@cityhunter
HI, hingi lang po ako advice.. ganito kasi yun, may family business kami sa maynila year 1990 nag simula masasabi kong masagana kami sunod sa luho, private school, kung anong uso meron ako, 8 years old ako nung nasundan ako ng kapatid ganun din kung anong meron ako meron din siya pero syempre iba kasi baby pa siya, taong 2000 nag decide ang parents namen lumipat ng Laguna syempre pati negosyo nalipat, nakitira kami sa bahay ng lolo at lola ko pansamantala habang ginagawa ang bahay namen sa tabi ng bahay ng tito ko at asawa niya iisang compound kami dingding lang ang pagitan, idedescribe ko kung anong itsura ng lupa at mga bahay na itinayo duon pati ang mga na experience namen mga nakatira.
Ang lupa ay parang hugis pizza at ang bahay rowhouse style, bawat bahay merong 1 open sala at dining area,/1bedroom/1bathroom/Kitchen nakahiwalay) depende na sa inyo kung paano nio iistyle. Since rowhouse style magkakadikit kami pader lang ang pagitan, sa likod ng bahay pantay lahat, pero sa unahan, yung una at pangalawang bahay mejo nakaungos at yung pangatlo at pang apat mejo nakapasok.
Unang Bahay: Bahay ito ng tita ko at ang asawa nia.
History: yung asawa ng tita ko mekaniko sa Saudi, Malaki ang sahod kaya Malaki rin ang padala, wala sila anak dahil na meet ng tita ko ang asawa niya menopause na siya, so lahat ng padala sa tita ko napupunta, Oo magastos ang tita ko pero mahalaga ang pinag gagastusan niya mahilig siya manlibre sa mga pamangkin kung ano hilingin sa kanya ng pamangkin binibigay niya to the point na nawawalan na siya ng naiipon walang naipundar hangang sa umuwi ang asawa at nag retiro malaking pera ang naiuwi, konting pagawa ng bahay nila at pang araw araw ng pang kain nila, nag apply ng trabaho sa ibang bansa ang asawa niya hindi matanggap tanggap hangang ngayon walang makitang trabaho pa side line side line bilang mekaniko.
Pangalawang bahay (Paupahan): Marami nang umupa dito pero hindi umaabot ng taon, unang tumira mag pinsan kasama ang lola, umalis kasi nag asawa na yung isa hindi na kaya magbayad nung isang pinsan at yung lola, pangalawang tumira, teacher, ilang buwan lang din umalis kasi natanggal sa work, pangatlong tumira, pamilya ulit bago sila mag isang taon naaksidente yung lalake, na Awol sa trabaho natanggal. Yung huling tumira duon nag tatrabaho sa factory, umalis din kasi nawalang ng work.
Pangatlong bahay: Sa amin
History: since lumipat kami dito taong 2000 unti unting humihina ang negosyo namen, pati ipon sa bangko nagagalaw na nila lumipas ang taon tuluyang bumagsak ang negosyo, namasukan ang papa ko sa isang events company sa isang coverage niya Malaki ang kita pero kapag wala siyang coverage walang kita, naging free lancer
Photographer at videographer siya, mejo nahihirapan na kami sa tuition fee ko nun since nasa private school pa ako, yung pangalawa kong kapatid nasa public school na at yung bunso hindi pa nag aaral nung time na yun. 3rd to 4th yr HS ako tuluyan nang walang coverage papa ko swerte na ang 2 coverage sa isang buwan merong buwan na wala talaga yung pang kain namen utang pa sa lolo at lola ko, minsan kung may ipapagawa ang lolo ko sa papa ko binabayaran nila. Nakatapos ako ng HS at nag college sa semi private tito ko sa Saudi ang tumustos, nag karinderya sina mama at papa mejo nakagaan sa amin dahil mejo malakas ang kita pero dito nag kasakit ang mama ko bigla siyang namayat pina general check up namin negative naman, hindi siya makatulog, hindi maka kain sabi niya hirap siyang lumunok tanging tubig lang ang kaya niyang lunukin kapag matutulog siya nag tatake pa siya ng sleeping pills, tinigil namen ang negosyo, halos isang taon bago mawala yung sakit ni mama, sa sobrang hirap namen nag abroad ako, swerte naman sa pag abroad nakakapag bigay ako ng sapat na pangangailangan nila napagtapos ko ng high school ang kapatid ko, napag aral ko ng elementary ang bunso namen, last 2012 nagkasakit papa ko tulad ng sakit ng mama ko, bigla rin siya namayat at lagging kabado sa walang dahilan sabi niya bigla na lang siyang kakabog ang dibdib parang takot na takot. 2012 din kinuha ko ang mama ko nakapag work siya dito pero parang hindi siya swerte ilang trabaho na napasukan niya kung hindi mag sara, walang visa available, last work nia last February at till now wala siyang work na makuhang matino, 2013 kinuha ko ang papa ko same year nagkawork siya dito tanging dalawa kong kapatid ang naiwan sa bahay, 2 na sila ng mama ko nag papadala join forced na pero kapos pa rin samantalang stop sa college ang isa kong kapatid at yung bunso naman ay sa public napasok ng HS. Ang tanging gastusin lang nila ay pagkain, kuryente at internet.
Huling Bahay: bahay ng tito ko at ng asawa nia at 5 anak..
History: sila ang unang nakatira dito, yung asawa ng tito ko hindi kasundo ng mama ko, since lumipat kami sa lupa na yun parang inis siya sa amin, parang ayaw niya, laging silang nag iiringan mag hipag, aware naman kaming lahat na hindi sila mag kasundo, tito ko may work since nuon at ngayon same work pa rin contractor ng meralco siya. Pero ganun din sila walang makain, yung sahod ng tito ko pang bayad sa utang at pang araw araw na pangkain.. pero walang natitira sa kanila..
Hindi naming alam kung sadyang mahirap lang ang buhay o merong taong may galit sa amin at sinumpa kaming maghihirap.
Ngayong may pamilya na akong sarili, hangang ngayon hirap kami mag asawa although pareho kaming nasa abroad at Malaki ang sahod pero sa ilang taon naming dito wala kaming ipon kapos pa… hindi kami maluho mag asawa wala nga kaming nabili na alahas o mamahaling gadget nag papadala kami sa pamilya sa pinas pero bakit ganun parang merong bad energy na pumipigil sa amin..