watch now

Author Topic: Gaano kabait si hubby....  (Read 38168 times)

Janet31

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #60 on: October 15, 2012, 08:55:54 pm »
hay naku!super sungit! >:(
Mabait lang kapag may kelangan, what I like about him his responsible naman...
Naiinis lang ako kapag nagsusungit siya!
Sana puwede iprogramme ang mga hubby noh ayun sa gusto mo...  hehe

Mommy•Shey

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #61 on: October 23, 2012, 12:25:51 pm »
Super Lucky that we ended up together. Super bait niya, super maasikaso, super loving, super understanding. Hayss, lahat na ng super.. There were times na we argue about something, pero never siya nanakit, never siya nagtaas ng boses, never nag walk out. He spoiled me a lot! as in  ::).

Lahat binibigay niya sakin, kahit mga material na bagay na luho ko sa katawan. If sinabi ko lang na "Ay ang cute naman nito", he'll ask me if gusto ko, sasabihin ko, yes, pero tsaka na. Then after ilang days, bibilhin niya for me. He's also a great provider samin ng mga kids niya.

Myealexis21

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #62 on: October 23, 2012, 02:04:16 pm »
mabait sya, I won't say na sobra kase he has his moments.  But that's what I like and love about him. Yung tamang bait, yung tipong di naman papa-api haha!

And I think my mother saw that.  I have a bf kase before na ayaw ni mother, sabi niya kakayakayanin ko lang daw and she don't want that for me, knowing that I can be "maldita", she wants daw na kahit pano kaya akong controlin.  A person who can love me and pamper me, but knows when to say "no" -- that's my hubby.  Kumbaga na-neutralized niya yung worst side of me and brought out the best in me.  :)

skyrimgal

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #63 on: December 06, 2012, 11:15:51 pm »
mabait si hubby to a certain extent. kapag may problema ako, tinutulungan ako, etc. pag may gusto ako, ibinibigay. tapos ayaw niya na nag-aaway kami. kapag nagtatampo ako, sinusuyo niya ako kaagad para mawala ang tampo ko. kaso sa gawaing bahay ako lang ang gumagawa eh pareho naman kaming may trabaho at buntis pa ako. sigh. in fairness naman, hindi niya ako binubungangaan kapag ndi ako nakapag linis ng bahay ng isang buwan o kapag ang laundry 3 linggo nang hindi nagagalaw. pero sana tulungan niya ako sa gawaing bahay! hindi naman ako housewife noh!

snowflakes

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #64 on: December 07, 2012, 08:12:18 am »
sobrang bait... lahat nga ng babae pinag bibigyan eh. sabi nga nya tumutulong lang sha. mapag kawanggawa nga.

Myealexis21

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #65 on: December 11, 2012, 02:26:42 pm »
^LOL haha nakakaloka ang kabaitan ng hubby mo Sis!

kikay9599

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #66 on: December 13, 2012, 12:04:47 am »
I can't quantify my hubby's kindness. He's not perfect. He has his moods. He was  immature when we were just starting out. Thank God, he passed that stage. Now, I'm very secure knowing that hubby loves me and our kids enough to have a very comfortable and contented life. I'm looking forward to grow old with him.

shineadet

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #67 on: December 13, 2012, 12:34:11 am »
super!!!

snowflakes

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #68 on: December 13, 2012, 05:10:24 am »
^LOL haha nakakaloka ang kabaitan ng hubby mo Sis!

Oo sis pero mas mabuti ng ganon atleast alam ko kesa naman mabait kuno sa asawa pero pag labas ng bahay masahol pa sa hayop.

showermist

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #69 on: December 13, 2012, 09:09:29 am »
Mabait. Sobra. He's exactly my opposite  ;D

I have a stronger personality--kulang na lang sabihing may sungay-- sya parang tupa. Kaya ako palaging napagsasabihan dati ng nanay ko na hinay hinay daw ako sa kanya.

NiceAcey

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #70 on: December 13, 2012, 10:51:53 pm »
Ang bait din ng hubby ko sobra... ang swerte ko sa kanya jackpot!!!!  :)

manhattanite

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #71 on: December 15, 2012, 12:57:32 am »
ako dn mga sis mabait si hubby, and he has such a kind heart.  super mapagpasensha saken, lalo na ang maldita ko pa naman haha. 

mrsB

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #72 on: December 18, 2012, 12:22:40 am »
Sobrang bait, good-natured talaga. Walang masamang tinapay sa kanya. Sa almost 10 years naming magkarelasyon (magbf-gf at mag-asawa) never pa siyang nagalit sa akin kahit may pagkasutil at maldita ako hehe.

anicandies

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #73 on: January 09, 2013, 09:19:29 pm »
seaman ang hubby ko, sobrang bait nya mapadito o nasa barko sya:
PAG NASA BARKO SYA:
       -3 times a day sya mag online just to check us (me and kids) if ok ba kami dito;
       - pag may uuwi sa kanila papunta dito sa pinas, palaging nakikisuyo magpadala yan ng mga kung anuanong anik-anik na nabili nya dun, magbibigay ng iteneraries nya, mga documents (ex. payslip nya, expenses nya at certificates kung me training sila sa barko) just to update me.
        - nagkukuwnto ng araw arw nyang buhay kahit di ko tinatanong;
       -sabi nya cabina at kusina lang daw sya dun sa barko madalas kase long hours ang duty kase ng mga kusinero dun, pinapahinga nya na lang daw at munimuni, internet at chat sa min;
        -kung maggi gym, pagupit ng buhok, shot ng konti, konting party, magpapaalam at magoonline na naman pag tapos na
        -kung may sahod inform nya agad ako kung magkano ang onboard nya at lalabas sa allotment ko, pag may bibilhin sya, nagpapaalam muna sakin at kung may pa raffle sa barko, magpapaalam muna kung approve ba sa kin na bumili sya ng ticket;
        - at marami pang iba... btw, 4mos lang contract ni hubby pero awa ng Diyos, religiously nya yan ginagawa..

PAG ANDITO NAMAN SA PINAS
- unang dating nyan dito bubuksan ang maleta at bibigay ang pera sa kin na sinahod nya;
-hindi bumabarkada, laging sa pamilya, kahit sa MIL ko nga di pumupunta hanggat di ko napaalala na dapat kami pumunta dun
-sa sobrang bait din nyan, lahat ng binili nya puro sa min ng mga anak nya, samantalang sya, ni brief di man lang nya mabilhan sarili nya (which is talagang kinakalungkot ko, na touch na ewan..di ko maintindihan..)
-kapag may training at magrereport na yan sa office, palagi ako sinasama nyan..
- very supportive sa mga bata..hands-on din pagdating sa pag aalaga sa mga bata.
-di nakakalimot magsimba..at marami pang iba...

eto pa ang pinaka unique sa asawa ko. naging mag bf kami dati pero pnaghiwalay kami ng pagkakataon dahil ang mga magulang nya ayaw sakin, sinunod nya. after 3 years, nagkita uli kami, may baby na ko pero buntis pa lang ako iniwan na ko nung dati kong bf. nung nag meet kami tinanggap uli nya ako at pinangakuan ng kasal. pero sa sobrang inip ko, may nakilala ako sa japan at pinangakuan din ako ng kasal. nung umuwi na yung lalaki dito, ikakasal na kami, galing sa europe, bumaba pa ng barko ang asawa ko para lang umawat sa kasal namin. after 2 days ng pag awat nya, kami naman ang kinasal ;D
2nd time na bumaba na naman sya ng barko is yung manganganak na ko sa baby namin. sobrang haba ng hair ko. hindi lahat ng nag aabroad aalis sa work nila para umatend lang sa misis nilang manganganak na. walang pakialam ang hubby ko kung mawalan sya ng work ang importante palagi ay ako..

never din ako napitik ng asawa ko. Sobrang napaka pasensyoso. ako ang me topak sa ming dalawa kaya siguro kami cmpatible ;D i believe, pag parehong positive daw ang mag-asawa, lumalabas negative. buti na lang positve saka negative kami kaya siguro may magic pa rin buhay mag asawa namin. kaya ako, nagpapakabait ako palagi kase ayoko magbago asawa ko...sana nga, ma achieve namin yung dream na min na "Grow old with you".. naks!

imnotmitch

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #74 on: January 16, 2013, 12:06:54 am »
super bait ni hubby, so much thankful na meron ako like him, kaya nga naawa ako sa mga family na broken, kasi hindi nila mararanasan ang complete happy family

vain_kixie

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #75 on: January 17, 2013, 03:46:11 am »
super bait na nakakainis na sometimes! Ako super maldita!

EllaBratin

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #76 on: January 18, 2013, 08:39:57 am »
Sobrang bait! I remember nung nakitulog sa amin yung college friend ko, nagulat siya at napaka-prinsesa ko daw kay hubby. Kahit kape na iinumin ko sa umaga, siya pa ang nagtitimpla. Pati mga tita ko hindi nila akalain na mabait siya, mukha kasing basag ulero!  ;D Hindi ko na nga alam kung paano ako makakabawi e.
Sana lahat tayo, swerte sa asawa.  :)

daisy.battistella

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #77 on: January 18, 2013, 03:07:33 pm »
My hubby naman prepares food for us...he can tolerate my angst to which I am thankful of...had I married another man, baka punching bag ako nun kasi temperamental ako sobra...he changes ourb daughter's diaper sometime pati yung sa baby boy namin...he brings our daughter downstairs to play with her pag nasisigawan ko siya...he is so patient with Sophie. He also washes the dish, the car, cleans the house, the garden...lahat na, tee hee!...kaya ako, nuod lang ng tv at hehe...and if there were times nag aaway kami, he doesn't speak...he would run to hug and kiss me pag hindi ako ok.  :-)

cinammon_swirl

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #78 on: January 18, 2013, 05:59:05 pm »
supeeer bait. Parati ko ipinagpapasalamat kay God sa prayers ko na binigay nya si hubby saken. As in, kahit away awayin ko, deadma. Hahaha. He was the exact opposite of my two abusive ex boyfriends. Thank God sya ang naging hubby ko! :)

Ninjamom

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #79 on: February 15, 2013, 01:11:45 am »
can't help but participate and pitch in on this thread kasi it helps us see the good in our hubbies that we dont normally notice everyday..mabait si hubby..he takes care of me when i get sick,he does the laundry when i dont feel like doing it..he's proud of me despite my weight gain..he gives money to my parents since i cant work at the moment to take care of our kids..and just this morning and he did the grocery and went back with valentine flowers for me..inaaway ko sha sometimes but i know i should be more patient with him..salamat sa topic na to kasi i get to list down the things that i should remember everytime my husband screws up..we are all very lucky mga sissies..but sometimes we overlook how great our husbands are..it helps to remember what made us fall in the first place.. =)

 

Latest Stories

Load More Stories
Close