watch now

Author Topic: 1k start capital  (Read 89978 times)

redhead69

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #60 on: June 29, 2013, 04:10:09 am »

  Soap scrap business ,pwede ito. Then resell. Beauty and wellness ,madaming market ito.

What do u mean soap scrap business. Where can i get those? Thanks! Please message me sis!

michipoo

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #61 on: June 29, 2013, 09:56:59 am »
sell watches online like replica casio, mk, swatch etc, dati ganyan din ang capital ko sis, nagsimula ako sa 1k lang kaso di na ko nagbbusiness ngayon kasi wala ako time.

Tapos sa 168 mall in divisoria  ka bumili ng mga wrist watch magugulat ka yung mga binebenta sa instagram/fb na mga watch e half the price ang bentahan basta wholesale ka bibili sis :) yung ibang binebenta online na worth 500 or300, ang kuha lang nila dun ay 100 or 150 basta wholesale, e usually naman wholesale nila is 6pcs and up.. basta magcanvass ka muna tanong tanong ka sa mga nagtitinda ng watch dun then dun ka sa pinaka mura ang wholesale offer sayo. Then sabihin mo pang benta mo para sa susunod na balik mo sakanila kahit 1-2pcs lang ang kukunin mo e wholesaleproce padin ang benta sayo. :) tapos kuhanan mo ng pictures yung mga binebenta nila na watch, pumapayag naman sila then post it on instagram or fb para kahit hindi mo on-hand ang products may pictures ka mapapakita sa client mo

lets say sa 1k mo makakabili ka ng 10 pcs watch, 100 ang kuha mo each tapos bebenta mo ng 250, 1500 agad kita mo. pwede din ibenta mo ng mababa depende yun sayo.  then next pang dagdag mo yun sa puhunan mo.

when im still in online business, mas mababa ang benta ko sa mga nagbebenta ng mga watch online, tapos kapag kumuha pa sakin ng bulk e ginagawa ko free shipping sakanila. kaya yung iba naging reseller ko na kasi imagine yung nakukuha ko na 100 each pag wholesale tapos ibebenta ko yun ng 250, samtalang yung ibang shop ang benta nila dun e 500 each. kaya talaga mas madami ang bumibili sakin. sa isang araw nun minimum siguro 3pcs watch ang order sakin. e araw araw yun lagii talaga may bumibili kaya palagi madami stock nun kasi malakas ang benta talaga lalo na pag nalaman ng iba na sayo pinaka mura. basta sis dapat matyaga ka maghanap ng supplier, i suggest sa 168 mall or 999 mall ka humanap ng supplier mo. :)

« Last Edit: June 29, 2013, 10:10:27 am by michipoo »

Escapaira

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #62 on: July 04, 2013, 01:38:25 pm »
Ako nagstart ako wala pa sa 1K puhunan ko :P
Accessories ang bnebenta ko wholesale kasi ako pagbumili kya mas malaki natitipid ko.
Ska piliin mu yung negosyo na kung saan yung hilig mo. ako kasi mahilig sa fashion/beauty kya mga items ko puro about lang dun.

jasminescloset

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #63 on: July 04, 2013, 02:12:47 pm »
kahit mag resell ka sis no need na maglabas pa ng pera
pm pm ka sa mga existing online shops na and ask kung pwede iresell products nila
usually naman pwede
then copy mo lang photos nila, then post mo sa facebook mo
pag may order  na tsaka ka na lang oorder sa supplier mo

kung may 1k capital naman and may pwesto sa house nyo
food ang the best.


mischabella

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #64 on: July 05, 2013, 10:49:36 pm »
Nakaainspire naman kayo. Nakakaexcite na rin tuloy magtayo ng sariling business kahit maliit lang. Gusto ko din i-try yang eloading business and yung mga avon/sophie/etc.
hmm isip ko din minsan mag garage sale para dun ko na lang kukunin yung capital ko heheh kuripot :P

sweetiebarbie

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #65 on: July 15, 2013, 04:27:34 pm »
if  want coffee jelly... in 4 sachet of gulaman 1 can of milkmaid and tetra pack of nestle cream madami ka na magagawa ilagay mo lang sa maliliit na cup then palamigin mo. u can sell it 8.00-10.00 may kita kana..  :) 

pinksapphire0821

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #66 on: July 15, 2013, 05:24:22 pm »
maganda ring business and generic laundry detergent .. kapag malapit kayo sa palengke..maganda magbenta ng ganito ... most likely marami na ang magagawa sa 1K  ;D

gelay18

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #67 on: August 23, 2013, 02:13:51 pm »
ang daming ideas nakakatuwa naman ;D

gelay18

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #68 on: August 28, 2013, 02:15:15 pm »
^walang weekends sis?

bmsmedmsd

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #69 on: August 29, 2013, 04:13:50 pm »
@gelay

you can check DTI's website for schedule. :)

gelay18

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #70 on: August 29, 2013, 05:26:16 pm »
^thanks sis

thess

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #71 on: August 30, 2013, 06:33:59 pm »
 500 lang selling biscuits ang Zesto juice. Pwede sa ofc yan...

CityHunter

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #72 on: August 30, 2013, 06:52:21 pm »
Very inspiring!  Post mga updates sa mga who could and would rin. :)

We used to sell ice candy.  Julep pa yun gamit namin then I make sure boiled water gamitin namin.  I mix it while the water is still warm kasi iba yun tingkad ng kulay at flavor.  Para hindi masira agad ref namin ay I bought an icebox na styro.  Doon nakalagay ilang pieces and lalagyan lang uli kapag ubos na.  Alam ko wala pang 1k ang ginastos namin then but that was years ago.

If my memory serves me right mga 2 pesos ang benta namin bawat isa pero sulit naman - others were selling theirs at 1 peso each.  Ang iba lang sa amin pa ay may free sticker na anime.  Mga nakuha ko mula sa mga CD stickers as I used to work for DOC - mga anime fans alam kung ano ito.

Stopped na lang as kids kahit umuulan at may sipon and even past midnight kakatok to buy from us.  We don't want kids to be out at such late hour - and we too needed rest as we were working then pa sa offices.

We studied how to make detergent soaps but stopped kasi kapag sweldo lang kaya magbayad.  Capital will not last you that long for the next period.  Though our formulation then was better than most commercial ones.  Admittedly, ito OT na dito as more than 1k capital na.  Tuition alone more than kalahati na ng 1k.  Then there's the sealer and weighing scale then mga ingredients, etc.  Would've been nice kung nagsimula kami nito na maraming laundry shops na sa area namin but sadly hindi pa uso then.
« Last Edit: August 30, 2013, 06:54:49 pm by CityHunter »

kaiz

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #73 on: September 01, 2013, 09:02:55 am »
how about designing headbands po?

superjuzh

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #74 on: September 01, 2013, 09:25:00 am »
dati nagbebenta ako ng ice candy at yema. kahit mababa pa sa 1k pwede na yan hanggang sa lumago. ngayon gusto ko magbenta ng iba pa like bags or shoes. sana makahanap ng muraang supplier.

assie

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #75 on: September 18, 2013, 09:41:01 am »
Ako sa latest biz ko ngayon, nag simula sa 5K pero i think pwede na rin simulan kahit 1K lang.
Repacking and Distribution ng Gummies and Chocolates, sweets, cashew nuts and pati ready to eat garlic bits...
Nagsimula ako sa maliit na capital kasi wala pa naman ako market nun dito sa  province namin sa mindanao, sanay ako magbazaar sa manila pero dito sa CDO walang bazaar kaya di ko pa alam san imamarket.  pag may produkto na palang  mai-pupush, mga ideas bigla nalang din darating  pano imomove ang product compared sa wala pa talagang produkto mas mahirap magsimula. Inisip ko ano gusto ko, gusto ko walang binabayarang pwesto sa bahay lang,  walang tinderang binabayaran pero hindi ako ang magbabantay, hindi ubos ang oras ko sa pagmonitor ng benta. At nung time na yon pagod ako mag online selling. Kaya naisip ko mag supply nalang sa mga sari sari stores, convenience stores, supermarkets, school canteens, pasalubong centers, restaurants and kahit sa mga inuman. Nasa 30+outlets na sinusupplyan ko ngayon dito cdo, walang rent, walang tindera...... CDO pa lang yan, ang luwag pa ng pilipinas. More sipag at tyaga pa kailangan.  Ako lang kasi ang nagmamarket at humahagilap sa mga pwedeng susupplyan at establishment owners para i-offer ang produkto ko.

 Ayon sa simula lang ang challenge pero after ng lahat ng hirap tuloy tuloy na..easy as 123 nalang..  Repacking na pwede na namin gawin sa bahay, distribution/delivery sa mga sinusupplyan at collection ng benta.

monamie02

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #76 on: September 18, 2013, 10:53:25 am »


Sis  Assie congrats sayo.. ang taray ng ng fb page mo.. parang gusto ko matikman yung adobong kasoy.. (parang ang sarap) .. tanong ko lang sis sino gumagawa ng gummies nyo?dyan din ba sa CDO? May mga reseller ka ba from Manila?

assie

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #77 on: September 18, 2013, 11:43:31 am »
^salamat po!
Imported yong gummy, chocolates and kasoy na hilaw sis.
Masarap talaga yong adobong kasoy sis.  kaibigan ko taga pampanga nagluluto at sinusupply din nya sa mga groceries, supermarkets, airport at sa kanya din kumukuha si eng bee tin and polland.

Wala pa ako reseller sa manila pero meron akong pinsan taga bulacan, tinuruan ko sa biz na to. distribution lang hindi repacking. Isa sa sinusupplyan nya chocolate lover cubao, weekly dinedeliver nya  worth 20-30k. Single mom yon at silang dalawa lang ng kid nya jan sa manila, ito lang talaga source of income nilang mag ina. Ok naman at nakakaipon pa :)

Plan ko nga magmanila ngayong oct-dec para i-market at maghanap susupplyan. madami din akong bazaaristas friend na pwede ko pag consign-nan. Ber months na kasi madami nang bazaars :)

monamie02

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #78 on: September 18, 2013, 12:33:01 pm »
sis pagdecided na ko magbiz, isa to sa option ko.. gusto ko din sana kasi ng sideline ngayon magpapasko na.. di ko lang talaga alam kung ano ang maganda ibenta.. hays! sana matuloy ko ito.. (*fingerscrossed)

assie

  • Guest
Re: 1k start capital
« Reply #79 on: September 18, 2013, 01:07:21 pm »
sis pagdecided na ko magbiz, isa to sa option ko.. gusto ko din sana kasi ng sideline ngayon magpapasko na.. di ko lang talaga alam kung ano ang maganda ibenta.. hays! sana matuloy ko ito.. (*fingerscrossed)

 ;) sure sis! Goodluck! Hanap hanap lang muna ng magandang ideya.

Kahit anong biz basta tamang diskarte, sipag at tyaga, panalo yan ;)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close