Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)  (Read 144513 times)

snowflakes

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #120 on: March 18, 2012, 05:05:36 am »
^nice sis!!! clap clap clap

natawa ko ke grace ibuna ng napanood ko yun. mas lalo lang nya pinakita sa tao pagkatao nya. ang kabit ay kabit kahit di na nagsasama sa iisang bubong ang mag asawa as long as kasal si lalake, kabit ka pa rin.

babykat

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #121 on: March 18, 2012, 08:51:13 am »
OT, pero di ba di grace ibuna din yung naging other woman in Gabby nung maghiwalay sila in Sharon? I think she has a daughter with Gabby.

snowflakes

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #122 on: March 18, 2012, 09:20:40 am »
^yup sha yun sis

beatrize zuri

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #123 on: March 20, 2012, 12:08:36 am »
last sunday, kausap ko sa fb yung isa sa mga barkada ko nung highschool, btw, he's a guy and he is very successful na he owns a publishing company. last time na nagkita kami that was 6 yrs ago nung nagpakasal siya, unfortunately, nung sunday nagkwento siya sakin na hiwalay na pala sila ng wife niya dahil si wife may third party,  :(  he admit na hindi niya ganon kamahal wife niya at may true love talaga siya. according sa kanya, nagustuhan niya, nabaitan siya, nabuntis niya, pinanindigan niya. pero minahal naman daw niya, sabi niya nahuli daw niya sa cellphone ayon umamin si girl at nagmakaawaw sa kanya, pero ayaw na daw niya. sabi niya baka kung mahal na mahal ko siya baka sakali pang pinatawad at tinanggap ko pa siya,  :(  inamin din niya na nagkaroon sila ng  communication ulit nung true love niya pero 2 coffee meetings lang kasi ayaw niya mahook dahil ayaw niyang masaktan asawa niya pero yon pala, niloloko na siya ng wife niya.
 
yung girl nagwowork sa call center, at officemate niya yung kabit niya. sabi ko nga sa kanya pag di ka na masaya sa isang relationship mas mataas ang temptations, human nature yan eh.
 
even babae, nagagawa ding manlalaki. grabe di na niya iniisip yung anak nila nakakalungkot lang makarinig ng mga ganitong kwento.

babykat

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #124 on: March 20, 2012, 11:02:46 am »
^ sad but true.

may kilala din ako, nabuntis kaya nagpakasal.  nagpumilit magabroad si wife, kahit maiwan pa anak nila at hubby nya.  ayaw ni hubby pero mapilit si wife.  mabait at mapagbigay kasi si hubby.  pagdating abroad, wala pa ata isang taon, buhay dalaga na at may kabit na.  nahuli pa ng mismong SIL nya na kasama sa bed yung guy.  umuwi si wife nung malaman ni hubby, nagmakaawa at ayaw pa din umamin.  dahil sa mahal ni hubby at alangalang sa baby nila, pinatawad sya.  ayaw na sana pabalikin abroad, pero mapilit. tatapusin lang daw kontrata kasi para naman sa future ng anak nila.  Usapan nila one year lang, then uwi na for good.  After a year, di man tumupad. at ayaw talaga umuwi kasi buhay mahirap lang daw sila dito pag umuwi siya.  Bigay ng ultimatum si hubby kay wife na umuwi na lang.  Matigas talaga.  Walang balita kung sila pa nung kabit.  Hanggang nagsawa na si hubby.  May nameet na girl, nainlove at nakita nya lahat ng di nya nakita sa wife nya.  Ngayon, sila na nung girl kasi masaya talaga sya.  Bigla nakita ni wife yung isang pic sa fb, ayun, sya ang nagselos at nagduda.  Pinapalabas ngayon na sya ang niloko at pinagtaksilan.  Uuwi daw para kunin ang bata, papaalaga sa parents nya, then babalik sigurado sa abroad.  Ayaw syempre ni hubby pero di naman nya pipigilan na makita ang bata.  Wag lang yung parents ni girl magalaga kasi nandito naman sya bilang tatay.  Papaannul na din nya kasal nila para mapakasalan yung isang girl.

sleeping_beauty

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #125 on: March 20, 2012, 11:18:33 am »

nakakalungkot naman yung ganitong mga kwento. di ako naawa sa husband or wife. naawa ako sa kids.

babykat

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #126 on: March 20, 2012, 11:58:31 am »
^ me too.  in a situation like this, di mo na alam sino ba talaga mali?  yung wife na unang nanlalaki, yung husband na naghanap ng iba dahil sa pangangaliwa at pagpapabaya ng wife, or yung isang girl na dumating sa buhay ni hubby?

beatrize zuri

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #127 on: March 21, 2012, 08:29:02 pm »
correct. ang gulo gulo diba? ang sakit sa bangs  :P  pero ang laging talo at kawawa sa ending is yung mga anak nila, iba pa rin kasi talaga ang magkasama ang parents, nagmamahalan at buong pamilya talaga, mostly kasi sa mga naghihiwalay na parents minsan pati obligations nila sa mga anak nila nakalimutan na rin nila  :(

lilsachie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #128 on: March 22, 2012, 09:25:38 pm »
Pwede magshare ng sama ng loob..last Dec. nagbakasyon asawa ko sa dito sa pinas,sinundo ko pa sya airport pagdating ng bahay lumabas ako sandali pagbalik ko may kausap sya sa phone sa kwarto at pinakinggan ko lang sa labas..confirm other woman yung kausap nya. Shock sya dahil bigla ko inagaw cellphone nya at kinausap ko yung girl at kilala ko pa sya yung sinasabi nyang close friend nyang babae dun sa trabaho nya. Tinanong ko kung may relasyon sila sabi nung girl ask ko daw asawa ko. tinanong ko asawa ko habang nasa line pa kabit sabi nya meron daw..Pinagsabihan ko ang babae na alam nyang may asawa pumatol pa sya.Nanginig na ako sa galit at umiyak na ako wala ako nagawa kundi pagsusuntukin asawa ko..Nung wala sa line yung girl kinausap nya ako at sabi nya wala naman daw silang relasyon, galit lang daw ako at makulit kaya nya nasabing meron. Pero di ako naniwala sa kanya. Nakipag-usap ako ng maayos sabi ko di bale ng masaktan ako basta sabihin nya ang totoo kesa habambuhay nya ako lolokohin at malalaman ko pa sa iba..kung mahal nya yun ok lang sa akin maging totoo lang sya. Aba umamin nga..napamahal na daw sya sa girl kasi yun daw gumagawa ng obligasyon ko bilang asawa duon sa kanya pero iba daw ako kasi asawa ako..unawain ko daw lalaki lang daw sya. Nag-usap kami mabuti sa bandang huli nagdecide na lang kami maghiwalay..inamin nya parang di na daw nya ako mahal. Ansakit sakit.. ansakit sa part ko kasi nalaman ko na inlove sya sa iba at may plano pala silang magsama. Pero tinanggap ko na lang kahit masakit..kahit parang pinagsukluban ako ng langit at lupa..Until now di pa rin ako makamove-on pagnaaalala ko naiiyak pa rin ako. Bakit kaya may mga babaeng alam nman nilang may asawa pumapatol pa rin..Malalandi talaga mga kabit.

lilsachie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #129 on: March 22, 2012, 09:41:14 pm »
January sya bumalik ng ibang bansa kinabukasan pagdating nya dun tumatawag sya sa akin pero di ko sinsagot..dami nyang email sa akin sinasabi nya na mahal pa rin daw nya ako..narealize daw nya na di daw pala nya ako kayang ipagpalit sa iba..iba daw talaga ang asawa. Parang di ako naniniwala sa mga sinasabi nya pero sa kabilang banda parang gusto ko sya patawarin kasi mahal ko sya. Pero pinanindigan ko na napag-usapan namin. Kasi both parents namin alam na na hiwalay na kami. marami na din syang ginawang masasakit nung nandito pa sya sa pinas. Harap harapan na kausap sa phone ang girl kahit na nandyan kami ng pamilya nya nung xmass. Sobrang sakit binigay nya sa akin kaya parang di ko pa kayang magpatawad ngayon..

pjiyeon

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #130 on: March 23, 2012, 11:27:15 pm »
If love fails, set yourself free, let your heart spread its wings and fly again. Remember, you may find love and lose it, but when love dies, you never have to die with it.

Dhee-Dhee

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #131 on: March 24, 2012, 12:19:04 am »
^like ko yang sinabi mo, sis!

^^tama lang yung ginawa mo sis. minsan kasi hindi enough yung mahal mo lang, dapat mahal ka rin and of course, nirerespeto ka. kung sa akin mangyari yan, oo magagalit ako sa girl pero magagalit din ako sa asawa ko. it takes two to tango, right? kung walang magpapalandi, walang manlalandi. kung walang malandi, walang magpapalandi. i hope malampasan mo yang challenge na yan sis. always pray po and ask for his guidance.

joyfulmommy

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #132 on: March 24, 2012, 12:49:29 pm »
Ang sad ng story mo sis. :'( Btw, may anak na kayo? If meron, focus mo na  lang attention mo sa kanila.  Ewan ko ba sa bang mga babae, mas may appeal ang may asawa, o sadya Lang talaga malandi?

If gusto nya bumalik sayo sis, kelangan paramdam nya muna na talagang nagbago na sya. Na sincere sya.  I pray for your healing.

lilsachie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #133 on: March 24, 2012, 05:23:55 pm »
Wala pa kaming anak sis. Sobra ang ginawa nila sa akin. Pati yung babae nagmessage pa sa akin di na daw ako mahal ng asawa ko at magmove on na ako. Ang kapal talaga ng mukha..Gustong gusto ko sila ipadeport kaya lang kinausap ako ng biyenan ko na wag ko daw gagawin lalo't tumutulong pa sya sa kapatid nyang nag-aaral..Ngayon di ko alam kung sinu papaniwalaan ko..yung asawa ko na bumabalik sa akin at sinasabi nyang wala na sila ng girl o yung girl na sinasabi nyang sila pa rin daw. Mahirap pagnawala na ang respeto at tiwala kahit na nandun pa rin ang pagmamahal. Ayoko na pagod na ako. Tahimik na nga lang ako kahit na durog na durog na ako.

joyfulmommy

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #134 on: March 24, 2012, 05:55:48 pm »
Mararamdaman mo naman sis if sincere asawa mo.. Gagawin nay lahat to win back your trust. Yang other woman na yan, insecure lang yan. Defense mechanism nila saguro mang-asar ng legal wife kasi alam nila, kahit anong mangyari, kahit pumuti pa ang uwak, kabit at kabit pa rin sila. Sana matauhan asawa mo and marealize importance mo. I feel you sis, got betrayed na din in the past, and the same pangaasar from the other woman. But that's another story, and kinalimutan ko na din. But I remember the hurt, yung lagi ka na lang umiiyak.  I hope malagpasan mo din yan, and I hope happy ending, bumalik sayo and magsisi asawa mo.

lilsachie

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #135 on: March 24, 2012, 07:04:04 pm »
Salamat sis joyfulmommy. Hindi ko maramdaman ang sincerity nya ganun talaga siguro pagnawala tiwala mo sa isang tao lalo na't sinabi nya ako before na di na nya ako mahal. Mahirap kasi magkalayo kami. Pinapasa Diyos ko na lang ang lahat bahala na sya kung anung plan nya sa amin..

maiandra

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #136 on: March 25, 2012, 06:39:38 am »
Sis I pray na malampasan mo yan, dahil dumaan din ako dyan. Sana if ever bumalik sya sayo wag na muna sya mag abroad bec its really not helping you build a bond with him. Mas importante naman ang buong pamilya kesa malaking sweldo. Just my opinion

babykat

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #137 on: March 25, 2012, 11:56:44 am »
Quote
may kilala din ako, nabuntis kaya nagpakasal.  nagpumilit magabroad si wife, kahit maiwan pa anak nila at hubby nya.  ayaw ni hubby pero mapilit si wife.  mabait at mapagbigay kasi si hubby.  pagdating abroad, wala pa ata isang taon, buhay dalaga na at may kabit na.  nahuli pa ng mismong SIL nya na kasama sa bed yung guy.  umuwi si wife nung malaman ni hubby, nagmakaawa at ayaw pa din umamin.  dahil sa mahal ni hubby at alangalang sa baby nila, pinatawad sya.  ayaw na sana pabalikin abroad, pero mapilit. tatapusin lang daw kontrata kasi para naman sa future ng anak nila.  Usapan nila one year lang, then uwi na for good.  After a year, di man tumupad. at ayaw talaga umuwi kasi buhay mahirap lang daw sila dito pag umuwi siya.  Bigay ng ultimatum si hubby kay wife na umuwi na lang.  Matigas talaga.  Walang balita kung sila pa nung kabit.  Hanggang nagsawa na si hubby.  May nameet na girl, nainlove at nakita nya lahat ng di nya nakita sa wife nya.  Ngayon, sila na nung girl kasi masaya talaga sya.  Bigla nakita ni wife yung isang pic sa fb, ayun, sya ang nagselos at nagduda.  Pinapalabas ngayon na sya ang niloko at pinagtaksilan.  Uuwi daw para kunin ang bata, papaalaga sa parents nya, then babalik sigurado sa abroad.  Ayaw syempre ni hubby pero di naman nya pipigilan na makita ang bata.  Wag lang yung parents ni girl magalaga kasi nandito naman sya bilang tatay.  Papaannul na din nya kasal nila para mapakasalan yung isang girl.

Update lang.  Nagpost si wife sa fb ng pic ni hubby at nung girl with status na she's hurt and betrayed, etc.  Of course, madami talaga sisimpatiya sa kanya.  Even ako, if di ko alam ang buong pangyayari, i would definitely agree with her.  She's really hurt and betrayed pero she was the one who strayed first.  Siya yung unang nagkaroon ng bf abroad, at continued pa pala ang communication nila while nandito sya nun. Nagmessage pa nga yung bf  nya sa kanya na wag sya aamin at paikutin na lang si hubby until makabalik abroad.  Nabasa pala yun ni hubby pero di nya pinansin kasi mahal pa nya si wife before.  I saw how much in love si hubby sa kanya to the point na nagmumukha na syang t****.  Pero i guess nagsawa na din si hubby and he found true happiness sa second girl.  Kaso eto nga si wife, [textspeak!] natauhan pero it was too late na rin.   Ang gulo ng situation, so ngayon gusto nya kunin ang anak nila at ipaalaga na lang sa parents nya.  Parang gumaganti sa hubby nya. 

brandi

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #138 on: March 25, 2012, 02:00:45 pm »
Wala pa kaming anak sis. Sobra ang ginawa nila sa akin. Pati yung babae nagmessage pa sa akin di na daw ako mahal ng asawa ko at magmove on na ako. Ang kapal talaga ng mukha..Gustong gusto ko sila ipadeport kaya lang kinausap ako ng biyenan ko na wag ko daw gagawin lalo't tumutulong pa sya sa kapatid nyang nag-aaral..Ngayon di ko alam kung sinu papaniwalaan ko..yung asawa ko na bumabalik sa akin at sinasabi nyang wala na sila ng girl o yung girl na sinasabi nyang sila pa rin daw. Mahirap pagnawala na ang respeto at tiwala kahit na nandun pa rin ang pagmamahal. Ayoko na pagod na ako. Tahimik na nga lang ako kahit na durog na durog na ako.

single pa ko, pero base sa mga narinig ko ng ganitong storya, na formulate ko sis na kaya ganyan ang mga kabit, kasi they feel proud dahil sila ang pinili. siguro sis, kahit super sakit, you have to move on. lucky you kasi wala kayo naging anak, kasi kawawa naman yung child if ever. ipakita mo sis na naging better person ka. mag ayos ka, pamper mo sarili mo, learn how to be independent. baka di mo napapansin, iniistalk ka pa nung kabit, at least kahit di mo alam na iniistalk niya buhay mo ngayon, insecure pa din siya kasi nasa kanya nga yung asawa mo, pero masaya at maganda naman buhay mo ngayon. you deserve better sis.  ;)

Dyewel

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #139 on: March 25, 2012, 02:04:12 pm »
Wala pa kaming anak sis. Sobra ang ginawa nila sa akin. Pati yung babae nagmessage pa sa akin di na daw ako mahal ng asawa ko at magmove on na ako. Ang kapal talaga ng mukha..Gustong gusto ko sila ipadeport kaya lang kinausap ako ng biyenan ko na wag ko daw gagawin lalo't tumutulong pa sya sa kapatid nyang nag-aaral..Ngayon di ko alam kung sinu papaniwalaan ko..yung asawa ko na bumabalik sa akin at sinasabi nyang wala na sila ng girl o yung girl na sinasabi nyang sila pa rin daw. Mahirap pagnawala na ang respeto at tiwala kahit na nandun pa rin ang pagmamahal. Ayoko na pagod na ako. Tahimik na nga lang ako kahit na durog na durog na ako.

Siguro nagsisimula nang magkaroon ng problem yong asawa mo at kabit nya kaya nag-message sa iyo yong girl.  Try mong makibalita sa common friends ninyo ng asawa mo, bout sa real status nila. Hindi ko sinasabing patawarin mo pero kung talagang wala na sila at mapatunayan ng asawa mo na nagsisisi sya sa ginawa nya then maybe may pag-asa pa maayos marriage nyo.   
Lagi ko sinasabi sa asawa ko na pag-nahuli kong may kabit sya, 3rd world war pero papatawarin ko pa rin sya, 2nd time pwede pa rin syang bumalik, pangatlong beses mangabit sya, wag nang magpapakita sa akin at anak nya at baka mapatay ko na sya.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close