hello there mga buntis at nanganak na!! eto ang birthing story ko.. nakakaloka!!
1:45 pm (march 2) - i was already in the hospital kasi checkup ko. pero while waiting for OB, felt something na kakaiba. sumasakit yung tummy ko tapos pati balakang ko. hindi ako mapakali.
2:30 pm - dumating si OB. ako ang first patient. tapos, IE nya ako. still 3 to 4 cm pa rin daw pero ang napansin nya, after ng IE eh wet ako. so sabi nya, mukhang nagleleak ang water bag ko. i told her na 2 days ko na napapansin na pag wiwi ko, biglang mapuputol tapos parang may wiwi ulit. so, pinaultrasound nya ako to check yung amniotic fluid. so normal pa. pero when she looked at me and i told her yung nararamdaman ko, she told me na mukhang iaadmit nya na ako.
3:30 pm - hello labor room ako!! ni wala akong kasama.. haha.. tumawag lang ako sa bahay at pinadala ko yung bag ko.
5:00 pm - IE again, biglang 5 to 6 cm.
9:00 pm - IE, 6 to 7 cm.
10:30pm - OB instructed the doctor sa OR to puncture na yung water bag ko. poink! ayun! dun na nagstart ang sakit ng labor ko talaga. oh! the water was clear naman daw.
11:30pm - the nurse injected something sa akin.
2:00 am (March 3) - nagsimula akong umire pero antok na antok ako. till i just said sa mga tao don na "Hindi ko na kaya!!" ayun! wasak! tulog ako ng bongga!
3:45 am - baby out!! 7.4 pounds.
4:00 am - naalimpungatan ako nung nililipat ako sa room ko. ang alam ko lang, narinig ko yung SIL ko na sabi ang pogi ng baby ko. then i smiled and slept again.
8:00 am - i woke up and asked my mom what happened

kasi wala na akong dextrose or anything. i also asked her kung c/s ba ako or normal. aba! NSD pala ako

nakakatawa yung experience ko. talagang wasak ako and pagod na pagod. but thank God, everything went well with me and baby Gean! will post pictures and video later sa FB. march 4, uwi na kami. bilis lang noh? parang walang nangyari
