Ako din, I'm thankful at swerte ko sa hubby ko. Don't get me wrong, hindi siya perfect & we have our share of ups and downs pero alam kong mabait siya at ramdam ko na mahal na mahal niya ako.

1)kapag maysakit ako, inaalagaan niya ko, sabihin ko lang na may masakit sa akin, bibili na yan ng gamot.
2)hindi rin siya nagsusugal, or umiinom. pagkatapos ng trabaho, diretso na siya sa bahay.trabaho-bahay lang siya parati.One time, tumawag siya sa akin at sinabi niya na male-late siya dahil need niya meet friends niya biglang nalungkot yung tono ng boses ko sa phone. So siyempre ako naman, sasabihin ko na okay lang, pero magugulat na lang ako, darating na lang at nasa bahay na, at sinabi niya sa friends niya na need niya mag-cancel at next time na lang at kailangan niya samahan misis niya.
3)super simple niya, hindi magastos.
4)hindi siya maselan, kahit minsan paulit-ulit na yung niluluto ko, okay lang. Minsan siya din nagluluto!
5)very responsible, kung magtrabaho sobra. he works seven days a week w/ 2 jobs, isang full time at part time.
6)he always thinks about our future. he always tells me that he'll try his best and make sure that I will never regret why I chose him to be my husband.

7)when we visited his family overseas weeks before our wedding, dala na din ng stress, small misunderstanding at cultural differences(na later on, pinagsisihan ko din kung bakit ko nasabi at nagawa because I love his family and I'm thankful that they consider me their own & they love me too!) pinapili ko siya between me & them and at that moment he was so sincere in telling me na kahit na ano pa mangyari ako pa din ang pipiliin niya dahil ako ang pinili niyang maging katuwang sa buhay at ako na ang magiging pamilya niya!
8)lagi siyang tumatawag or nagte-text just to make sure na okay ako kapag nasa work ako or me lakad ako. paulit-ulit lagi niya ko bibilinan mag-iingat lagi, pati sa pagtawid, kung kumain na ko. Kapag maulan or biglang lumamig, sasabihan ako na huwag kalimutan magdala ng jacket, at mag-text or tawagan siya kapag nakarating na ko sa pupuntahan ko so he knows that I was able to get to my destination safely. Usually, little things pero araw-araw yun. kaya feeling ko ang haba-haba ng hair ko, because I know that he really cares for me.
9)iyong sweldo niya, sa akin lahat napupunta. hinahayaan niya din ako mag-manage ng finances namin. kasi sabi niya, he trusts me that much. although, hindi din naman ako talaga magastos, and I'm proud to say na masinop ako sa pag-handle ng pera namin at marunong ako mag-invest.
10)nung sinabi ko na super stressed ako sa work,sinabi niya na kung ayaw ko mag-work okay lang at kaya naman niya akong buhayin. So, I started working part time pero ngayon pinipilit na din ako ng boss ko na mag-full time ulit, pero yung hubby ko sabi niya hindi ko need na mag-full time if I don't want to para hindi ako ma-stress. To be honest, I had a change of heart, kasi now, I can already feel the boredom & I'm actually thinking of working full time again soon. Pero sabi niya sa akin kung anong plan ko, it's up to me, basta he assures me that I don't need to force myself into working full time again if it means I will be stressed out in the end. He said, I don't have to do things that I don't really want to do.

These are just some of the reasons why I'm so grateful to have my hubby. Isa pa pala, ang pinaka-thankful ako talaga ay dahil .........ako kasi ang beneficiary niya! hahah! Joke!

Kidding aside,nagpapasalamat ako sa Diyos kasi matagal man ang inantay ko bago ko siya nakilala, it's definitely worth the wait naman for me. Ngayon ko mas lalo na-appreciate yung love na ipinaparamdam niya sa akin kasi never ko yun naramdaman sa mga ex-bfs ko kaya this time around gusto ko suklian yung pagmamahal niya para sa akin. He's younger than me pero mas matured pa siya mag-isip sa akin at masaya ako dahil sinasakyan niya pa din ako kahit minsan nag-iinarte ako. lol! By the way, Korean ang hubby ko and sorry kung masyado mahaba at naging koreanovela na ang post ko! haha!
