watch now

Author Topic: Gaano kabait si hubby....  (Read 38109 times)

lonelymiss28

  • Guest
Gaano kabait si hubby....
« on: January 24, 2012, 02:35:22 am »
I was just checking my previous post and karamihan sa kanila ay puro reklamo ko sa buhay...lol

So for this chinese new year maging positive naman tayo...

Gaano kabait ang mga hubby nyo???

Ako sobrang pasalamat ko talaga kay Lord na binigyan nya ako ng sobra as in sobrang bait na asawa.
Kulang na lang talaga sa kanya ay halo at pakpak pwede na syang lumipad.

1. Pag wala syang work, sya naglilinis, nagluluto (breakfast, lunch, supper na gusto ko kainin).
2. Noong nag wo-work ako sinusundo ako kahit pa umuulan or snow at naglalakad lang sya (15 mins walk).
3. Tuwing umuuwi tatawag sa akin ano gusto kong ipabili sa store.
4. Pag nasa ibang bansa sya even asia ay every night tatawag to make sure di ako mag-aalala.
5. Pag na late ng uwi tatawag na late sya uuwi.
6. di nakikibarkada dahil imbis daw na sa barkada ay sa family na lang nya i-spend oras nya.
7. Kahit ano ipabili ko bibilhin nya pero di ko ginagawa dahil kuripot po ako sobra. so kinukulit lang nya ako.
8. Never pa syang nakapag salita ng masakit sa akin or nanigaw.
9. Pag walang work sya nagkakarpentero sa bahay.
10. Mahilig magbigay sa charity.




binx

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #1 on: January 24, 2012, 03:29:17 am »
pwede bang ipaxerox yung asawa mo sis?  :P

lonelymiss28

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #2 on: January 24, 2012, 04:12:40 am »
kung pwede nga sis eh, para may back-up ako. lol!!!

twelvth_goddess

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #3 on: January 24, 2012, 11:45:33 am »
My hubby, wala ko masabe sa ugali. He's not perfect pero he's the best husband and father in my book.

zheane0127

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #4 on: January 25, 2012, 10:13:27 pm »
Ako din super swerte ko sa asawa ko.  Seaman siya and minsan lang talaga kami magkasama sa loob ng isang taon.  Pag umuuwi siya, siya pa ang nagsisilbi sa akin.  Naglalaba, luto at linis ng bahay.  Wala pa ako work niyan pero prinsesa talaga ako sa kanya.  Sobra din matulungin sa side niya at side ko.  Pag uwi niya dito sa pinas lahat ng pera niya binibigay niya sa akin at pag mag rereport siya sa office nila manghihingi daw siya ng baon niya hehe.. Lagi din siya nagtetext kung asan na siya at kung ano na gawa niya.  Para bilang ganti sa mga kabaitan niya eh ako na ang nagsasabi na pumunta na siya sa dati niyang boarding house para makabonding naman ang mga kaibigan niya.  Meron pang monthly allowance sa kanya ang mother ko.  Pag my gusto siya bilhin uutang siya sa akin hehe.  Pag may nakita din siyang mga pulubi lalo na kung matatanda binibigyan niya talaga ng pera. 

Meron din siyang mga imperfections pero tanggap ko na yun.  Basta he is the best father and best husband to me. 

Nuna

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #5 on: January 25, 2012, 10:38:53 pm »
^ seaman din hubby ko.

Super bait ng asawa ko. He puts up with me. Napaka sumpungin ko kasing tao. Pero yung asawa ko napaka maunawain, malambing, maalaga. Very responsible. Supportive din sya sa pagiging stay at home mom ko. kahit inaaway ko yan hindi nakakalimot mag i love you sakin. Sobrang magalaga asawa ko samin ni baby. Nung manganganak ako, Shinorten nya contract nya para umabot sa delivery ko. Sya nagpapaligo sakin after ko manganak. Tapos nag bakasyon sya ng 5 months para maalagaan ang baby ko.. He made sure na hindi na ganun kahirap alagaan si baby bago sya bumalik sa barko.

Like everyone else, di perfect si hubby ko but he's the best. At sobrang blessed ako talaga to have him.

icee_star

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #6 on: January 25, 2012, 10:44:09 pm »
Pare-pareho tayo mga sis. May mga imperfections man, pero natutunan na rin tayong tanggapin yun at mas piniling tingnan ang mgagandang traits nila. Ako tanggap ko na siya ang makakasama ko hanggang tumanda na kami hehe. Di man kasing ganda ng iba ang relasyon namin, alam namin pareho (lalo na niya) kung papano papasayahin ang isa't isa.

lonelymiss28

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #7 on: January 26, 2012, 05:59:43 am »
dating seaman din asawa ko pero ngayon sa opisina na sya kasi naaksidente sya dati sa barko at naoperahan sa binti.

Nuna

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #8 on: January 26, 2012, 07:18:10 am »
^ OT: oh diba ang babait pala ng mga seaman! :p

ecnarfoj

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #9 on: January 26, 2012, 07:51:26 am »
Isa rin ako sa mga maswerteng naregaluhan ng mabait na asawa. Although 1 year pa lang kami mag-BF at kinasal kami dahil preggy ako, ang bait lang talaga ni Lord at di niya ako binigyan ng sakit sa ulo. Di siya perfect (at hindi rin ako perfect) pero sakto talaga kami sa isa't isa.

Kapag walang yaya, siya na naghuhugas ng pinggan at nagluluto. At masarap magluto.
Hanggang ngayon nakaka-receive ako ng random text na "i love you" from him.
Walang buwan na lumipas na hindi niya ako dine-date.
Kapag alam niyang mag-co-commute ako, talagang inaalam niya kung nasaan na ako at kung nakarating na ba ako.
Kapag nag-aaway kami, hindi niya natiis na hindi kami magkikibuan. Mas gusto niya yung pinag-uusapan kung may problema.
Ngayon pinapayagan na niya akong makalabas with friends. (dati kasi tamad maghintay yun)
Di siya takot mag-sorry at di niya tina-take yun as nakakabawas ng pride.

serendipity02

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #10 on: January 26, 2012, 10:02:29 am »
kahit gaano ko sya pinanggigigilan..pinagkukukurot..ginigising sa madaling araw para humarap saken pag natutulog..patient sya na pinaglilihian ko sya  ;D

aquacharly

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #11 on: January 26, 2012, 10:09:16 am »
My husband is mabait. Gaano kabait, Mahirap mag rate kasi a lot of subjectivity is involved.
Paano mabait:  "madami" is my answer. 
Like, I am not gonna appreciate his doing household  chores; pero appreciate ko wala syang kibo when I hire house staff - kahit battallion yan. Pero he will not entertain complaints from me about the hired help -- mag isa ako magdusa, lol -- sige, mabait pa rin.
Hmmm, mabait coz he always covers my feet when these  stick out of the duvet/blanket.
o, di subjective,

But all I can say is -- he has been mabait  in his  own way even during those times when he brought sh1t into our lives with his philandering and the  kab1tch.  Now that the  Dark Phase of our marriage is over -- I suppose he can be categorized as  mas-mabait now.

Kayong walang masabi sa kabaitan ng husbands nyo NOW --  I am not forecasting rain in your lives...BUT IF the time should come that  Sh1t hits the fan.... sana matandaan nyo mga  list down nyo now  na mga kabaitan ng hubbies nyo.  Remembering these during troubling times will  give you more strength to fight for your relationship.  Focus on the relationship -- that is the core, not the marriage --
that's just a contract.





snowberry

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #12 on: January 27, 2012, 09:15:14 pm »
Haay, foreigner ba mga husband nyo ,hehhe.

Kasi ,most Filipino husbands ,nakaka disappoint .
Kung ang pag rate lang is gaya ng sinabi ni sis aquacharly na pag tulong sa household chores - perfect 10 asawa ko, pero it's not just the parameter.

Kung wala siyang topak, matino pero kapag bad mood or nakainom na -0 na score .

So sa question, gaano kabait si hubby .. di masyado:)

lonelymiss28

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #13 on: January 31, 2012, 12:32:43 am »
sis, canadian ang asawa ko.

snowberry

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #14 on: January 31, 2012, 08:02:52 pm »
sis, canadian ang asawa ko.

I thought so.. sabi na di Pinoy yan eh . Sorry, pero medyo negative talaga dating sa akin ng mga  Pinoy husbands  ( I know hindi lahat) . Pero sa mga nakita ko, hindi lang sa hubby ko, sa mga kakilala ko at sa sa mga nabasa ko sa mga kwento ng sisses natin dito nakaka disappoint.


virt_train

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #15 on: February 13, 2012, 05:45:06 pm »
hi everyone, if I may share also, yung husband ko naman ...from work to house and vise versa...ni hindi nga lumalabas ng bahay pag naka day off sya ...ginawang kong reference ng kabaitan no... :)

gentai_chan

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #16 on: February 15, 2012, 08:59:25 am »
Mabait in his own way. Though I know there ae numerous times na nagtampo or nagkaroon kami ng argument dahil sa pagiging moody nya it doesn't mean na di na siya mabait. He's kind enough to show me how much he loves me and my daughter. :-*

snowflakes

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #17 on: February 20, 2012, 08:26:27 am »
si hubby super bait din.. sa kaibigan nya! lol lahat binibigay kulang na lang pati ako ipamigay eh. hahaha

girl24

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #18 on: February 20, 2012, 09:53:47 am »
my hubby naman, kung ang reference eh after sh1t hit the fan, like sis aquacharly - mas mabait na... mas gumagawa sa bahay, less na ang inuman, maalaga sa anak - pag walang topak. pag mainitin ang ulo, hindi kabaitan...  ;D

kettlekorn28

  • Guest
Re: Gaano kabait si hubby....
« Reply #19 on: February 20, 2012, 11:27:44 am »
If I will rate him ng 1-10 (10 yung highest), i’ll give him 9.5. :)

My husband isn’t perfect, but he’s good enough for me.

Maldita ako, sobra. Plus napaka-moody ko pa. Napipikon din naman sya sa akin pero tatahimik lang yan. Never pa nya ko nasigawan or nasabihan ng masasakit na salita. Pasensyoso syng tao lalo na sa akin.

Wala syang bisyo. Nakakainom lang sya pag may okasyon at pag kasama mga kaopisina at boss nya. Maximum of 2 San Mig Lights, nagsusuka at di na maka-drive ng car pag lampas dun. ;D

Matulungin na tao. Kung meron din lang naman syang maibibigay na pera, kahit pa sa side ko, magbibigay talaga sya.

Sobrang maalaga. Lalo ngayon na maselan ang pregnancy ko. Kung day-off nya, uuwi na yan dito sa bahay ng parents ko (sila kasi nag-aalaga sa kin ngayon) tapos sya na mag-aalaga sa akin. Idagdag pa yung pag-aalaga sa dalawang aso ko. Nagkukusa rin sya tumulong sa household chores. Walang reklamo.

Maawain sa mga pulubi. Nagbibigay sya ng food sa kanila kung sa tingin namin eh “authentic” pulubi.


 

Latest Stories

Load More Stories
Close