Author Topic: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)  (Read 144375 times)

snowflakes

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #40 on: February 24, 2012, 10:43:53 am »
tama kayo mga sis, mali pala takbo ng utak ko. hehe... sorry tuyo na utak ko eh. hahaha
anyway, eto na lang.. kung si anne curtis na sobrang ganda di umumbra sa pagiging kabit eh yung mga kabit pa kaya ng asawa natin na for sure mukhang aswang. hahaha

sleeping_beauty

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #41 on: February 24, 2012, 01:05:51 pm »

^ sis natawa ako dyan ha. sana nga ganun palagi. kapal muks nila! ang papangit naman. malalandi lang kasi eh.

ecnarfoj

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #42 on: February 24, 2012, 01:15:02 pm »
^i wonder what happened to the kabit?

I don't know sis. ayoko na rin magtanong sa friend ko kasi hindi na rin naman na niya kinukwento.
Mukhang pinag-sabihan sila ng friend nilang pari na if they want to move on, wag ng pag-usapan. Dumating kasi sa point na yung friend ko nasusuka pag nakikita niya yung bayaw niya. Mabuti na lang etong family na ito ay malapit sa panginoon. Hopefully di na maulit.

Maraming reason ang mga kabit. Na-in-love lang daw sila. Nagmahal lang daw sila.
Having a reason doesn't make their actions right and acceptable.

beatrize zuri

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #43 on: February 25, 2012, 12:32:52 am »
tama kayo mga sis, mali pala takbo ng utak ko. hehe... sorry tuyo na utak ko eh. hahaha
anyway, eto na lang.. kung si anne curtis na sobrang ganda di umumbra sa pagiging kabit eh yung mga kabit pa kaya ng asawa natin na for sure mukhang aswang. hahaha

haha! nakakatawa naman to  ;D

justin3

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #44 on: February 25, 2012, 05:37:41 am »
ang Misis ay ilaw ng tahanan

ang Mister ay ang haligi ng tahanan

ang Kabit ay anay ng tahanan

para di masira ang tahanan, dapat hindi makapitan ng anay ang haligi

kaya Misis, bago kumapit ang anay sa haligi, dapat silaban mo na ng buhay. ;D ;D ;D



mga wifeys... sino sa inyo whose hubby went home late last February 13?  ;)

 

snowflakes

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #45 on: February 25, 2012, 06:16:47 am »
^ naalala ko tuloy hubby ko huhuhu 4 years ago yata yun, valentines day di kami nag date sabi sasama daw sha sa outing ng tropa nyang lalake. yun pala di sha sumama at nag overnight ke misis na kabit nya. yung kabit nya kase may mga anak at asawang nasa ibang bansa, kaya sumasalisi sila. hahaha

beatrize zuri

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #46 on: February 28, 2012, 12:32:29 am »
^sis nakakaloka naman yung hubby mo, kamusta naman kayo ngayon.? dahil dyan sa kwento mo naalala ko yung kinuwento sakin ni hubby kagabi. yung barkada niya may asawang nurse na nagwowork sa u.s. so siya at 1 anak lang ang nandito, every saturday kasi night out talaga nila yan. nakwento niya sakin na itong barkada niya eh nililigawan yung dati high school classmate niya na may asawa at 4 na anak, eto pa! yung babae nurse din at kasama pa niya asawa niya, di ko lang alam kung in good terms ba sila ng asawa niya kasi nagpapaligaw pa siya at according to hubby, sabi ng barkada niya eh mukhang bibigay na sakanya.
 
after kong marinig to, nalungkot ako para sa mga anak nila. knowing don sa barkada ni hubby, laro laro lang yon since wala nga dito yung asawa, pero yung sa babae? di ko magets kung bakit niya pa nagagawa yon sa asawa niya, sige fine! sabihin na natin na di maayos pag sasama nila pero hindi niya dapat gawin yon. nagagalit nga si hubby kasi bakit daw may mga ganong klaseng babae., nakakalungkot lang. very disappointing.

justin3

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #47 on: February 28, 2012, 05:00:00 am »
iluvmysoldier, mag usap nga kayo ni december. turuan mo sya kung paano bumaril. ;D

magkakilala na ba kayo? baka mag-mistah pa kayong dalawa. naabutan nyo ba si Mrs.Trillanes? ;)

iluvmysoldier

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #48 on: February 28, 2012, 12:16:10 pm »
ay hindi pa..hehe bakit army wife din ba siya?  ;D

najine

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #49 on: February 28, 2012, 02:53:18 pm »
Hello! curious lang po. bakit po nagkakaroon ng kabit ang asawa? is it human nature or my pagkukulang si misis?

justin3

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #50 on: March 01, 2012, 01:30:57 am »
^there are infinite reasons why, but there are only a few answers on "what should you do if your hubby has a kabit?" ;)

beatrize zuri

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #51 on: March 01, 2012, 02:11:29 am »
^^maaaring may problema din kay misis, pero i dont think its enough para mambabae si hubby, napaka unreasonable na gawing excuse na dahil ganito si misis or ganyan si misis, dapat yan ay napag uusapan para maiwasan. and of course, ang mga wife din dapat hanggat maari naaasikaso talaga si hubby pati ang kanilang mga "needs" lol  ;D  and syempre ang sarili din dapat lagi tayong mukhang "juicy" kay hubby  ;D

najine

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #52 on: March 01, 2012, 02:43:18 pm »
meron akong napanood sabi wife should act like a mistress too.. kase usually pag nagaasawa na some wives pinapabayaan na ang sarili..hindi na nagpapa beauty and all like nung dalaga pa. pag my anak naman puro anak ang focus. eh naghahanap din si Mr. ng attention. yung iba naman dahil sa family of either side.

beatrize zuri

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #53 on: March 01, 2012, 11:27:08 pm »
^^sis, yan ang sinasabi sakin ng asawa ko pag hinahalay ko siya! lol  ;D  (juicy!)

iluvmysoldier

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #54 on: March 02, 2012, 10:24:25 am »
share ko lang, yung hubby ko tumawag sakin kahapon nasa police station daw siya, yung kasama niyang officer din inaresto daw kasi kinasuhan ng rape. nakakashock...kawawa naman yung misis niya kilala ko pa naman...bagong kasal lang sila last year...tulala daw... nangaliwa na nga, minor pa.. naku po...  :(

happyfemme

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #55 on: March 02, 2012, 11:07:09 am »
Wow, may thread 2 na pala ito. Di ba na lock yung thread 1 kasi may ginerang kabit doon?

May mga kabit (or ex-kabit) who share their experiences sa thread 1, how it happened, how they were able to pull out of the situation.

Naging follower din ako sa story ni sis december, nice to hear from her. True sis! parang kulang pa ang ganti! Ngipin lang ang walang latay sa kabit na yan.

Kahit wala pa akong experience sa kabit, anti-kabit pa rin ako, masaya itong thread na ito especially sa mga misis kasi marami kang natutunan. And alam mo kung paano mo gagawing "kabit-proof" ang pamilya mo.

Marami akong friends na nagcoconfide sa akin dahil sa mga kabit issues ng mga asawa nila. Nakakaawa and nakakalungkot for the kids.

May kilala ko "juicy" na, "diyosa" pa ang misis. Pero kumakabit si mister, ewan ko ba kung anong gayuma ang meron itong si kabit, baka hume-helicopter sa kama. Nung makita namin sa FB ang itsura ng kabit eh maganda pa ang hitsura ng kili-kili at kuyukot ko.

P.S.
Parang feel ko tuloy make-over ng buhok. Mahaba hair ko kasi, easy to ponytail especially pag hawak ang kid and do some household chores. Gusto ko mag pa short ng buhok, kaso baka magulat si hubby at hindi niya magustuhan.

I have a friend kung mag palit ng style ng buhok halos every 6 months, pero hindi niya alam ang hubby niya panay punta sa mga "service spa" 3 times a month.




Paperless

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #56 on: March 02, 2012, 11:29:12 am »
isa lang wish ko today.. na hindi ko kailangan magpost dito someday para iopen ang sarili kong problem sa mga kabit :( i know it would be too painful... kasi isipin ko pa lang na mangyayari, sobrang sakit na eh. i have a cousin din na nag open sa akin na she found out na her husband has an affair sa kapitbahay lang nila. habang nagkukuwento siya naiiyak talaga ako kasi na-feel ko talaga how painful it is. yung mga lines niya na sobrang sakit daw, para siyang mamatay, na parang 14 years silang magkasama di niya naimagine ni sa hinagap na magloloko ang mister niya kasi nga ang ganda talaga ng pinsan ko and tinanan lang siya ng guy at the age of 14. nagchinese garter lang kami that day tapos nung gabi ayon tinangay na siya ng guy sa nueva ecija. dahil gusto niya din ang nangyari, although minor talaga, nag usap usap na lang family nila. sa case ng cousin ko, umuwi siya sa parents niya pero hindi niya sinabi ang totoong reason. kasi tiyak magkakagulo.. pero sa huli, nagpatawad na lang ang cousin ko ang mister niya kasi apat ang anak nila. it happened years back and wala na ako nababalitaan na issue about kabit. i just really hope na narealized na ng mister niya ang mistakes niya at hindi na ulitin.

nursingsexymom

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #57 on: March 02, 2012, 11:44:15 am »
nkkatawa naman ang mga stories dito. isharre ko lang din yung experience ko.  actually right now, tingin ko naman wlang kabit si mister.. (1.5 yrs palang kami married). pero nung bf ko palang sia, meron akong nahuling emails nia to this girl. una seeking advice dahil medyo nagkkaproblema kami non. hindi ko masyadong pinansin pero red flag na ito. then the following year, when we were both abroad for business meetings (same company kasi). nahuli ko naman yung chikka account nia, sending flirty text messages to the same girl. nung niconfront ko sia, aba shempre todo denial ang loko. ayaw [textspeak!] umamin kahit anong gawin ko. ang daming palusot. pero alam na alam kong nagssinungaling sia. so eto na, tinawagan ko ang girl na nsa pilipinas habang ako ay nasa europe. kiber sa phone charge. hindi ko naman inaway para magsabi ng totoo, umamin sia na "sort of" parang nililigawan este nagppramdam nga raw sa knya ang aking boylet. aba parang hinigh blood ako. alam naman niang may gf, dahil officemate nia ito sa former work nia.. sige pa rin ang pag entertain nia.. nkkapagtaka [textspeak!] may itsura naman si ate, ewan kung bakit sa may sabit type makipaglandian.

matpos kong macollect ang mga ebidensia, e sinabog ko yan ng bonggang bongga sa face ng boylet ko.  shempre mega drama, sisi, at makaawa sia. nagbbanta pang magssucide daw sia kapag hiniwalayan ko sia. hay nkkaloka si, bkt di nia ito naisip bago tumingin sa iba.. all i can say is that, sobrang hirap ng healing process after makaexperience ng gnitong pangyyari. dapat pareho kayong comitted to work things out. at hindi [textspeak!] madaling kalimutan ito. khit mag-asawa na kmi ngyon, naalala ko pa rin [textspeak!] kagaguhan nia. hehe!

as for the girl, after our "friendly" conversation, e puro pang-aaway na text, call, at friendster msg (ito pa ang uso non) ang narecive nia sakin. ska inemail ko sa knya [textspeak!] link ng wedding on site video namin last year. hahaha! nkita ko pala recently ang fb nia, ang chaka ng boylet nia! hahaha!

ldrwifey

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #58 on: March 02, 2012, 01:34:10 pm »
yung pinsan ko dati may kabit din, and guess what si other woman ni pinsan kinaibigan ako. naloka ako, but at the same time hindi ko napigilan maging close dun s other woman, we became friends, susme sa araw araw n lang yata n magkasama kami sinasabihan ko siya utang n loob hiwalayan mo n si kuya pero inlababo that time kaya sige p din. buti n lang anything between them ng cousin ko sa kanila lang yun, hindi namin pinag uusapan at hindi nila ako ginagamit n rason for anything. after a few years parehas din ata natauhan and they parted ways. pero bilib ako s misis ng pinsan ko.... talagang hold on siya, kahit ayaw n sa kanya ng pinsan ko that time... pero ngayon san ka, truely madly deeply inlove si cousin sa misis niya.

i guess tayong mga wives hindi din dapat basta basta sumusuko, kasi ano yun papaubaya m n lang sa kabit ang asawa mo? NO WAY!!!!

kikay9599

  • Guest
Re: kabit, kabit at puro na lang kabit (thread 2)
« Reply #59 on: March 02, 2012, 09:05:22 pm »
I had dinner with my college friends recently and one of my girlfriends confessed na naging other woman siya!! Nainlove daw siya sobra. My gosh, gusto ko siya sampalin nun time na yun!! Ang catch pa dito, same company silang 3, si guy and my friend are in the same department, si wife naman ibang department lang. Kaya pala siya nagresign sa work,nabuking na sila at sinasakandalo na daw kasi siya ng wife!! Super iyak yun friend namin sa mga narinig niya sa amin, she's our friend but we won't tolerate her wrong doings!! Ayan tuloy, siya ang talo ngayon, wasak na lovelife niya, wala pa siya work.. Tsk!!
« Last Edit: March 02, 2012, 09:07:18 pm by kikay9599 »

 

Latest Stories

Load More Stories
Close