Ang asawa ko, I will rate him 9.5 sa sobrang bait.
1. Prinsesa ako sa kanya pagdating sa household chores. Since LDR kami and when he's here sa Pinas bakasyon sya from work and studies, sya ang nagluluto (mahilig sya sa kusina). I would say "thanks mahal, ako na maghugas dishes later ha?" Then since mabagal ako kumain sya narin naghuhugas ng dishes habang ako kumakain while nood ng TV. Hahaha!
2. Super loyal and faithful. I know for sure na wala syang sideline na fling or whatever. Nag-start kasi kami na mas mahal nya ako kesa mahal ko sya. Pero ngayon palagay ko pantay na lang kami, humabol na yung pagka-in love ko sa kanya.
3. Kapag may ni-request ako ginagawa nya talaga, like get rid of his EX's pictures. Ang problema his mom (my MIL) grabbed the pics and itinago, sayang daw. Ggggrrr!

Nag-unfriend din sya ng Ex's nya (dalawa) sa FB without me asking for it. Syempre happy ako na ginawa nya yun.
4. He trusts me with his money, transparent lahat ng funds nya.
5. He's willing to provide monthly allowance para sa mom ko (Right now I'm giving my mom monthly allowance pero I will soon resign and study instead, so wala na ko income). I try to decline his offer kasi breadwinner din sya sa family nya, kawawa naman. I will try to look for part time work na lang.
6. He considered my point of view about him financially supporting his jobless sister(27 yrs old) with a 4 yr old son (single mom sya). Sa sobrang bait, he was willing na hindi mag-work yung sister and sya na bumuhay for life (Grabe ha) along with my MIL na wala rin work. Pero now he started asking them to make an effort naman to help kahit very subtle and indirect. Ok lang sakin for him to provide for MIL (she's 54 yrs old) pero I thought SIL should work since malakas pa naman sya. Ang nangyari baliktad, si MIL ang nakahanap ng work and SIL ang taga-alaga ng son nya. Oh well.
7. Kahit prangka ako, di sya nagagalit. For example, excited na sya magka-baby and ako medyo hesitant kasi, yung side ng family namin may mga relatives ako na may special needs (Schizo, epileptic, autistic), while sa side na family nya, napansin ko na may pagka-special child din both his sister and his nephew. Sinabi ko sa kanya, I'm scared na magka-anak ng special child, lalo na sa side nya super lapit nung lumabas. Hindi sya nagalit kasi siguro, kahit di nya aminin naikita din nya may truth sa sinabi ko. And then he convinced me, kahit ano pa maging anak natin, we'll be the best parents we can be. No need to be scared. Hay ambait nya.

8. Nag-aral sya ng PhD sa Taiwan and now na malapit na sya mag-graduate, he looked for a scholarship for me naman. Sabi nya para daw hindi ako mapag-iwanan ng mga friends namin na mga nag-masters na rin sa ibang bansa. College grad naman ako but our circle of friends are achievers in their field, so hindi lang sya nangarap for himself, pero sinasama nya rin ako. Because of his excellent performance, nag-guarantee ng slot para sakin yung dean nila sa sobrang pagka-impress kay hubby ko. Galing talaga ng PR skills nya. Hay.
9. Super joker and kahit sino napapaamo nya because of his humor and pakikisama. Love sya ng family ko and ng friends namin, while ako naman very introvert kaya mas lumawak social circle ko now because of his influence.