya nabuntis ng BF ko at 2 beses niya din pina abort. pero ang sabi naman ng BF ko naninira lang daw etc etc hindi daw totoo. pero dahil mahal ko naman si BF pinatawad ko pa din and pinetition niya ako thru fiance visa at pinakasalan dito sa hawaii.  so nung andito na ko sa hawaii akala ko OK na, pero nahuli ko na magka facetime sila nung March 2012 and nag miscall yung girl kaya tinawagan ko na. sabe ko sa kanya: alam mo ba na kasal na kami, hindi ka na naawa may asawa na nga at ako na yung pinili pero OK lang sayo yun? ang reply lang nung kabit: oo alam ko lahat na mag asawa na kayo pero bakit ako maawa kayo yung nagsinungaling sa akin. sabi ko: eh ako yung long time GF nya, pumasok ka sa relasyon ng alam mong may long time GF sa pinas si V**.  hanggang sa sigaw n siya ng sigaw sa phone na bakit ako maaawa, paulit uli na so binaba ko na lang phone. nagalit ngayon sa akin asawa ko pero nagkabati din kame. so na realize ko lang dapat siguro hindi ko na lang pinaglaban yung love ko sa kanya kase andito na nga ako kasama ko siya pero bakit kelangan makipag communicate pa sa girl eh nasa las vegas na siya for sure(yung kabit).
eh wala pa akong papers dito kasi in process pa lang din so ang hirap naman kung babalik pa ako ng pinas. though kakampi ko naman yung parents ng asawa ko, hindi kasi sila boto dun sa girl dati pa. pero OK naman kame ngayon ng asawa ko kasi ina-assure niya ako na ako talaga mahal niya kaya niya ako kinuha dito sa US at pinakasalan.  naisip ko din pwede naman sana yung girl na lang ang pinakasalan niya kasi andito na yun sa US diba? pero pinetition pa din ako ng asawa ko. pero minsan natatakot talaga ako kase kahit na asawa ako eh mas may pera pa naman yung girl, paano if magbakasyon dito sa hawaii yung girl tapos magkita sila ng asawa ko. eh jobless pa ko sa ngayon kasi hinhintay ko pa work permit. kahit na text or chat lang ang communication nila nakakatakot pa din kasi nasa US lang din yung kabit although medyo malayo ang las vegas sa hawaii( 5 hour plane ride lol). 2 days ago pa nahuli ko na naman na nagtext yung kabit sa cel ng asawa ko: morning kain po. nagreply ako ng: kamusta na ang kabit, dont worry inaalagaan ko ng mabuti asawa ko dito. tapos nagreply yung kabit: hahaha, oo nga kabit ako pero sino naman ngayon ang natutuliro sa kaka-isip?

so mali din talaga na pinatulan ko pa at nireplayan yung kabit kasi ako lang din talo dahil naaapektuhan ako. mag te-take pa naman din ako ng exam dito baka ibagsak ko tuloy pag depressed ako. ano kaya pwede advice nyo mga sis para mawala na depression ko at makapag focus sa pag aaral kase mag take din ako ng exam by JUNE eh i really need to pass the test para magka work dito sa US. at eventually pag may work na ko dito, siguro hindi ko na masyadong papakialaman cel ng asawa ko at mapaparanoid.  saka baka mawala na din depression ko since may job na ako at magiging busy... haaaays..  :( :'(  by the way wala pa pala kami anak ng asawa ko, kinasal lang kami last december 2011, 4 months pa lang kaming kasal pero grabe pa din ang paghihirap ko. masaya naman kame ng asawa ko pero pag may nahuhuli talaga ako sa text or chat dun ako nade-depress at napaparanoid..  :( :(

ullala

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #238 on: April 25, 2012, 01:50:01 am »
:(

sakura_bloom

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #239 on: April 25, 2012, 01:52:08 am »
^Ask ko lang, ok lang ba sa inyo na sustentuhan ni mister ang mga anak ni mister sa kabit? (given na inaalagaan din niya ang tunay niyang pamilya). Iniisip ko pa lang masakit na.. eh wala pa akong sa sitwasyong ganyan.. mga sis.. kaya nyo yan!  Pray kayo at humanap ng lakas. :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close