Hindi ako natuwa sa first use ko ng maxicare card ko. Hindi naman sa maxicare itself ang rant ko kundi sa doctor kung kanino ako nagpaconsult. It was a saturday kaya madaming tao and mahaba ang pila, more than an hour din akong nagwait sa maxicare center sa makati med to get a referral for an ENT doctor. Ayos lang naman sa akin yun kasi nga saturday. After more than an hour of patiently waiting, nabigyan na rin ako ng referral, but not to my preferred doctor kasi daw mahaba din ang pila sa doctor na yun and busy ang line nung tinatawagan ng maxicare representative. So ni-refer nya ako sa ibang doctor.
And then dun na nagstart yung inis ko sa araw na yun. Excited pa naman akong magamit yung maxicare card kasi first time ever kong magkaroon ng healthcard ( wala kasing healthcard sa previous employer ko). Pagpunta ko sa clinic ng doctor na yun, pinaregister ako and pinawait ng sandali (wala naman kasi syang ibang patients dun).. And then after a while, tinawag na rin ako ng assistant nya. During the consultation, sinabi ko na yung concerns ko. Chineck nya tongue, mouth and nose ko through a stick (parang popsicle stick).. and then after nun, nagreseta na sya ng antibiotic na hindi man lang nya inexplain kung para sa ano yun, kung kailan iinumin, benefits nun, etc ( to think ha di ko maintindihan handwriting nya, sana man lang he gives me an idea about dun sa gamot na nireseta nya). And then after nya ibigay yung small piece of paper na may reseta ng gamot, tumayo na sya agad papunta dun sa computer nya. Nagfollow up question ako. I asked if possible bang may tonsillitis ako. Aba, nagtaray ba naman ang g**o! May tinanong sya sa akin na medical term, kung may nararamdaman ba daw akong ganun. Since di ko naintindihan yung term nya, I asked kung ano yun (kasi hello? di naman ako sa medical field nanggaling noh, di ko talaga alam kung ano yung sinabi nya). Bigla ba naman tumaas ang tono at sinabing: "simple lang, do you have tonsillitis in the past or none. Answerable by yes or no. If none, you don't have to think about it. Ganun lang!"
I really don't like the manner and tone nung pagkakasabi nya. Parang padabog na ewan, then nakatalikod sya sa akin at nakaharap sa computer nya. And after that, kinausap nya na yung assistant nya (na andun lang all the time habang nagcoconsult ang lecheng doctor, kaya mejo awkward din sa akin magkwento about my concerns kasi may ibang taong nakikinig). He talked to his assistant and asked about IT concerns, di ko na matandaan ano yung tinatanong nya dahil nag-init na ang dugo ko nun, about ata sa repair ng laptop nya, basta di na related sa consultation namin. Parang ako dun, Hello? nandun pa kaya ako.. di man lang sya nagsabi na done na kami, or whatever. Parang nung tumayo sya sa chair na, yun na yun ba-bye na! Gagong doctor. May mga ganun pala talagang doctor, first time ko kasing makaencounter ng ganun eh. Lahat naman ng mga doctors na napuntahan ko before, very warm and friendly. So I was expecting na matutulungan nya din ako sa concerns ko.
Parang walang kwenta tuloy ang consultation na yun. Ang tagal kong pumila sa maxicare, tapos pagdating ko sa doctor, wala man lang akong magandang napala.. hayyy!
Now I know why there is no queue in his clinic even on saturdays!