watch now

Author Topic: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7  (Read 93514 times)

iristacey

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #160 on: February 06, 2012, 05:52:07 pm »
oo sis, even ako ayoko magdwell into that negative thoughts. nalungkot nga ako sa kwento nila sis shinta and sis red_apple sa kabilang thread. naalala ko yung nangyari sa ate ko.

i always talk to my baby na lang na dapat FASHN kame.

F - Full term
A - Alive
S - Safe
H - Healthy
N - Normal



Gusto ko talaga normal but siyempre hindi ko naman inaalis na pwede mag-CS lalo pa kapag kapakanan na ni baby ang nakasalalay. 

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #161 on: February 06, 2012, 06:07:13 pm »
kakayanin natin ito mga sisses! prayers lang talaga...si God na nag bahala sa tin. naging masunurin naman tayo sa mga doctors natin and we made sure that everything is ok for baby while we are pregnant. come D DAY, si God na lang ang tutulong sa atin :)

ka-meeting ko yung anes ko kanina, sabi nya manas na daw ako at nasa boses ko daw na malapit na ko kahit mataas pa. normal daw yun sa first time mommies. may nakasked pa kong meetings hanggang next week pero may mga sub na ko just in case :) pagkatapos ng major report to bosses ko tom at final endorsement sa junior managers ko eh mejo mapapanatag na ko at pwede na lumabas si baby kate :)

graceria07

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #162 on: February 06, 2012, 06:23:27 pm »
tsaka mas ok na positive thinking lagi tayo :)
and more prayers.. :) ingat mga sis

khriseeee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #163 on: February 06, 2012, 06:45:35 pm »
I told my husband about what happened to shinta and red_apple, that these things happen. He got really upset na why something like that could happen pa when the baby's full term. Then he said he wouldn't be able to stand the heartbreak if that happened to us....*knock on wood*

arabelle050587

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #164 on: February 06, 2012, 08:21:37 pm »
nakakasad naman mga nababasa ko  :(
pero i know naman na hindi tayo papabayaan ni God..kapit lang mga mommies! :)

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #165 on: February 06, 2012, 10:41:47 pm »


Sis izabelle --> congrats ulit sis! :) salamat for telling your story. :) eeep, sakit pala talaga noh? takot na din tuloy ako. Pero most of the mommies that I asked, mas masakit raw magpagaling ng tahi after delivery. True ba yun?

i'm on my 6th day na and medyo masakit pa din tahi ko... pero mas nakakakilos ako ngayon and konti nalang bleeding.

siguro kaya nasasabi yun ng most mommies kasi ang labor pains 1 day or ilan hours lang mafeel.. pero yung tahi kasi mas matagal mo mafeel ang sakit kasi matagal din bago gumaling.

for me, wala pa din tatalo sa labor pains.. lol

kuliglig^^

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #166 on: February 06, 2012, 11:00:48 pm »
Hi sisses! ;) Sorry di ako masyado nakakareply sa mga posts kanina..

Bigla na kasi ako tinakbo ng driver ni boss sa clinic, kasi naglabor pains ako ng bongga. Unfortunately, sabi ni OB, irreg pa yung intervals and hindi pa ko dilated, pati di pa ruptured ang BOW, pero accurate naman daw yung description ko ng pains. Mataas pa rin si baby Lucas. So ayun, absenters ako sa office, kaya naghanap na lang kami ng house. Eeep, hahanap pa ulit kami sa Wed or Thurs. And sabi ni boss, hanggang tom na lang raw ako sa work, para makapagpahinga na raw ako. Sana makuha ko na ang sss check and philhealth papers tomorrow.

Ingat ingat kayo sisses! :)

izabelle

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #167 on: February 06, 2012, 11:03:41 pm »
Mga sis, pray lang kayo always, it really helps.

sobrang paranoid din ako lalo na nung malapit na manganak.. yung pag poop ni baby inside nangyari din kasi sa sis in law ko kaya main concern ko yun.. paranoid din ako sa cord coil, etc..  kaya sobra dasal ko at lagi ko kinakausap si baby nun.

advise ko lang, kapag nag labor na kayo, pamonitor nyo HB and movements ni baby (i think standard protocol to sa hospitals?) and from time to time ask nyo mga nurses kung ok ba si baby based sa movements and HB nya.. hindi pa ba sya nastress? kasi isa ang stress sa reason why nag poop si baby sa loob..

also watch out kapag nag rupture na water bag kung wala bang green stain, etc..

basta pray lang mga sis... everything will be ok :)

jenybasti

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #168 on: February 07, 2012, 07:41:30 am »
my baby is now 3weeks old :)
exclusive breastfeeding kami :)
ako naman i gave birth a day bago mag 38 weeks si baby.kala ko nga mga 39 weeks ako manganganak kaya yung hospital bag ko eh di ko pa naayos.nung jan.12 thursday kasi check up ko pag ka IE sakin yun nga nashock si doc na 4cm na pala ko.pero wala naman akong nararamdamang sakit yun lang na parang tumutusok ulo ni baby.pinaglakad lakad ako ng 2 hours tapos minonitor si baby eh talagang wala pa kaya pinauwi muna ko.
tapos nung sunday punta kami sa plastikan para bumili ng bathtub at cabinet kaya lang nasawi ako sa cabinet at walang stock nung gusto ko.kinagabihan punta kami sm para bumili playpen.eh wala masyadong maganda sa sm kung meron man eh ang mamahal kaya ayun nagpunta kami ng trinoma.nilakad ko yun ng nagmamadali dahil mga 830 na yun eh hanggang 9 lang sila dba.tapos yun buti madami sa trinoma tapos mas mura pa.then balik uli kami sm kala kasi namin hanggang 10pm sila yun pala hanggang 9 lang di ko tuloy nabili yung tommee tippee na bote.kumain na lang muna kami tapos naggrocery naman ako ng mga toiletries pagtapos.
kinabukasan sched ko na magplantsa ng mga damit ni baby.mga 10 am ako nagising kumain muna ko ng bread w/ peanut butter.tapos mga 1030 biglang may tumulo saking tubig.konti lang naman unlike nung sa eldest ko as in parang gripo talaga.pakonti konti lang yung tulo kaya inobserve ko muna.tapos mga bandang 11 ginising ko na mama ko kasi nga basang basa na ko.sabi ng mama ko maligo na daw ako.medyo relax lang ako kasi nga wala pa namang sakit.pagkaligo ko nagbihis na ko tapos nagplantsa pa ko kasi nga di pa nakaready hospital bag ko.pinlantsa ko lang muna yung mga dadalhin yung mga kailangan.mga 2 na kami nakapunta hospital.tapos ayun minonitor si baby nung na IE ako 5-6cm na daw.mga 3 dinala na ko labor room.nilagyan na ko dextrose tapos medtyo wala pang pain.mataas kasi pain tolerance ko so kahit naninigas na tyan ko pag tinatanong ako kung masakit daw ba sinasabi ko lang di naman masyado.nagulat pa ko may kumausap sakin na anaesthesiologist.sasaksakan daw ako anaesthesia sa likod pag malapit na lumabas si baby.mga 530 ko naramdaman ng bongga yung sakit.pinatagilid din ako kasi pag nakatihaya daw humihina HB ni baby.tapos siguro around mga 7pm na 8cm na ko pinagstart na ko mag push.dadalin lang pala sa DR pag medyo nakalitaw na ulo ni baby.tapos yung dinala na ko sa DR.after mga ilang push pinatagilid na ko at pinabaluktot.dun ako nahirapan.siguro mga 20mins ako nakaganon.eh syempre pag nagcocontract ang tendency eh umire ka.sinasabihan nila ko na wag daw muna umire sabi ko naman di ko mapigilan naiire ako.after umepekto yung anaesthesia 2 push lumabas na si baby.851 pm.di ko nga naramdaman nagulat na lang ako pinatong na sya sakin.nakakatuwa nakita ko na si baby.inihian pa nga nya ko naramdaman ko may mainit yun pala ihi nya.mga 10pm nasa recovery room na ko.mga 1am nilipat na ko sa room kasabay ni baby sakto naman naka skype na asawa ko at kapatid ko hinihintay kami.medyo na teary eyed nga sya pagkakita nya sa baby namin.
about labor pains,kaya nyo yan wag nyo lang masyadong isipin na masakit.basta pag nafeel nyo na yun isipin nyo lang na kaya ko to para kay baby.kausapin nyo din si baby na wag kayo pahirapan lumabas na agad sya.and syempre pray lang.nagulat nga ako sa sarili ko na ganito pala dinanas ko 10 yrs ago.17 lang ako nun.mas nahirapan pa nga ako nun.natuwa nga din yung mga nagpaanak sakin kasi ang hinhin ko daw.di kasi ako umiiyak o yung sumisigaw di daw tulad ng iba.
mahiyain kasi ako :)
goodluck sa mga malapit na manganak.siguradong excited na kayo super.wag kayo kabahan always think positive.kaya nyo yan :) :)

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #169 on: February 07, 2012, 08:28:37 am »
thanks si jennybasti for sharing your story :) parang nasa amazing race ka lang haha! :)

3rd trimester pictorial namin later. im having second thoughts kung itutuloy kasi my aunt died yesterday. pero sabi ni mama, ituloy na daw kasi baka lumabas na rin si baby. kakatakot kasi pang 5 na sa 8 na magkakapatid nina papa yung aunt ko na namatay from diabetes. all were amputated, most became blind as complication kaya sobrang takot ako sa GDM, luckily at this point eh we are spared.

im really praying that we don't feel much pain. kinakarir ko na mag-walking. stairs na lang pag pababa. pag paakyat minsan ng office, nagstairs din ako :)

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #170 on: February 07, 2012, 11:39:10 am »
good morning sisses.. 6 day old na si baby today. :)

so far tolerable na ang pain sa tahi ko... at nawala na yung sakit ng likod ko due to 12 hours na higa at sobrang lamig ng room sa hospital..

sa experience ko with CGH eh ok na ok naman ang serbisyo nila. :) then asa 80k lahat lahat ng nagastos namin. worth it lahat ng sakit at gastos mga sisses once na nakita nyo na baby nyo. :)

sobrang paranoid din ako nun sa mga nabasa ko kaya tlagang pinilit ko sa OB na papacs na ako ng feb 2. :) and pinagpray ko tlaga na tama yung decision na yun and I thanked God na ginabayan NYA kami. mga sis, magrosary lang kyo lagi and talk to God kahit asa labor pain na kayo or asa hospital, nakakawala tlaga ng takot. :)

kaice

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #171 on: February 07, 2012, 04:59:58 pm »
natapos na rin sa wakas ang major report ko :)

yung mga tao sabi baka march pa daw ako manganak kasi ang taas pa daw ng tiyan ko, sabi ko overdue na ko nun... waahh kailangan ko na talga maglakad ng maglakad. nasobrahan kaya kami ng pampakapit?! naka duphaston kasi kami hanggang 5 months. super active naman ako, pwede bang magjumping jacks na lang haha! :)

jp_jameop - good that you are recovering well :) hello kay baby chai!

suicide_doll19

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #172 on: February 08, 2012, 12:58:57 am »
hi sisses! pa join :)

March 16 D-day ko based sa 1st tvs ko making me 34w5d :)
2nd baby ko na rin to. i ahve a daughter who's turning 6yrs old na. Mas hirap ako sa pagbubuntis ko ngayon kesa sa una. nararamdaman ko na rin yung parang may tumutusok sa vajayjay na parang maiihi ka normal ba yun? chaka everytime na maglalakad lakad ako sobrang sakit ng singit ko. parang may bowling ball sa gitna. naramdaman niyo na ba yun? hindi tuloy ako makapag lakad lakad ng matagal sa mall. last sat nga nagikot ikot ako sa mall after 2-3hrs sobrang sakit na ng balakang and likod ko. pati puson ko sumakit kala ko nga labor na. pero malayo ang interval niya.

sobrang excited na ko makita baby boy ko. Pero medyo matagal tagal pa. naiinip na nga ako :D

keeshta

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #173 on: February 08, 2012, 09:23:15 am »
Hi sisses! Joining.. :)

D-Day is on March 22, 40weeks. Pero sabi ni OB pwede na daw syang lumabas ng end of Feb kase 36 weeks na ako nun. Pero wag naman sana ganun kaaga, baka matapat siya on Feb 29. hihi!

Kakasad at kakatakot naman yung mga nangyari sa ibang sisses.. Sana maging okay naman yung panganganak naten. Pray and think positive nalang tayo. At syempre sumunod lang sa mga advise ng OB.

katiztic

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #174 on: February 08, 2012, 09:33:46 am »
Sisses Keeshta and Suicide-Doll,

Kayo pala ang mga kabatch ko! :) Yung EDD ko based on ultrasound eh nagra-range ng March 17-21, pero sabi din ni OB-SONO, pwede na lumabas si baby by end of february! hehe. Ambigat na ng tiyan ko, hirap na tumayo from the bed pag naiihi hehe. Likot likot nadin ni baby girl. Pero true, di nadin ako makapaglakad ng super tagal.

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #175 on: February 08, 2012, 09:37:35 am »
naku.. sorry sisters. pero pag sad stories ang napopost, tinitigilan ko na magbasa. may isa akong binasa sa preg thread na malungkot, iyak ako ng iyak at hindi talaga ako tumigil ng kaiiyak. hindi sha nakatulong for me and my baby. kaya basta may nega or sad stories, tigil reading ako. i just pray and trust Him. pero that's just me ha?

anyway, checkup with OB later. pelvimetry na siguro ako. 36 weeks 5 days ako today. so sa saturday, full term! gusto ko na maghello world si baby. kagabi lang ako nag-ayos ng things na dadalhin sa hospital. di ko pa nilalagay sa bag kasi parang ayaw ko yung bag. hanap ako ng ibang bag dito sa bahay. ito lang dadalhin ko (sobrang onti lang!).

for mommy:
-6 pieces of panties
-3 bras
-maternity pad
-isang pantulog
-isang going home maxi dress
-2 pairs of socks
-slippers
-toilettries (soap, shampoo, toothbrush, toothpaste, feminine wash, comb, powder, lipstick)

for baby:
-3 pairs of mittens and booties
-2 bonnet
-1 receiving blanket
-2 4 ounce bottles (just in case)
-2 pang-itaas (1 side-tie na longsleeve, 1 side-tie shortsleeve)
-2 pajamas
-6 pamunas (para pagnagpabreastfeed ako)
-diaper

others:
-pangkain (plates, spoon, fork, baso)
-thermos
-documents (sss, philhealth, marriage cert, printout ng cert of live birth)
-camera

may nalimutan pa ba ako? super basic lang ang dadalhin ko. ayaw ko ianticipate na sobrang tagal namin sa hospital. saka malapit lang ang house namin sa hospital kaya kung may kailanganin pa ako, walang kahirap hirap.

jp_jameop

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #176 on: February 08, 2012, 12:35:44 pm »
helo sa mga new members.. :)

sis kaice- basta lakad ka lang ng lakad since di naman bawal syo. naku speaking of duphaston, sobrang dami ko sobra.. hehhe sino kaya may gusto? heheh
yah sis nagaglit nga mom ko kasi wala ako gnawa kundi kumios ng kumilos dito sa bahay. bukas mailigo na ako.. hahah sa wakas!!!!!! sinusunod ko ang si madir para wa prob. hehhe

sis princessrio- naku sis wag mo na damihan ang dala mo damit ni baby. ako sobrang laki ng bag kong dala pero isang blanket, 1 pair of mitten and booties, isang tieside lang nagamit ni baby, nung lumabas lang kmi. tapos i advice you na bumili kayo ng malaking undies tlaga, dami ko dala bkini panty pero di umubra... nagpabili ako ng malaking panty.. as IN PANTYYYYYY! hahahah then di rin ako nakgamit ng bra. hehe nung lalabas na lang din kmi.
importante talaga yung mga documents... buti nakaready na din lahat... and of course magready kayo ng mas malaki sa estimated amount. :)

ingat and goodluck sa mga mangingitlog. :) ;D

princessrio

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #177 on: February 08, 2012, 12:43:57 pm »
^thanks sis. actually, tig 2 pairs lang talaga ang dala ko except for the booties and mittens. ayaw ko talaga magdala ng marami.

at oo, granny's panties talaga ang dala ko. with the excess fat, hindi pa ata uubra yung bikini. bumili na ako noon pa ng 1 dozen eh.. hehe.. buti kamo nag-ayos ako kagabi. OMG! yung camera battery ko pala eh drained! haha.. fully charged na sha ngayon. ;D

wait.. off to OB!

khriseeee

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #178 on: February 08, 2012, 01:59:19 pm »
I'm bringing granny panties too, as in up to my belly button! hahahaha but I also bought adult diapers and disposable undies since I heard bleeding the first few days is really heavy and I don't want to deal with stained undies.

I brought 1 nightgown, 1 set pajamas, 1 robe, and going home outfit. Can't decide yet whether to bring 2 or 3 packs maternity pads hehe

What does baby wear while in the nursery? What if the baby's roomed in? I've only packed 1 outfit - a frogsuit for going home and swaddle blanket. Is that ok na? I figure since baby will be swaddled no need for mittens.

Also packed alcohol, tissue, cotton pads, baby oil, baby wipes. All docs ready in duplicate and all IDs photocopied too hahahaha

Toiletries bag with light makeup (for picture taking!) are also ready na.

Camera and cellphone..will throw them in my bag when we're leaving. We live 5 minutes from Cardinal so it won't be hard for hubby to come home for anything missed out.

Am I missing anything else?

ladylucille

  • Guest
Re: Baby Due on January, February & March 2012 - Part 7
« Reply #179 on: February 08, 2012, 02:32:14 pm »
UPDATE UPDATE!  I gave birth na mga sis. Grabeee!!!

Feb 6, 11:40pm at Makati Med.  I'm 38weeks & 5days.  Baby VERONICA is 5.8lbs and 48cm.

So happy finally nakita ko na si baby. We're enjoying every minute with her.  She's such a blessing! :)

Utang muna birthing story.  We're still admitted here sa MMC.

Good luck to the rest of mommies na mangigitlog na.  Thanks for the prayers and sa chikahan na helpful dito sa GT.  :-*

 

Latest Stories

Load More Stories
Close