watch now

Author Topic: Ate na nagmamagaling  (Read 3231 times)

mrs.potatohead

  • Guest
Ate na nagmamagaling
« on: January 25, 2012, 08:04:50 pm »
Hi po..ano po ba ang mai advice niyo sa akin..medyo complicated kasi family situation namin ever since.ngayon malapit na ang First Birthday ng baby boy ko.i invite my sister kasama ang husband niya at anak nya..so after a week nabalitaan ko na pati Aunty ko na nakatira kasama ng parents ko nalaman ang invitation at gusto sumama..pero ayoko silang imbitahin kasi magugulo sila at dahil kasama niya sa bahay ang papa ko,naiinis ako at kinakabahan na baka malaman kung saan mag ce-celebrate ng birthday ang anak ko,at pumunta siya at aawayin ako dahil hindi ako nagpupunta sa kanila..nainis ako sa ate ko hndi ko na lang pinaalam sa kanya dahil war freak siya..sana kasi tinanong niya ako kung pwede siya mag invite sa iba namin relatives di ba?kasi alam naman niya na may misunderstanding ang pamilya namin matagal na..ang sinasabi niya makipag bati ako,ipaalam ko kung saan kami nakatira ng asawa ko..ayoko ipaalam yung bahay dahil ugali nila bigla ka pupuntahan at basta hihiram ng pera,tapos pag wala ka napahiram sayo pa galit.yung tatay ko kahit na tatay ko yun,malayo ang loob ko sa kanya..

lagi kasi siya nananakit sa amin noon pa kaya naging rebelde kami mga anak niya..kaya ayoko malaman ng tatay ko yung birtday celebration ng anak ko kasi magulo siya..ganun din tita ko..iniisip nila na dapat tinutulungan sila kasi ako yung medyo naka ahon sa hirap.pero wala naman ako trabaho,asawa ko lang,at umuupa lang kami.sakto lang yung income namin.nakakasawa kasi yung ugali nila na nakalakihan ko..puro negative sila,kahit ako noon ganyan rin kaya madalas kami mag away ng asawa ko noon,,mabuti nabago ko na ugali ko at nagyon ko lang nalaman na napaka pangit ng kinalakihan kong pamilya,super negative,hndi mo pa ginagawa ang isang bagay,para sa kanila ginawa mo na..pag may pera ka,ikaw ang o obligahin na tumulong,,pag di ka naka bigay masama ka..dati nakahiwalay ng bahay ang ate ko sa asawa niya at doon ako nakatira..ayaw rin niyang ipaalam bahay niya at nainis siya na pinupuntahan siya nila papa at biglang hihiram..alam ko naman ngayon kaya lang naman siya kampi sa mga yon dahil wala siyang choice,isang tulay lang ang tatawirin mula sa parents ko nasa bahay ka na ng ate ko at asawa niya..kaya wala siya chance maka tago..

ganun rin ako ngayon,ilang taon na pero d nila alam bahay ko kasi ayoko talaga ipaalam..ayoko kasi isipin nila na may pera kami..dahil wala rin naman...ang problema kasi sa ate ko nagmamagaling,,kung makapag advice sa akin akala mo magkakasundo sila doon sa province nila papa..hindi naman ako nagpa invite para sa meeting de avance..mahirap para sakin na bigla ko papa puntahn lahat ng relative ko sa party after ng halos 8 years na may misunderstanding kami..kaya nga sabi ko sa kanya na siya nga ang una ko iimbitahin kaya sana wag niya muna ipaalam sa iba..kaso pinagkalat agad..kung pwede lang ipabago yung lugar ginawa ko na..kaso nakapag down na kami dun sa jollibee..parang ako pa yung masama..may karapatan naman ako mag demand kung sino gusto ko imbitahin di ba?at sana ni respeto niya yon..kahit na ba sa tingin niya yung pag iimbita ko sa iba pa kamag anak namin ang way para magka bati kami,,dapat pinaalam niya muna sa akin kung pwede di ba?hirap kasi magsalita sa kaniya dahil ka ugali niya tatay ko..sobrang war freak,konting salita mo masama na agad..wala ka ng karapatan mangatwiran..kaya sakal na sakal ako noon sa buhay ko,,pinangako ko sa sarili ko na lalayo ako sa kanila kasi sobrang gulo talaga,,kahit kanino ko ikwento naguguluhan sila..

hindi sumasagot yung ate ko ngayon,sinabi ko sa kanya na nagpa reserve ako 5 seats para sa kanila sa birthday ng baby ko,nagalit kaya siya dahil 5 seats lang pina reserve ko sa kanya?ang hirap kasi pina pangunahan ako..hindi naman niya ako ni respeto sa gusto ko..ano po ba pwede ko sabhin pag pinilit niyang gusto niya isama yung iba namin relatve na ayoko makita dahil nga may misunderstanding kaming lahat?...nirerespeto ko kasi yung family ng asawa ko dahl napaka bait nila at ayoko po mapahiya ako sa parents niya..ayokong makita na ganyan pala yang pamilya ko napaka gulo at pala away ang tatay ko,lagi pa sila nanghihingi..shmepre po pera ng anak nila yung hinihingi sa amin kaya po hindi rin maganda dahil sila hindi naman humihingi sa anak nila..saka hindi naman po lahat ng tao makaka intindi sa ugali ng pamilya ko na sobrang negative..sorry po ang haba ng post ko..



rianne_mallows

  • Guest
Re: Ate na nagmamagaling
« Reply #1 on: January 25, 2012, 09:19:50 pm »
alam mo.. if i were you... i'll move the date of the event... since nakapagdown ka na.. hindi na pwede lumipat ng venue.. pero pwede naman ilipat ng date...  ;)

i also suggest na huwag mo na rin invite ate mo... tell her that the party was cancelled.. thats it.. huwag ka na magreply to anything... it's harsh pero the event is not about you, your ate, nor your tatay... it's about your daughter.. huwag mo sirain birthday niya dahil lang sa kadramahan ng angkan mo..

mahiya ka sa anak mo... mahiya ka sa hubby mo.. mahiya ka sa inlaws mo...

lisse

  • Guest
Re: Ate na nagmamagaling
« Reply #2 on: January 25, 2012, 10:42:05 pm »
^sis rianne said it all na. Wag gawin ang Hindi bukal sa kalooban, tendency is makasakitan Lang lalo. There's a time and place for everything, and your child's bday party...isn't the right time for that.

aquacharly

  • Guest
Re: Ate na nagmamagaling
« Reply #3 on: January 25, 2012, 11:04:18 pm »
Tell your sister si ganito, ganyan hindi invited  .... Hindi nga kayo magkabati eh.   Who is she, your Ate, to force your reconcilation -- if you are not yet ready.

Call her -- tapos, tell her sya at sino lang ang invited.  It is your family event, it is your prerogative sino lang ang invited.  Tell her alam naman nyo  ugali ng family nyo --  magulo, mapapahiya ka sa ibang tao, sa inlaws mo, asawa mo --  your family does not deserve that.  That is  your reality -- call a spade a spade ika nga.     baket ka matatakot or mag- 2 isip frankahin Ate mong intremetida??? 

Cut your losses. Kung ganun sila  kagulo -- hindi ka masamang tao to cut ties with them.  Kasi  that is the only way for  you to have a normal and orderly family life with your husband and kid.   tawag dyan eh: Survival.   

Take note:    Ang hindi mo kayang baguhin, ipa sa Diyos mo na  lang.   
                    Ang kasalanan ng iba,  hwag mo akuhin.
                   
                   

snowberry

  • Guest
Re: Ate na nagmamagaling
« Reply #4 on: January 27, 2012, 09:06:06 pm »
^ correct! 
Dapat prangkahin talaga . It's you own life and makakalayo ka lang sa kanila and change your own way of life if hindi ka na nila kayang pakialaman at gulohin. Tell your ate that you are the one planning for that event ,hind siya.

Next time sis ,if you have another family event, bago mo i invite si ate, pangunahan mo na na do not invite any other na hindi mo ipi na painvite. Kung family lang niya ,then sila lang at huwag ng magsabit :)

ishko

  • Guest
Re: Ate na nagmamagaling
« Reply #5 on: February 06, 2012, 12:41:29 pm »
^tama ang mga sisses natin

ganun din ginawa ko sa binyag ng baby ko.. hindi ko pinapunta ang hindi ko gustong makita

gusto ko kasi maging masaya ang binyag ni baby at hindi puro drama at plastikan.. and i am not yet prepared to face that person.. so hintayin nya na mawala ang galit ko sa kanya o gumawa siya ng paraan para kahit paano ay mapatawad ko siya..

nagmamaganda kasi na gusto nyang pumunta, e hindi ko siya gustong makita.. ako naman ang nagpapa-okasyon so I have the right na pumili kung sino ang invited at hindi... hehe  ;D

pregnantgirl

  • Guest
Re: Ate na nagmamagaling
« Reply #6 on: February 10, 2012, 01:01:07 pm »
ganyan rin yung sa family ko..walng pumunta kahit isa..talagang pinaiiral yung pride nila..at ang sabi pa hindi daw kikilalanin na apo ang anak ng mga anak niya pag hindi hinarap yung lalaki sa kaniya..eh paano ihaharap napaka sungit nila..sita ng sita..puro negatve feedbacks agad hindi pa kilala ng husto yung tao..yung kapatid ko kasing isa nag asawa na pero di madala yung asawa sa bahay kahit may anak na sil dahil sa ugali ng tatay ko..ako rin hindi makapunta doon..takot kasi ako saka ayoko pagagalitan nila si hubby ko eh mabait yon sa akin..kaya nga okay na rin sa akin na pa abroad si hubby then kung maging successful ang trabaho niya i-petition niya kaming mag ina..okay na rin yung mailayo ko yung sarili ko sa kanila kasi ayaw nila makipag ayos..anong gusto nila luluhod ako sa harap nila para mag sorry..ngayon ko na isip na ang pangit ng ugali nila..yung nanay ko na lang ang iniisip ko at batang kapatid..pero kung sila sila lang na mga matatanda,,pwede ko ng sabihin na kalimutan na nila ako kasi sa sama ng ugali nila ayoko ng makipag usap sa kanila..mukha rin pera...di kaya magkakamag anak mga magulang at tito natin pati kapatid sis Mrs. Potatohead?

lumaki ako sa bugbog ng tatay ko kaya naging malayo ang loob ko eh..wala na sakin ngayon yon pero kas ang hirap explain basta..ang gulo nila..kung ang paglayo ko ang chance ko na magka buhay ng maayos gagawin ko para sa asawa at anak ko..kung lumapit ako at hindi nila ako pinagbigyan,,problema na nila yon..hindi naman tayo mga bata na kailangan susuyuin..sana maisip rin yan ng relatives mo..

peninsula

  • Guest
Re: Ate na nagmamagaling
« Reply #7 on: February 17, 2012, 04:07:11 am »
kung ako ayaw ko rin mag-invite ng mga ayaw kong makita...tama si sis rianne_mallows, pa move mo na lang yong date kung kaya pa. that's the only way :) kaysa magkaroon ka ng mga surprise guests :)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close