watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7  (Read 93931 times)

katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #200 on: February 09, 2012, 12:02:16 pm »
^Sis, goodluck and godbless and I hope manganak ka na next week! :)

I am off to new OB later. Naku, sana mabait at sana vibes kami. Nakakaloka lang kasi 9:30 am tumawag ako sa office niya, 1pm pa and clinic niya, pero ika-12 na ako sa lista OMG. Pero no choice, kasi kelangan makamura haaaay

Re ML, last day of work ko ay February 29. Tapos I can go back whenever, pero gusto ko na bumalik ng work ng May 1. Home-based naman ako kaya okay lang. Pero sa end of may, may naka-schedule na ako na travel kaagad, although manila lang, 4 days parin yun! Papano na kaya si baby, magkeep kaya ang frozen breastmilk for 4 days na wala ako? Kasi as much as possible gusto ko EBF *Lord, help!*

Wala pa din ako hospital bag, although ready na yung ilalagay ko sa loob. OMG, wala pa pala akong bottles na balak ko eh dalawa lang, kasi pang emergency lang eh, dahil gusto ko talaga mag BF.

Sisses, ano ba ang mukha ng birthplan? Penge naman ng copy o. Napapraning ako sa mga nurse, mamaya bigyan ng formula si baby, waaaah.

Also, may name na kami kay baby! Yeeeees! Nagkasundo din kami ni hubby hahahah Ang name na napili namin ay

Caitrin Raya

:)

keeshta

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #201 on: February 09, 2012, 12:29:44 pm »
sis simplyshao
itatanong ko ulet sa OB ko kung kelan din ako leave. pero ang advise niya saken sa last checkup ko, wag daw ako magleave ng masyadong maaga kase tataba lang daw ako sa bahay, kain-tulog lang daw gagawin ko and ayaw niya yung biglang taba kapag malapit ng lumabas si baby kase risky. ok lang daw ako magwork as long as im comfortable (wag naman yung 1 week before EDD) para active parin daw ako kahit papano and nakaka-help din daw sa pagtatagtag. pero wala naman siya binigay na exact date kung kelan ako pwede magleave, kaya confused ako! pano nalang pag biglang bumulwak yung panubigan ko dito sa office diba? wag naman sana Lord. *knock on wood

sis den.nica
maswertii din ako sa job ko kase eversince light work lang to. and yung boss ko hindi namemressure or nagbibigay ng maraming workload. hihi  ;D kaya kain-fb-forums-twitter ako madalas, syempre sinisingitan din ng work. tee hee!  8)

sis katiztic
sis sana ako din makapag-BF! super maganda yun sa babies naten saka malaking tipid! kain2 ng malunggay and lots of fluid.  ;) ang alam ko sis, maraming hospitals ang breastfeeding friendly ngayon. hindi nila basta2 binigyan ng formula milk si baby. tanong mo sa OB mo sis kung paano yung scenario sa nursery.

iristacey

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #202 on: February 09, 2012, 12:44:02 pm »
congrats for the healthy baby sis ladylucille! :)

ako din prepared na hospital bag ko, except for hubby's items.

question po sa mga nanganak na: did you room in your baby? if so, ilang damit ni baby ang dinala niyo?

37wks na kame sa friday, weekly na din check up namin. start na ng ML ko by Feb 17. sana manganak ako at my 38th week. panay na din feel ko ng contractions pero hindi pa masakit eh. first time namin mag-IE tomorrow. wishing everything's gonna be okay. dami nagsasabi na mababa na tummy ko pero feeling ko ganun lang talaga siya.

sis katiztic, i prepared a birthplan which i think nakita ko lang din sa internet. i can send you mine, just PM me, i included practicing the ENC and no bottles. but you may also look here. that's the reason na kahit may bottles na akong nabili, hindi ko na dinala sa hospital bag.


blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #203 on: February 09, 2012, 01:47:56 pm »
hello mga sis! haba nanaman ng back read ko..
Congrats sa mga nanganak na and goodluck sa malapit na ang due!

Regarding hospital bag prepared na din ako last week pa.. hehe 34 weeks and 2 days na kami ni baby. Sabi ni OB 1 month na lang pwedeng pwede na kasi nagpapalaki na lang si baby.

Laman ng hospital bag for baby: 2 set ang hinanda ko just in case pero hindi kami kasi mag rooming-in so going home clothes nya lang to.. naka zip lock din per set at iron hehe..
      -receiving blanket
      -short sleeve tie side
      -pajama
      -onesies (wala lang.. extra pra kung kasya eto na!) hehe
      -mittens
      -booties
      -bonnet

Then separate na zip lock.. 4 lampin, 4 burp/wash cloth. 12 pcs of disposable diaper
Then separate pa na lagayan.. baby wipes, 70% alcohol, lactacyd blue, thermometer. Lahat yan for baby.

Yung hospital bag na isa 2 set ng pjs, 2 set ng going home clothes (kimono top), 6 larger size of panty, 3 bra na nasa harap yung hook, 2 pack maternity pad, 6 pcs of underpads, slipper, cotton balls, alcohol, towel at 4 bimpo. Jacket and socks pa pala..

Separate bag yung toiletries: toothbrush, toothpaste, betadine femine wash, soap, shampoo, conditioner, mouthwash (lahat to mga small lang) lotion, petroleum jelly at lip balm.

Isa pang pouch bag for gadgets: 2 camera and charger, cellphone and charger, ipad. Maglalagay din ako ng magazine na nabili ko sa baby fair.

Onother bag yung sa food na like plates, cups, spoon, fork (disposable lahat) dishwashing liquid with sponge. Food like skyflakes, cup noodles at instant coffee. 3 extra plastic lagayan ng laundry/soiled items.

Documents... mother's book and lab results, mock birth certificate, and rosary!



     

keeshta

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #204 on: February 09, 2012, 02:55:07 pm »
^waw! good job kana sis! kumpleto.. hehe. buti nalang nagpost ka, hindi ko naisip yung food. kase feeling ko bibili lang din kami ng take out. hihi

aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #205 on: February 09, 2012, 03:32:02 pm »
muntik na naman akong utusan today na mag field.haha buti na lang naawa ka team ko sa akin, nakiusap kung pwede tom. na lang.

simplyshao tayo nga pala magkasunod na edd no.pero alam ko kasi yung due date ko inadjust lang ng ob para madaling bilangin e.una kong due date is march 2 e. sabi ng hr namin pwede na ako mag ML 2 weeks before due date.verify ko din sa ob if fit pa ako to work. pero personally, ayoko na. pagod na ako sa byahe.

regarding sa hospital bags, ano pala yung maternity pads na gamit nio. ask ko na lang din si ob kung ano ang mga need pag dun sa marikina valley manganganak hehe. and useless din mag sterilize kaagad ng bottles, kasi dapat w/in 6 hrs. atleast na sterilized [textspeak!] bote e. isterilize din naman daw nila sa hospital yun ifever magpapabottle feed kayo.

kaice lesson learned: next time papa cater na lang talaga kami hehe. we chose to save up din kasi for the shower, kasi kaya nga nagpababy shower para makaipon gamit.so useless kung gagastusan namin ng bongga. pero na over budget pa din kami haha

san ba kau bumibili ng frogsuits? haha.ayaw nila ako pabilhin nun. nakakainis.

wala pa din ako idea sa birth plan. balak niyo ba mag pa epidural?


suicide_doll19

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #206 on: February 09, 2012, 03:40:06 pm »
kaice ako rin sis kinakausap ko si baby na wag muna hanggang mag full term siya.

keeshta oo nga sis magkasunod lang talaga :D baka nga sis nagpeprepare lang tyan ko for actual labor. yun din sabi ng ob ko eh. basta hindi continous ok lang daw.

nafeefeel niyo ba minsan yung parang tumutusok sa vajayjay? :D lagi ako nakakaramdam nun ngayon. minsan parang masakit pero minsan maiihi ka lang. ano kaya yun? mga sis ang baby briefs ba need na kagad ng baby?

aiz ako sis online ako bumili ng mga frogsuits chaka sa sm. sabi ng ibang friends ko meron din daw sa gh kaya lang di ko na carry pumunta dun ngayon.

katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #207 on: February 09, 2012, 04:58:00 pm »
Hi sisses!

Just came from a visit to new OB. I am sooo happy! She's really nice. And then I asked her pa not to tell my old OB na lumipat ako, she said, naku, hindi lang ako ang lumipat.

Tapos she had a portable ultrasound so naaliw ako talaga. More importantly, dahil nalito na ako ng bongga sa EDD ko, we went through the various ultrasound, and then yung EDD ko nung first UTS which is the most accurate, ang susundan namin, which is March 26, 2012. This means daw that i can give birth na by March 4.

Tapos, ni-raise ko sa kanya yung issue na 100thousand ang hinihingi ni old OB in case ceasarian. Sa kanya, ang emergency CS ay abutin lang ng mga 60-70 thou. Tapos, kung scheduled CS, about 45 thou lang. At kung NSD, eh 11thou. Kaso ward yun, but she referred me to a really nice provate hospital with a really nice ward. Wala daw masyado nanganganak dun, kaya malamang i am the only one in the room. yehey. okay kaya ang ward? or advised talaga ang private room?

Mas naexcite ako tuloy. Bawal na din ako mag sweets at colored drinks except natural fruit juice. Kasi i'm really petite, but my husband is quite tall, kaya si baby eh on the big side, kahit I only gained 20 pounds all through out. Pinag-eexercise nya na din ako. Nageexercise din ba kayo? anong exercises niyo?

tigaM

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #208 on: February 09, 2012, 07:17:09 pm »
^ ok yung ob mo sis katiztic a. sakin din mga P100K++ yung quote for cs. twins kasi babies ko kaya malaki possibility na cs... saan hospital yan sis and sino ob?  magkalapit pala tayo ng due date, march 28 ako based on lmp but march 14-21 daw pwede na ko pumili ng date if ever cs nga ako...

den.nica

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #209 on: February 09, 2012, 08:17:18 pm »
may konting konting progress na ko. from 1cm, naging 1.5 na hehe ;D medyo lumambot na rin cervix ko as per my OB. pero biglang laki yung fundic height ko from 33 last week, naging 35 na. hindi ako nag gain ng weight so malamang lahat ng kinakain ko napupunta kay baby  :( nasa 3 kilos na daw sya ngayon kaya pinag ddiet na ko. balik ulit kami kay ob sa monday para makita kung may progress na and para ma ultrasound na kung gano na kalaki sa baby. sana ma maintain na yung laki nya ngayon ayaw ko ma CS  :(

lawlib24

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #210 on: February 09, 2012, 08:41:14 pm »
good evening mga sis, 39 weeks na kami today based sa first tvs, last check up 3 cm and manipis na daw ang cervix, after 3 weeks of taking evening primrose, still waiting for the D-Day. hindi naman ako mainduce kasi grade 2 pa lang daw ang placenta ko based on the last uts, 37 weeks.  :(

congrats sis Ladylucille sana ako na ang next mangitlog. Nakakainip na rin lalo na naka ML na ako, 9 days na. pero spending more time with my panganay.

goodluck to all the mommies.




aiz08

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #211 on: February 09, 2012, 09:36:43 pm »
den.nica pano ba nalalaman yung weight ng baby? ano ginagawa ni ob mo?kasi ako sa checkup namin laging heartrate lang ni baby tinitignan.tapos entertain lang sya questions.ganun lang. di ko nga alam ano talaaga mga dapat itanong. nag base lang ako sa last ultrasound namin when we were 32 weeks, almost 4lbs na sya. ngayon almost 36 weeks na kami, mas mabigat na siguro sya.

Bigat na bigat na ako sa sarili ko, kaya hirap na hirap ako pumasok. 2 bags pa bitbit ko, 1 dun laman laptop. Kaya ko naman maglakad pero hirap ako kung may bitbit at lalo kung wala ako alalay.Tapos pag byahe naman, sobrang sakit sa pwettttt hahaha! napaka uncomfortable talaga ng byahe.ang lalayo kaya gusto ko na mag leave from work.

lawlib lakad ka lang siguro sis saka stairs. goodluck sis, baka next ka na din,konting tiis na lang :)

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #212 on: February 09, 2012, 09:47:43 pm »
sa mga nanganak, congratulations..
sa mga next in line, good luck and God bless!

hay.. i'm so frustrated with my checkup yesterday (again). 36 weeks 5 days kami kahapon.

naggain ako ng 2 pounds in 2 weeks. although wala pa ako sa maximum weight na binigay ni OB at hindi naman lumaki ang fundal height ko, pinagdadiet pa din ako ni OB. worried naman sha ngayon sa sugar ko. good thing, yung 2-hour postprandial ko eh within normal limits kahit pa orange juice ang ininom ko. kung hindi, hello Endo! BP ko was normal naman. second bakuna ko na rin pala.

ang nakakafrustrate eh sa IE. she found out na may discharge ako and she didn't like the color kasi yellowish. pinaurinalysis ako, negative naman. I was given an antibiotic at suppository. hay.. kung kelan pafull term na ako, saka pa lumabas itong mga ganito. not to mention, ang gastos sa gamot! di bale, all for me and my baby.

oh! closed pa ang cervix ko. she can't say kung kaya ko magnormal kasi mataba ako at malaman. she didn't ask for pelvimetry na kasi old method na daw yon. besides, minsan daw sasabihin ng pelvimetry na kaya ang normal, pero pagdating sa D Day eh hindi pwede. minsan naman, sasabihin na hindi pwedeng magnormal pero kaya naman pala normal sa trial. so, ang hatol nya sa akin eh trial talaga. ang nakakainis pa, sa IE pa lang eh hindi ko na kaya magrelax. what more kung si baby na yun!  :o
« Last Edit: February 09, 2012, 09:49:17 pm by princessrio »

katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #213 on: February 09, 2012, 11:02:35 pm »
Gusto ko talagang mag Normal Delivery. Please Lord, please.

Anyway, sis TigaM, sorry sis, wala ako sa manila. ako ay nasa malayong lugar ng mindanao, kaya lang mega reklamo ako dun sa quote na 100thou kasi feeling ko pineperahan ako ni previous OB.

Whew, start nadin ako magwalking. Grabe last exercise ko eh 4 weeks pregnant ako, at yun yung hardcore (mountain climbing) kaya it felt good to exercise, pero ambilis ko din pala mapagod. 30 minutes maximum lang exercise ko.

Sa sunday pala mag 50grams glucose test ako. Kelangan ko ba mag fasting? Sabi ni OB, a light breakfast is fine, but parang may nabasa ako na kailangan ko magfast.

Di din masabi for sure ni OB kung qualified ako mag normal delivery. Siyempre, di naman natin alam. But at least, I know she will really try for NSD first before resorting to CS. whew.

sa saturday naman, maternity photoshoot ko na! :)

keeshta

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #214 on: February 10, 2012, 08:43:54 am »
mga sis, ako din on diet! hehe. lagi kase akong tinatakot ni OB na baka ma-CS ako kapag malaki lagi weight gain ko. pero for now, kaya ko pa naman daw mag-normal basta good girl daw ako kase maraming consequences daw kapag biglang taba si mommy sa mga later weeks of pregnancy. pero pag andun ka na daw mismo, trial lang daw talaga. kase kahit kaya mong i-normal, nagkaka-problem parin so emergency CS na. sana naman wala tayong maging problem para kayanin naten normal delivery! ayoko talaga ma-CS  :o

sis princessrio
parang napapansin ko din may yellowish discharge ako lately. hindi naman yellow na yellow, pero parang iba siya sa normal discharge. sabi nila normal lang daw un sa mga malapit na ang due. pero prone din daw mga buntis sa mga infections so tanong ko nalang sa OB, buti nalang ckeckup ko ulet bukas. nakalista na ang marami kong katanungan. hihi

sis katiztic
exercise ko lang is walking. haha! saka light household chores. naku, sa tinitirhan pa namen minsan nasisira yung elevator kaya lakad mode sa stairs! super exercise un ha, imagine sa 5th floor kami. toinks  >:( andami na nga nagsasabi na bumaba na tiyan ko. di ko alam kung good sign yun kase baby is preparing na, or too early pa para bumaba. sana naman March na lumabas si baby, wag lang feb29!  :o

geekchiq

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #215 on: February 10, 2012, 09:09:27 am »
^pareho tayo sis. am living with my in-laws sa condo, sira din ang elevator, and 5th floor din kami nakatira. pero stay at home lang naman ako, so hindi ko naman masyado nagagamit yung stairs. pero am planning since 36th week na ako by monday, career mode ko na ang stairs next week, kahit wala akong pupuntahan, yun na ang exercise ko. pero kasi ang ginagawa ko everyday sa loob ng house is maglinis, magligpit ng gamit, one time gusto ko pa linisin yung banyo. nesting and para matagtag in one! hehe. :D

last check-up ko is when I was on my 34th week, pero sunod na check up is on 37th week pa ulit. Iprepare ko na lang daw muna yung mga lab tests and ultrasound ko for 37th week, tapos IE na. ichecheck niya whether kakayanin nga raw mag-normal.

re discharge- mine too is slight yellowish na, pero hindi naman siya grabe talaga. On my own discretion daw if I wish to take the suppository, pero sabi niya medyo masakit nga raw ipasok.

re weight gain- sa akin naman parang steady na ang weight ko at 130llbs, parang wala na nga akong weight gain. not sure if it's a good or bad thing.. ayaw ko rin naman kasing super liit or super laki ni baby kaya gustong gusto ko na ulit magpaultrasound. friday next week na lang siguro.


kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #216 on: February 10, 2012, 09:21:25 am »
gandang morning! :)

checkup namin later at dahil paranoid ako na di na pauwiin, dapat talaga handa ang lahat bago ko umalis ng house kanina  ;D though handa na  yung iba dun last month pa.

operation tagtag- nagbyahe ako kahapon at natagtag pero nahihirapan ako magwalk kasi parang may naipit na something sa left hip ko. di makuha ng stretching. speaking of stairs, nasira yung elevators sa condo namin nung isang araw, 9th floor ang unit namin.. buti kaya pa :) pero pag pababa, stairs talaga ko madalas.

sana manganak na ko soon... advance valentine's date na namin ni hubby bukas ng gabi :)


blouie11

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #217 on: February 10, 2012, 12:37:58 pm »
ang lapit mo na sis kaice!! hehe.. goodluck ha have a safe delivery.

34 weeks kami nung tuesday and it was also may check-up. hindi pa naman ako IE ni OB. next check-up ko after 2 weeks pa so 36 weeks na kami nun. Hindi pa rin nagpapa repeat ng labs si OB. Although 2lbs ang gain ko last 2 weeks worried ako ngayon kasi madalas ang dinner namin ni bf e past midnight na tapos sandali lang magsleep na. although hindi naman ako nakakatulog kaagad nakahiga naman. Worried din ako last night kasi after ng midnight dinner namin sa labas e ang bilis ni bf magdrive parang natagtag tummy ko tapos may sumakit. Kinakausap ko si baby hindi naman nagreresponse buti na lang after a few minutes gumalaw na cya. haysss.. kung hindi nagparamdam si baby susugod talaga ako sa hospital nawala rin naman na yung pain. so feeling ko naalog lang.

Sino ba mga kabatch ko? im due march 20 e.. pero im hoping na pagdating ng 38th week namin magdeliver na ako. So magstart ako ng count March 6.. Sana lang talaga NSD ayoko talaga ng CS.

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #218 on: February 10, 2012, 12:58:59 pm »
nagka-emergency si OB sa kabilang hospital kaya monday na nag check up namin. ayoko pacheck up bukas hehe! magde-date muna kami ni hubby :)

handa na naman kami kung sakaling magparamdam si baby kate na lumabas.. kukunin ko na lang yung admitting orders ko mamaya.

den.nica

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #219 on: February 10, 2012, 01:34:54 pm »
sis aiz08 sabi ni OB pag ang fundic height is nasa 35cm, ang weight ni baby is around 3 kilos. pero ipapaultrasound namin sa monday para accurate yung makuhang size ni baby. pag umabot daw kase ng 9lbs si baby CS na sya. saka mahirap na pag masyado malaki si baby, humihina na.

sis princessrio may mild infection din ako ngayon kase madyo itchy down there :( saka yellowish discharge. mas prone daw ngayon sa infection kase malakas discharge tapos minsan may buo buo pa. sobrang dalas ko pa magwiw as in. pinag suppository ako ngayon for 3 days. mahal ng gamot! 100+ isa :( natatakot din ako kase 38 weeks na ko. sana lumabas si baby pag wala na yung infection para sure ng malinis yung dadaanan nya. 

gusto ko na manganak next week para hindi na umabot ng 40 weeks, hindi pa masyado botchog si baby.

mataas pa daw si baby sabi ni OB :( hindi pa sya sumisiksik sa baba. mawater kase ako kaya floating sya. or pwede ring malaki sya masyado kaya hindi sya makasiksik. hay... sana lang talaga mainormal ko si baby.

 

Latest Stories

Load More Stories
Close