watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7  (Read 93891 times)

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #500 on: February 29, 2012, 01:24:23 pm »
^naku sis.. di pa ako nanganganak! wahhhhh.. nakakadepress na ito ha? though, sumasakit na yung puson ko pero nawawala din.  :'(

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #501 on: February 29, 2012, 01:42:09 pm »
congrats marchbaby! february baby pala si baby mo :)

rio - pigilan mo muna, bukas or sa friday na haha! masunurin si gean, gusto mo kasi march 2 haha! :)

things to bring sa hospital yung last kong pinost eh sakto lang for us. since paglabas kasi ni baby eh room in na talaga sa min. yun initial clothes from the hospital then humingi na lang ng changing clothes. niliguan din si baby nung 3rd day pero tinanong kung may dala kaming toiletries kaya yun ang ginamit. depende sa hospital setup din kasi.

di naman sobrang lumaki ang boobs ko pero since decided ako mag breastfeed, 7 months pa lang eh naka malunggay supplement na ko plus malunggay sa diet. hanggang ngayon eh tuloy tuloy, EBF kami ni baby kate. di ko pa na-try mag pump, baka sa 2nd week pwede na kasi kailangan nya rin masanay na di direct feed kasi baka mahirapan ako pag bumalik sa work.

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #502 on: February 29, 2012, 02:05:22 pm »
congrats sis marchbaby!

puro march babies na lang ata natitira. check-up namin later, and hopefully may progress na. sana may naidulot na ang 15 stairs + 30 mins walking ko every morning and 10 stairs + 15 mins walking every evening. kung wala pa rin, isasayaw ko na talaga to. hehe. :) ako rin march 2 sana manganak na ako.

ang saya naman for those nagbreastbreastfeed lalo na sa mga CS na mukhang mas mahirap. sana successful din ako. pero 2x a week naman ang fresh malunggay with talbos ng kamote ko dito sa bahay. 

katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #503 on: February 29, 2012, 06:26:10 pm »
At dahil jan eh simula ngayong gabi, iinom na ako ng malunggay tea. 100% malunggay siya with no additives, so hopefully makatulong.

Galing akong check-up kanina. Tuwa si OB kasi it looks like 6.2 lbs lang daw si baby (so not so big) and malambot na daw cervix ko and 1cm open. Sabi niya, baka by the weekend manganak na ako. Tapos discuss kami ng pain options, sabi ko gusto ko itry ng walang epi as much as possible. Sabi ko mataas naman yata ang pain threshold ko. Sabi niya, tingnan natin hahahaha

Tapos nakakaloka pa. kasi si OB mag aabroad siya from march 7-15 omg, so naisip ko, if baby does not come when the week ends, magpa-induce nalang kaya ako? may nagpa-induce pa dito? ano ang cons?

nagpanic kami dalawa ni hubby, kasi ultimo hospital bag di pa namin ready. although nakabili na kami, yun nga lang, di pa na-pack. and i have to wash baby's clothes again, this time with Cycles!

Sabi pala ni OB, pwede daw i-room in si baby kahit sa OB ward. ang ganda ng OB ward, may separate divisions pa din. Actually ang ganda ng hospital, kahit medyo nasa outskirts siya ng city, i don't mind the drive.

Ayaw ko pa manganak bukas (feelingera eh no), kasi may meeting pa ako, at may tatapusin na work! Tapos mag general cleaning pa kami sa bahay. tapos sale pa sa baby company sa SM bibili pa ako ng crib bumpers! Tapos magmega laba pa kami ni husband!

Grabe parang ngayon lang nag sink in sa akin na talagang anjan na si baby. excited pero nakakatakot at parang challenge din sa pain tolerance levels ko. whew.

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #504 on: March 01, 2012, 09:20:35 am »
I think I just lost my mucus plug this morning. It is tinged with blood, pero I don't know if the reason for such is dahil OB stripped me yesterday. I was 1-2 cm pa lang yesterday, OB commented that my cervix is already soft yet makapal pa. But after IE stripping kasi I had some spotting, and mild contractions afterwards. Tapos continuous yung spotting na parang last day ng mens, so am wearing pantyliners. And everytime I pee, my parang blood na lumalabas. Pero on and off pa ang contractions ko until today. So will do some walking pa later, para sana bukas pwede na ako manganak. Ever since, i've been praying to give birth on March 2. And hopefully, I will. :)

marchbaby

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #505 on: March 01, 2012, 09:38:27 am »
Thanks sisses. :). Oo nga, feb baby pala baby ko. Hehe

Sis princessrio lapit na yan. :)

Sa iba na waiting pa and dilated na, magulat na lang kayo na manganak na pala kayo. Remember last week, sobrang inip na ko. Tapos nagulat na lang ako nung saturday biglang sunod sunod na contractions ([textspeak!] pain sa kin sa puson lang talaga. Di [textspeak!] typical na dinedescribe ng iba na buong tummy or from the hips.

At 11am, I was still at my ob's clinic for check up. 4pm, baby was out na. 


simplyshao

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #506 on: March 01, 2012, 10:16:34 am »
^Sis, grabe ang bilis... halos 5 hrs lang and out n si baby. Ako din sis sa may puson at hindi sa balakang ang pain.

^^ Sis geekchiq, mukhang ayan na yan sis. Malapit na. Mauunahan mo na ako. Ok lang target ko talaga is next week. Pero if baby likes to come out na no problem with me. Ingat ingat. God bless.

Sis katiztic - as in all natural without epidurals? Parang hindi ko ata kaya yun sis.

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #507 on: March 01, 2012, 10:41:13 am »
geekchiq - i think that's normal kasi na-hit na ni OB yung cervix mo. ganyan din ako, bleeding after IE.

marchbaby - sana nga malapit na. i've been having pains sa puson pero still on and off. napapatigil ako minsan sa walking ko pag sumasakit. besides, 40 weeks na ako sa tomorrow. checkup na naman ulit. parang every 4 days na ata checkup ko.

katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #508 on: March 01, 2012, 11:50:31 am »
^^Sis, hindi naman totally na walang pain reliever. Meron daw yung sa IV drip ipapadaan. Pero susubukan ko talaga na hindi mag Epi. Yung mommy ko kasi, normal kaming magkakapatid. Eh yung brother ko, 9 lbs. siya pero kinaya niya. Kaya i am banking on my genes! hahaha

On and off narin sakit sa puson ko. Pero sana wag muna today and tomorrow. Friday na baby ha, kasi andami pang gagawin!

Sisters, anong take niyo sa induction? Iniisip kong magpa induce sa sunday if di pa ako mag labor kasi si OB eh may travel abroad sa tuesday eh

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #509 on: March 01, 2012, 03:43:13 pm »
good day sisses. sobrang busy sa pag-aalaga kaya ngayon lang ako nakalog ulit. :) congrats sa mga nanganak na!

Sis Khrisee- ako din matagal bago magkamilk. pero meron din and nothing change with my boobs din. kaya lang 1 week stop si baby dahil nakaantibiotic ako.

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #510 on: March 01, 2012, 05:18:05 pm »
ang hirap mag log in sa GT ha....

good luck and God bless sa mga manganganak...


katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #511 on: March 01, 2012, 06:06:05 pm »
Sisters,

So pano yun pag wala pang milk for the first few days? Anong food ni baby? Hay I need to backread pa the breastfeeding thread waaah

khriseeee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #512 on: March 01, 2012, 06:14:46 pm »
sis jp, are you not supposed to BF when on antibiotics? I'm on augmentin for 1 week but my OB didn't say I can't breastfeed =\

khriseeee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #513 on: March 01, 2012, 06:17:36 pm »
^^Sis, hindi naman totally na walang pain reliever. Meron daw yung sa IV drip ipapadaan. Pero susubukan ko talaga na hindi mag Epi. Yung mommy ko kasi, normal kaming magkakapatid. Eh yung brother ko, 9 lbs. siya pero kinaya niya. Kaya i am banking on my genes! hahaha

On and off narin sakit sa puson ko. Pero sana wag muna today and tomorrow. Friday na baby ha, kasi andami pang gagawin!

Sisters, anong take niyo sa induction? Iniisip kong magpa induce sa sunday if di pa ako mag labor kasi si OB eh may travel abroad sa tuesday eh

Ask your OB about your chances for a successful induction. Coz if your baby is still high and won't come down even when induced you might end up with a CS.

blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #514 on: March 01, 2012, 06:46:37 pm »
Hello mga sisses!

Congrats marchbaby!!! Sis rio ready ka na ba for tom? Hehe goodluck and have a safe delivery!

Mukhang hindi pa ako manganganak this week. Hoping by next week e gora na kami... Bigat na ni baby!!! Si ob binigyan na ako ng eveprim start ko daw inumin sa march 5. Hehe 3x a day good for 5 days ang binigay ni ob. Likot likot ni baby kaya hindi naman din ako nagwoworry.

Nagbigay na din si ob ng natalac pra daw magkagatas na ako. So iniinom ko nlng ngayon e iron at natalac.



princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #515 on: March 01, 2012, 10:27:29 pm »
sana nga sis blouie, manganak na ako tomorrow. inip, depression at frustration all in one na ang nararamdaman ko. marinig na sana ni Lord ang prayers namin na lumabas na si Gean bukas.

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #516 on: March 02, 2012, 10:26:47 am »
Ask your OB about your chances for a successful induction. Coz if your baby is still high and won't come down even when induced you might end up with a CS.

Feeling ko ganto nangyare sa akin. masyado akong maaga inadmit ng OB ko, tsk. thats why na CS bigla.kaya masama loob ng in laws.

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #517 on: March 02, 2012, 11:17:54 am »
^kaya siguro ako hindi inadmit naman agad ni OB. 4cm na ako nung monday pero pinauwi pa nya ako kasi sabi nya mataas pa daw si baby.

balik ako sa OB ko mamaya ulit. lumalabas na every 4 days na ang checkup ko at 40 weeks na rin kami ni gean exactly today. kanina naglakad ako, sumasakit na yung puson ko pero hindi na ako nagstop maglakad. pinabayaan ko na lang na sumakit ng sumakit.

wish me luck later ladies! muah!

katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #518 on: March 02, 2012, 11:54:05 am »
^Sis, baka this is it na!!! Goodluck and God bless :)

Sa wakas, 2 nalang ang natitira kong deliverables sa work, pwede na akong huminga ng malalim at magrelax. start na din kami ng general cleaning ni hubby. Tapos mamaya, walkathon kami sa SM para bili ibang gamit. Bukas simulan ko na mag mega tagtag kasi gusto ko by Saturday or Sunday manganak na ako.

Sabi din ng kapatid ko na nurse, mas maganda daw na hindi magpa induce, hintayin ko nalang kaw. Di ko na nga lang alalahanin yung pag alis ni OB sa March 7. Kagabi, may lumabas na dried blood, baka result nung nag stripping si OB sa akin nung wednesday?

khriseeee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #519 on: March 02, 2012, 12:35:33 pm »
^sis what did your ob say about coverage while she is awsy? does she have a backup who can attend to you? maybe you csn meet this ob to get familiar with her before your ob goes on vacation

 

Latest Stories

Load More Stories
Close